Henry POV
Kung alam ko lang sana na ganito mangyayari. Edi sana hindi ko na tinanong ang bagay na iyon.
Nalulungkot ako dahil nasaktan ko na naman ang damdamin ng taong mahal ko. Kung maaari lang sana na aminin ang nararamdaman kong ito.
Pero hindi pa maaari dahil alam Kong marami pang pangarap si Maxin na dapat matupad.
Kaya maghihintay ako .
Gaano man katagal
titiisin ko
Ngayon hinahabol ko na naman siya. Ang bilis niya talagang tumakbo. Pero kahit anong mangyari, kahit itaboy pa niya ako hindi ako susuko na mahabol siya.
Gusto ko ng mag sorry sa kanya.
Ayuko ng ganito.
Ayuko na malungkot ang taong nagpapasaya sa akin.
takbo ako ng takbo na parang isang aso. Hanggang sa wakas narating ko na rin ang falls at totoo nga maganda dito, para ba itong paraiso na hindi maipaliwanag ang kagandahan na parang si Maxin.
Hmmmm
"Maxin nasaan ka? Paulit ulit Kong sigaw sa kanya
Pero Wala paring sumasagot
Baka nag iba siya ng direction,baka hindi siya pumunta dito . Mga bagay na gumugulo sa aking isipan.
Pero hindi parin ako mawawalan ng pag asa .Alam kong mahahanap ko din siya .
Sigaw ako ng sigaw na parang isang bata na naliligaw sa pasyalan.
"Maxin parang awa mo na"
"I'm sorry"
"Hindi ko sinasadya na tanongin Ang bagay na iyon"
Mga salitang nabitawan ko kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.
Aalis na sana ako sa lugar na iyon pero meron biglang umungol na para bang nasasaktan sa sakit.
At bigla akong kinabahan
Hinanap kong saan nanggaling ang ingay na iyon.
Hanggang sa may napansin akong malaking bato sa may tabi ng malaking puno.
Kaya dali dali akong pumunta doon. Hindi pa ako doon nakararating ng meron akong nakitang mga patak ng dugo sa mga bato pamunta sa malaking bato.
Doon na ako kinabahan ng sobra
"Max! " sigaw ko sa pangalan niya
Dali dali akong pumunta sa bato na iyon.
"ah ! Aray ! " Sabi ng familiar na boses na narinig ng aking mga tenga.
Halos ang boses na iyon ay hindi na marinig dahil na siguro sa sobrang paghihina.
Hindi nga ako nagkamali ng madatnan ko ang likod ng bato na iyon.
Nakita ko ang isang babae na duguan at may mga sugat sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Parang gusto ko ng suntukin ang mga bato na nasa paligid
Para saganoon ay maramdaman ko rin ang nararamdaman na sakit ng taong mahal ko ngayon.
"Wooooo! " Sigaw ko dahil na rin siguro sa lungkot na nararamdaman ko.
"Henry " ani ni Maxin
"Maxin " Ang nasabi ko din sa kanya at agad ko siyang tinabihan .
"Henry I'm sorry" paghingi niya ng tawad pero hindi kasi kasalanan ko ang lahat ng ito.
"Maxin huwag ka na muna magsalita.Baka ano pa mangyari sayo" paliwanag ko sa kanya.
Nagpaalam ako sa kanya at agad akong naghanap ng halamang gamot.
Hindi ako nabigo dahil marami sa lugar na iyon kaya naman agad akong bumalik sa kinaroroonan ni Maxin.
Pagkarating ay hinubad ko ang aking damit pagkatapos ay kinuha ko ang mga halamang gamot at piniga.
"Henry anong ginagawa mo? " Ang tanong niya sa akin
"Pinipiga ko ang mga halaman na ito para itapal sa mga sugat mo " Ang sagot ko sa kanya
Nakatingin siya sa aking ginagawa na aking ikinailang.
Ikaw ba naman ang titigan mula ulo hanggang paa.
"Ang lalaki ng abs mo , Paano mo yan ginawa? " Tanong niya na aking ikinabigla.
"Max pati ba naman ngayon.Lumalala na naman pagka tomboy mo" Ang nasabi ko na lang sa isip ko.
Ayukong sabihin sa kanya baka magtalo na naman kami.
" Huwag Kang magsalita diyan baka mabinat ka pa" Ang sabi ko na lang sa kanya.
"Cheee" pagsusungit niya
Natatawa ako dahil nagsungit na naman ang tomboy niyo.
Pero ang kyut
My heart is jumping jumping
Hahaha
"Oh ! tapos ko na to " Ang sabi ko sa kanya
"Mahapdi ba yan ? " Tanong naman niya
"Kunti lang naman " paliwanag ko sa kanya
Ang kyut talaga niya para siyang bata na pinipilit bigyan ng gamot pag nagkasakit.
"Promise mo yan a" Ani niya
"Oo promise " Sabi ko
Natuwa ako dahil pag nilalagyan ko ang sugat niya ng halaman gamot ay pumipikit siya.
Sa mga oras na iyon kulitan at tawanan ang namayani sa amin.
Parang wala lang ang nangyari pinatawad niya ako at iyon ang labis kong ikinagalak.
"Uwi na tayo " Ang sabi ko sa kanya
"Ahh ganon ba " Ani naman niya at tatayo sana pero pinigilan ko
"Huwag Kang tatayo, bubuhatin kita "
Ang sabi ko sa kanya na kanya namang ikinabigla.
Para siyang natamimi sa nasabi ko na iyon.
Biglang pumula ang pisngi niya
Napangisi na lang ako
"Bakit ayaw mo ba?" Ang tanong ko sa kanya
"Ha ! Gusto ko malamang , ano namang masama lalaki naman tayo" Palusot niya haha
"Feeling lalaki" Sabi ko
" Anong Sabi mo? " Tanong niya
"Ang kyut mo " paglalambing ko sa kanya
"Cheee" Pagsusungit na naman niya
Pero okay lang
Buhat buhat ko nga siya at sobrang ang bigat niya buti na lang at may matipuno akong katawan.
"Siguradong nag aalala na si kuya " pag aalala ni Maxin.
"Oo nga eh, baka hinihintay na niya tayo o baka naman umuwi na" tugon ko sa kanya
" Marahil nga" Ani niya
Marahil ay nakahanap na siya ng prutas na aming kakainin . At hindi nga kami nagkamali nandoon siya naghihintay at kitang kita sa mukha niya ang labis na pag aalala.