webnovel

FATHER'S WILL

Kinagabihan:

Pagkapasok namin ng pintuan ng resthouse....

"Kendrick, anak" sabi ni papa sakin pero kay Azaria sya nakatingin kaya inilagay ko si Azaria sa likuran ko.

"Hindi mo pa ipapakilala sakin yang girlfriend mo? Magkaklase ba kayo? Ilang taon na sya? San sya nakatira?" sunod sunod nyang tanong sakin, pero hindi maalis yung mata nya kay Azaria, ramdam ko naman na napakapit si Azaria sa likuran ko.

"Ano ho ginagawa nyo dito? Bakit naisipan nyo pumunta dito?" Tanong ko naman kay papa

"Hindi ba ako pwede pumunta dito? Syempre para dalawin ka" sabi nya sakin, pumaling naman ako kay Azaria at hinawakan sya sa balikat sabay tingin sa mata.

"Mabuti pa ihahatid na muna kita, wag ka na muna bumalik dito, tatawagin ko na lang pangalan mo pag gusto kita makita" pabulong ko namang sabi kay Azaria, agad naman syang tumango tango sakin, agad ko naman hinawakan kamay ni Azaria at lalabas na sana kami ng pintuan ng--

"Kendrick!!!!" sigaw ni papa, kaya lumingon ako, sakto naman hinila nya ako palayo kay azaria at sinuntok ako sa mukha ng sobrang lakas, kaya napaupo ako habang hawak ko mukha ko.

"Kendrickk!!!!" takot na takot na sabi ni Azaria habang nalapit sakin kaso bigla naman hinagisan ni papa si Azaria ng tunig , kaya nanlaki yung mata nya nung umultaw buntot ni Azaria, halos mabaliw naman ang itsura ni papa sa pagkagulat.

"THEY'RE REAL "sabi nya habang nalapit kay azaria, pinipilit naman gumapang ni Azaria papunta sakin, tatayo na sana ako kaso nilapitan agad ako ni papa at hinawakan sa kwelyo ng damit sabay tulak papalayo kay Azaria, yung reaksyon ng mukha ni papa parang nababaliw na dahil sa sobrang pag kamangha.

"Kendriccckkkk!!!!" sigaw ni azaria, kitang kita sa mukha nya ang pagkatakot, kita ko rin na palalim ng palalim ang hinga nya.

"Papa!!! Pleasseeeee!! Hindi na makahinga si Azaria!!!!!" makaawa ko kay papa habang pinipilit ko lumapit kay azaria kaso pinipigilan ako ni papa.

"Anak, hindi mo alam kung gaano tayo magiging kasikat kapag lumabas to, sa kauna-unahang pag kakataon ma-eexpose ko na ang kauna- unahang sirena" bulong nya sakin habang pinipigilan nya ako lumapit kay azaria, nakita ko naman si Azaria na nakahiga na at habol na habol ang paghinga, maya maya pa may lumabas ng dugo sa bibig nya kaya nanlaki mata ko sa takot.

"Ano ginawa mo???!!!!!" galit kong tanong kay papa.

"May nilagay akong chemical sa tubig na inihagis ko sa kanya para mapaultaw buntot nya, alam mo bang ilang araw ko kayo sinusubaybayan" sabi nya sakin kaya nanlaki na lang mata ko sa kanya, hindi naman matigil sa pag ubo ng dugo si Azaria, kaya sa takot ko, hinagip ko yung kutsilyo na nakapatong dito sa may lamesa at itinutok kay papa.

"Wag kang mag kakamaling pigilan ako, hindi sila nakakaano sa atin!" maluha luha ko ng sabi kay papa.

"Kendrick hindi mo alam kung anong ginagawa mo!"sabi ni papa sakin

"No!!!! Ikaw!!! Hindi mo alam ang ginagawa mo!!!!!!" sabi ko din sa kanya, agad ko naman binuhat si Azaria.

"Wag ka mag kakamali lumapit, tatarak itong kutsilyo sa leeg mo papa" sabi ko kay papa kaya sobrang kumunot ang noo nya sakin, lalabas na sana kami ng pinto nung biglang bumagsak si papa sa sahig, napatingin ako kay Azaria blue na blue na yung mata nya. Agad ko naman dinala si Azaria sa dagat, pag kadating namin dito sa may bandang gitna, para na syang lantang gulay, lupaypay na lupaypay na sya kaya napaiyak ako, punong puno na ng dugo yung bibig nya, pati buntot nya nag dudugo na din, maya maya pa palakas na ng palakas yung alon.

"Azaria" panginginig ng boses kong sambit habang hinahawakan yung mukha nya.

"Kendrick!" mahina nya ding sambit habang hawak nya din mukha ko, tanging ilaw lang ng buwan ang tanglaw namin dalawa, bigla namang may lumitaw na babae kasabay ng malakas na alon kaya kinilabutan ako habang pinapanood syang palapit ng palapit samin ni Azaria, nakakatakot ang itsura nya. Tapos iba din ang kulay ng balat at buntot nya.

"Siren" kinig kong sambit nya habang naluha, tapos kinuha nya si azaria mula sa mga bisig ko, tapos ang sama ng tingin nya sakin, hindi ko naman mapigilan umiyak habang kita ng dalawa kong mata na dahan dahan nyang inilalayo sakin yung walang malay na katawan ni Azaria.

"Ito ang dahilan kung bakit hindi pwede umibig ang katulad namin sa mga mortal" huling sambit nung sirenang may dala kay Azaria, wala na lang ako nagawa kundi umiyak at sumigaw. Wala ako nagawa kundi tanawin si Azaria at yung babae na palayo kasabay ng malalakas na alon.

Nächstes Kapitel