webnovel

Chapter Four

Sino kayo?" takot na wika ni Aya at nang kaibigan nito nang harangin sila nang mga di kilalang lalaki. Matapos ang klase nagpunta silang dalawa ni Alice sa bahay na parati niyang pinupuntahan. Habang papauwi sila bigla silang hinarang nang mga dikilalang lalaki. Si Snow naman ay nasa unahan nila at nangangalit sa mga lalaki habang panay ang tahol.

Naalarma Sila nang biglang bumukas ang pinto nang van at lumabas ang mga lalaking may takip ang mukha. Tinangka nilang tumakbo ngunit bigla siyang hinawakan sa kamay nang mga lalaki. Sinugod ni Snow ang mga lalaki ngunit pinigilan ni Aya ang aso niya. Natatakot siya gaya nang dati may mangyaring masama sa alaga niya. Ayaw niyang maulit ang pangyayaring may isang mahalagang parte nang buhay niya ang mawala sa kanya.

Pilit silang isinama nang mga lalaki ngunit nag pumiglas si Aya. Nagawa niyang makawala sa mga ito dahil sa tulong ni Snow, kinagat nito ang kamay nang isang lalaki kaya siya nabitiwan, ngunit hindi agad siya nakalayo dahil hawak nang mga ito ang kaibigan niya. Kahit gustong tumakbo ni Aya hindi niya magawa dahil sa pag-aalala niya sa kaibigan. Dahil naaninag niya ang kinalalagyan ni Alice at nakikita din niyang nagpupumiglas ito, sinugod niya ang lalaking may hawak kay Alice dahilan upang mabitiwan nito ang dalaga.

"Alice takbo!" wika ni Aya. Agad namang tumakbo si Alice ngunit hindi si Snow.

"Snow please tumakbo ka na." mangiyak-ngiyak na wika ni Aya. Akmang susugurin ni Snow ang lalaki nang biglang binarily nang lalaki ang paanan nang aso hindi nito tinamaan ang aso. "Snow."mahinang wika ni Aya dahil sa labis na takot. Narinig niyang kumahol ang aso palatandaan na okay lang ito.

"Snow, tumakbo ka na, hanapin mo si Alice, puntahan niyo si kuya." Wika ni Aya. Hindi niya alam kung maiintindihan ba siya nang aso niya pero iyon lang ang nakikita niyang paraan. Kumahol nang malakas ang aso bago nagsimulang tumakbo.

Nakatakas si Alice at Snow ngunit nahuli naman siya nang mga lalaki, sinubukan niyang muling manlaban at magpumiglas. At dahil sa panlalaban niya sinuntok siya sa sikmura nang isang lalaki dahilan para mawalan siya nang malay.

Nakita ni Snow si Alice na nakatago sa isang sulok. Nanginginig ang buong katawan nito. Nang Makita nito si Snow agad itong pumalahaw nang iyak. Panay naman ang kahol ni Snow sa dalaga.

"Arg!" daing ni Dranred at biglang napahawak sa tenga niya. Bigla na lamang may kakaibang tunog siyang narinig. Isang nakakabinging tunog sapat upang makabasag nang mga salamin.

Nasa gitna siya nang meeting kasama ang mga tauhan niya. Pinag-uusapan nila ang kidnapping at pagpatay na nagaganap at kung may kinalaman ito sa mga rebelde na tinutugis nila. Hanggang ngayon wala pa silang lead sa kung sino ang mga kidnapper na ito. Sinubukan na nilang I-track down ang mga black market syndicate ngunit na bigo silang makita ang mga biktima. Sa kasalukuyan may 5 dalagang nawala pa habang 2 naman ang natagpuang bangkay.

"Captain?" Nag-aalalang wika Julianne nang makitang namimilipit sa sakit ang binata habang hawak ang tenga.

Habang namimilipit si Dranred sa sakit nakita niya ang mukha nang dalagang si Aya Hindi niya alam kung bakit mukha nito ang nakita niya. Noong nakaraan naramdaman niyang nasa panganib ito, ngayon naman nakikita niya sa isio niya nag mukha nito at tela ba may masamang nangyayari sa dalaga. Ilang saglit pa bigla ding nawala ang kakaibang tunog.

"Captain? Are you okay?" tanong ni Eugene. Taka namang napatingin si Dranred sa binata.

"I-I'm okay." Wika niya at umayos sa pagkakaupo. Makikita ang butil nang pawis sa noo nito.

"Are you sure? Hindi mo ba kailangan nang doctor.?"

"No I don't need one. Okay lang ako." Depensa nang binata. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin noon ngunit hindi maganda ang pakiramdam niya. Anong gulo na naman ang napasukan niya? Tanong nang isip ni Dranred na ang iniisip ay si Aya.

"Seems like are are sick. Are you sure you're okay?" Tanong ni Eugene.

"I am. Let's continue." Wika ni Dranred na hindi binigyang pansin ang nangyayari sa kanya. His subordinate will be in shock kung bibigyan niya iyon nang importansya may ibang bagay silang dapat inaasikaso.

Alice? Snow?" takang wika ni Julius nang dumating si Alice sa opisina nang phoenix umiiyak ito ang nanginginig. Agad naman nilapitan ni Meggan si Alice at pinaupo. Kumilos din si Ben upang kumuha nang tubig at inabot sa dalaga. Napansin nang mga miyembro nang phoenix ang pagdating nang isang dalaga at isang malaking aso kaya naman agad nila itong nilapitan.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Meggan sa dalaga. Hindi sumagot si Alice dahil sa panginginig.

"Mabuti pa uminom ka muna nang tubig." Wika ni Rick. Inalalayan naman ni Meggan si Alice upang uminom.

"Is she okay?" tanong ni Dranred sa mga tauhan nang maabutan ang mga ito na nagkukumpol sa isang dalaga.

Katatapos lang noon nang meeting nila nang heneral. Napansin naman niya ang asongn asa tabi ni Alice ito ang asong kasa-kasama ni Aya. BIgla siyang kinutuban nang masama.

"Alice ano bang nangyari sa iyo? Bakit Snow lang ang kasama mo? Nasaan si Aya?" tanong ni Julius sa dalaga.

"Si Aya! Kuya Julius." Wika nito nang makabawi mula sa panginginig. Bumaling ito kay Julius. Si Eugene naman na nasa mesa nito ay biglang tumayo nang marinig ang pangalan ni Aya. Agad siyang lumabas sa cubicle at naglakad palapit sa dalaga.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Eugene na ikinagulat nang iba. Walang nakakaalam na siya ang nawawalang kapatid ni Aya. Hindi pa rin niya nasasab iyon kay Julius dahil humahanap pa siya nang tamang pagkakataon.

"May mga lalaking dumukot sa kanya. Kami sanang dalawa iyon pero iniligtas ako ni Aya." wika ni Alice.

"ANo?!" sabay na wika ni Julius at Eugene bagay na lalo namang ikinagulat nang lahat. Sabay-sabay silang napatingin sa binata. Hindi naman lingid sa kanila ang kakaibang pagtrato ni Eugene sa dalaga.

"Bakit parang alalang alala ka sa kanya LT? tanong ni Rick."

"Hindi ito ang panahon para sa bagay na iyan." Wika ni Dranred na namagitan. Ito ba ang ibig sabihin nang nangyari sa kaya kanina? Nasa panganib ang dalagang iyon kaya siya nakaramdam nang kakaibang kaba? Ngunit bakit? Ano ang koneksyon nila ni Aya?

Inutusan ni Dranred ang lahat nang miyembro nang task force na libutin ang buong baryo at magpunta din sa kabilang baryo kung may namataan silang kahina-hinalang mga lalaki. Ngunit maging sina Martin ay wala ring alam nagbigay naman ito nang assurance na tutulong sa paghahanap sa dalaga.

"Hindi kaya ang mga rebelde ang dumukot sa kanya?" Anang Chairman.

"Hindi maganda ang kutob ko ditto." Wika ni Julianne.

"Aya." mahinang sambit ni Eugene sa pangalan nang kapatid niya. Muli siyang napakuyom nang kamao. Kung hindi sana siya na duwag na harapin ang kapatid niya at magpakilala ditto marahil ay naprotektahan pa niya ang kapatid niya. Ito ang pangalawang beses na nalagay sa panganib ang kapatid niya ngunit wala siyang nagawa.

"Anong gagawin nating ngayon? Baka isa na naman ito sa mga pakulo nang serial -----" nagpapanic na wika ni Julius.

"Manahimik ka nga!" asik ni Eugene. Ayaw niyang isipin na ang mga iyon ang dumukot sa kapatid niya dahil kung ganoon nga baka hindi na niya abutang buhay ang kapatid niya. Hindi pa nga sila nagkakilala magkakahiwalay ulit sila.

"Sa ngayon dapat mag-isip tayo nang paraan upang mahanap si Aya at ang iba pang mga biktima." Wika ni Julianne. Nais niyang ilayo ang atensyon nang iba kay Eugene alam niyang nahahalata na nang mga ito ang labis na pag-aalala nang binata sa dalaga.

"Tinyente. Bakit ba ganyan ang reaksyon mo?" tanong ni Johnny. "May ugnayan ba kayo nng kapatid ni Julius at ganyan ka nalang mag-alala?" dagdag pa nito.

"She's my sister." Mahinang wika ni Eugene.

"ANO!?" gulat na wika nang lahat dahil sa biglang sinabi nang binata. Mas lalo namang nagulat si Julius.

"Ano namang patunay mo na siya ang kapatid mo?" tanong ni Julius. Sa halip na sumagot ibinigay ni Eugene ang kwentas na locket kay Julius ito ang locket ni Aya na hawak ni Dranred at ibinigay sa kanya. Tinanggap iyon ni Julius at binuksan. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang batang si Aya at si Eugene.

"Nagkahiwalay sila noon nang dahil sa akin." Wika ni Julianne. "Kamakailan lang naming nalaman na si Aya ang nawawalang kapatid ni Eugene." Dagdag pa nito. Hindi naman nakapagsalita si Julius dahil sa labis na gulat.

"Alam ba ni Aya na magkapatid kayo?" Tanong ni Johnny.

"Hindi ko pa sinasabi sa kanya." Wika ni Eugene. "Wala akong tiwala na matatanggap ako ni Aya. Gayong ako ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay noon."

Masakit ang ulo ni Aya ng magising siya dahil iyon sa gamot na naamoy niya kanina bago siya mawalan ng malay. Nang magising siya nasa loob na siya ng isang Silid kahit wala siyang masyadong Makita alam niyang may kasama siya sa loob nang silid na iyon lima pang bulto nang babae ang naaninag niya. Hindi niya kilala ang mga kasama niya. Ang huling natatandaan ay pauwi sila ni Alice galing sa lumang bahay nang hinarang sila nang mga di kilalang lalaki. Nakaligtas si Alice at Snow ngunit na huli siya. Ito na ang pangalawang nakidnap siya.

"Okay lang ba kayo?" Tanong ni Aya nang maramdamang walang may gusting magsalita sa mga babaeng naroon.

Nararamdaman din niya ang takot sa puso nang mga babae.

"Paano kami magiging okay? Kagaya ni Pinky mamatay din tayo." Wika ng babae. Ang tinutukoy nang babae ay ang bagong dalagang nakitang walang buhay at wala na ang puso.

"Mamamatay? Bakit?" tanong ni Aya.

"Kumakain sila ng tao. Hindi sila tao. Ayoko na dito. Gusto ko nang umuwi" Wika ng isang babae na nasa gilid na kulungan. Biglang napalunok si Aya.

Sa boses pa lang nito mahahalatang hindi lang basta-bastang kidnapping ang nangyari sa kanila. Kahit siya nagsisimula ng matakot.

Hindi niya alam kung saang lugar siya dinala nang mga dumukot sa kanya. Itinapon din nang mga ito ang bag niya. Hindi nga niya Makita kung saang lugar siya dinala. Sa kanila anim siya helpless ang katayuan.

"Mamatay na tayo ditto." Bigalang humikbing wika nang isang babae. Ayaw sanang matakot ni Aya ngunit wala na silang nakikitang pag-asa.

Anim na buwan na nawala ang mga babaeng ito ilan sa kanila ay pinatay na Ganoon din ang kahahantungan nila. Ang kwento pa nang isang babae. Kinakain nang mga dumukot sa kanila ang laman loob nang mga pinapatay nila.

Somebody. Please Save us! Sigaw nang isip ni Aya.

Bigla napabalikwas nang bangon si Dranred nang marinig ang pamilyar na boses tinatawag siya nito. Ngunit hindi niya alam kung saan ito hahanapin.

"This is crazy!" wika ni Dranred at nasapo ang noo.

Natahimik ang mga kababaihan nang may mga taong naka hood na dumating sa pinakukulungan sa kanila. Nakasout na itim na damit ang mga taong ito na may hood. Animo'y mga miyembro nang isang kulto na napapanood niya sa mga pelikula. Hindi masyadong Makita ni Aya ang anyo nang mga dumating na siyang nang takot nang mga babae. Ngunit nararamdaman naman niya iyon. Ano kaya ang gagawin ng mga ito sa kanila? Bakit parang kakaiba ang amoy nang mga ito? Baka naman lolong sa ipinagbabawal na gamot? Tanong ng isip niya.

"Dalhin sila sa labas." Wika ng isang lalaki na parang ito yata ang leader ng mga ito. Agad namang sumunod ang mga nasa likod nito. Nilapitan nito ang limang dalaga at sapilitang isinima sa kanila. Tahimik lang si Aya gusto niyang malaman kung ano ba ang balak gawin sa kanila ng mga lalaking ito.

Dinala sila ng mga taong naka hood sa isang harden kung saan naroon ang marami pang kasamahan ng mga ito. Nararamdaman ni Aya ang preskong hangin at amoy nang damo kaya naman alam niyang nasal abas nila. Bukod doon, nakakaamoy din siya nang kakaiba, masakit sa ilong niya ang amoy na iyon. Sa unahan nila may naaninag siyang isang maliit na pulang liwanag.

"Pakawalan mo na kami. Maawa ka sa amin." Narinig ni Aya na wika nang isa sa mga dalagang kasama nila.

Naglakakad patungo sa mesa ang pinuno ng grupo. Iniunat nito ang kamay sa rebulto na nasa harap.

"Dakilang poon. Ngayon ang pangalawang gabi ng pag-aalay. Pitong dalagang alay sa loob ng pitong araw sa pagsapit ng pulang Buwan." Wika nito. Napatingin si Aya sa langit. OO bilog ang buwan pero hindi ito pula.

