webnovel

Chapter Three

Bago sumunod si Achellion sa Heneral, napatingin siya sa binatang sina Eugene at Julianne. He still remember that face. Ang mukha nang binatilyong iniligtas niya 10 years ago. Kahit na medyo nag mature nag mukha nito at naging matipuno ang pangangatawan hindi niya malilimutan ang mukha nang binata.

"Bakit Eugene?" Tanong ni Julianne sa kaibigan nang mapansin na nakatitig ito sa binata.

"I think I saw him somewhere." Mahinang wika ni Eugene. Hindi siya sigurado kung saan ngunit ang mukha nito. Parang nakita na niya kung saan. Taka namang napatingin si Julianne sa binata. Matama siyang napatitig sa binata. kakaiba ang nararamdaman niya ditto.

"Maaring nagtataka kayo kung bakit kayo narito. May ilan sa inyo na akala ay I ko court martial kayo." Wika nang Heneral at tumingin kay Julainne bigla namang napayoko nang ulo si Julianne dahil sa labis na hiya. "Marahil nag tataka din kayo kung bakit kayo ang napiling pumunta ditto hayaan niyong ipaliwanag ko ang lahat." Wika nang lalaki saka binuksan ang projector. Sa white board, agad nilang napansin ang nakasulat. Phoenix Task Force.

"Malugod ko kayong tinatanggap sa Special task force. Ang Phoenix Task Force. Ang Phoenix ay isang joint project nang Armed forces at National defense Isa itong secretong organisasyong na pinamumunuan nang mga military kayong walo ang napili para bumuo sa nasabing task force. Ang primary objective nang Task force ay hawakan ang mga serial cases na hindi agad nalulutas nang mga pulis. Kailangan niyong maging mabilis. Kayo ang inaasahang lulutas sa mga kaso sa isang tahimik na paraan. Simula ngayon kayong walo na ang bubuo sa special task force na ito." Wika nang Heneral.

Ipinaliwanag nang Heneral na silang walo ang natatangi sa kanilang mga departamento. Ang siyang naging Basihan sa pagpili sa kanila. Isa isa din silang ipinakilala. Sila ang bubuo nang bagong task force/special task force for investigation.

SPO1 Meggan Young – 25 y/o miyembro nang PNP, Magaling sa taekwondo at weaponry. Magaling din siya sa surveillance. Isa sa big three nang Aloha Team

Sgt. Ben Cordero - 30 y/o miyembro nang NBI forensics at magalaing na computer Analyst.

Sgt. Johnny Valdez - 27 y/o miyembro nang air force, Isang bomb Expert.

Sgt. Rick Hermoso - 26 y/o miyembro nang air force, Isang bomb Expert.

SPO3 Julius Hererra - 28 y/o miyembro nang PNP isa sa big three nang Aloha team, Magaling na sniper.

1Lt. Eugene Heartfelia - 28 y/o miyembro nang armed forces, mula sa surveillance department.

2Lt. Juliane Ramirez - 28 y/o miyembro nang armed forces, mula sa surveillance department.

SPO4 Jenny Ledesama - 25 y/o dating paramedics at medical intern, Mula sa PNP. Isa sa big three nang Aloha Team.

Capt. Dranred Bryant – Age unknown; miyembro nang armed forces, Miyembro nang Navy Seal at UN special unit at squadron leader siya ring ang bagong Commanding officer nang Task Force Phoenix.

"Kayong walo, kasama ang 7 pito pang sundalo ang bubuo nang isang squadron na ipapadala sa isang probinsya. Noong nakaraang isang buwan, pinasok ni Captain Bryant ang grupo nang mga rebelde ngunit hindi naging matagumpay iyon.

Sa aming palagay, may malaking tao nang gobyerno ang pomoprotekta sa mga rebelde sa lugar na iyon. Nais ko ring lutasin niyo ang kaso nang mga nawawalang kadalagahan sa lugar na iyon." Wika nang heneral. "Sa nagdaang 1 taon 7 dalaga na ang nawawala. 2 sa kanila ang natagpuang wala nang buhay at 5 ang hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natin alam kung saan naroon."

Pumasok sa loob nang conference room ang isang dalagang may dalang mga folder. Isa-isa silang binigyan nang dalang folder nito.

Ganoon na lamang ang gimbal nila nang makita ang isang patay na katawan nang isang dalaga sa unahang pahina. Agad naman nilang tiningnan ang iba pa. doon nakita nila ang tatlo pang katawan nang mga babae.

"Anong klaseng files 'to?" takang tanong ni Ben dahil sa labis na gulat.

"Kung maalala niyo six months ago may mga kadalagahang nawawala. Ang apat na iyan ang ilan lamang sa mga kadalagahang kinidnap. Noong isang buwan, nagsagawa nang research ang rescue operation ang national defense para hanapin ang mga kadalagahang nawawala. At sa paghahanap nila nakita nila ang bangkay nang apat na dalagang iyan. Para sa proteksyon nang pamilya nila hindi inilabas ang balitang ito.

At para na rin sa ikapapanatag nang loob nang iba pang pamilya na hanggang ngayon hindi pa makita ang mga anak. " paliwanag ni General Mendoza.

"Napakabrutal nang pagkakatapay sa kanila. Tinanggal ang Puso at Atay." Nangilabot na wika ni Rick.

"Ano namang klaseng mga tao ang gagawa nito?" Takang tanong ni Julius.

