Maxin POV
Iniwan ko si Henry habang ako ay umiiyak at nagtungo ako sa aking silid upang kunin ang aking mga gamit.
Aalis na ako sa bahay nina Henry.Masakit man sa akin ang nangyari alam kong makakabangon rin ako.
"Maxin buksan mo ang pinto ngayon din"Sigaw nito habang nasa harap ng pinto ng aking silid.
Hinabol niya kasi ako kanina habang umiiyak na tumatakbo.
"Parang awa mo na , buksan mo ang pinto" Ang pakiusap ni Henry at base sa tono ay umiiyak din ito.
Naging iyakan ang nangyari sa silid na iyon.
"Henry!"Sigaw ng isang babae na parang nabigla sa kanyang nakita
"Aunty Cora si Henry nag collapse tumawag ka ng bumbero ngayon din" Bilin nito
Para akong natupakan ng malaking bato sa aking narinig.
Lumabas ako sa aking silid at nakita si Henry na nakahandusay na walang malay habang ang kanyang mga mata ay pulang pula dahil sa pag iyak nito.
Sa mga oras na iyon nagsisi ako dahil di ko manlang pinakinggan ang paliwanag nito.
"Henry Im sorry ,bumangon ka na diyan, huwag mo akong iiwan" ani ko sa kanya habang umiiyak na hinahawakan ang kanyang mukha.
"Pinsan niya ako kaya sana huwag ka ng magselos . Yan sana ipapaliwanag niya sayo " ang paliwanag niya na aking ikinabigla
"Be ang tawag ko sa kanya dahil nakasanayan na namin ito mula pagkabata" dagdag pa nito
Nakakahiya ang aking naging kilos
kung kaya ay di ako makatingin sa kanya.
"Napaka immature ko, siguro di talaga ako para sa kanya. Im sorry " ang sabi ko at paghingi ko na rin ng kapatawaran.
"Huwag mong sabihing di ka niya mahal.Nauunawaan ko kong bakit mo yon nagawa kasi mahal mo siya Maxin.Kung ako ang nasa sitwasyon mo ganon din ang gagawin ko"Paliwanag nito
"Kaya tahan na magiging maayos din si Henry. Sakit niya yan pag nakakaramdam siya ng sobrang sakit nahihirapan siyang huminga kaya nag cicollapse ito" dagdag pa nito
So meaning labis siyang nasaktan na di ko siya binigyan ng time na magpaliwanag.
"Henry pinapangako ko magiging mabuti akong girlfriend sayo kaya please bumangon ka na" ang sabi ko habang yakap yakap siya.
"Nandito na po ang ambulance" ang sabi ni Aunty cora habang hingal na hingal na papunta sa amin.
Nang matapos ma check ng mga doctor si Henry ay lumabas ang isa sa kanila.
"Sino po dito ang guardian ng pasyente ?" Ang sabi ng doctor
"Me how is my son?" Sagot at tanong nito
"Okay na siya maam kaya huwag na kayong mag alala, everything is okay" sagot ng doctor na nasa ka edad ko lang.
Yung bigat na nararamdaman ko kanina ay nawala ng marinig kong ayos na ang kaligayan ng mahal ko.
"Iha ikaw na mo na magbantay sa kanya may gagawin pa kasi kami ni Jane its all about our company" ang bilin niya sa akin
"Tumawag ka pag nagising na siya" dagdag pa nito habang paalis na sila.
Tumango lang ako bilang sagot marahil ay dahil sa pagod na rin.
Habang palapit ako sa kama ni Henry di ko mapigilang umiyak.
Naaawa ako sa mahal ko
Umupo ako sa may tabi ng niya at hinawakan ang mga kamay nito.
"Henry nahal na mahal kita kaya pagaling ka a" sabi ko sa kanya habang panay ang pagpatak ng aking mga luha.
Parang di na ata nauubos ang aking precious tears.
"Bakit namiss mo ba ako" tinig na aking narinig at boses ni Henry
" Henry buti naman at gising ka na, nasaan ang masakit?" Ang sabi ko sa kanya habang patingin tingin sa kanyang katawan kong ayos lang ba talaga ito.
"Max tumingin ka sa akin " sabi niya at tumingin nga ako sa kanya
tinitigan niya ako at mayamaya ay hinila ako at bigla niya akong siniin ng halik.
Muli nag away ang aming mga dila at nilalasap namin ang tamis ng aming pagmamahalan.
"Im sorry" ang sabi ko sa kanya
"Bakit ka humihingi ng tawad , bheb umiyak ka na naman ba ? ayaw kitang umiiyak kaya please huwag ka na umiyak" pakiusap niya ginaya pa ang boses ng isang bata.
napaka bibo talaga nito
hehehe
"ikaw talaga bheb "ang sabi ko at tumawa ng malakas.
as usual tumawa din siya.
Tinawagan ko si tita ng matapos kaming mag usap kay Henry.
Nang dumating siya kasama si Jane nagpaalam ako sa kanila na mag ccr .
Alam kong kailangan din nila ng privacy kaya yun na kang naisip kong paraan.
Pero pagbalik ko ay bubukdan ko na sana ang pinto ng marinig kong
"Iho kailangan mo ng maikasal kay Maxine para na rin sa kinabukasan ninyong dalawa at ng magiging anak niyo" sabi ni tita
what maikasal
ako
"Mama pero alam kong hindi mauunawaan ito ni Maxine,masasaktan ko na naman damdamin niya" Sagot naman ni Henry na iniisip ang aking damdamin.
"Pero iho how about our company mawawala na lang ba ng ganoong kadali" paliwanag nito
Tama si tita ipinundar ito ng kanyang asawa kaya alangan naman na mawawala na lang ito ng basta basta na lang.
"Mama " maikling tugon nito sa kanyang ina
"Kailan natin sasabihin kay Maxine ang lahat?" Tanong naman ni Jane
"Huwag niyo ng sabihin" sabi ko
Labis silang nabigla sa aking pagdating.
"Maxine"sabi ni Henry na nag aalala na naman at ayaw kong ma ospital na naman ito.
diba nasa ospital na nga kayo
ano ba gurl
" Narinig ko ang lahat" ang sabi ko at nakayuko lang sina tita at jane habang si Henry naman ay nakatingin sa akin
"Ano ba naman yang mga reaksyon niyo. Sa tingin niyo ba manggugulo ako" sabi ko sa kanila at sabay sabay silang tumingin sa akin
"Oo na pumapayag na akong maikasal sa taong yan" sabi ko habang nakangiti
Bigla akong niyakap ni tita at pati narin si Jane
"isama niyo ako" singit naman ni Henry
"hindi pa pwede baka mabinat ka pa diyan"sermon ko sa kanya ahaahhha
"Iha thankyou so much for your understanding" pasasalamat ni tita
"Im so proud of you Maxine ,napatunayan mo na karapat dapat ka sa lalaki na yan " dagdag naman ni Jane
"Aba karapat dapat naman talaga ako a" ani ni Henry at nagtawanan kami.