Ano bang sinasabi ng mga ito. Tanong ng isip ni Aya. Narinig niya ang mga yapak na palapit sa kanila. Narinig niyang huminto sa harap nila ang may ari nang mga yapag.

Ilang sandaling nakatayo sa harap nila ang lalaki, na tila ba sinisiyasat sila hanggang sa isa sa kanila ang piliin nito. Narinig ni aya ang pagtangis nang babaeng napili nang lalaki. Nanlaban ang babae at nagpumiglas pero mas malakas ang mga lalaki na may hawak dito. Sapilitan nilang inihiga sa mesa ang dalaga at itinali ang mga paa at kamay.

"Ayoko! Bitiwan niyo ako." Panay ang tutol nang babae habang kinakaladkad ito patungo sa isang altar inihiga sa altar ang babae at itinali ang kamay at paa.

"Maawa kayo!" umiiyak na wika ng babae. Kahit na gusto niyang manlaban hindi niya magawa. Wala din siyang maitutulong sa babae. Maya-maya pa nagsimula na ang seremunya ng kanilang pag-aalalay may mga dasal na isinagawa ang leader ng mga ito. Ilang sandali ang pulang ilaw na nakikita ni Aya sa harap niya ay unti-unting lumaki hanggang sa tuluyang naging isang anyong tao. Napatras si Aya nang Makita ang mukha nang nilalang. Ito ang nilalang na nakaharap nila ni Dranred sa daanan. Nakita niyang naglakad ang nilalang sa dalagang nakahiga sa altar.

"Teka anong gagawin mo." Biglang wika ni Aya. Nang makitang inilapit nang nakakatakot nanilalang na ito ang kamay niya sa dibdib nang dalaga.

"Manahimik ka. Nasa kalagitnaan kami ng pag-aalay sa aming poon." Pigil ng lalaki na may hawak sa kanya.

"Pag-aalay. Nasisiraan naba kayo? Papatayin niya ang babaeng iyon. Hindi tama ang ginagawa niyo." Nagpupumiglas na wika ni Aya.

"Patahimikan niyo yan!" asik ng leader nila at lumingon kay Aya. Agad naman binusalan ng lalaki ang bibig niya. Patuloy siyang nagpumiglas ngunit walang nakikinig sa kanya.

HUWAG!!!. Sigaw ng isip ni Aya ng biglang dukutin ng nilalang na lumabas mula sa rebuto ang puso ng babae at kainin ito. Matapos nitong kainin ang puso ng dalaga tumingin ito sa kanya at ngumisi. Nakakatakot ang ngisi nito.

Natapos ang pag-aalay ng bumalik sa pagiging isang rebulto ang death angel. Saka naman sila ibinalik ng mga lalaki sa kulungan. Kung tama ang rinig niya kanina sa loob every other 7 days, isa sa kanila ang papatayin at ipapakain sa nilalang na iyon. Nilalang na hanggang sa mga sandaling iyon hindi mawala sa isip niya. Hindi niya maintindihan kung bakit sa kanya nangyayari ang bagay na ito. Isinilang siyang hindi Makita ang mga bagay nanakikita nang pangkaraniwang mortal ngunit nakikita naman niya ang mga bagay na kahit isang matapang na mortal hindi gugustuhing Makita. Torture para sa kanya ang mga nakikita niya.

Naririnig niya ang iiyakan na ang apat na babae habang nagyayakap siya naman ay nasa sulok at mahigpit na hinahawakan ang kwentas niyang bead, gusto rin niyang umiyak pero anong magagawa nang iyak niya? May darating ba upang iligtas siya kapag umiyak siya? Nang mga sandaling iyon habang hawak niya ang kwentas pakiramdam niya nakakakuha siya nang lakas. Ang kwentas na hindi niya alam kung saan nanggaling. Nawala ang locket niya na bigay nang kuya niya at ang pumalit ay ang kwentas na ito.

Anyone please…Save me! Sigaw nang isip ni Aya. Labis siyang natatakot. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. muli narinig ni Dranred ang boses ni Aya na tumatawag sa kanya.

"Tell me. Saan kita hahanapin?" tanong ni Dranred sa isip niya. Hindi niya alam kung maririnig din niito ang boses niya. Ngunit kailangan niyang subukan.

"Huh!" napasinghal si Aya at tumayo. May narinig siyang boses. Ngunit wala namang nagsalita sa kanila bukod doon. Lalaki ang boses na narinig niya at pamilyar sa kanya ang boses na iyon.

Napansin nang mga miyembro nang phoenix na kanina pa si Dranred sa loob nang opisina niya. Nakaupo lang ito at nakapikit ang mata. Iniisip tuloy nila na natutulog ito. Wala pa itong inuutos sa kanila. Hindi rin nila alam kung saan magsisimulang maghanap. Para silang naglalakad sa kawalan.

Mainit na rin sila sa mata nang mga Heneral dahil hanggang ngayon wala pa silang naibibigay na progress sa kasong hawak nila.

"Captain?" alangang wika ni Aya nang marinig ang boses nang binata hindi siya maaring magkamali boses iyon ni Dranred.

"Yes, it's me. Tell me where can I find you?" tanong ni Dranred.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung nasaan ako." Wika ni Aya. "Natatakot ako, Nakita ko ulit yung lalaking sumalubong sa akin sa kalsada. SUmbong ni Aya sa binate.

"Eurynome." Wika ni Dranred.

"Huh? May pangalan ang halimaw na iyon?" gulat na wika ni Aya.

"Hoy anong ginagawa mo!" narinig ni Aya na sigaw nang isang lalaki. Dahil doon nawala ang konsintrasyon niya at naputol ang komunikasyon nila ni Dranred. Pumasok ang lalaki sa silda at lumapit kay Aya.

"Anong ginagawa mo? Gumagawa ka ban ang enkantasyon?" asik nito kay Aya at hinawakan ang kamay nang dalaga.

"Bitiwan mo ako." Asik ni Aya at inagaw ang kamay sa lalaki.

"Kung nagdadasal ka man kalimutan mo na. Walang makakarinig sa ito ditto." Wika nang lalaki. Naramdaman ni Aya ang pagtalikod nang lalaki at nag palakad nito papalayo sa kanila. Narinig din niya ang pagsara nang rehas na bakal kung saan sila ikinulong nang mga ito.

"Hindi ka maililigtas nang panalangin mo." wika nang isang babae. "Walang Diyos sa lugar na ito. Nakita mo naman siguro ang ginawa nila sa isang kasama natin."

"Tanggapin mo na lamang na ito na ang katapusan mo. katapusan nating lahat." Wika pa nang isa.

"Hindi ako mamamatay ditto." Matatag na sabi ni Aya. "Makakaalis ako ditto. At makikita ko pa ang kuya ko." Wika ni Aya.

"Mainam ang maging matapang pero minsan kailangan nating tanggapin kung hanggang saan lang tayo." Wika nang isa.

Nang lumabas si Dranred mula sa kubo niya. Inutusan niya ang mga tauhan na maghanda dahil may rescue mission silang gagawin. Nagtaka ang lahat dahil sa sinabi nang binatang kapitan, saan naman sila pupunta eh wala nga silang lead kung nasaan si Aya o kahit isa man sa mga dalagang kinidnap. Nagpunta din sila sa kabilang baryo upang humingi nang tulong sa grupo ni Martin.

"Semeteryo?" gulat na wika ni Johnny nang dalhin sila ni Dranred sa isang sementeryo sa kalagitnaan nang gabi.

"Anong ginagawa natin ditto?" tanong ni Julius kay Meggan nang pabulong.

"Bakit ba ako ang tinatanong mo." Inis na wika ni Meggan. Nakita nilang lumapit si Dranred sa libingan nang huling biktimang pinatay na wala ang puso.Minatyagan nila ang binate wala naman itong espesyal na ginawa sa harap nang libingan. Tumayo lang ito doon na tila nagdarasal. Saka lumapit sa kanila at sinabing pupunta sila sa isang liblib na lugar. Hindi nila alam kung paniniwalaan nila ang binata. Ano bang ginawa nila sa Sementeryo? Anong kinalaman nito sa rescue mission na sinasabi nito?

Kasama ang grupo ni Martin tinungo nina Dranred ang isang liblib na brgy. Malapit sa bayan kung saan sila nadestino, Isa itong maliit na brgy na ang tanging paraan upang makapasok ay ang dumaan sa isang hanging bridge. Dahil liblib ang lugar na iyon ay napapalibutan nang kahoy aakalain mong walang taong naninirahan doon. Nang dumating sila sa Brgy. Nakita nilang pinangingilagan sila nang mga tao. Sinubukan nilang magtanong sa mga ito ngunit hindi naman sila kinakausap nang mga ito.

Sikat na sikat na ang araw ng marating nila ang isang maliit na bayan. Tahimik ang boung lugar. Hiwahiwalay din ang mga bahay. May mga tanim na palay sa paligid tiyak na pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga tao ditto.

"Nakakatakot naman ang mga tao ditto." Wika ni Jenny.

"Maging Alerto kayo. Hindi maganda ang kutob ko sa lugar na ito." Wika ni Martin.

Pinaghiwahiwalay ni Dranred ang grupo niya para mabilis nilang makita ang mga dalaga o kahit anong kahinahinalang bagay. Tinatanong nila bawat residenteng Makita nila kung kilala nila ang lalaking nasa larawan ngunit walang sumasagot. Mailap ang mga tao sa kanila at halos hindi mo makausap para bang umiiwas ang mga ito. Naabutan na sila ng hapon wala paring silang mapagtanungan ng maayos.

Muling nagkita kita ang grupo sa isang plaza. Isang maliit na plaza sa brgy na iyon.

"Wala naman akong makausap na matino sa lugar na ito. Parang napag-iwanan ng sebilisasyon. Takot sa mga tao." Ani Ben.

"Napakatahimik nang lugar animoy isang ghost town." Wika ni Rick.

"Masyadong tahimik ang lugar na ito na kakapag duda." Wika ni Julius.

"Magdidilim na. Ano na ang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Meggan.

"Sina Eugene at Julianne? Nasaan na sila?" Tanong ng Dranred.

"Ang alam ko kanina magkasama ang Dalawa." Sagot ni Ben.

Nang maghiwalay ang grupo naisipan nina Eugene at Julianne na libutin ang lugar. Dahil wala silang makausap na mga tao dahil mailap ang mga ito. Pinasya nila na sila na lamang ang mga hahanap ng clue.

Magtatakip silim na ngunit wala naman silang makitang kakaiba sa lugar na iyon.

"This is just crazy!" Ani Julianne at sinipa ang isang bato sa kalsada. "Saan natin hahanapin si Aya sa lugar na ito." Dagdag pa nito.

Mahigpit na napakuyom ng kamao si Eugene. Hindi na niya alam kung saan pa hahanapin ang kapatid niya sa lugar na iyon.

Habang nakatayo sila sa kalsada. May mga nakita silang mga residente na isa-isang nagsisilabas sa mga bahay nila. Iisa lang ang lugar na pinupuntahan ng mga ito. At ang nakakapagtaka pa lahat ng mga ito nakasuot ng itim na damit na animo'y sutana.

Biglang naalerto ang magkaibigan.

"Tayo na Julianne." Ani Eugene.

"OO"Ani Julianne na agad namang nakuha anmg gustong gawin ng kaibigan. Palihim nilang sinundan ang mga residenteng nakita nila.

At sa gulat ng dalawa pumasok ang mga ito sa bakuran ng isang malaking bahay ang kaparehong bahay na pinagtanungan nila kanina. Sabi ng isang katiwala walang tao sa bahay na iyon.

"Anong ginagawa nila dito?" Tanong ni Julianne.

Ilang sandali din silang nagkubli sa mga halaman. Maya-maya isinara na ng katiwala ang gate. Saka naisipan ng magkaibigan na lumabas. Lumapit sila sa gate. Tahimik ang boung kabahayan.

"Bakit ganoon ang daming taong pumasok sa lugar na ito pero bakit sobrang tahimik?" Wika ni Julianne.

"Julianne! Eugene! Can you hear me?" Maya-maya ay narining nila ang boses ni Dranred mula sa aparatung nasa tenga nila.

"Yes Chief." Ani Eugene.

"Where are you?" Ani Dranred.

"Nasa isang bahay kami ngayon. Mukhang kahina-hinala ang lugar na ito. May mga kahina-hinalang residente kaming nakitang pumasok. Nag-iimbestiga kami ngayon." Sagot ni Julianne.

"Give us your coordinate." Narining nilang wika ni Dranred. Agad namang sumunod si Julianne sa Kapitan nila.

"Papasok ako!" ani Eugene sa kaibigan.

"Tayo na!" nakangiting wika ni Julianne.

Mabilis na umakyat sa Pader ang magkaibigan at maingat na tumalon patungo sa kabilang bahagi. Maingat para hindi makagawa ng ingay. May nakita silang liwanang na nag mumula sa likod ng bahay. Nang puntahan nila ito may nakita silang isang makipot na daan papasok. Na ang tanging ilaw ay ang mga torch na nakatayo sa daan. sinundan naman ng dalawa ang mga ilaw ang torch hanggang sa dalhin sila nito sa isang lugar kung saan natipon ang mga residente na nakita nila kanina.

"AYA!" biglang wika ni Eugene ng Makita nag kapatid kasama ang apat pang dalaga na na kidnap. Sapilitang inilabas ang apat na dalaga mula sa malaking bahay.

Nakita nilang lumapit ang lalaki kay Aya. Kasunod noon ang sapilitang pagdala kay Aya patungo sa altar ng mga ito.

"Teka anong ginagawa mo?" nang pimiglas na wika ni Aya nang maramdam niya na may humawak sa kamay niya. Kahit panay ang pagpupumiglas ni Aya wala siyang nagawa laban sa sakas nang lalaki. Inihiga ng mga lalaki si Aya sa mesa at itinali ang mga paa at kamay.

Dahil sa nakita ni Eugene agad na siyang kumilos hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa kapatid niya.

"Freeze! You are all under arrest!" Wika ni Eugene at lumabas mula sa pinagkukublihan kasama si Julianne. Nakatutuk ang mga baril nila sa mga naroon. Nagulat naman ang mga residente ganoon din ang pinuno ng grupo ng Makita ang dalawang binata.

Sinundan ni Aya nang tingin ang pinanggagalingan nang boses nang mga binatang dumating. Dahan-dahan na lumapit sina Eugene sa altar habang nakatutok ang baril sa mga tao. Napaatras ang pinuno ang kulto dahil sa baril na nakatutok sa kanila.