"Kung pagbabasihan natin ang report. Maaaring black syndicate ang gumawa nito. sila ang illegal na grupong nagbibinta nang mga laman loob sa black market." Ani Ben.

"Ngunit, kung black market ang mga gawa nito, hindi ba dapat hindi lang puso at atay ang kinuha nang mga ito? Pwede rin nilang ibenta ang Kidney at Mata." Wika naman ni Meggan. Dahil sa sinabi nang dalaga takang napatingin sa kanya ang mga binata. Iyon ay dahil sa labis na pagkagulat sa sinabi nang dalaga. "Bakit? May sinabi ba akong masama?" takang tanong ni Meggan nang mapansin na nakatingin sa kanya ang lahat.

"Dati ka bang nag tatrabaho sa Black Market?" Pabirong tanong ni Julius sa dalaga.

"Anong sabi mo?" inis na wika ni Meggan.

"Tama na yan!" wika nang heneral. "May punto rin naman si Meggan. Pina imbestigahan na naming ang black market at wala kaming makitang koneksyon nila sa mga nangyayari. Sa ngayon ito lang ang lead na meron tayo." Wika Nang general at initusan si Juri na ibigay sa walo ang isa pang folder. Lamang noon ang mga profile nang 6 pang dalagang nawawala. Noong nakaraang 6 na buwan sabay sabay na nawala ang 10 dalaga. Noong isang buwan lang nila nakita ang bangkay nang apat.

Sa ngayon may anim na biktima pa ang hindi nakikita at ito ngayon ang unang misyon nang phoenix. Kailangan nilang mahanap ang anim na dalaga bago pa may sumunod na mamatay sa kanila kung paano at kung saan nila hahanapin ang mga ito hindi pa nila alam.

"I trust you Capt. Bryant. I know you can find a way to figure this out." Wika ni General Mendoza at bumaling sa tahimik na binata.

"I will do my best." Wika naman ni Dranred.

"Bukas na ang alis ninyo papunta sa maliit na bayan kaya maghanda na kayo." Wika nang Heneral. "Captain, ikaw na ang bahala sa ibang preparasyon. Kinausap ko na ang 7 dagdag sa grupo niyo they will join you tomorrow."

"One more thing. Kinausap ko na ang mayor at kapitan nang bayan na iyon, they will assist you. Pag datin ninyo you will conduct a symposium for information dissemination." Dagdag nito.

"Yes Sir." Sagot naman ni Dranred.

Hi." Wika ni Eugene at lumapit sa dalagang nakatotuk sa computer monitor. Magulo ang buhok na para bang hindi kilala ang suklay. Ang mesa nito ay napapalibutan nang mga files.

Nang marinig nang babae ang nagsalita pa simple siyang tumingin sa may ari nang boses nang makitang isa itong binat tila gusto nitong lumayo ngunit hindi alam kung saan dadaan.

"Hey. May itatanong lang ako." Wika ni Eugene nang mapansin ang pagpanic nang dalaga. "Gusto lang sanang itanong kung meron kang files tungkol sa missing person 9 or 10 years ago?" tanong ni Eugene. Hindi naman sumagot ang dalaga bagkus ay may kinuha itong isang makapal na files at ibinigay kay Eugene.

"S-salamat." Simpleng wika ni Eugene at iniwan ang dalaga. Agad na siniyasat ni Eugene ang file na bigay nang dalaga. Tumulong naman si Julianne sakanya upang mapabilis ang paghahanap nila ngunit gaya nang dati wala silang Nakita.

"Baka naman wala talagang file tungkol kay Aya." Wika naman ni Julianne. "Ilang beses na rin nating tiningnan ang mga missing person's files."

"We have to keep looking. Baka naman may nakaligtaan lang tayo." Wika ni Eugene. Hindi niya gustong isipin na wala na talaga siyang magagawa para mahanap ang kapatid niya umaasa siyang muli silang magkikita.

Hanggang ngayon hindi pa rin sumusuko si Eugene sa paghahanap sa kapatid niya. Ilang presinto na ang pinuntahan nila upang tingnan ang mga missing person file ngunit wala silang makitang report tungkol kay Aya. Kaya naman talagang pinag-igi ni Eugene ang trabaho upang makapasok sa national defense. Nagbabaka sakaling nasa report nang national defense ang kasagutan sa mga tanong niya.

"Pwede ba kitang makausap?" Wika ni Jenny kay Eugene nang Makita niya ito na nasa may desk kasama ang kaibigan nito. Nilakasan niya ang loob niya at lumapit sa binate, nais niyang kompirmahan ang hinala niya.

"May kailangan ka ba?" Tanong ni Eugene sa kanya.

"G-gusto ko lang sana na humingi nang tawad sa ginawa ko kanina. Hindi kita nakilala. Akala ko kasi isa kang kalaban." Wika ni Jenny.

"Huwag mo nang isipin iyon. Sa klase nang trabaho ko hindi na bago sa akin ang mapagkamalang kalaban." Wika ni Eugene.

"At.." naputol ang sasabihin ni Jenny hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin iyon sa binata.

"At?" taking wika ni Eugene. At tumingin sa dalaga. Habang nakatingin siya sa mukha nito. BIgla niyang naalala ang kaibigan niyang si Jenny, Na kapangalan din nito.

Ngunit ang pagkakatanda niya ipinadala nila ito sa ibang bansa. Wala na silang narinig na balita tungkol ditto.

"Ah Wala naman." Wika ni Jenny.

"Kung wala kang sasabihin. Maiwan na kita may lakad pa ako." Wika ni Eugene at nilampasan si Jenny.

