webnovel

Chapter 1

Magmula noong linuko ako ng

Isang lalaking minahal ko ng lubos ay pinangako kung hindi na ako magmamahal muli.

Ako nga pala si MAXIN VILLARITY ang dakilang tomboy sa lugar namin.Hindi ko tuluyang maisip na sa isang pagkakataon

Nasaktan ako na naging dahilan kung bakit nagbago ang aking pagkatao.

"Anak gising na ! "sabi ng nanay kung ubod ng ganda at bait sa amin ni kuya JOHN VILLARITY di ko alam kung bakit wala pa siyang girlfriend pero marami daw humahanga at nagkakagusto sa kanya dahil sa angking kagwapohan nito.

Kahit wala kaming ama na nasilayan magmula noong kami ay pinanganak,laking pasasalamat namin kasi binigyan kami ng panginoon ng inang mabait at responsable.

"Bilisan mo diyan ! punta ka sa canteen para bumili ng mantika dalihan mo ah"ani ni nanay kaya naman agad akong pumunta para kunin ang perang pambili ng mantika.

habang naglalakad ako ay may narinig akong tumawag sakin.

"Maxin"paglingon ko ang makulit kong kaibigan na si JEJE DOLIDO ang napakulit kung kaibigan. Mula kasi noong bata pa kami ay laging kami na ang magkasama,siya din ang una kung pinuntahan noong ako ay na heartbroken.

"Ikaw a nangbibigla ka kala ko kung ano na yun ikaw pala"ani ko sa kanya na may kasamang ngiti jajajjajjjaja.

"best naman ikaw a nakalimutan mo na ya ta ako"ani niya na may pagtatampo, naku po ang kaibigan kung ito bakit ko naman siya makakalimutan.

"Huwag ka ng magtampo ,bestfriend kaya kita tara sa canteen samahan mo ako may pinamili lang si nanay sakin"sabi ko sa kanya at agad namang sumunod sa akin.

"Best kamusta na pala kayo ng boyfriend mo?bigla na lang nalungkot ang kanyang mga mata sa aking nasabi " Naku break na kami maxin dahil sa babae niya nakakainis nga ehh dahil sa mismong harapan ko pa hinalikan yung babae na pinalit niya sakin, kaya yun break ang nangyari"

"Pag ibig nga naman, diyan ka muna bibili lang ako ng mantika"

Pagkatapos kaming magkwentuhan ay agad akong umuwi sa bahay.

Pagdating ko talaga namang napagalitan ako kay inay kasi nga angtagal ko sa canteen.

"Bakit ka lang ngayon ! tignan mo hindi pa ako nakakapagluto"ani niya sakin.

Ganyan talaga ako makakalimutin pero hindi ibig sabihin na matanda na ako.I am 18 years old pa jajjajjajajajajajjajja.

"Nay pasensya na po kayo hindi na po mauulit. Si jeje po kasi na kaibigan ko dumating dito sa ating probinsya kaya ayun nagkwentuhan kami tapos hindi ko na po namalayan na isang oras na pala kaming nandoon.SORRY PO TALAGA"

Pagpapaliwanag ko at yun naunawaan naman niya kasi bihira na kasi kaming magkita ng bestfriend ko dahil hindi pareho ang paaralan na pinapasukan namin.

"Huyyy:::"muntikan na akong mapatalon sa sinabing yun ni kuya,naku po kung meron na yata akong sakit sa puso matagal nasiguro akong namatay sa atake jusko po.

"Ikaw a kuya nangbibigla ka"ani ko sa kanya na may kasamang pagtatampo.Ganyan talaga ako sa kuya ko bihira kasi siyang umuuwi dito sa amin kasi busy sa pag aaral sa kursong police.

"Jajajajaja ikaw talaga bunso ang galing mong mag react,para kang artista"yan talaga ang pinaka gusto ko sakanya mapaglambing.Swerte talaga ng mapapangasawa nito.