"Okay ka lang ba Aya?" Tanong ni Eugene sa kapatid ng lapitan niya ito at kalagan mula sa pagkakatali.

"O-kay lang ako." Alangang wika ni Aya. isang beses lang silang nagkita nang binata ngunit bakit parang pamilyar ang pakikitungo nito sa kanya.

"Ligtas ka na. nandito na ako." Wika ni Eugene at tinulungang tumayo si Aya at umalis sa Altar. Bakas naman sa mukha ni Aya ang labis na pagtataka. At napansin iyon ni Eugene.

"Later. Magkakaroon kayo nang pagkakataong mag-usap. Kailangan nating makisip nang paraang kung paano makakaalis sa lugar na ito." Wika ni Julianne at bumaling sa mgakapatid. "Baka nakakalimutan niyong dalawa na marami sila." Dagdag panito.

"Sorry if we crash into your party uninvited.." Ani Julianne at bumaling sa mga residente.

"Hindi niyo alam ang ginagawa niyo. Nalalapit na ang muling pagkabuhay ng Poon. Kailangan naming silang ialay para sa kailigtasan nating lahat."

"Kalokohan. Anong kabaliwan ang sinasabi niyo?" inis na wika ni Julianne. "Taas ang kamay! sa presinto kayo magpaliwanag" Asik ni Julianne.

Biglang umuhip ang malakas at malamig na hangin dala nito ang amoy nang kamatayang naamoy ni Aya noong nakaraang gabing may pinatay na isa sa kanila. Dahil sa takot mahigpit na napahawak si Aya sa braso ni Eugene. Bigla silang pinalibutan ng mga lalaking miyembro ng kulto.

"Huwag na kayong lumaban pa!" Anang pinuno ng kulto. Dahan-dahan na lumapit ang mga lalaki sa kanila. Nagpaputok pataas si Julianne para bigyan ng babala ang mga ito.

"Ang susunod na putok ng baril tiyak na sa ulo niyo na kaya huminto kayo at sumuko na!" Ani Julianne.

Ngunit tila baliwala ang babala ng binata sa mga ito. Patuloy na lumapit ang mga ito sa kanila. Maya-maya ay sinalakay na sila ng mga ito walang nagawa ang dalawang binata kundi ang labanan ang mga ito. Dahil naging abala si Eugene sa pakikipaglaban hindi niya napansin na nakuha ng mga lalaki si Aya.

"Aya!" sigaw ni Eugene habang iniiwasan ang mga wasiwas ng itak ng mga residente. Sinangga ni Eugene ang kamay ng lalaking may hawak na itak sabay balibag niya nito sa lupa. Ilang sandali ding nilabanan nina Julianne at Eugene ang mga residente habang iniwasan na masaktan ang mga ito. Hindi nagtagal dumating din si Dranred kasama ang iba pang miyembro ng Squad.

Dahil sa dumami na ang mga kalaban nila. Kaya naman itinakas ng ibang mga miyembro ang tatlong dalaga kasama ang pinuno nito. Nakita ni Dranred na umalis ang mga ito kasama sina Aya. Tinawag niya sina Eugene at Julianne para sundan nila ang mga ito. Dinala ng mga tumakas sina Aya at ang iba pa sa loob ng malaking bahay doon muling nakipag away ang tatlong binata sa mga lalaki.

Hindi nagtagal dumating sa lugar na iyon ang mga sundalo. Ang pinagsamang pwersa nina Martin at Dranred ang rumesponde matapos magradyo ni Julianne at Eugene sa mga ito.

Matapos madakip ang mga miyembro ng kulto agad namang romesponde sina Meggan sa kasamahang sina Eugene. Sina Rick, Johnny at Ben ang siyang nagligtas sa tatlong Dalaga na itatakas sana ng mga lalaki. Habang sina Julius at Meggan ang kumuha sa bangkay ng dalagang pinatay noong nakaraang gabi.

Isang malakas na pagsabog ang narinig ng lahat mula sa loob ng bahay.

"Julianne, Eugene! Ilabas ninyo ang iba pa ako na ang bahala sa iba dito." Wika ni Dranred.

"Hindi pwede nandito pa sa loob ang kapatid ko." Ani Eugene.

"Thats an order LT. Ako na ang bahala kay Aya. Ililigtas ko ang kapatid mo." Asik ni Dranred.

Hindi na nakapagsalita ang binata. Agad na sinunod ang dalawa ang utos nito. Inilabas nito sina Meggan at ang iba pa sa loob ng bahay. Saktong nasa labas na sila ng gate ng biglang may narinig silang pagsabog.

"AYA!" sigaw ni Eugene. Gustohin man niyang bumalik ngunit hindi na siya makakapasok nasusunog na ang unahang bahagi ng bahay.

Natagpuan ni Dranred si Aya sa isang underground kasama ang leader ng kulto. Hanggang sa mga sandaling ito nais parin nitong ialalay si Aya sa itinuturing nitong diyos.

Sa pagkakataong ito nakita ni Dranred ang isang Fallen angel. Ito ang fallen angel na sinasamba nang mga residente nang lugar na iyon. Ang fallen angel ding iyon ang sumanib sa pinuno nang kulto.

"Huwag kang lumapit!" Sigaw ni Aya nang pumasok si Dranred. Dahil sa taglay na liwanag ni Dranred nakikita niya ang binata sa gitna nang kadiliman. Hawak siya nang fallen angel at nagtangkang papatayin siya kapag lumapit ang binata. Bukod sa binata nakita din niya ang fallen angel na sumanib sa lalaking pinuno nang mga residente.

"Hindi ka isang mortal." Wika nang fallen angel sa binata. Na na animoy isang anino sa likod nang matandang lalaki. Makikita sa mata nang matandang lalaki na hindi nito hawak ang diwa niya dahil ang kumukontrol nang diwa nito ay ang fallen angel na sumanib sa katawan nito. Maraming beses nang nakakita si Dranred nang fallen angel na sumanib sa katawan nang isang mortal.

Ngunit ngayon lang siya nakaharap nang isang fallen angel na masyadong malakas. Dahil siguro sa mga pusong nakain nito o dahil sa maiitim na pusong naging dahilan para tumalikod ang mga tao sa Totoong diyos. Mas tamang sabihin na ang nilalang na nasa harap niya ngayon ay hindi isang fallen angel kundi isang superior Demon.

"Sino ka! Ano ang totoo mong pagkatao?" wika nang fallen angel at biglang umatras. Naramdaman din ni Aya ang pagluwag nang pagkakahawak nito sa leeg niya.

"Sasabihin ko saiyo kung sino ako. Kung pakakawalan moa ng dalagang yan. Wala siyang kinalaman ----" wika ni Dranred.

"Hindi pwede! Ang puso niya ang magiging katuparan nang matagal ko kang inaasam. Ang maging malakas na nilalang na kayang maghari sa mundo." Agaw nang fallen angel sa iba pang sasabihin ni Dranred.

Dahil matagal nang nanatili sa mundo nang mga mortal ang mga tulad nilang fallen angel. Hindi na sila magkakaroon nang pagkakataon na makabalik sa kung ano sila dati. Wala na silang ibang mapupuntahan kundi ang apoy nang impyerno. Ito marahil ang dahilan kung bakit pinipilit nang iba na panindigan ang kasamaan nila. Ngunit siya, Wala na siyang kapangyarihan at wala na siyang lakas. Kung darating man ang araw na matutunton siya nang konseho wala siyang ibang magagawa kundi ang sumuko at harapin ang kaparusahan niya. Ang parusang noon pa dapat niya natanggap.

"AH!" impit na tili ni Aya nang mararamdaman ang pagtarak nang patulis na bagay sa leeg niya. hindi malalim ang sugat ngunit sapat na iyon para mag sargo ang dugo sa leeg ni Aya. Nakita ni Dranred ang ginawa nang lalaki. Kung wala siyang gagawin tiyak na mapapahamak ang dalaga sa kamay nang lalaking ito. Pero hindi niya alam kung anong gagawin niya. Kahit naman alam niyang fallen angel ang kalaban niya wala siyang magagawa wala siyang kapangyarihan.

Ano bang ginagawa niya? Makikipagtitigan na lang ba siya sa halimaw na to? Wika nang isip ni Aya.

"Ah!" Muling sigaw ni Aya nang bigla may sumabog. Nagulat pa si Dranred nang nasa likod pala niya ang sumabog. Napayuko pa ang binata upang hindi matamaan nang nagliparang semento. Isang bomba na planted sa mansion ang biglang sumabog. Dahil alam nang matangdang lider nang kulto na isang araw mahuhuli din sila nang mga pulis. Inisip niyang lagyan nang bomba ang buong bahay. Isa sa mga ito Sumabog na. At nasundan pa nang isa. Nagsimula na ding mag-apoy ang buong mansion.

"AYA!" sigaw ni Eugene nang makitang nagsimula nang masunog ang mansion. Gusto sana niyang tumakbo papasok para iligtas ang kapatid niya ngunit pinigilan siya ni Julianne.

"Bitiwan mo Ako! Nasa loob pa ang kapatid ko." Asik ni Eugene sa kaibigan.

"AYA!" sigaw ni Julius. Nag-aalala din siya sa dalaga. Ngunit wala siyang magawa.

"Anong gusto mong gawin? Nag tumakbo sa loob at salubingin ang apoy? Paano mo ililigtas si AYA? May posibilidad na pati ikaw ma trap sa loob." Wika ni Julianne.

Ganoon din ang nararamdaman niya.. Ngunit kailangan nilang magtiwala sa binatang capitan. Believe na makakalibas sila nang buhay sa loob nang nag-aapoy na bahay.

Napakuyom nang kamao si Dranred. Kung may magagawa lang siya. Kung may kapangyarihan lang siya. Magagawa niyang mailigtas ang dalaga at ang sarili niya mula sa sunog na ito at sa fallen angel. Sa unang pagkakataon nakaramdam si Dranred nang hopelessness and Being helpless. Gaya nang isang mortal.

Panay na ang ubo ni Aya dahil sa usok na nalalanghap. Kumakapal na ang usok sa basement. Kung hindi pa sila makakalabas maaaring masunog na sila kasama nang bahay. Dahil wala nang maisip na paraan si Aya. Buong lakas niyang inapakan ang paa nang matandang lalaki hoping nagagana iyon para makawala siya mula sa pagkakahawak nito. And to her luck, naagaw niya ang atensyon nang lalaki. Nabitiwan siya nito. sinamantala niya ang pagkakataong iyon upang makalayo.

Nang makita ni Dranred ang ginawa ni Aya. Agad siyang umatake sa matanda at magkasunod na sipa ang pinakawalan. Nawalan nang balanse ang lalaki at tumilapon papunta sa may pader. Tumamapa pa ang katawan nito sa pader. Dahil sa ginawa ni Dranred nawalan nang malay ang matandag sinapian nang fallen angel.

"Are you okay?" nag-aalalang wika ni Dranred kay Aya nang makalapit sa dalaga. "You should get out from here." Dagdag pa ni Dranred at napatingin sa may pinto. Makapal na ang usok sa bahaging iyon.

"Sundalo ka ba talaga? Bakit ang bagal mong kumilos." Halos hirap na magsalita na wika ni Aya.

"Kahit na hirap ka nang magsalita. Nagagawa mo pa akong awayin. Trouble girl." Nangigiting wika ni Dranred.

"Ano?" gulat na wika ni Aya. Dahil sa tinawag siyang trouble girl nang binata kaya siya na bigla. Ito lang ang lalaking tumawag sa kanya sa ganoong salita. "Akala mo kung sino kang mabait, kapag nasa kampo tayo halos hindi mo ako kausapin. Ngayon naman tatawagin mo akong trouble girl."

"Mamaya na tayo mag-usap. Kailangan nating makalabas." Wika ni Dranred at hinubad ang sout na jacket saka binalot sa dalaga. Inalalayan niyang tumayo si Aya.

"Sa likod mo!" tili ni Aya nang makitang lumabas mula sa katawan nang matanda ang fallen angel. ANimoy lumulutang sa ere na lumapit ang lalaki sa kanila.

Napansin agad ni Aya ang paglapit nito. napalingon si Dranred ngunit huli na para masangga niya ang atake nito. Kung hindi pa niya naiharang ang kamay niya baka sa mukha siya tinamaan. Sa lakas nang ginagaw nitong pagsipa, nabitiwan ni Dranred si Aya. Tumilapon din ang binata sa may pader.

"Hindi mo Ako Matatakasan. Mapapasakin ang puso mo. At matutupad na ang buhay na pinapangarap ko." wika nito at naglakad palapit sa dalaga. napaatras sa takot si Aya. Hirap namang tumayo si Dranred. Masyado siyang mahina para sa kalaban nila. sa Estado nang katawan niya ngayon kamatayan lang ang naghihintay sa kanilang dalawa. Inis na napakuyom si Dranred nang kamao.

"HWAG kang lumapit!" malakas na sigaw ni Aya nang akmang hahawakan siya nang lalaki. Ang sunod na nangyari ay isang bagay na maging ang Fallen ay nagulat. Isang liwanag ang lumabas sa sout na kwentas nang dalaga. Ang nakakuyom na kamao si Dranred ay naglabas din nang kakaibang pulang liwanag. Naramdaman ni Dranred ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kamao niya. Hindi na siya nag-aksaya nang panahon. Isang Malakas na suntok ang iginawad ni Dranred sa fallen angel dahilan para tumilapod ito sa may pader. Dahil din sa lakas nang suntok ni Dranred nagkaroon nang lamat ang pader kung saan tumama ang fallen angel.

"What was that light all about?" tanong ni Dranred kay Aya Nang makalapit sa dalaga. Ngunit hindi nakasagot ang dalaga dahil hanggang ngayon gulat parin ito.

"Never mind! You need to get out from here." Wika ni Dranred sa dalaga. Ngunit hindi parin nagsalita ang dalaga. "HEY!" untag ni Dranred sa dalaga. taka namang napatingin si Aya sa binata.

"Huh!" napasinghap na wika ni Aya ng makabawi mula sa pagkakabigla.

"I said you need to get out. Kapag nakabawi muli si Eurynome baka hindi na tayo makalabas. Habang hindi pa malakas ang apoy mas mabuti pang mauna kana. I'll keep him busy. That should give you enough time para makalabas nang mansion. Naiintindihan mo ba ako?"

"Are you telling me to leave you behind?" takang wika ni Aya.

"Sundalo ako alam ko ang ginagawa ko. Mas mapapabagal ang galaw ko kung nandito ka. Ikaw ang gusto niyang makuha. Susubukan ko siyang pigilan para makatakas ka." Wika ni Dranred.