"She look so familiar." Wika ni Julianne kay Eugene habang naglalakad sila palabas nang silid.

"Isa ba siya sa mga babae mo?" pabirong wika ni Eugene.

"Loko hindi. Para bang Nakita ko na siya sa una. Hindi ko nga lang matandaan kung saan o kalian." Wika ni Julianne na pilit na inaalala kung saan niya unang Nakita ang dalaga.

"Baka naman isa sa mga bumasted sa iyo kaya hindi mo na masyadong maalala." Dagdag pa ni Eugene.

"Not a chance." Alam niyang hindi siya nagkakamali kahit hindi niya maalala kung saan niya ito Nakita alam niyang Nakita na niya ito. Pamilyar sa kanya ang mukhang iyon.

"Let's go!" ani Eugene sa kaibigan. Tumango lang si Julianne ditto.

Madidistino ka sa ibang lugar?" Gulat na wika ni Donya Carmela nang sabihin ni Eugene sa kanya na madedistino siya sa ibang lugar kasama ang bago niyang grupo. Alam niyang tutol ang lola niya na pumasok siya sa pagsusundalo, parati nitong sinasabi na asikasuhin niya ang family business pero hindi naman niya gusto iyon. Isa pa ayaw niyang parati nalang siyang binabantayan nang Tita Elena niya at nang anak nito. Mabuti na lamang sa national defense hindi siya pinapansin nang Tito Alberto niya. Si General Alberto Mendoza. Kung umarte ito parang hindi sila magkakilala.

"Darating na si Frances sa susunod na lingo hindi naman siguro maganda na hindi kayo magkita." Wika pa nang matanda. Ang Frances na tinutukoy nito ay ang Anak nang kaibigan nang lola niya at business partner sa Paris. Noong 20 years old siya, ipinagkasundo silang dalawa na ikakasal sa tamang panahon para na din sa growth nang kompanya nila. Hindi siya sang-ayon sa desisyon nang lola niya ngunit wala rin naman siyang magagawa.

Sabi sa kanya nang Tita Elena niya, masanay na siya sa lola niya. Baka daw sa susunod na araw siya naman ang tumalikod sa lola niya gaya nang ginawa nang daddy niya. At tiyak niya na ito lang ang hinihintay nang tita niya dahil sa kagustuhan nitong ma solo ang ari-arian nang lola niya. Hanggang ngayon hindi pa rin niya nakakalimutan ang plano nitong pagpapatay sa kanilang magkapatid. Dahilan upang tumakas sila.

Hindi niya ito bibigyan nang pagkakakataon na maging ang lola niya ay ipahamak nito. Kaya kahit ayaw nito sa kanya hindi siya aalis sa poder nang lola niya gaya nang gusto nito. Kahit magpanggap siyang sang-ayon sa kasal na plano nang lola niya gagawin niya.

"Hindi ko pa alam kung hanggang kalian kami doon." Sagot ni Eugene.

"Eugene alam mo naman siguro na ikaw nalang ang inaasahan ko. Bakit kailangan mo pang pumasok sa ganitong trabaho."

"Granny. Ito lang ang alam kung gawin isa pa. Hinahanap ko si Aya kaya naman hindi ako pwede tumigil sa trabaho ko."

"Pwede ba pinsan. She was gone 10 years ago. Bakit ba umaasa ka pa rin na buhay pa ang kapatid mo." Ani Bernadette ang anak nang Tita Elena niya.

"Hanggat hindi ko nakikita o nababalitaang wala na ang kapatid ko. Hindi ako susuko sa paghahanap sa kanya." Wika pa ni Eugene.

"You're hopeless." Nailing na wika nito at nilampasan ang mag lola. Simula pa noon hindi na sila magkasundo nang pinsan niya. Ang tingin nito sa kanya ay isang kaagaw.

Alas kwatro pa lamang nang madaling araw nang magtipon-tipon ang grupo ni Dranred sa labas nang National defense building. Nakasama pa nila ang isa pang grupo na maaasign sa karatig na bayan ang Task force Sea Lion. Sa pamumuno ni Captain Martin Escuerra. Sa tingin palang nang lalaki mukhang Malaki na ang disgusto nito sa kapitan nang Phoenix. Naghihintay din sa kanila ang 7 karagdagang miyembro nang Task force nila. Anim sa kanila mula sa SWAT team at isang babaeng miyembro mula sa PNP.

"SPO3 Arielle Fontanilla reporting for duty sir." Wika nang babae at sumaludo kay Dranred. Saludo din ang sinagot niya sa dalaga. Kompleto na silang lahat at isa-isa nang sumakay sa Bus. Pasakay na rin sana si Dranred nang bigla siyang lapitan ni Martin.

"Balita ko, muntik ka nang hindi makaligtas sa pagpasok mo sa kuta nang mga rebelde." Nakangising wika nang lalaki.

"Mukhang sa tono nang boses mo mas gusto mong hindi na ako nakabalik." Sagot ni Dranred.

"Masyado mo namang minamasama ang sinabi ko. Goodluck." Anito at inilahad ang kamay.

"Ikaw din." Wika ni Dranred at tinanggap ang pakikipagkamay nito.

"Balita ko, marami daw nawawala at namamatay na dalaga sa bayan na iyon. May mga sundalo kang babae, ingatan mo sila." Sakristong wika nito. "Mukhang mahihina ang miyembro mo. Hanggang kalian kayo tatagal?"