"Kuya ngayon mo lang ba nalaman,mukha kaya akong artista ang gwapo ko gushh"

Sabi ko sa kanya na may kasamang tawa,tignan lang natin ang kuya kong ito hahahahha.

"Gwapo talaga bunso?hindi maganda,"ani niya sakin kaya naman bigla akong namutla,bakit ba kasi binabalik pa niya ang nakaraan sabi nga nila PASS IS PASS NEVER COMEBACK.

"Kuya please lang huwag mo nang ipa alaala ang nakaraan,basta kailan man hinding hindi na ako iibig,tandaan mo yan kuya"

Sabi ko sa kanya habang kumakain sa mga pasalubong na dala niya.

"Bunso kailangan mong ibukas muli ang puso mo kasi hindi sa lahat ng pagkakataon masasaktan ka"ani niya sakin.

Pero di ko na lang pinansin ayaw ko kasing humantong pa sa di namin pagkakaunawaan. Pagkatapos naming kumain ng pananghalian at kwentuhan ay nagpaalam na ako kay nanay at kuya na matutulog na.

Habang nasa kama ako ng aking maliit lamang na kwarto ay napaisip ako sa mga sinabi ni kuya kanina "totoo kaya yun"sabi ko sa isip ko.

Hanggang sa nakatulog na ako.

KINABUKASAN

Nagising ako sa malakas na boses ni nanay na nanggagaling sa labas ng aking pintuan.

"Anak bangon na diyan.May bisita ka kanina pa siya nandito magbihis ka na dalihan mo"ani niya sakin at agad naman akong bumangon at pumunta sa banyo para maghilamos.sino kaya ang bisitang sinasabi ni nanay?

Pagkatapos akong nagbihis ay pumunta ako sa sala at laking gulat ko ng makita ko si jeje na luhaan ang mga mata.

Agad naman akong humarap sa kanya upang tanungin kung ano ba ang nangyari at yun nga nasa hospital daw ang kanyang ama dahil sa sakit sa puso.

"Ano na ang plano mo ngayon best"ani ko sa kanya na tinapik yung likod niya para pakalmahin ang nararamdam nitong lungkot na minsan naramdaman ko din.

"Maxin luluwas muna ako para sa tatay ko,babalik din lang naman ako"sabi niya na humahagulgul sa pag iyak.Alam ko ang pakiramdam na mawalan ng ama.

"Best nakikiramay ako sa pagkawala ng tatay mo,alam ko na saan man siya naroroon ngayon ay masaya siya.kaya huwag ka ng malungkot"

"SALAMAT talaga maxin sa lahat lahat ng tulong mo tunay kang kaibigan"sabi niya na lumuluha kasabay ng pagyakap niya sakin.

"Tahan na jeje paki sabi ulit kay tita emelia na nakikiramay kami sa pagkamatay ni tito carlo.

"Aalis na ako" ani niya

"Mag iingat ka sa byahe"sabi ko naman sa kanya.

Habang si nanay patakbo na lumapit kay jeje meron ata siyang ibinigay na kaperaso ng papel.Naku po ang lungkot lungkot ng kaibigan ko una linuko siya ng taong mahal niya ngayon naman ang pagkamatay ni tito carlo,pero masasabi ko paring ma swerte ang kaibigan ko sapagkat meron siyang amang mabait at mapagmahal hindi kagaya ng tatay kong babaero na nga iresponsable pa gushhh.Nang nakaalis na si jeje pinuntahan ko si nanay sa tabi ng gate para tanungin kung bakit wala si kuya .

"Nay bakit po wala si kuya??"

Tanong ko sa kanya.