"Hindi! Sabay tayong lalabas—Isa pa paano ako lalabas, alam mong bulag ako." Wika ni Aya at humina ang boses. "Tuwing kasama kita saka ko lang nakikita ang mga bagay sa paligid ko. Kaya paano ako lalabas kung---- Isa pa, ayokong iligtas ang sarili ko at iwan ka ditto."

"C'mon! I don't need your chivalry right now!" untag ni Dranred. "Nasa labas ang kuya mo at hinihintay ka. You better get out here alive. At least one of us should." Wika ni Dranred. Hindi nakakibo si Aya. Gusto niyang lumabas nang buhay sa lugar na iyon ngunit ang isiping isang buhay ang masasakripisyo para iligtas siya ay isang bagay na hindi niya matatanggap.

"Hold unto this." Wika ni Dranred at inilagay ang kamay ni Aya sa bead nitong kwentas. "I saw a miracle earlier may be you can pull another one." Anang binata. Napansin niya ang kwentas na bead ni Aya at ang lutos na bulaklak sa loob noon. Hindi niya alam kung tama ang hinala niya ngunit wala namang mawawala kung aasa siya sa isang milagro ngayon. Isa siya sa mga hindi naniniwala sa milagro ngunit para sa kaligtasan ni Aya handa siyang panghawakan ang maliit na tsansang iyon at maniwalang makakaligtas ang dalaga.

"Don't feel burden. I am just doing my job." Wika ni Dranred na animoy nabasa ang iniisip niya. Napangiti si Dranred At lumingon sa dalaga. Ipinatong niya ang kamay sa ulo ng dalaga. Nabigla naman si Aya dahil sa ginawa nang binata. Taka siyang napatingin sa mukha nito. Hindi niya alam kung napapansin ni Dranred ngunit pakiramdam niya namumula ang pisngi niya ngayon.

"You have to get out from here alive." Mahinang wika ni Aya. "Ayokong lamunin nang konsensya ko knowing na iniligtas ko ang sarili ko." wika ni Aya at nagyuko nang ulo.

"Now. Go!" ani Dranred at itinulak ang dalaga bago boung tapang na hinarap ang fallen angel na nakabawi na mula sa malakas na pagkakatapon kanina. Hindi agad lumabas si Aya bigla siyang tumigil at nilingon ang binata. Hindi niya gusto ang pakiramdam na maiiwan ito at walang kasiguraduhan kung makakalabas pa. isang kakaibang nilalang ang kalaban nang binata. At walang mortal na nilalang ang makakatalo ditto.

Sa hindi malamang dahilan pakiramdam ni Aya kusang umiiwas sa kanya ang apoy. Ang daraanan niya ay naging maliwanag at walang apoy. Para bang gumawa ang apoy nang paraan para umiwas sa kanya. Ngunit hindi na iyon binigyan nang pansin ni Aya dumeretso siya sa paglabas habang sinusundan ang liwanag.

"Lumabas ka nang buhay." Wika ni Aya saka nagmamadaling tumakbo habang binalot nang jacket ni Dranred ang ulo niya. muling nakabawi ang fallen angel mula sa pagkakatilapon nito. Muli itong napatayo at akmang sasalakayin uli si Dranred. Napansin nitong wala na si Aya. ikinagalit nang fallen angel nang makitang wala na ang dalaga sa loob. Dahil sa galait nito. Agad nitong sinugod si Dranred.

"AYA" Wika ni Julius ng makilala si Aya saka tumakbo palapit sa kapatid at agad na niyakap.

"Si Aya nga!" sabay na wika ni Meggan at Jenny. Agad namang napalingon si Eugene ng marining ang sinabi ni Meggan agad siyang tumakbo para lapitan ang paparating.

Si Aya nga ang lumabas na iyon. agad silang lumapit sa dalaga. nang makalapit si Eugene. Agad niyang niyakap ang kapatid.

"AYA!" wika ni Eugene ng makitang ligtas ang kapatid. "Nasaktan ka ba?" nag aalalang wika ni Eugene at tiningnan ang kapatid kung may sugat. Hindi agad nakareact si Aya dahil sa labis na gulat. Hindi ang bulto nang kuya Julius niya ang nasa harap niya. Kaya naman nagpalingon-lingon siya sa paligid.

"Okay lang ----" putol na wika ni Aya at bahagyang lumayo sa binata.

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang umikot ang paningin niya at nawalan siya nang lakas sa tuhod. Nawalan nang ulirat ang dalaga.

"Aya!" nag-aalalang wika ni Eugene ng makitang nawalan ng malay ang kapatid.

"Aya." nagaalalang wika ni Julius nang mawalan ang malay ang dalaga.

Nasa labas lahat nang miyembro nang Phoenix at hinihintay ang kanilang kapitan. Sunod sunod na pagsabog ang narinig nila sa loob nang bahay. Nag-aalala na sila baka kung anon na ang nangyari sa binata

"Nasa loob parin si Chief." Ani Ben.

"Hindi tayo makakapasok sa loob ng bahay dahil sa lakas ng apoy. Wala tayong ibang magagawa kundi ang hintayin siyang lumabas at sana ligtas siya." Ani Julianne. "Iyon ay kung makakalabas pa siya nang buhay."

Wala talaga siyang pag-asang Manalo sa fallen angel na kalaban niya. iyon ang nasa isip ni Dranred sa bawat pag atake niya na siya mismo ang tumutilapon. Kung nasa kanya lang ang kapangyarihan niya siguro kanina pa niya natalo ang kalaban niya. Hirap na siyang tumayo at bugbog sarado na rin ang katawan niya. Umabot na sa basement ang apoy at nagbabagsakan na rin ang gusali. Sa huling atake ni Dranred isang malakas na suntok ang iginawad sa kanya nang lalaki kasabay ang isang energy ball na tumama sa sikmura niya. Napaubo pa nang dugo si Dranred nang bumagsak matapos tumama ang likod sa pader.

"Masyado kang makulit mortal. Ngunit nalulungkot akong sabihin sa iyo na hindi na makikita nang mahal mo ang kamatayan mo." Wika nang lalaki at akmang sasugurin si Dranred.

Hindi nakakilos si Dranred. Pilit siyang tumayo ngunit ayaw sumunod nang katawan niya. Palapit na sa kanya ang fallen angel at akmang hahatawin siya nang dala nitong espada. Ngunit bigla itong natigilan nang bigla nalang may liwanag na lumitaw sa harap ni Dranred. Maging si Dranred ay nagulat din.

Unti-unti ang liwanag ay naging isang bulto nang lalaki. Sinalo nito ang espada nang fallen angel at napigilan ang pag-atake nito sa binata.

"Leo?" takang wika nang fallen angel at umatras nang makilala ang dumating.

Leo? Tanong nang isip ni Dranred. Isang Anghel? Dagdag pa nang isip niya. nagdidilim na ang paningin niya. kaya naman hindi niya masyadong maaninagan ang mukha nang lalaki. Bukod doon naka talikod din ito.

"I think you should stop now. Eurynome Wala na ring magagawa kahit na manlaban ka. Ibabalik na kita kung saan ka nararapat. Kagaya nang mga ka uri mo." narinig ni Dranred na wika nang lalaki.

"Mas nanaisin ko pang maglaho sa hangin kesa ang habang buhay na manatili sa apoy nang impyerno." Wika nang fallen angel at akmang sasaksakin ang sarili nang espada. Ngunit mabilis na kumilos ang lalaki. Nagawa nitong maagaw ang espada sa kamay nang lalaki at nalagyan nang kadina ang mga kamay nang fallen angel. Sinubukan pang sirain nang lalaki ang kadina gamit ang lakas nito ngunit hindi ito nagtagumpay.

"Walang magagawa ang lakas mo. walang kahit sinong may maitim na kaluluwa ang makakawala sa kadina nang katarungan. Kahit ang iyong kapangyarihan ay hindi mo magagamit." Wika ni Leo. Ilang saglit pa isa pang anghel ang nakita ni Dranred na lumitaw. Ngayon naman isa itong babae.

"Magaling Leo. Ako nang bahalang maghatid sa isang ito sa lugar kung saan siya naararapat." Wika nang babae. "Mas mabuti pang ilabas mo na ang binatang yan. Bago pa siya tuluyang mamatay." Wika nito na ang tinutukoy ay ang mahinang si Dranred. Dahan-dahang napalingon si Leo sa binata.

Julianne? Takang wika ni Dranred nang makilala ang binata kahit na Malabo na ang paningin niya hindi siya maaaring magkamali ang binatang nasa harap niya ay si Julianne ang tinyente sa Task force phoenix. Naglakad palapit sa kanya ang lalaki.

Hindi pa panahon para magkaharap tayo Dranred." Ito ang salitang narinig ni Dranred bago Unti-unting nagdilim ang paningin ni Dranred hanggang sa mawalan na siya nang malay. Hindi na niya alam kung ano ang sunod na mga nangyari. Boung gabi na nasunog ang malaking bahay. Bukang liwayway na nga mawala ang apoy. Halos abo na ang buong mansion nang tumigil ang alab, Hindi rin naman makakapasok ang mga bombero sa loob nnag brgy dahil sa makitid nitong daraanan.

Nang mawala ang apoy muling pumasok ang grupo ni Martin upang hanapin ang katawan nang Leader nang phoenix.

Iniisip nilang baka gaya nang mansion ay natupok na rin ito kasama nang Don. Hindi nila nakita ang katawan nang matandang pinuno at ni Captain Bryant.

Ah!" daing ni Dranred sabay hawak sa batok niya nagising siya mula sa pagkakatulog. Nang magmulat siya ng mata naroon na siya sa altar kung saan isinasagawa ang pag-aalay ng mga miyembro ng kulto. Ang huli niyang natatandaan ay nakikipaglaban siya mula sa isang fallen angel. Ang alam niya may dalawang anghel ang dumating ang isa sa kanila dinala ang fallen angel. Ang isa naman ay si Julianne kung hindi siya nagkakamali. Ang buto ni Julianne ang Nakita niya. Hindi siya sigurado kung tama siya o nililito lang siya nang isip niya dahil sa labis na hilo.

Hindi niya alam kung paano siya. Bukod doon wala na siyang naalala. Napaupo si Dranred mula sa kanyang kinahihigaan. Bakit wala siyang maalala sa nangyari sa kanya? Napadako ang atensyon ni Dranred sa matandang walang malay na nasa tabi niya.

Pilit niyang inalala ang nangyayari sa kanya noong nakaraang gabi. Mula sa isip niya may mga pirapirasong imahe siyang nakikita ngunit masyadong Malabo para maintindihan niya. ang tanging malinaw lang ay ang mga pagsabog. Lalo lamang sumasakit ang ulo niya habang iniisip kung ano ang nangyari sa kanya.

"CAPTAIN!" sigaw ni Arielle nang makita ang binata. nasa likod naman nito si Julianne na hindi manlang nagulat nang makita siya. Nagsitakbuhan ang lahat palapit sa binatang kapitan. Si Rick naman ay lumapit kay don Fausto para tingnan kung buhay pa ito. Nang malamang nawalan lang ito nang malay nagutos ito sa paramedics na dalhin ang matanda para magamot.

"Mabuti at ligtas ka captain. Paano ka nakaligtas? Anong nangyari sa iyo sa loob?" sunod-sunod na tanong ni Johnny.

"Wala akong naaalala." Simpleng wika ni Dranred at napatingin sa Binatang si Julianne. Gusto niyang makompirma kong tama ang nakita niya kagabi kung hindi ba siya pinaglalaruaan nang mga mata niya.

"SI Aya? Ang kapatid mo Lt. Heartfelia Ligtas ba siya?" wika ni Dranred nang maalala si Aya. Nawala sa isip niya ang dalaga. Kung hindi pa niya nakita si Eugene hindi niya maiisip si Aya.

"She is safe. Nagpapahinga lang siya. Maraming usok ang nalanghap niya at nawalan din siya nang malay. There is nothing to worry about her. She is safe." Wika ni Eugene. Nasa damuhan si Aya at nakahiga kasama si Jenny. Ang mga kadalagahang na rescue naman ay nasa di kalayuan. Naroon din ang banggay nang huling biktima. INilagay nila ito sa isang bag na pinaglalagyan nang mga sundalong namatay.

"That's A relief! I think we should call it a day. Bumalik na tayo." Wika ni Dranred at tumayo Agad naman siyang inalalayan ni Johnny. Sabay –sabay silang naglakad patungo sa van nila.

"Aya!" wika ni Julius nang magising ang dalaga. Dahil sa dami nang usok na nalanghap nito magdamag din itong nawalan nang malay. "Anong ginagawa mo? kailangan mo pang magpahinga." Wika nito at pilit na pinigilan ang dalaga. Ngunit wala siyang nagawa nang Bumangon si Aya. Napansin ni Julius na may hinanap ang dalaga hindi mapakali ang mga mata nito.

Nakalimutan ko bulag pala ako. Malungkot na sabi nang isip ni Aya.

"Aya huminahon ka. Kailangan mo pang magpahinga."wika ni Jenny sa dalaga.

"Si Captain yabang. Kuya Julius? Okay lang ba siya?" tanong ni Aya sa binata at bumaling ditto.

"Bakit kayo natahimik? Anong nangyari?" wika ni Aya nang hindi nagsalita ang kapatid. "Nasaan siya? May nangyari bang masama sa kaya? Hindi ba siya nakaligtas" tanong ni Aya saka biglang tumayo ngunit biglang nawalan nang balanse ang dalaga. Mabuti at naroon si Julius at agad na nasalo ang dalaga kaya hindi ito tuluyang nabuwal.

"Mahina ka pa mas mabuting magpahinga ka muna." Wika ni Julius.

"Bakit Ayaw niyo akong sagutin?" wika ni Aya at tuluyang nanghina ang tuhod at napaupo sa semento. He promise to get out of there alive. Did he not? Mahinang wika nang isip.

"Chief?!" masayang sabi ni Julius ng Makita ang binatang kapitan na papalapit sa kanya. Nang marinig niya ang boses ni Julius bigla na lang may bumagsak na matingkad na balahibo sa harap niya. Agad siyang nag-angat nang tingin at hinanap si Dranred. Hindi siya makapiniwala. Buhay na buhay ang binatang kapitan at wala man lang ni isang galos.

Although medyo punit punit ang itim nitong T-shirt mukhang galing sa isang matinding laban. Inaalalayan din ito ni Johnny. Kasunod nito ang iba pang miyembro nang Phoenix at grupo ni Martin.