"Minsan ang inaakala mong mahina siya pang isang araw ang magliligtas sa buhay mo. Huwag kang mag-alala. Hindi ko sila isasama kong alam kung bahag ang buntot nila." Wika ni Dranred at tinalikuran ang lalaki saka sumakay sa Bus. Tanghali nan ang dumating ang grupo ni Dranred sa bayan kung saan sila nadestino. Ito ang parehong lugar kung saan siya napadpad nang mahulog siya sa bangin.

Baka ditto rin niya Makita ang dalagang nagligtas sa kanya ang dalagang kapangalan nang batang iniligtas niya. Nang dumating sila sa maliit na brgy. Kung saan sila maassign na magbantay. Sinalubong agad sila nang kapitan nang brgy.

Si Capt. Dante Corpuz. May kasama din itong isang matandang lalaki na mukhang sopistikadong tingnan at isang binata at dalagang sa tingin niya ay nasa 18 years.

"Maligayang pagdating sa lugar namin." Wika nito at sinalubong si Dranred at ang mga tauhan niya.

"Ako ho si Capt. Dranred Bryant. Ito naman ang mga tauhan ko. Kami ang ipinadala ditto sa lugar ninyo para tumulong sa pagpapanatili nang kaauyasan nanglugar." Wika nang binata at nakipagkamay sa lalaki.

"Masaya kami at may mga alagad nang batas na madidistino sa lugar namin. Matagal na ming hinihintay ito. Siya nga pala si Don Guillermo Sebastian. Siya ang may ari nang malaking Hacienda ditto na siyang pinagkakakitaan nang mga tao ditto. Ito naman ang mga apo niya, si Gio isa siyang doctor at may ari nang nag-iisang clinic ditto sa amin at Analie." Wika nito at ipinakilala ang mga kasama sa Kapitan nang sundalo.

"Magandang araw po." Bati nang binata.

"Tiyak napagod kayo sa biyahe, may inihanda kaming pananghalian. Kumain muna tayo bago tayo mag-umpisa nang symposium." Wika nang Brgy. Captain.

"Sige ho." Wika ni Dranred. Sumama sila papasok sa loob nang munisipyo, habang si Julius naman ay biglang nawala.

Si Eugene naman ay hindi tumuloy sa pagpasok napansin ni na kanina nakatingin si Eugene sa matandang Don at nakakuyom ang kamao.

"Eugene bakit?" tanong ni Julianne sa kaibigan.

"Ito ang dating lugar kung saan kami tumira nang pamilya ko ang lugar na hindi ko gustong balikan dahil sa mga masasamang alaala." Sagot ni Eugene.

"ANong ibig mong sabihin? Dito ka lumaki?" gulat na wika ni Julianne.

"Ang matandang yun, siya ang dating amo nang daddy ko. Anak niya ang pumatay sa pamilya ko. Hanggang ngayon hindi pa rin nalulutas ang kaso." Wika ni Eugene at nagkuyom nang kamao. Bagay na lalo namang ikinagulat ni Julianne.

Ito ang unag beses na naikwento ito sa kanya nang kaibigan. Hindi niya alam na may itinatago pa pala ito sa kanya.

"Sir. Hindi pa po ba kayo papasok? Hinihintay na kayo ni Captain." Wika ni Arielle na lumabas.

"Susunod na kami." Sagot naman ni Julianne. Alam niya kung ano ang nararamdaman ni Eugene. Ilang taon mula nang mawala ang pamilya nito at ngayon sa lugar na puro pighati ang ibinigay sa kanya bigla silang nadistino at ngayon ay para protektahan ang mga taong may kinalaman sa kamatayan nang mga magulang nila. At hanggang ngayon hindi parin nito nakikita ang nag-iisang kapatid. He can only imagine kung anong poot ang nararamdaman ni Eugene sa puso niya kaya naman hindi niya mapipigilan ang binata kung mangalit man ito. Masyadong malupit ang kapalaran para sa binata.

Aya!" masiglang wika ni Julius na biglang pumasok sa loob nang salon nila. BIgla niyang niyakap ang dalaga. Muntik na itong dambahin ni Snow dahil sa biglang ginawa Mabuti nalang at nakilala agad nito ang bagong dati. Gulat namang napatingin sina Trini, Serenity at Destiny sa binata.

"Kuya Julius!" masiglang wika ni Aya nang makilala ang boses nang binatang dumating. "Dumating ka! ANong ginagawa mo ditto? Leave mo ba?" Tanong ni Aya.

"Bakit ka naka uniporme?" Tanong ni Destiny.

"Dito na ako ma-aasign simula ngayon. Kasama ko ang Squadron namin. Kasi nitong mga nakaraang buwan napapabalita ang mga rebelding grupong umaaligid sa bayan at sa mga pagkawala nang mga kadalagahan 1 year ago hanggang ngayon. IImbestigahan naming ang bagay na iyan." Paliwanag ni Julius.

"Buti at na topic yan. Hindi ko naman alam na bago tayo lumipat sa lugar na ito talamak na ang mga ganyang pangyayari. Hay nagsisisi ttuloy ako na iniwan natin ang parlor sa syudad at nagpunta ditto. Wala na nga si Jimboy kakatakot pa ang lugar na ito." Ani Serenity.

"Hoy bruha. Jimboy ka na naman. DI ba nga ikaw ang may ideya nito dahil gusto mong kalimutan ang damuhong iyon. Ngayon naman siya ang bukang bibig mo. Masaya ditto sariwa ang hangin at wala polusyon." Ani Destiny.