"Ah tumawag kasi yung kaibigan niya kanina noong tulog ka pa meron daw silang gagawing project kaya ayon di mo naabutan" ani niya sakin

at pumasok sa loob ng bahay dahil marami daw siyang gagawin habang ako naman ay magdidilig na lang ng mga bulaklak sa harden.Habang nagdidilig napaisip ako kong kamusta na kaya ang kaibigan ko,ano kaya ang ginagawa niya ngayon?siguro kong nandito siya ang saya saya pero anong saklap naman kasi ang nangyari.pagkatapos kong magdilig sa mga bulaklak ay naisipan kung mamasyal kaya naman agad akong nagbihis,naka short ako,and ofcourse T shirt.magpapaalam na muna ako kay nanay para sa ganon hindi na naman mag punic.

"Nay aalis po ako mamamasyal lang po"sabi ko sa kanya at nag tumbs up lang bilang sagot nasa kusina kasi siya may kausap sa cellphone,kaya naman sinimulan ko na ang paglalakad .kina tita uring na lang ako pupunta.malapit lang naman ang bahay nila katabi ng nag iisang canteen dito sa amin.si tita uring ay kapatid ni nanay nakakatawa nga sila kasi para silang mga nata kung maglambingan.

Di ko na lang pala namalayan na nandito na ako sa tapat ng bahay ni tita kaya agad akong nag doorbell.habang hinihintay ko ang pagbukas ng gate ay napatingin ako sa nag iisang canteen may mga lalaking nag iinoman at malamang si raul ang isa doon talaga namang hindi parin nagbago ang lasinggero sa lugar na to.pero may napansin ako may kasama silang gwapo ,macho,ang puti ng kutis at mukhang mayaman.

ERASE ERASE ERASE ERASE

Di ba tomboy ako,babae gusto ko no.mas gwapo kaya to.

"Huy ate maxin ikaw pala pasok"

Muntikan na akong mapatalon .....hushhhhh...

"Ikaw a nangbibigla ka tignan mo muntikan na akong mapatalon,at isa pa hindi ako ate"ani ko sa kanya at tinawanan lamang niya ako ,siya si Romeo nag iisang anak ni tita uring second year highschool meron ding kagwapohan like me hahahahahahahaha.

"Uyy ate ay kuya pala tignan mo oh tinitignan ka ng lalaki "sabi niya na may kasamang panunukso.ito talagang bata may gushhh ang hilig hilig sa love."pasok na nga tayo"pero bago kami pumasok lumingon ako sa canteen at laking gulat ko ng makita ang lalaki na nakiting sakin pero umiwas din ng tingin ng makita ko siya.Ano ba ang Trip ng lalaking ito.

Pagkapasok namin sa bahay ni tita uring ay nakita ko siyang abala sa panonood ng tv na pinamagatang TADHANA ang hilig talaga niya sa mga ganitong palabas.Pero para sa akin hindi totoo ang tadhana kasi kong may tadhana ide sana masaya pa ako ngayon.Pero hindi dahil kusang tadhana na ang lumalayo.

"Maxin nandito ka pala  maupo ka"sabi ni tita uring sakin na agad pumunta sa kusina para kumuha daw ng miryenda kaya naman dalawa lang kami ng pinsan ko dito sa sala.kaya naman ito na ang pagkakataon ko para magtanong sa kanya tungkol sa kanyang lovelife pero ayon wala daw nino man ang nagugustuhan niya.Natawa na lang ako.

Ang cute niya talagang bata lalo na kapag ina asar mo. ajajjajajjajajjajajjajajajjajjajajja

Busy siya ngayon sa paglalaro ng coc habang ako naman ay tulala ka iisip sa lalaking yun."Bakla ba yun?"sabi ko sa isip ko kasi naman kong makatitig para na akong artista siguro nga nagwagwapohan sakin o di kaya epekto ng alak.hushhhhhh ERASE ARASE

Hindi pwedeng mainlove no way !at isa pa BAKLA yun jajajajajjajaja

Di ko na namalayan na palapit na pala si tita uring sa amin.habang ako parin ay tulala at si romeo naman ay naglalaro parin kaya pareho kaming nabigla ng...

"Huyyy mag miryenda muna tayo,itigil mo muna yan romeo"

Ani niya at agad naman siyang sumunod sa utos ni tita uring.