"Bakit ka naman nakaupo diyan?" ani Dranred at tinulungang tumayo ang dalaga. "Lagi kang gumagawa nang gulo. Iyan ba ng specialty mo?" ngumiting wika ni Dranred. Nakatingin lang ang lahat kay Dranred dahil sa labis na pagtataka.

"Buhay ka." takang wika ni Aya.

"I'm here. I guess I am. hindi ko pa siguro oras. Sa reaksyon mo. Mukhang mas gusto mo na kasama akong . natusta sa loob nang bahay na iyon." wika ni Dranred "Hindi ako ganoon ka daling mapatumba." Bumitaw si Dranred kay Johnny at naglakad palapit sa dalaga. Inilahad nito ang kamay sa kanya para tulungang tumayo. Tinanggap naman ni Aya ang kamay nito.

"Ang yabang mo." wika ni Aya nang makatayo at nagbaba nang tingin. Mapangiti naman si Dranred at ipinatong ang kamay sa ulo ni Aya. Nagtataka ang lahat sa nakitang eksena. Para bang malapit ang dalawa sa isat-isa. Lalo na si Eugene.

"May nagsabi sa akin na kailangan kung lumabas nang buhay. How can I ignore a request that I hear for the first time in my life." Dahil sa sinabi ni Dranred biglang nag-angat nang tingin si Aya. In a split second, pakiramdam ni Aya sila lang ang tao sa lugar na iyon nang mga sandaling iyon. She can only see him. And her heart is racing like crazy.

"I laud your efforts. You have work hard. Lets call it a day." Ani Dranred at ngumiti saka bumaling sa ibang mga kasama. Hindi pa rin nito inaalis ang kamay sa ulo ni Aya. Habang si Aya naman ay nakatingin parin sa binata. "Martin Salamat sa tulong niyo." Wikani Dranred sa leader nang isang grupo.

"Walang ano man." Ngumiting wika nito.

"Alright guys. Oras na para bumalik. Ben, Meggan, Arielle. Ihatid niyo sa bahay nila ang mga dalagang ito." Wika ni Dranred saka nag lakad patungo sa bangkay nang dalagang biktima.

"Yes Chief." Sagot ng dalawa.

"Johnny. Ikaw na ang bahala sa bangkay ng dalagang ito. Ihatid mo sa bahay nila. Ipaliwanag mo rin sa magulang nila ang nangyari." Ani Dranred kay Ben.

"Affirmative!" sagot nito.

"Eugene, Julianne, Julius at Jenny Sumama na kayo sa pagpalik. Dalhin niyo si Aya sa clinic ni Dr. Gio. Also contact her grand mother tiyak nag-aalala na iyon. At gumawa kayo ng report tungkol sa nangyari dito. Ibigay niyo kay General." Wika ni Dranred sa dalawang binata.

"Yes Sir." Ani Julianne.

"Bakit ako pupunta nang Clinic okay lang naman ako." Wika ni Aya.

"Bakit ang dami mong angal." Wika ni Julius at inakbayan ang dalaga. Bumaling naman sa kanila si Dranred.

"Kailangan naming malaman kung lahat nang mga biktima ay okay lang at walang injury." Wika ni Dranred na biglang sumeryoso ang mukha. Bigla namang ikinagulat si Aya. Bigla na lamang itong naging malamig sa kanya in an instant. Biktima? Iyon lang baa ng turing nito sa kanya isa lang biktima?

Nagpaiwan si Dranred sa lugar na iyon dahil may mga bagay pa raw siyang kailangang asikasuhin. Naiwan sa lugar na iyon si Dranred at si Rick. Habang paalis sina Aya puno ang pangamba ang puso niya. iniisip niyang baka may mangyaring masama sa binata. Nang makaalis na sina Eugene kinausap ni Dranred ang mga residente. Sina Don fausto ang mga tauhan nito ay ididretso na sa kulungan para sa kasong kidnapping at murder. Alam ni Dranred na naimpluwansyahan lamang ni Don fausto ang mga taong bayan. Dahil sa paniniwalang ililigtas sila ng ginawa nitong diyos.

Naiintindihan ni Dranred na naging desperado na ang mga taong ito dahil sa liblib ang lugar at walang masyadong tumutulong sa kanila. Kulang sa gamot walang paaralan na magtuturo sa mga bata ng mali at tama. Sabi rin nang isa sa mga miyembro nang lugar na walang pari na nagagawi sa lugar na iyon. kung meron mang itinatalaga ang kabayanan sa hindi malamang kadahilanan ay hindi na nakakakarating isa ito sa mga dahilan kung bakit naligaw nang landas ang mga residente sa lugar na ito.

Kagaya ng nangyari sa bibliya sa panahon ni moses. Gumawa ang mga tao ng diyos na sasambahin dahil sa paniniwalang hindi sila pinakikinggan ng Diyos. Ipinaliwag ni Dranred sa mga tao na sa mundong ito iisa lamang ang Diyos at hindi niya kinakalimutan ang kanyang mga nilikha.

Tayong mga nilikha niya ang tumatalikod sa kanya dahil sa maling paniniwala.

Nangako si Dranred na tutulungan ang lugar nila para bumangon. Nangako siyang kakausapin ang pinuno nang local na gobyerno para muling mabigyan nang pansin ang lugar lalo na ang mabigyan nang pari. Nangako din siya nang tulong medical sa mga ito. Nangako siyang babalik sa lugar na iyon dala ang mga tulong niya.

"Pakikinggan kaya tayo nang Mayor nang bayang ito?" ani Rick habang patungo sila sa city Hall. Nais ni Dranred na kausapin ang mayor nang lugar para bigyan nang atensyon ang napariwarang lugar na iyon.

"Hindi ko alam. Malalaman natin mamaya." Wika ni Dranred

Nakausap nila ang Mayor nang bayan. Nalungkot itong malaman na ganoon ang nangyari sa maliit na barangay na iyon. hindi nito inakalang hindi man lamang nakarating sa kanya ang ganoong pangyayari. Sinabi ni Dranred sa mayor ang mga bagay na dapat gawin para sa luagr na iyon.

Nangako ang mayor na ibibigay ang tulong sa lugar lalo na ang pagtatayo nang maliit na kapilya na siyang binigyang diin ni Dranred. Isa na dito ang unang utos ng Diyos na siyang pinakaunang nilabag ng mag residente. Ang pagsamba nila sa Diyos-Diyusan ay ang paglabag sa unang utos ng Diyos. Alam ni Dranred na iyon ang dapat niyang bigyan nang pansin. Kaya naman naging madiin ang pakiusap niya sa mayor na madaliin ang pagpapatupad sa mga napagkasunduan nila.

Aya, may sasabihin kami sa iyo." Wika ni Julius sa dalaga habang nakaupo ito sa mesang nasa labas nang kubo. Ilanga raw ding kumuha nang tamang pagkakataon sina Julius at Eugene upang sabihin kay Aya ang tunay na pagkatao nito.

"Ano yun kuya?" wika ni Aya at nilingon ang pinanggagalingan nang boses ni Julius.

"Naalala mob a ito?" Wika ni Julius at inilagay sa palad ni Aya ang Isang gold na locket, kinapa ni Aya ang bagay na ibinigay ni Julius. Isang hugis puso iyon. Pakiramdam niya may kapareho ang bagay na iyon.

"Ano'to?"Tanong ni Aya.

"Iyan ang locket na ibinigay ko sa iyo noong mga bata pa tayo."narinig niyang nagsalita si Eugene. BIglang natigilan si Aya. Tama ba ang dinig niya nasa harap niya ngayon ang kuya niya?

"Aya, Si Lt. Eugene Heartfelia. SIya ang kuya mo." WIka ni Julius. Nakita nilang nangilid ang luha sa mata ni Aya. Her hand trembles. Tumayo si Eugene at lumapit sa kapatid saka Hinawakan ang kamay nito.

"I was very late. I'm Sorry Aya." Nakita nilang tumulo ang mga luha ni Aya habang mahigpit na hinahawakan ang locket ni Eugene. Hinawakan niya ang kamay nang kapatid.

"Bakit hindi mo ako binalikan? Hinintay kita." Humagolgol na wika ni Aya.

"Binalikan kita kaya lang hindi na kita Nakita sa pinag-iwanan ko sa iyo." Wika ni Eugene. Para kay Julius at Julianne isang nakakapagbagbag nang damdamin ang tagpong iyon. Ang magkapatid na pinaghiwalay nang mahabang panahon.

"Pasensya na Aya ako ang dahilan kung bakit hindi kaagad nakabalik ang kuya mo. Ako ang dahilan kung bakit hindi kayo nagkita." Wika ni Julianne. "But I swear hinanap ka namin."

"Bakit ngayon ka lang." wika ni Aya na panay ang tulo nang luha. Wala siyang ibang masabi dahil sa halo-halong nararamdaman. Tama ang pakiramdam niya noon pa man na ang kapangalan nang kuya niya ay siyang tunay niyang kapatid. Masaya din siyang malaman na hinanap siya nito at hindi naman talaga siya nito ginustong iwanan.

"I'm sorry Aya. Pangako hindi na kita muli iiwan." Wika ni Eugene at niyakap ang kapatid. Kaya naman pala bigla siya nitong niyakap nang magkita sila.

"Salamat sa ginawa mong pag-aalalaga sa kapatid ko. Malaki ang utang na loob ko saiyo Julius." Wika ni Eugene kay Julius. Ang iba miyembro nang Phoenix na pinapanood ang magkapatid ay hindi mapigilang maantig ang puso. Ilang taon silang naghiwalay at ngayon ay muli nang magkasama. Masaya sila para sa magkapatid.

"Huwag kang mag-alala hindi naman mawawal si Aya saiyo eh." Wika ni Meggan kay Julius nang lumapit ito sa kanya.

"Masaya ako para sa dalawang yan." Wika ni Julius.

"Total masayang araw naman ngayon. Magluluto ako nang pansit para kanila." Wika ni Jenny.

"Magandang ideya yan Officer Jenny. Sabi din sa akin ni Dr. Gio gusto niya tayong yayaing mananghalian sa Manggahan. Mukhang unang araw nang anihan ngayon." Wika ni Ben.

"Baka naman si Chief lang ang inimbita hindi tayo. Baka mapahiya pa tayo diyan." Wika ni Arielle.

"Hindi no. Sinabi din ito sa kin ni Don Guillermo. Pasasalamat niya daw ito dahil sa ginawa natin noong engkwentro laban sa mga rebelde at pagliligtas sa mga dalagang nakidnap. Biruin niyo. Isa sa mga dalagang iyon anak nang Brgy. Chairmain." Wika pa ni Ben.

"Si captain nga pala nasaan?" Tanong ni Meggan.

"Mukhang bumalik sila ni Rick sa brgy kung saan natagpuan sina Aya. Ang dinig ko, magsasama sila nang pari sa lugar na iyon." Wika ni Ben.

"Talagang ang buti ni Chief. hIndi naman niya trabaho na asikasuhin ang mga tao sa brgy na iyon pero ginagawa pa rin niya. Isa pa, ang galing din niya. Hindi na kailangang maghirap sa paghahanap natagpuan niya kaagad si Aya. Para siyang may special powers." Wika ni Ben.

Napailing lang si Julius sa sinabi ang kaibigan.

"Eh, baka naman kasi talagang mabait lang si Chief. Wala nang mga lalaki ngayon na gagawin ang ginagawa niya noh. Siguro, siya na lang ang nag-iisang gentleman sa mundo." Wika pa ni Meggan.

"So sinasabi mo bang hindi kami gentleman?" Wika ni Julius kay Meggan. "Aba! Hindi naman ako papaya na alipustahin mo ang pagkatao mo. Hindi namna totoong si Kapitan na lamang ang nagiisang gentleman sa mundo." Dagdag pa nito.

"Ewan ko saiyo ang kitid nang utak mo. Palibhasa wala kang ibang alam kundi kumain." Wika ni Meggan

"Anong sabi mo!" tila nainis na wika ni Julius sa dalaga.

"Ano ba kayong dalawa tigilan niya na nga yang bangayan niyo wala naman kayong napapala. Gusto ko na tuloy isipin na nagkakagustuhan na kayo." Awat ni Ben sa dalawa.

"Ano?!" sabay na wika nina MEggan at Julius. "Never!" wika ni Meggan at inirapan ang binata.

"Hindi ako magkakagusto sa isang amasona." Wika naman ni Julius. Napaawang ang labing napatingin si Meggan sa binata dahil sa pagtataka. Napapailing na lamang si Ben dahil sa dalawa.

"Good the feeling is mutual!" inis naming wika ni MEggan saka padaskul na umalis.

"Sa palagay ko hindi mo dapat sinabi yun." Wika naman ni Rick kay Julius. "She may be boyish. But she is still a girl." Dagdag pa ni Rick.

"Don't worry. Hindi naman iyon matagal na magagalit. Parang hindi ka na nasanay sa aming dalawa." Wika pa ni Julius.

"Just be careful. You might end up falling for her charm." Natatawang wika ni Ben.

"Not a bad Idea. Meggan is a fine lady. Though she is lot tougher than anyone else." Wika naman ni Rick. Hindi naman kumibo si Julius. Hindi naman niya maisip ang bagay na iyon kay MEggan. Kaibigan niya ito at bukod doon. May ibang babae na siyang nagugustuhan.

Saang lugar to? Tanong ni Aya nang bigla na lang siyang lumitaw sa harap nang isang bahay ito yung bahay gaya nang description sa kanya ni Alice ito yung bahay malapit sa dalampasigan. Habang nakatingin siya sa bahay bigla niyang Nakita ang mga lalaking umakyat sa gate. Magnanakaw kaya? Tanong nang isip ni Aya. Napatingin si Aya sa bahay madilim ang paligid marahil tulog na ang mga naroon.

Ilang sandali pa. Nakita ni Aya na bumukas ang ilaw sa sala nang bahay. Ilang sandali pa may narinig siyang sigaw nang isang babae. Napaigtad si Aya dahil sa labis na gulat. Bakit pamilyar sa kanya ang narinig. Gusto niyang tumakbo papasok ngunit bakit hindi kumikilos ang katawan niya.

Sa isang bintana Nakita niya ang isang babae at 2 bata na pababa nang bahay. Nakita din niya ang isang puti na asa na karga nang batang lalaki. Tumakbo ang mga ito papunta sa nakaparadang sasakyan sa labas nang gate. Makalipas ang ilang minuto narinig niya ang sunod-sunod na putok nang baril. Bigla na lamang pumatak ang luha sa mata ni Aya. Pamilyar ang sakit sa dibdib na nararamdaman niya. Nakita niyang natataranta ang babae sa drivers seat mula sa bahay lumabas ang mga lalaking armado. Tinatawag nito ang pangalan nang babae.