"Siya nga naman, tama si Destiny. At ano naman kapag bumalik tayo sa syudad titigil si Aya? I kalagitnaan na nang school year. Senior high school na si Aya hindi pwede palipat lipat siya at hindi tayo mayaman bruha." Ani Trini.

"Sinasabi ko lang naman." Wika pa nito. "Hindi naman siguro masama na pangarapin kong muling mabuhay sa syudan. Maganda ditto pero mas maganda pa din ang nasa sibilisasyon."

"Well, anyway. Kailangan niyong umatend sa symposium mamaya sa basket ball court. Para malaman niyo kung anong dapat gawin habang narito ang mga sundalo." Pagiiba ni Julius nang topic nang usapan.

"Kumain ka na?" tanong ni Destiny sa anak.

"Hindi pa nga eh, gutom na ako." Ngumiting wika ni Julius. "Namiss ko ang luto niyo. May pagkain ba kayo diyan?" tanong ni Julius.

"Naku buti nalang may natira pa sa kinain naming nang almusal. Halika sa kusina at nang makakain." Wika ni Destiny.

"Mamo, mamasyal lang kami ni Snow huh." Wika ni Aya kay Serenity.

"Oh, saan ka na naman pupunta sa lumang bahay sa may dalampasigan? SInasabi ko na sa iyo haunted ang bahay na iyon. Sabin ang mga kuro-kuro isang mag-anak daw ang pinatay sa bahay na iyon." Wika ni Serenity.

"Mamo, Hwag niyo nang takutin si Aya." Wika pa ni Julius.

"Sandali lang ako mamo, Isa pa kasama ko naman si Snow." Wika ni Aya. Paulit-ulit siyang bumabalik sa bahaging iyon nang lugar. Nang dumating sila sa bayan na iyon, Doon siya unang dinala ni Alice sabi sa kwento nito may mag-asawang dating nakatira doon ngunit bigla nalang nawala. Hindi man iya Makita ang ayos nang bahay sa loob ni Aya para bang malapit sa puso niya ang bahaging iyon. Parang may mga alaalang gustong bumalik sa utak niya ngunit dahol masyadong Malabo kaya naman hindi niya maunawaan.

Tuwing naroon siya sa harap nang abandonadong bahay pakiramdam niya may yumayakap sa kanya. Yakap nang isang Ina, bagay na pinangulilaan niya nang matagal. Hindi na niya alam ang mukha nang ina niya ngunit ang yakap nito ay tanda-tanda pa niya.

"Kaninong bahay naman ito?" Tanong ni Julianne kay Eugene nang dalhin siya nang kaibigan sa isang bahay sa di kalayuan sa dalampasigan. Nag-iisang bahay ito na hiwalay sa kabayahan nang baryo. Malapit din ito sa Hacienda nang mga Sebastian. Puno nan ang halaman ang buong bahay at haunted kung maituturing. Animoy, hindi na ito makikilalang bahay dahil sa mga halaman na nakakapit sa paligid nito. Naka lock din ang gate noon at may nakalagay na no Trespassing.

"Ito ang dati naming bahay." Wika ni Eugene.

"Hindi ko akalaing makikita ko ulit ang bahay na ito." Dagdag pa ni Eugene. Ngunit habang nakatingin iya sa bahay ang naaalala niya ay ang malagim na gabi kung saan namatay ang ina at ama niya.

"SNOW, huwag kang tumakbo." Isang boses nang babae ang narinig ni Eugene. Agad siyang napalingon nang marinig ang pangalang binanggit nang boses. Ganoon na lamang nag gulat niya nang Makita ang isang malaking puting aso na tumatakbo papalapit sa kanya.

"Snow!" wika pa nang dalaga na nabuwal dahil sa biglang pagtakbo nang aso. Lumapit sa kanya ang aso at tela gustong makipaglaro. Napatingin sila ni Julianne sa dalaga. Para bai tong bulag na kinakapa ang lupa. Agad na tumakbo si Julianne palapit sa dalaga upang tulungan itong tumayo.

"Okay kalang ba?" Tanong ni Julianne.

"Sino ka?" tanong ni Aya. "Snow!" tawag nito sa aso niya.

"Narito ang aso mo."wika ni Eugene at tinukwayan ang aso pabalik sa dalaga. Unang napansin ni Eugene ang Kakaibang kulay nang mata nang dalaga at ang kwentas na singsing na sout nito. Katulad iyon nang singsing na kwentas niya. Inilagay ni Eugene ang tali nang aso sa kamay ni Aya.

"Salamat po." Wika ni Aya. Habang nakatingin si Eugene sa mukha ni Aya. Hindi niya mapigilang hindi kabahan. SInasabi nang puso niya na baka ito ang kapatid niya pero nagdadalawang isip siya. Nagkataon lang ba na na katulad ni Aya bulag ito? At katulad nang kapatid niya may alaga din itong aso na Snow ang pangalan?

Sa dami nang iniisip niya labis ang pagkabog nang dibdib niya.

"Bakit ka naman naglalakad magisa sa lugar na ito at aso lang ang kasama mo." Wika ni Julianne sa dalaga. "Hindi mo ba alam na delekado ang panahon ngayon. Taga rito ka ba?"

"Tagarito po ako." Sagot naman ni Aya.

"Taga-rito ka pero hindi ka nag-iingat alam mo ba---" putol na wika ni Julianne nang hawakan ni Eugene ang balikat niya.