Pagkatapos kaming magkwentuhan,asaran at ano ano pa ay napag desisyonan ko na umuwi na kasi 4:30 na ng hapon baka nag aalala na si nanay kaya nag paalam na ako sa kanila.

"Pakisabi kay ate na kinakamusta ko siya"ani niya at may inabot sakin pasalubong ko daw kay inay ang bait talaga niya.

"SALAMAT po dito siguradong kakainen ni nanay lahat to kasi alam niyang luto ninyo"

oo tama ang narinig niyo mahilig talaga siyang magluto.May sarili nga siyang maliit na kainan.kaya ayon gumaganda ang daloy na kanilang pamumuhay.

"Ingat ate Maxin kuya pala "

Kinidyatan ko na lang siya nakakatuwa talaga tong batang to.

Pero bago ako makaalis sa labas ng gate ay tumunog ang cellphone ko kaya naman wala akong nagawa kundi tignan kong sino ang nagtext at............

"NANAY"

Bago ka umuwi bili ka nga ng alak,dumating kasi ang kuya mo kasama ang mga kamag aral.

"AKO "

Opo nay

Nasabi ko na lang ,naku po inoman na naman sa bahay siguradong mapupuyat na naman ako nito hushhhhhh.Ano ba kasi ang masarap sa alak my gushhh.Kaya wala akong magagawa kundi ang pumunta sa canteen.

Hanggang ngayon ba naman nandito parin sila.oh!my gushh ang tindi naman ng mga sikmura ng mga to.

"Wetwehhh "sabi ni raul habang papunta ako sa harap ng canteen.

ang bastos talaga ng taong ito. Isa pa talaga ma uupakan ko na to.

"Maxin ang ganda mo sana , pero tomboy ka naman kasi sayang" at talagang tinawanan nila ako pati yung Bakla na yun.kaya hindi na ako nakapagpigil pa lumapit ako kay raul at pinag susuntok ang walang hiyang mukha nito habang ang mga kasamahan naman niya ay inawat ako at pati narin siya.

"Bastos walang modo,kapal ng mukha mo"nasabi ko na lang at kitang kita ang pagkabigla ng mga kasamahan nito lalong lalo ng yung Bakla hmmmmmm.

"Buti nga sayo raul at yan lang ang natikman mo"nasabi ko na lang at iniwan silang tulala.ngayon naman siguro nakita niyo kong gano ako kalakas.

"Ali pabili nga po ng alak"

Kitang kita sa mukha ng tindera na gulat siya sa sinabe ko.

"Hindi po ako ang iinom si kuya po at kamag aral nito"

Pagkatapos kong mabayaran ang pinamili ko ay yan na naman ang Bakla nakatitig sa akin.ano ba ang trip nito.

"Maxin iinomin mo ba yan" talagang hindi nakuntinto ang tao sa suntok ko kanina gusto ata ng second chance.susuntukin ko na sana siya pero may kamay na humawak sa kamay ko para pigilan ito at ramdam ko ang init na nanggagaling sa kanyang mga kamay.

At sa paglingon ko si Bakla.parang hindi ako makagalaw lalo na noong humarap siya sakin at iniharap ang mukha niya sa mukha ko at sinabeng.

"Ang ganda mo" muntikan na akong mahimatay sa sinabe niyang iyon "oh my gushh ano ba tong nangyayari sa akin" nasabi ko na lang sa sarili ko at agad ko naman itinulak si Bakla.Akala niya siguro papatulan ko siya.

"Huyyy Bakla remind ko lang sayo hindi ako maganda,naiintindihan mo gwapo ako,"nagtawan ang mga gago sa sinabe ko lalong lalo na si Bakla na mawawalan na ng hininga sa ano mang oras kung hindi ititigil ang kakatawa.

"Makaalis na nga" nasabi ko na lang at iniwan silang tawa ng tawa.Hushhhhhhh ganon ba talaga ang epekto ng alak.

Nächstes Kapitel