"Daddy." Mahinang singhap ni Aya.

"Jasmine. Huwag kang matakot hindi naman kita sasaktan. Alam mong mahal kita." Wika nang lalaki. Ngunit hindi nakinig ang babae. Binuhay nito ang makina nang sasakyan saka nag mamadaling umalis.

"Nalintikan na! Sundan natin siya. Hindi siya pwedeng makatakas." Wika nang lalaki. Mula sa madilim na bahagi nang lugar Nakita ni Aya na nakaparada doon ang mga motor nang mga lalaki. Agad na sumakay doon ang mga ito at sinundan ang sasakyan nang mag-iina.

Ilang sandali pa bigla siyang lumitaw sa isang kalsada. Madilim ang paligid at panay ang kulog at pagkidlat, ngunit hindi niya marinig ang nakakatakot na tunog nang kulog at kidlat. Nagpalingon siya sa paligid hanggang sa mahagip nang tingin niya ang kotse nang mag-anak na pinapalibutan nang mga lalaking nakamotor.

Pinipilit nang lalaki na bumaba ang babae at sumama sa kanya. Sabi pa nito, iiwan nito ang pamilya niya at sasama sa babae.

Mamumuhay itong isang prinsesa kung sasama ito sa kanya. Ngunit hindi nakinig ang babae. Bigla nitong binuhay ang makina nang sasakyan at binunggo ang motor sa harap niya upang makalampas.

Dahil sa lakas nang impact nang ginawa nang lalaki. BIglang nawalan nang control ang babae sa sasakyan. Gumiwang-giwang ang kotse hanggang bumangga ito sa barikada na nasa harap. Ang barikadang iyon ang nahihiwalay sa kalsada at sa Bangin.

"Mommy!" biglang tili ni Aya nang Makita ang kotse gumulong-gulo. Biglang natigilan si Aya nang bigla na lamang may nahulog na feathers sa harap ni Aya. Sa isang iglap tila may isang malakas na hangin na dumaan sa harap ni Aya. Isang lalaki ang Nakita niyang dumungaw sa bintana nang kotse. Buong lakas nitong binuksan ang pinto nang sasakyan hanggang sa mabuksan niya iyon. Nakita niyang inilabas nang lalaki ang katawan nang sugatang babae. Kasunod niyang inilabas ang dalawang bata at ang aso.

Captain? Gulat na wika ni Aya nang makilala ang lalaking nagligtas sa dalawang bata. Nakita niyang ginamot nang lalaki ang batang lalaki. Kasunod noon ang paggamot nito sa batang babae. Habang ginagamot nito ang batang babae biglang lumabas ang puti at itim nitong pakpak. Ang kanang kamay nito na nakahawak sa kamay nang batang babae ay naglabas nang isang lutos na marka. Napahawak si Aya sa bead niyang kwentas ito ang lutos na imahe na nasa loob nang kwentas. Habang ipinasa nito ang enerhiya sa batang babae upang gamutin ito. Unti-unting nalalagas ang mga balahibo sa pakpak nito hanggang sa tuluyang maglaho ang pakpak nang lalaki.

Matapos nitong gamutin ang batang babae Nakita ni Aya na biglang nanghina ang lalaki. Napansin ni Aya ang isang maliit na ilaw sa dibdib nang batang babae. Lumitaw ito matapos siyang gamutin nang lalaki.

"You have to live little girl." Wika nang lalaki at inilagay ang kamay sa noo niya. Habang nakatingin sa lalaki biglang naramdaman ni Aya ang kamay nang lalaki sa noo niya. Nakita niyang tumayo ang lalaki nangmarinig nito ang sirena na nangmumula sa mobile nang mga pulis. Tila hirap ito sa paglalakad. Sinundan niya ito.

Saan naman kaya pupunta ang lalaki? Sa hina nang katawan nito baka biglan nalang itong mawalan nang malay.

Biglang umiwas sa daan si Aya nang mapansin ang ilaw mula sasakyan. Ilang beses na bumisina ang kotse ngunit tila walang narinig ang lalaki. Tuloy-tuloy ang andar nang sasakyan hanggang sa bumangga ito sa binata.

"Yabang!" sigaw ni Aya nang Makita ang pagbangga nang sasakyan sa katawan nang lalaki. Malakas ang ulan at madilim ang paligid. Dahan-dahang naglakad si Aya papunta sa nakahintong sasakyan nagbigla na lamang siyang maglaho.

Aya." Untag ni Jenny sa dalaga. Dahan-dahang iminulat ni Aya ang mga mata niya. Naririnig niya ang nag-aalalang boses ni Jenny. Hindi agad niya naimulat ang mga mata niya dahil sa matinding liwanag na tumatama sa mata niya daling sa ilaw. Iniharang pa niya ang kamay niya sa mata niya para maibsan ang liwanag na tumatama sa mata niya.

Anong nangyayari? Nasa paligid ba si Yabang? Tanong nang isip ni Aya. Kapag nasa paligid si Dranred at malapit sa kanya saka siya nakakakita. Dahil sa taglay nitong kakaibang liwanag. Unti-unting nasasanay ang mga mata niya sa liwanag kaya naman tinanggal ni Aya ang kamay niya na nakatakip sa mata niya. Napakurap-kurap ang dalaga. Malinaw niyang nakikita ang mukha nang isang dalaga, Naka dungaw sa kanya nag-aalala ito sa kanya. Agad siyang napaupo. Napalingon siya sa paligid upang hanapin si Dranred. Hindi naman niya nakakakita kung wala si Dranred.

"Aya? Okay ka lang ba?" tanong ni Arielle na nakaupo sa kabilang kama. Ganoon din si MEggan. Kapwa nag-aalala ang mukha nang mga dalaga sa kanya. Hindi makapagsalita si Aya. Nabibigla pa rin siya dahil sa mga nangyayari. Wala naman si Dranred sa loob ngunit bakit malinaw niyang nakikita ang mga tao sa paligid niya.

"Tatawagin ko lang si Sir Eugene." Wika ni MEggan at tumayo. Saka nagmamadaling lumaba nang hindi sumagot si Aya. Ilang saglit pa dumating sina Julianne at Eugene na siyang bantay sa labas nang kampo.

"Bakit Aya? May masakit ba saiyo?" nag-aalalang wika ni Eugene at lumapit sa kapatid. Sa halip na sumagot inilagay ni Aya ang kamay sa mukha nang kuya niya. Taka namang napatingin ang lahat sa dalaga at nagkatinginan.

"Bakit?" Ulit na tanong ni Eugene nang Makita niyang biglang tumulo ang luha sa mata ni Aya.

"Kuya, Nakikita na kita." Ngumiting wika ni Aya sa kapatid. Nagkatingin ang lahat dahil sa biglang idineklara nang dalaga.

"Aya, Kami? Nakikita mo rin ba kami?" tanong Julianne. Napatingin si Aya sa binata at ngumiti.

"Mas gwapo ka pala sa personal kesa sa larawan sa isip ko." Pabirong wika ni Aya sa binata.

"Now that you said that. Naniniwala na akong nakakakita ka." Ngumiting wika ni Julianne.

"Pero paano?" Tanong ni Eugene.

"Hindi ko rin alam." Simpleng wika ni Aya.

"Hindi na naman mahalaga iyon. Ang importante nakakakita na si Aya hindi ba?" wika ni Jenny na masaya para sa dalaga. Kanina akala niya binabangongot si Aya. Pagpasok niya sa kubo upang matulog matapos ang pagpatrol Nakita niya si Aya na umiiyak at tinatawag ang mommy at daddy niya. Maging sina Meggan at Arielle ay nagising dahil sa dalaga. Hindi nila alam kung anong mystery ang bumabalot sa dalaga at kung paano ito biglang nakakita pero hindi na iyon mahalaga.

Lahat masaya dahil sa balitang nakakakita na si Aya. Hindi man nila alam kung anong nangyari at kung anong hiwaga ang bubabalot sa biglang paggaling nang nang paningin nito. Hindi sila nagtanong pa ang mahalaga ay nakakakita na ang dalaga. Si Alice na siyang gabay ni Aya sa School nila ay labis ding masaya dahil sa magandang balita nang kaibigan.

"Pero bakit kasama mo pa rin si Snow kung nakakakita ka na?" tanong ni Alice nang dumating si Aya sa School nila.

"Nasanay lang akong kasama si Snow. Saka hindi naman siya magulo ah." Wika ni Aya.

"So ngayon hindi mo na kailangan nang recorder dahil makikita muna ang ituturo nang mga teacher." Ani Alice.

"Ganoon na nga." Ngumiting wika ni Aya.

Noong hindi pa siya nakakakita nagdadala siya nang recorder sa klase at ini-re-record lahat nang lecture nang Guro para gawing reference tuwing nag-aaral siya.

"O nandiyan na naman si Analie sa kampo." Natatawang wika ni Alice nang dumating sila sa kampo nang mga sundalo kung saan nananatili si Aya at ang kuya niya. Nakita nila si Analie na nasa tabi ni Dranred habang kumakain ito. Naiwan ito sa kampo kasama ang isang Sundalo habang ang ibang miyembro nito ay nagpapatrol.

May dala itong basket nang prutas na hindi naman bago sa kanila dahil parati naman niitong dinadalhan nang prutas ang binata.

"Analie!" wika ni Alice na mabalis na lumapit sa dalaga. "Magandang Hapon Captain." Bati ni Alice sa binata.

"Magandang Hapon naman." Wika ni Dranred. Pasimple itong tumingin kay Aya na nasa likod ni Alice. "Dumating ka na pala." Wika nito kay Aya. SImpleng ngiti lang ang tinugon ni Aya.

Simula nang makakita siya Ilang beses na niyang tinankang kausapin si Dranred may mga bagay siyang gustong itanong sa binata ngunit hindi siya makakuha nang tyempo. Kung hindi ito nagpapatrolya naroon naman si Analie at tila binabakuran ang binata na tila ba parang pag-aari nito si Dranred. Bagay na ikiniinis ni Aya.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Dranred at tumingin kay Alice.

"OO, dumaan kami sa bahay nag meryenda. Ito nga o may dala akong suman." Wika ni Alice at inilapag ang dala sa mesa.

"Suman? Saan mo naman nakuha iyan? Eh alam naman nang lahat kung anong klase ang trabaho nang nanay mo. Wala na nga siyang oras na asikasuhin ka." Ani Analie.

"Marunong akong magluto." Inis na wika ni Alice sa dalaga.

"Salamat sa dala mo Alice. Mukhang masarap. Tiyak magugustuhan ito nang mga tauhan ko." Wika ni Dranred kumuha nang suman na dala ni Alice.

"Magugustuhan din ba yan ni Lt. Julianne?" Biglang pinamulahan na wika ni Alice. SImula noong dumating ang mga sundalo sa baryo nila, sinabi na ni Alice kay Aya na may Gusto ito sa binatang sundalo. Pero sa nakikita nila masyadong ilap si Julianne sa mga babae. Para pa ngang mas gusto nitong kasama si Eugene.

"Hindi naman mapili iyon. Tiyak na magugustuhan ni Tiyente 'to" wika ni Dranred.

Habang paakyat si Aya sa kubo, bigla siyang napahawak sa hawakan nang hagdan. Biglang may mga imahe o eksena na Nakita niya sa isip niya. May mga Nakita siyang pagsabog. Mga malalakas nang putok nang baril.

Dahil sa mga Nakita niyang iyon, bigla siyang nahilo. Mabuti nalang at nakahawak siya dahil kung hindi baka nahulog siya. Hindi naman mataas ang hagdan kaya lang kung mahuhuhlog siya sakit parin iyon nang katawan.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Dranred kay Aya. BIglang napatingin si Aya sa binata. Hindi niya alam kung paano ito bigla na lamang nakalapit sa kanya nang ganoon ka bilis. Bigla siyang napaatras nang tumingin sa mukha nang binata.

Natakot siya nang ang Makita niya ang duguang mukha nang binata na tila napasubo sa isang matinding labanan. Ngunit split second lang naman ang Nakita niya.

"Bakit?" Takang tanong ni Dranred.

"W-wala naman. Napagod lang siguro ako. Magpapahinga lang ako." Ani Aya at nagmamadaling pumasok sa loob nangkubo. Hindi niya alam kung bakit niya Nakita ang mga iyon at bakit ang duguang mukha ni Dranred.

Anong sabi mong wala ditto si Captain?" Gulat na wika ni Analie nang dumating sa kampo at nag malaman na wala si Dranred sa kampo nang mga sundalo. SInabi sa kanya nina Eugene na umalis ang kapitan nila at kasalukuyang nasa Syudad.

"Lumuwas siy dahil may ipa-follow up siya at pinatawag siya ni General." Wika naman ni Julianne.

"Eh, Kailan naman ang balik niya?"

"Hindi namin alam." Wika ni Eugene. Nakita naman nilang sumimangot ang dalaga. Kung hindi dahil sa kanilang kapitan siguro hindi naman ito magpupunta doon sa kampo. Habang pabalik si Dranred sa Baryo kung saan sila nakadestino may mga lalaki siyang Nakita sa gitna nang kalsada, nakatayo ang mga ito na para bang hindi niinda ang mga sasakyang nagdaraan. Patuloy ang pagmamaneho niyang habang papalapit sa mga lalaki, panay din ang busina niya upang bigyan babala ang mga ito at paalisin sa gitna nang daan ngunit hindi natinag ang mga ito.

Dahil hindi naman nakinig ang mga lalaki walang ibang nagawa si Dranred kundi ang ihinto ang sasakyan bago pa niya mabangga ang mga ito.

Habang nakatingin siya sa mga lalaki unti-unti niyang nakikilala ang mga ito. Mahigpit siyang napahawak sa manibela nang sasakyan niya. Hindi niya alam kung bababa ba siya o babalik sa pinanggalingan niya. Matagal niyang iniwasan na makaharap ang mga nilalang na ito ngunit ngayon ay tila hinihintay siya nang mga ito.

"Bakit hindi ka lumabas diyan Phoenix Achellion." Wika nang isang lalaki. Lalong napahigpit ang hawak ni Dranred sa manibela dahil sa narinig niyang pagtawag sa kanya nang lalaki. Ang Phoenix ay pangalan niya nang naging fallen angel siya. Nang maging fallen angel siya isang marka nang fallen angel ang lumitaw sa kaliwang kamay niya, althought it is not visible as of the moment and he don't know why it is not showing these years dala pa rin niya ang tatak nang pagiging isang fallen angel.