"Huwag mong masamain ang sinabi nang kasama ko. Nag-aalala lang siya. Maraming masamang nangyayari sa lugar na ito. Gusto lang niya ang bagay na ikabubuti mo." Hindi naman sumagot si Aya.

Alam niyang matigas ang ulo niya gaya nga nang sabi nang iba, pero sa lugar lang ito siya nagiging panatag tuwing nananaginip siya nang masama, kapag nagpupunta siya ditto nawawala ang takot niya. Hindi niya kayang ipagpalit ang comfort naibinibigay nang lugar na iyon sa kanya.

"Aya!" narinig nilang wika nang isang binatang papalapit.

"Officer Herrera?" Gulat na wika ni Julianne nang makalapit sa kanila.

"Sir!" gulat na wika nang BInata nang makilala kung sino ang mga binatang kasama ni Aya.

"Aya?" Takang tanong ni Eugene. At napatingin sa dalaga.

"Ah, Sir. SIya ang nakakabata kong kapatid si Aya." Pakilala ni Julius sa dalaga. "INaabala niya ba kayo."

"Kuya naman." Sumimangot na wika ni Aya.

"Huwag kang mag-alala hindi niya kami inaabala." Wika ni Eugene. Bakit ganito ang pakiramdam niya. Bakit ang dalagang ito? Nagkataon din ba na Aya din ang pangalan nang kapatid ni Julius at bulag ito Gaya nang kapatid niya.

"Tayo na. Nasa basket ball court na sila mamo." Wika ni Julius sa dalaga. "Kayo sir hindi pa ba kayo pupunta doon?" Baling ni Julius sa mga binata.

"Susunod na kami." Wika ni Eugene.

"SIge po. Mauuna na kami." Paalam ni Aya. "Snow tara na." wika nito sa aso. Inihatid nang tingin ni Eugene ang dalawa habang papalayo.

"I think I found her." Mahinang wika ni Eugene. Habang nakatingin sa isang dalaga.

Nakapako ang kanyang mga mata sa dalagang iyon dahil sinasabi nang isip niyang ang kanyang kapatid na matagal na niyang hinahanap ay ang dalagang iyon. At hindi niya pwedeng muling alisin ang panginin sa ditto.

"Sino? Si Aya?" natigilang wika ni Julianne at napatingin sa papalayong dalaga. "Ibig mong sabihin siya ang kapatid mo?" habang nakatingin sa dalagang tinitingnan nang kaibigan,

"Wala pa akong katibayan. Pero malakas ang kutob ko." Wika ni Eugene.

"Tingnan mo nga naman ang biro nang kapalaran, Dito pa kayo pagtatagpuin sa lugar kung saan naging masakit ang alaala para sa inyo." Wika ni Julianne. "Hindi kaya may nais ipahiwatig ang mga nangyayaring ito?"

"I would like to place my bet on that." Wika ni Eugene habang nakatingin pa rin sa dalaga, Ilang taong din niyang hinanap ang kapatid niya.

At kung si Aya nga ang dalagang iyon ang matagal napanahon niyang pangungulila sa nag-iisang kapatid ay matutuldukan na. Mabibigyan na niya nang katuparan ang pangako niya sa kanilang mga magulang at iyon ay ang pangalagaan ang kapatid niya. Nabigo na siyang protektahan ito noon na siyang naging sanhi nang paghihiwalay nila at hindi niya hahayaang maulit pa iyon. Iyon ang lihim na pangako niya sa sarili niya ata sa puntod nang kanilan mga magulang.

"Kung si Aya nga ang Nakita mo. Tiyak na magiging masaya siya dahil nahanap mo na siya. At matutupad mo na din ang pangako mo." Wika ni Julianne. Tumango lang si Eugene. Iyon naman talaga ang nasa isip niya.

Nasa basket ball court na lahat nang mga mamamayan nang Baryo nila ngunit hindi pa rin nagsisimula ang symposium dahil hindi pa dumarating ang leader nang task force. Ayon pa sa dinig nila inanyayahan nang Don ang binata na magpunta sa manggahan upang ipatikim ang mga manga nito. Dahil sa inip naisip ni Aya na tumayo at maglakad-lakad kasama ang aso niya.

"Snow!" sigaw ni Aya nang biglang may kinahulan si Snow at tumakbo. Nabitiwan niya ang tali nito dahilan upan hindi niya masundan ang aso. Naririnig niya ang kahol nang aso niya mula sa di kalayuan. "Snow---" biglang napahinto si Aya nang bigla siyang may nakitang kakaibang nilalang sa unahan niya. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Gusto niyang tumakbo ngunit tila napako ang mga paa niya mula sa kinatatayuan.

Mas lalo siyang nahintakutan ng mapansin na nakalutang ito. Napahigpit ang hawak siya sa bag niya. Hindi naman ito ang unang beses na nakakita siya nang kakaibang nilalang. Kahit noong bata pa siya ay nakakakita na siya nang mga kakaibang nilalang at mga multo, siya ang bulag na mga kakaibang nilalang ang nakikita.

He look directly into her eyes. It was too late para mag-iwas siya nang tingin. She knows nahuli nang nilalang na ito ang mata niyang nakatingin sa kanya. Ang lakas nang kabog nang dibdib ni Aya at parang napako siya sa kinatatayuan niya. She cant move even if she wanted to. Ayaw sumunod nang katawan niya. Panay ang tahol ni Snow na nakikita din ang nilalang. Sabi nga nila, ang mga aso ay higit na sensitive ang paningin kumpara sa normal na mortal. At nakikita nila ang hindi nakikita nang ating mga mata.

