webnovel

VOICE OF THE SIRENES

Napatingin naman ako sa mata nya, nanlaki na lang din mata ko dahil yung kulay brown nyang mata naging kulay gray na, tapos yung buhok nya medyo ma brown na maabo, tapos yung may parteng dibdib nya may parang kaliskis na nag mistulang bra na nakapalibot sa ano nya, basta alam nyo na kung ano.

"Natatakot ka ba sakin?" malungkot nyang tanong

"H-h-hindi n-n-aman, n-a- g-gulat l-ang a-ako" bulol na sagot ko sa kanya.

"Ikaw lang ang unang mortal na pinag pakitaan ko ng tunay kong itsura" malungkot nyang sabi kaya hinawakan ko agad mukha nya.

"Wag ka malungkot, hindi ako natatakot o ano pa man sayo, nagulat lang ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon, sa hinaba haba ng panahon napatunayan ko sa sarili ko na totoo kayo" paliwanag ko sa kanya habang nakatingin sa mala abong kulay nyang mata, napangiti naman sya sakin.

"Ipapakita ko sayo kung pano mo maririnig ang ibang kauri namin" sabi nya, tapos hinawakan nya kamay ko. Hindi naman maalis mata ko sa kanya habang pinapanood ko sya lumangoy.

Hindi ako makapaniwala na masasaksihan ng dalawa kong mata itong ganitong mga bagay, hindi ko akalain na totoo mga sinasabi ni Sir, at ngayon kasama ko pa at masasabi kong napaibig ako ng isang nilalang na kailanman buong buhay ko hindi ko pinaniwalaan, napalingon naman sya sakin, saka lumangoy papalapit at hinawakan mukha ko, nanlaki na lang mata ko nung hinalikan nya ako para bigyan ng hangin, pagkakalas nya sa labi ko, ngumiti sya sakin kaya automatic napangiti na lang din ako.

Lumangoy naman sya pababa papunta sa may butas kaya agad ako sumunod.

Pagkapasok ko...

Lumapit naman agad sakin si Azaria at yinapos ako saka ako inilangoy papasok dun sa may makipot na butas papasok sa kabilang parte nitong nilalanguyan namin, damang dama ng katawan at binti ko yung mga kaliskis nya, hindi ordinaryong kaliskis na matitigas, sobrang lalambot ng kaliskis nya na akala mong unan sa lambot yung buntot nya.

Pagkaahon naming dalawa, agad nya naman ako tinulungan umakyat sa bato, tapos sya naiwan dun sa tubig habang nakaupo din sa may lapad na bato, tapos ikinakampaw nya yung buntot nya, kaya mas lalo ako namangha, nilinga linga ko naman itong kweba na pinasukan namin,

Saka ako pumunta sa katabi nya , sabay upo.

"San tong lugar na to?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw pa lang ang unang mortal na nakapunta dito, walang nakaka puntang mortal dito dahil dun sa butas na pinapasukan natin kanina, nalulunod na sila, kaya yinapos kita para ipasok dito" paliwanag nya sakin, medyo kinilabutan naman ako, naku, kung siguro ako lang mag isa pumunta dito for sure pulutan na ako ng mga pating.

"Lagi ako andito kapag nalulungkot ako, napunta ako dito para pakinggan yung ibang tinig ng mga sirena kagaya ko" sabi nya, tapos medyo pinakinggan ko naman itong buong kweba kaso wala akong naririnig.

"Huh? Wala naman ah" sabi ko sa kanya, hinawakan nya naman yung mukha ko saka tumingin sa mata ko kaya napakurap kurap ako, sobrang ganda talaga ng mata nya.

"Handa ka na ba marinig?" tanong nya sakin, kaya tumango tango na lang ako.

"Pumikit ka" sabi nya, kaya agad ko naman sinunod. Pag kapikit ko, ramdam ko na lang na lumapat labi nya sa labi ko, saktong pag kalapat ng labi nya, may mga tinig akong narinig kaya sa gulat napahiwalay ako ng labi ko sa labi nya.

"Nakinig mo?" Nakangiting tanong nya sakin, nanlalaki namang mata akong tumango sa kanya.

"Pano nangyari yun? Ibig sabihin maririnig ng isang mortal kagaya ako ang mga kauri nyo sa pamamagitan ng halik ?" agad kong tanong sa kanya, ngumiti naman sya sakin at tumango.

Nächstes Kapitel