Inilapat nang lalaki ang kamay nito sa harapan nang sasakyan niya. Kasunod noon ang biglang pagkabasag nang salamin nang sasakyan niya agad niyang iniyoko ang ulo niya at tinakpan nang kamay niya ang ulo niya upang hindi siya tamaan ang mga nabasak na salamin. Nang mag-iangat niya ang ulo niya Nakita niya ang nayuping harapan nang sasakyan niya at ang nakangising mga lalaki.

"Bakit mo naman kami iniiwasan. Dati naman tayong magkaanib." Wika nito.

"Rahab, Leonard, Azael, Jezebeth." Wika ni Dranred at binanggit ang pangalan nang mga nilalang.

"Mabuti at kilala mo pa kami." Ngumising wika ni Jezebeth.

Binuksan ni Dranred ang pinto nang sasakyan at marahang lumabas. Hindi na rin naman siya makakaalis sa lugar na iyon gayong sinira nang mga ito ang sasakyan niya. Nang makalabas si Dranred Nakita niyang hinawakan ni Leonard ang kotse niya. Para lang iton isang maliit na lata nang sardinas na niyupi nang lalaki bago ihagis papalayo.

"Anong ginagawa mo? Bakit ka nabubuhay kasama nang mga mortal? Kailan pa nawala ang kapangyarihan mo?" ani Rahab.

"Hindi ko sasagutin ang tanong mo. Wala din tayong ugnayan para pakialaman natin ang Gawain nang isa't-isa."

"Ang balita ko, ikaw ang Kumalaban kay Eurynome." Ani Azael. "Paano mong nagawang wakasan ang buhay nang kauri mo?"

"Hindi ko kasalanang, gumagawa siya nang kasamaan sa mga mortal. Kahit hindi ako ang nakalaban niya. Sa ganoong wakas parin ang kahahantungan niya." Wika ni Dranred.

"Naririnig m ba ang sarili mo?Simula ba nang makisalamuha ka sa mga mortal nakalog na ang ulo mo? Nakalimutan mo na bang sila ang dahilan kung bakit tayo naging ganito? Mga isinumpa?" Asik ni Leonard.

"Oh, Baka naman dahil sa babaeng ito." Wika nang isa pang boses mula sa likod ni Dranred.

"Dranred."Wika nang dalagang hawak nang isang fallen angel. Hawak nito ang leeg nang dalaga dahilan upang mahirapan itong huminga.

"Aya!" gimbal na wika ni Dranred nang lumingon at Makita ang dalagang hawak nang bagong dating na fallen angel. "Belial." Anas ni Dranred nang makilala kung sino ang dumating na kasama si Aya.

"Sinasabi ko na nga ba ang dalagang ito ang dahilan nang pagiging mahina mo." Biglang wika ni Aya. Napakunot ang noo ni Dranred. Anong pinagsasabi ni Aya. Lumuwag ang pagkakahawak ni Belial sa leeg nang dalaga dahilan upang makawala ito, Naglakad ito palapit kay Dranred. Unti-unting nagbago ang anyo nang dalaga at naging isang fallen angel.

"Ornais." Anas ni Dranred nang makilala ang nilalang na nagpanggap bilang si Aya. Tumawa ito nang malakas nang Makita ang ekspresyon nang mukha nang binata.

"Talagang mahina ka na Achellion. Ni hindi mo man lang naramdaman ang enerhiya ko. Anong nangyari sa iyo? Kailan ka pa naging isang walang silbi." Nakangising wika ni Ornais. Nakakuyom naman si Dranred. Hindi niya nagugustuhang pinaglalaruan siya nang mga dati niyang kasamahan.

"Hindi ba ang batang ito ang tinangkang patayin ni Obyzouth noon? Isang mahinang mortal na hindi niya nagawang patayin." Wika ni Jezebeth. Hindi kumibo si Dranred. Siya ang dahilan kung bakit hindi nagawang mapatay ni Obyzouth ang dalaga dahil nakialam siya.

"Achellion, bakit hindi ka muling umanib sa amin? Sa ngayong nag-----"putol na wika Leonard.

"Hindi ako interesado. Gawin niyo ang gusto niyong gawin." Wika ni Dranred at nilampasan ang mga ito.

"Huwag kang hangal Achellion. Alam mong hindi ka mortal kaya huwag kang umasta na para bang kabilang ka sa mundong ito." Habol ni Belial.

"Hindi rin ako kabilang sa mundo niyo. Kaya huwag niyo na akong pag-aksayahan nang panahon." Wika ni Dranred at pinahinto ang isang bus. Nakatingin lang ang anim habang mapapalayo ang sinasakyang bus nang binata.

"Anong nangyari sa kanya? Bakit kasama na siya nang mga mortal?" Tanong ni Ornais.

"Naramdaman niyo ang enerhiya ni Achellion? Hindi ko mawari kung enerhiya iyon nang isang ga—"

"Tumigil ka na Leonard. Isa siyang Fallen angel at iyon ang dapat niyang mapagtanto."agaw ni Jezebeth sa iba pang sasabihin ni Belial.

"Anong balak mong gawin?" tanong ni Rahab.

"Ang ipakita kay Achellion kung ano siya." Simpleng wika nito.

"Ano naman ang gagawin natin sa dalagang iyon. Hanggat nabubuhay siya hindi magiging madali na makumbinsi si Achellion na umanib sa atin." Wika ni Leonard.

"Isa lang naman ang solusyon diyan. Isa lang siyang mahinang mortal. Wala siyang laban sa atin. Hindi rin tayo magagawang saktan ni Achellion dahil mahina siya at walang kapangyarihan."

"Sinasabi mo bang patayin natin ang dalagang iyon.?"

"Kung mawawala siya sa landas natin mas mapapadali ang pagkumbinsi natin kay Achellion na pumanig sa atin. Mas magiging mabilis ang misyon natin na tapusin ang mga mortal ang mga nilalang kung bakit tayo narito sa mundong ito. Sila na mahihina at walang kapangyarihan. Dapat nilang malaman na mas may nakakahigit sa kanila." Wika ni Jezebeth.

"Mas Mabuti pa sigurong, hingin natin ang tulong ni Cain at nang iba pa."wika ni Ornaiz.

"Hindi na kailangan iyon." Ani Belial.

"Makakaya natin si Dranred dahil mahina na siya at walang kapangyarihan." Wika ni Jezebeth.

"Hindi pa rin dapat tayo maging kampante. Kung nagawa niyang mabuhay sa mundong ito sa ganitong estado nang lakas ibig sabihin hindi siya isang pangkaraniwang nilalang" wika naman ni Leonard.

"Kotse mo ba ang nasa kalsada?" tanong nang driver kay Dranred nang nasa loob na siya nang bus.

"Oo." Simpleng wika ni Achellion.

"ANong nangyari? Bakit yupi ang harapan nang sasakyan mo?" tanong nang isang lalaki kay Dranred, Isang bus na puno nang mga bakasyonista ang nasakyan ni Dranred hindi na siya nag isip pa nang pahintuin niya ang bus. Ang iniisip lamang niya nang mga sandaling iyon ay kung papaano makakaalis sa lugar na iyon. Hindi naman sinagot nang binata ang tanong nang lalaki. Ano naman kasi ang isasagot niya walang maniniwala sa kanya na isang fallen angel ang sumira sa sasakyan niya.

"Saan ang tungo mo?" Tanong nang isang lalaki sa kanya. Napatingin lang si Dranred sa lalaki.

"Papunta kami nang Hacienda Sebastian. Saan ka naming ibaba?" Tanong nang driver kay Driver.

"Doon din ang punta ko." WIka ni Dranred.

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Ikaw ba ang doctor na apo ni Don Guillermo?" tanong nang isa pang lalaki.

"Hindi." Wika ni Dranred.

"Ganoon ba. Hanggang ngayon pa rin ba ginugulo nang mga rebelde ang lugar na iyon?"

"Hanggat hindi nahuhuli ang mga rebelde hindi magiging tahimik ang lugar na iyon." Sagot ni Dranred. "Alam niyo naman pala na may mga rebelde sa lugar na iyon bakit pa kayo pupunta?" tanong pa niya.

"Nabalitaan naming masasarap ang manga sa hacienda at dinudumog nang mga bakasyonista dahil sa ganda nanglugar. Ayon pa sa balita iang magandang lalaki din ang apo nang Don." Wika nang isang babae.

"Ganoon ba." Wala sa loob na wika ni Dranred.

"Ikaw binata? Taga STa. Catalina ka ba? Hindi ko yata natatandaan ang mukha mo." Wika nang driver. "Ilang beses na akong pabalik balik sa bayang iyon at naghahantid nang mga dayo. Ito ang unang beses na Nakita kita."

"Bago lang ako sa lugar." Wika ni Dranred.

"Kaya naman pala." Wika nang Driver. Nang huminto sila sa labas nang gate nang Hacienda Sebastian. Nagpaalam ang binata sa mga ito at agad na umalis.

Papunta si Aya sa tindahan nang bigla siyang huminto sa gitna nang kalsada. Nakatingin siya sa lalaking nasa tindahan. Habang nakatingin siya sa lalaki. Bigla niyang naalala ang panaginip niya. Ito ang lalaking Nakita niyang pumatay sa mga magulang niya. Bigla siyang nanginig sa takot lalo nan ng humarap ang lalaki sa kanya. Ang mas lalo pa niyang ikinatakot ay ang nakitang nilalang sa tabi nito. Nakangisi ito habang tila naka akbay sa lalaki. Lalo naman siyang natakot nang Makita ang baril na nakatago sa likod nito.

Nakita niya ako. Gimbal na wika nang isip ni Aya nang magtama ang tingin nila nang nilalang sa likod nang lalaki. Tila napansin naman nito na Nakita din siya ni Aya, Kaya bigla itong kumalas sa pagkakahawak sa lalaki saka dahan-dahang lumapit sa kanya. Gusto niyang umatras at tumakbo kaya lang tela napako ang mga paa niya. AYaw kumilos nang mga paa niya.

"Hey." Wika ni Dranred na hinawakan ang braso ni Aya. Habang papunta siya sa kampo nila Nakita niya si Aya na nasa gitna nang kalye hindi ito makatuloy sa pagpunta sa tindahan. Nang tumingin siya sa tindahan Nakita niya ang isang lalaki at isang fallen Angel. Agad na niyang nahulaan kung bakit tila nabato si Aya. Kaya naman nagpasya siyang lapitan na ang dalaga.

"Captain."mahinang wika ni Aya nang tumingin sa binatang dumating.

"Just relax okay. Nandito na ako." Wika ni Dranred at inakbayan ang dalaga. "Bumalik na tayo." Wika ni Dranred at pinihit ang dalaga pabalik sa direksyon nang kampo. Habang naglalakad sila bigla naman silang sinalubong nang nilalang nanakita nila kanina sa tindahan.

"Tama pa pala ang sabi sa akin ni Jezebeth. Buhay ka Achellion." Wika nang lalaki.

"Tayo na." wika ni Dranred at hindi pinansin ang lalaki.

"Huwag kang umasta na hindi mo ako nakikilala Achellion." Habol nang lalaki sa binata. Hindi naman siya nilingon ni Achellion. Taka namang napatingin si Aya sa binata. Kilala ba nito ang nakakatakot na nilalang na iyon? Bakit Achellion ang tawag nito sa binata. Ano pa ang misteryong bumabalot sa pagkatao nang binata? Talagang ang binatang ito ba ang Nakita niya noon ang bata pa siya?

Ito ang mga taonog na nasa isip ni Aya. Kaya lang hindi niya magawang magtanong sa binata. Ito na ang tamang pagkakataon upang matanong niya ang binata at mabigyang linaw ang mga tanong sa isip niya? Ano ang kinalaman nito sa mga kakaibang panaginip niya? Ano ang koneksyon nito sa kanya?

"ALam kung magandang lalaki ako at makisig huwag mo na akong titigan nang ganyan." Wika ni Dranred nang mapansin ang titig sa kanya nang dalaga.

"Ang yabang mo." Wika ni Aya at inilayo ang tingin sa binata.

"If you encounter them yet again. Don't look into their eyes and pretend you cant see them. Because normal mortal has no ability to see them." Wika ni Dranred na sumeryoso ng mukha . bigla namang napahinto si Aya. Taka namang nilingon ni Dranred ang dalaga.

"Kung ganoon kilala mo sila?"

"Sabihin na nating ganoon na nga." Simpleng sagot ni Achellion. Nakita ni Achellion sa mata nang dalaga na hindi ito kombinsido sa sinabi niya. Tila may mga bagay pa itong gustong malaman. "C'mon now. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko saiyo ang lahat. Hindi mo rin naman maiintindihan." Wika nang binata.

"Hindi ko maiintindihan? Pati ikaw ang turing mo sa akin isang batang paslit nawalang maintindihan sa mga nangyayari!" usal ni Aya. "Alam mo ba kung gaano ka hirap mabuhay nang normal sa mundong ito. Sa araw-araw na ginawa nang diyos mga iba't-ibang klaseng nilalang ang nakikita. Isinilang akong bulag pero nakikita ko naman ang mga bagay na hindi gugustuhing Makita nang isang normal. Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari sa akin." Wika ni Aya. Nakita naman ni Achellion ang pagniningning nang mga nang dalaga dahil sa nagbabandyang mga luha.

Naiintindihan naman ni Achellion kung ano ang nararamdaman ni Aya At hindi niya ito masisisi kung nagagalit man ito ngayon. Kaya lang hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nito ang mga bagay na tungkol sa kanya.

"Please. Try to understand me. Okay. Ako din hindi ko alam kung anong ang ibig sabihin nang mga nangyayari sa ngayon. Kaya mas mabuting hayaan na muna natin ang lahat on how the way things are." Wika ni Dranred at lumapit kay Aya. Nang hawakan niya ang braso nang dalaga bigla na lamang gumuhit sa kalangitan ang malakas na kulog at kidlat. Sadyang matutukutin si Aya sa kulog at kidlat kaya naman gad siyang napahawak sa braso nang binata.

Lihim na napangiti si Dranred sa naging reaksyon ni Aya. Kanilang napakatapang nito, nang biglang kumulog at kumidlat para naman itong maliit na batang takot.

"I think we should better go. Mukhang masama pa ang panahon." Wika ni Dranred at hinawakan ang kamay ni Aya. Dahil sa ginawa nito biglang napatingin si Aya sa kamay nang binata na hawak ang kamay niya. Panay ang pagkulog at pagkidlat ngunit tila hindi niya iyon alintana She feels secure habang hawak nang binata ang kamay niya. Bakit ba parang gusto mas gusto niyang hawak nalang ang kamay nang binata.