Dahil sa labis niyang takot. Bigla siyang napahawak sa bead na pendant niyang kwentas. For some reason, ang kwentas na ito ang nagbibigay sa kanya nang kakaibang security. It was like someone or something si protecting her.

Papunta na si Dranred sa Basket ball court nang mapansin ang dalaga nasa kalsada. Nakatingin ito sa isang nilalang sa unahan niya at tila batong hindi kumikilos mula sa kinatatayuan. Nakita din niya ang putting aso na tili pinoprotektahan pa ang dalaga. Panay ang kahol nito sa nilalang na nasa harap nila.

Nang una, ayaw pansinin ni Achellion ang nakita niya. Ngunit, Pakiramdam ni Dranred may Boses na tumatawag sa kanya.

"hAish!" Napalabing wika ni Dranred na makitang may isang truck na patungo sa direksyon nang dalaga. Panay na ang busena ng truck pero tila wala itong maririnig.

"Is she crazy?" ani Dranred habang nakatingin sa dalagang tela na bato mula sa kinatatayuan. Walang ibang nagawa si Dranred kundi ang lapitan ang dalaga at ilayo sa gitna ng kalsada.

"AH!" Impit na tili ni Aya. Nangbiglang may kumabig sa kanya palayo sa gitna nang kalsada. Nabigla si Aya ng may lakas na nilalang na humatak sa kanyang palayo sa gitna ng kalsada. Isang malakas na bisig ang nagligtas kay Aya mula sa isang aksidente. Split seconds nga mga sandaling iyon pakiramdam ni Aya huminto ang oras niya. Habang nakatitig sa mukha ng taga-pagligtas niya. Iyon ang unang beses na nanakita niya nang malinaw ang mukha nang isang tao.

Panay nang kahol si Snow sa kanila habang nakatitig sila sa isa't-isa.

Habang nakatitig siya sa mukha nang binata may mga kakaibang damdamin ang naramdaman ni Aya. Ilang sandali bago niya inilayo anng sarili sa lalaki nakita niya ang pagbagsak nang isang balahibo sa pagitan nila. alam niyang maging ang binatang ito ay nagulat din.

Her eyes. Wika nang isip ni Dranred nang makita ang kakaibang kulay nang mata nang dalaga. those pair of eyes, Pamilar sa kanya ang mga matang iyon.. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga matang iyon. Habang nakatitig siya sa mga matang yon. May mga balintataw siyang nakita. Mga alaalang nais na niyang kalimutan.

"Are you trying to get yourself killed?" Asik ni Dranred sa dalaga at binitiwan nito. hindi agad naka react si Aya. She ws caught off guard. Masyado siyang nadala sa pagkakatitig sa mukha nang binata. "And a dog for a bodyguard? Do you have a death wish?"

"What?! Are you still sleeping? Naglalakad ka ba habang natutulog?" narinig niyang wika ng lalaki saka niya naramdaman na bigla siya nitong uyog-uyog.

"Yah!(Hey)" biglang wika ni Aya at iniigwas ang kamay ng lalaki dahil sa kakauyog nito sa kanya sumasakit na ang ulo niya.

"Yah?! Did you just talk informally?" mukhang wika nito ng makabawi sa ginawa niya mukhang hindi nito nagustuhan ang naging reaksyon niya.

"A simple thank you will be enough." Anito sa kanya. "And you shut up! Set!" asik ni Dranred sa aso. Agad naman huminto sa pagtahol ang aso at napuo.

Napaawang ang labi ni Aya dahil sa pagtataka. Ito lang ang nag-iisang pinakinggan ni Snow. Kahit ang mamo niya at si Julius ay natagalan bago mapaamo si Snow, ngunit ito sa isang salita lang parang batang humalikipkip ang aso niya.

"Ano bang problema mo?" asik ni Aya sa binata.

"Anong problema ko?! I think I should be the one asking that Question. Anong problema mo? Tirik ang araw. Naglalakad ka nang tulog. " Sakristong wika ni Dranred.

"Anong---! Wala kang pakialam!" sigaw ni Aya sa binata at tumalikod..

Ngunit bigla siyang napahinto ng pagtalikod niya naroon na ulit ang nilalang na nakita niya kanina. Biglang napaatras si Aya dahil sa takot. Agad naman tumayo ang aso nang Makita ang nilalang. Umalerto din ito habang nakalabas ang mga matutulis na ngipin. Dahil sa pag atras niya bigla siyang tumama sa binata. Naging mabilis ang reflexes ni Dranred at sinalo ang nagulat na dalaga.

"Hey? Are you Okay?" wika ni Dranred at hindi pinansin ang fallen angel sa harap niya. Kailangan hindi mahalata nang nilalang na ito na nakikita niya ito. Hindi niya alam kung bakit nakikita ito nang dalaga at wala na siyang panahong alamin iyon. Hindi na niya iyon problema. He had done enough. Naramdaman niya ang panginginig nang dalaga lalo na nang naglakad palapit sa kanila ang fallen angel. Ngumisi ang fallen angel at nagningning ang mga mata na tila abot kamay na niya ang kanyang sunod na biktima.

Anong gagawin mo ngayon Achellion? Tanong ni Dranred sa sarili niya. Pwede siyang magpatuloy sa pagpapanggap na para bang wala siyang nakikita. At hayaang ang fallen angel na gawin ang gusto niya sa dalagang ito. Ngunit may bahagi sa pagtao niyang nagsasabing hindi ito ang panahon para magbulagbulagan siya. Ngunit dahil wala siyang kakayahan. Kapag na bunyag ang tunay niyang pagkatao.