"Aya. Kanina pa kita----" biglang natigilang wika ni Eugene nang salubungin ang kapatid na paparating kasama ang Kapitan nila na bumalik na. Agad na nanapansin ni Eugene ang magkahawak na kamay nang dalawa na siya rin namang napansin nang iba pa.

"Oh." Wika ni Rick at napangiti nang Makita ang mata ni Eugene na nasa kamay nang kapitan nila na hawak ang kamay ni Aya.

"Bumalik kana pala Captain." Wika ni Julianne at lumapit sa kanila. Napansin naman ni Dranred ang mga mata nang mga tauhan kaya agad niyang binitiwan ang kamay nang dalaga. Lihim namang napangiti ang mga kasamahan ni Dranred dahil sa naging reaksyon nang binata. Ito ang commanding officer nila pero sa mga mata pa lang nang kuya ni Aya mukhang na awkward na ito.

"Kumusta kayo ditto?" tanong ni Dranred sa mga tauhan.

"Bukod sa araw araw na pagdalaw ditto ni Analie. Okay naman ang lahat." Nakangiting wika ni Meggan.

"Talagang Malaki ang tama sa inyo nang apo ni Don Guillermo Captain." Wika pa ni Johnny.

"Hindi na nakakapagtaka yun. Magandang lalaki si Capt. At maaasahan." Wika pa ni Rick. Nakita nilang naninggkit ang mata nangkapitan nila.

"Maganda rin naman si Analie. And very aggressive." Wika ni Ben.

"Alright, that enough." Wika ni Dranred. "Maghanda kayo magpapatrolya tayo." Wika ni Dranred at nilampasan ang mga tauhan.

"Kakaiba pala mahiya si Capitan pinamumulahan." Wika ni Ben nang pabulong kay Johnny. Lihim namang natawa ang iba dahil sa reaksyo nang kanilang kapitan.

"Aya saan ka galing?" tanong ni Eugene nang makalayo sa kanila si Dranred. "Bakit kayo magkasama ni Captain?"

"Kuya. Nakita ko yung taong pumatay kay Mommy at Daddy. Narito siya." Wika ni Aya. Naramdaman ni Eugene ang biglang panginginig nang kamay nang kapatid niya. Masyado pang bata noon si Aya para maintindihan ang nangyari sa kanila. He even doubt na may naalala ito sa mga nangyari sa kanila nang gabing pinatay ang mga magulang nila. Nag-aalala siyang maging sakit lang sa kalooban ni Aya ang mga alaalang iyon. Bagay na ayaw niyang mangyari. Ayaw niyang isipin nang kapatid ang mga malungkot at masakit na mga alaala.

"Anong sinasabi mong narito siya? Akala ko ba nagtatago siya?" Halos pabulong na wika ni Julianne sa magkapatid.

"Iyan ang dapat nating alamin." Wika ni Eugene. Kung narito ang lalaking iyon. Kapag Nakita sila nito baka makilala sila. Lalo na siya. Tiyak na hindi sila bubuhayin nang lalaking pumatay sa mga magulang nila.

"Hindi kaya piniprotektahan siya nang ama niya?" sapantaha ni Julianne.

"Maaaring ganoon na nga kung narito siya at malayang gumagala hindi malayong mangyari yun. Sinisiguro kung hindi na magtatagal ang pagiging Malaya niya." Wika Eugene.

"Kung ilang taon siyang naging malaya at nabuhay nang hindi pinagbabayaran ang atraso niya sa pamilya ko sinisiguro kong ako ang puputol nang kaligayahan niya." Wika ni Eugene at nagkuyom nang kamao. Hindi napansin nang tatlo na nakatingin sa kanila si Jenny nagtataka ito kung anong pinag-uusapan nang tatlo. Parang napaka seryoso nang pinag-uusapan nang tatlo.

H i" Wika nang isang lalaki kay Alice nang lumabas ito sa silid nang mama niya. Naabutan siya nito sa kusina at nagaalmusal. Napatingin si Alice sa lalaki. Tanging shorts lang ang sout nito. "Pwede ba mag bihis ka." Asik ni Alice sa lalaki. Sanay na siyang Makita ang ina niya na iba-iba ang lalaking inuuwi sa bahay nila. Nakasanayan na niya ang ganoong sitwasyon. Hindi na iyon bago sa kanya. Kahit ang pag-usapan sila nang mga kapit bahay dahil sa uri nang pamumuhay nang ina niya ay hindi nab ago sa kanya. Pero nasasaktan parin siya dahil kailangan niyang tiisiin lahat nang pangmamata nang mga tao sa kanya. Namumuhi siya sa uri nang pamumuhay nila nang nanay.

"Oh, Alice bakit narito ka pa rin." Gulat na wika nang nanay niya nang lumabas ito sa silid. Nakasout ito nang manipis na robe.

"Nag-aalmusal ako." Balewalang wika ni Alice. Nakita niyang lumapit sa ref ang lalaki. Para ba nitong sairiling bahay ang bahay nila. Nainis si Alice nang Makita ang lalaki na uminom sa bottled water na hindi man lang gumamit nang baso.

"Marami kaming baso, baka gusto ikuha kita." Sakristong wika ni Alice lalaki.

"You are such a funny girl." Anito at inilapag ang bote nang tubig saka pumasok sa loob nang silid nang ina niya.

"Ano bang nangyayari sa iyo Alice? Bakit ang aga-aga ang init nang ulo mo." Wika nang Ina ni Alice at lumapit sa mesa saka naupo sa bakanteng upuan at kumain.

"Ma, Hindi ka ba napapagod sa uri nang pamumuhay natin? Ang trabaho mo?"

"Ano namang masama sa ginagawa ko. Baka naman nakakalimutan mo, dahil sa ginagawa ko kaya tayo nabubuhay ngayon. Masaya ako sa trabaho ko. Akala ko ba napag-usapan na natin to."

"Masaya kayo? Eh ako? Ni minsan hindi niyo tinanong kung masaya ako." Ani Alice.

"Ito na naman tayo. Pwede ba Alice ang aga-aga pa." wika nang nanay niya.

"Ganyan naman kayo eh, ayaw niyong pag-usapan ang tungkol sa buhay natin. Sanay na kayo sa kung anong klaseng pamumuhay meron ka. Pero ako. Ma, ayoko nang ganito. Ayokong maliit ang tingin sa akin nang mga ka klase ko dahil ang nanay koi sang bayaran." BUlalas ni Alice. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang bigla siyang sampalin nang mama niya.

"Kahit bayaran ako. Ako pa rin ang nanay mo. Wala kang karapatang pagsalitaan ako nang ganyan." Galit na wika nang mama niya.

"Hindi ko ginustong ikaw ang nanay ko. Sana—Sana hindi ikaw ang nanay ko." Umiiyak na wika ni Alice saka tumayo at tumakbo. Hindi naman nakapagsalita ang ina ni Alice dahil sa labis na gulat maging ito nagulat sa ginawa niya at sa sinabi ni Alice.

"I had a wonderful Time." Wika nang lalaki na lumabas sa silid nang nanay ni Alice, naglapag ito nang pera sa mesa saka umalis. Napakuyom nang kamao si Lyda saka kinuha ang pera. Kahit siya diring-diri na sa sarili niya. Ngunit wala naman siyang ibang alam gawin kundi ang bagay na ito. Dito lang sila nabubuhay nang anak niya. Kung sana nakatapos siya nang pag-aaral di sana hindi ganito ang kinahantungan nila ni Alice hindi sana isang nakakadiring pamumuhay ang naibigay niya sa anak niya.

"Ah," wika nang lalaki saka huminto sa may pinto at nilingon si lyda. "Maganda ang anak mo. Bakit hindi mo siya dalhin sa club tiyak na maraming mag-aagawan na customer sa kanya. Sawa na rin naman kami sa mga sinaunang putahe." Ngumising wika nang lalaki.

"Umalis kana bago pa magdilim ang paningin ko at magawan kita nang masama." Galit na wika ni Lyda sa lalaki at tumingin ditto.

"SInasabi ko lang naman kung ano ang sa tingin ko ang maganda para sa inyong mag-ina." Wika nito. "Pag-isipan mo ang sinabi ko." Wika nang lalaki.

"Umalis ka na!" galit na asik nang babae saka binato nang baso ang lalaki. Natatawang lumabas nang pinto ang lalaki. Hindi ito tinamaan nang baso dahil sa pinto tumama ang basong ibinato nang babae.

Nang pumasok sina Aya at Alice sa class room nila agad nilang napansin ang kumpulan ng mga kaklase nila sa upuan ni Analie. Pero hindi na kakaiba ang tanawin na ito para sa kanila. Halos linggo-linggo may bagong gadget o damit ang kaklase na bigay ng ama nitong nasa ibang bansa, Kahit na sobrang yaman nan ang pamilya nito dahil sa malaking hacienda nang lolo nito nasa ibang bansa pa rin ang ama nito at may inaasikasong business.

Ang totoo niyan naiinggit siya sa kaklase hindi dahil sa mga bagay na meron itong lolo at daddy na nag-aalaga at ibinibigay ang lahat nang gustohin nito. Iniisip niyang kung buhay ang daddy niya ganoon din kaya ito sa kanila nang kuya niya?

"Aya! Tingnan mo may bagong bag si Analie." Wika ni Lisa na isa sa mga nakiki osyoso sa kaklase. Ngumiti lang si Aya sa kaibigan.

"Aya! Balita ko nahuli ng Kuya mo Si Sen. Villafuerte at ang anak nito. Siguro ngayon malaki ang reward ng gobyerno sa kuya mo. Sabin ang lolo ko, magaling daw na pulis ang kuya mo kaya lang masyado siyang bata. Ang mga adhikain niya ay mababaw pa kumpara sa mga nasa mas mataas na pwesto. Baka isang araw sa halip na ang mga masasamang tao na nasa gobyerno ang hulihin niya eh maging isa pa siya doon." Wika ni Analie.

Biglang nainis si Aya sa sinabi nito. Bigla siyang nag kuyom ng kamao. Oo hindi sila magkasundo ni Analie pero hindi niya akalain na maliit ang tingin nito sa kuya niya. Magaling na pulis ang kuya niya kaya nahuli nito ang isang malaking sindikatong miyembro nang gobyerno. Isa pa, bakit naman kakailanganin nang kuya niya na kumapit sa mga malalaking tao. Alam naman nilang isang taga pagmana ang kuya niya. May malaking hotel corporation ang lola nila.

Kung makapagsalita parang kilala niya ang pamilya ko. Inis na wika nang isip ni Aya. Alam ba nito ang lahat ng tungkol sa kuya ko? Ang yabang dahil ba sa isang businessman sa ibang bansa ang daddy mo at may ari nang malaking Hacienda sa lugar na ito ang lolo mo? Taas ng tingin sa sarili. Inis na wika ni Aya sa isip niya.

"Talaga? Wow ang galing talaga ng kuya mo." Wika ng isang ka klase niya. "Mabuti nalang ditto sila na destino sa lugar natin no." masayang wika nang isang kaklase nila.

"Swerte lang ang kuya niya. Ang tunay na magaling ay si Captain Dranred. Minsang naimbitahan siyang mag hapunan sa bahay sinabi nito sa lolo ko na dati siyang FBI member." Wika ni Anali. Lalong napakuyom ng kamao si Aya at nakagat ang pang-ibabang labi dahil sa sobrang inis. Humugot ng malalim na buntong hininga si Aya bago lumingon sa kaklase at ngumiti kahit na sa loob niya gusto niyang sumabog sa inis.

"Magkaiba naman si Kuya Eugene at ang Kapitan nila."Wika ni Aya na nakangiti sa kaklase. "Magaling na pulis ang kuya ko." Wika ni Aya.

"Alam kong pinagtatanggol mo ang kuya mo dahil kapatid mo siya." Wika ni Analie. "Alice, balita ko, wala nang trabaho ang mama mo.

Isinara na ang club na pinapasukan niya dahil sa mga malalaswang Gawain nang mga nagtatrabaho doon. Salamat sa lolo ko at sa brgy chairman, mababawasan na ang mga salot sa lipunan. Malaki din ang naging papel nang mga sundalo sa lugar natin, sa pagpapasara nang club. Napapabalita kasi na dinadayo iyon nang mga rebelde. Baka gawin pang kuta." Wika ni Analie at bumaling kay Alice. Bigla namang nagtaka si Aya hindi naman sinasabi ni Alice sa kanya na wala nang trabaho ang mama niya.

Noong nakaraan gabi isang raid ang ginawa nang grupo ni Dranred sa club kung saan nag tatrabaho ang mama ni Alice. Isang tip kasi ang natanggap nang mga sundalo na doon nagkukuta ang mga redelde at para mapigilan ang mga i-raid nang mga sundalo ang club at ipinasara sa tulong nang brgy. Captain nila at nang mayo siyempre naroon din ang philanropist na si Don Guillermo na siyang nagbigay nang tip sa mga sundalo.

Nitong mga nakaraang araw, naging tahimik din si Alice at hindi na masyadong nakikipag-usap sa kanya. Hindi na nga niya nakakamusta ang kaibigan. Nitong mga nakaraang araw, maraming nangyayari sa kanila kaya naman hindi na sila nakakapagusap. Alam din naman niyang hindi komportable si Alice na pag-usapan ang bagay na iyon.

"Magkakaroon nang parents conference sa makalawa. Dadalo ba ang mama mo? Mas Mabuti sigurong hwag nalang." Ani Analie. "Future natin sa college ang pag-uusapan. Ano naman ang ibibigay nang mama sa iyo?"

"Bakit ba ang napakaliit nang tingin mo sa mga taong mas mababa sa iyo! Sobrang taas nang tingin mo sa sarili, para bang napaka perpekto mo. Isang tabahador lang sa ibang bansa ang tatay mo." Inis na bulalas ni Aya.

"Anong nagagawa niya sa lipunan? Kung naririnig ka ba nang ama mo, matutuwa ba siyang isang mapagmataas ang anak niya?" Lahat sila nagulat sa sinabi ni Aya. Ang dalagang dati ay pinapalampas lang ang mga sinasabi nang kaklase ngayon ay bigla na lamang nagsalita. Napaawang lang ang labi ni Analie dahil sa sinabi ni Aya. Maging ang iba nilang mga ka klase ay wala ding nasabi dahil sa pagkagulat at pagkamangha.

"Huwag kang mayabang dahil sa nasa isang mataas kang pamilya." Dagdag pa ni Aya.

"Aba--" putol na wika ni Analie.

Nächstes Kapitel