"Hey Watch your step." Biglang wika ni Dranred kay Aya at pinihit paharap sa kanya ang dalaga. "Look at me." Wika ni Dranred sa dalaga. Nararamdaman niya ang labis na takot sa dalaga at ang panginginig nang katawan nito.

It'll be okay. Just look at me." Wika ni Dranred at hinawakan ang mukha ni Aya. Nang tumingin si Aya sa mata nang binata, bigla siyang nakaramdaman nang security. Para sa mga mata nito nababasa niyang magiging okay lang ang kahat. Alam niyang Nakita na niya ang mga matang iyon.

Pasimpleng tumingin si Dranred sa fallen angel. Hindi ito dumirecho sa paglapit sa kanila. Nakita rin niya ang aso nang dalaga nang naglakad palapit sa fallen angel. Lihim na ngumiti si Dranred.

"Let's go!" wika ni Dranred kay Aya at hinatak ito palayo sa lugar na iyon. Agad din namang sumunod sa kanila ang aso.

"Bitiwan mo Ako!" asik ni Aya at inagaw ang kamay mula sa binata. Bigla namang napatigil sa paglalakad ang binata at napalingon sa dalaga. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Ano? Is this how you say thank you. I just save your life. Don't you realize? I think the score stands at chivalry 2 gratitude Zero." wika naman ni Dranred. "Such a troublemaker." Mahinang wika ni Dranred. Bigla namang natigilan si Aya. dahil sa labis na takot niya kanina hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari.

"Ang mga batang katulad mo hindi dapat naglalakad sa kalsada nang mag-isa. Umuwi kana sa inyo baka kung ano pang mangyari sa iyo." Wika ni Dranred.

"Ano? Bata? Hindi na ako bata!" inis na wika ni Aya. It is always like that. Lahat nang tao ang turing sa kanya isang bata. Isang taong dapat pinoprotektahan.

"Umuwi kana sa inyo. And don't cause anymore trouble. You don't even know how to show gratitude for the person who save you." Nailing na wika ni Dranred at tumalikod.

"Yah!" Tawag ni Aya sa Binata. In informal way. Nang lumayo ang binata sa kanya biglang Malabo na naman ang mga bagay sa paligid niya. Ni hindi niya Makita ang dinadaan niya. Hindi rin niya marinig si Snow.

"Yah What?!" padaskul na lumingon si Dranred sa dalaga. Biglang nasapo ni Dranred ang noo ng makitang nadapa ang dalaga. Siguro dahil sa pagsunod nito sa kanya.

"Such a troublesome person. You trip even if there is nothing for you to trip on." Ani Dranred at lumapit dito sa tinulugang tumayo ang dalaga.

Napansin ni Dranred and galos sa tuhod ng dalaga. Marahil nakuha niya ito ng bumagsak.

"What are you thinking?" Tanong ni Dranred. Inalalayan niya ang dalaga na tumayo. Ngunit tiniaboy lang ni Aya ang kamay niya. Umiling naman si Dranred dahil sa nagging reaksyon ni Aya. Bumaling si Dranred sa aso ni Aya, Nakita niya ang isang tali sa bag ni Aya. Agad niya iyong kinuha at isinuot sa aso.

"Aw ang hapdi!" Ani Aya at napaluhod at hinipan ang tuhod na may galos.

"Such a cry baby." Ani Dranred. Saka kinuha ang panyo sa bulsa nang uniforme niya. Nagulat pa si Aya nang biglang lumuhod si Dranred.

"Huwag kang malikot." Wika ni Dranred sa dalaga habang nililinis ang sugat niya sa tuhod. Nang matapos nitong punasan ang sugat itinali naman nito ang panyo sa tuhod niya. Habang nakatingin si Aya sa binata. BIgla niyang naalala ang binatang iniligtas niya noong isang buwan Gaya nang binatang ito nakikita din niya ang binatang iyon.

"Pwede magtanong?" lakas loob na wika ni Aya.

"Ano naman?" Tanong ni Dranred at tumayo.

"Tao ka ba?" Napaawang ang labi ni Dranred dahil sa derechahang tanong nang dalaga.

"Ano namang akala mo sakin? Multo?"

"Hindi ba?"

"Are you being serious right now? Kung hindi ako tao sa palagay mo ba makikisalamuha ako saiyo. Troublemaker." Ani Dranred. "Tagarito ka ba? Papunta ako sa basket ball court. Doon ka rin ba pupunta?" tanong ni Dranred sa kanya. Simpleng tango lang ang tinugon nang dalaga.

"Isasabay na kita." Wika ni Dranred.

Nang dumating sila sa basket ball court naroon na lahat nang mga mamamayan at hinihintay ang kapitan nila.

"Captain." Wika ni Meggan na lumapit sa kanila na dumating.

"Aya?" Gulat na wika ni Julius nang Makita ang kapatid na kasama ang kapitan nila. Nang marinig ni Eugene ang pangalan na binanggit ni Julius agad niyang hinagilap ang dalaga.

Agad niyang napansin ang tuhod nitong may benda nang panyo nakikita din ang dugo mula doon.

"Nakita ko siya sa daan. Isinama ko na." wika ni Dranred. Saka nilampasan siya at lumapit sa kapitan na nasa stage.

"Hmmp Yabang." Wika ni Aya na inirapan ang binata.

"Sasamahan na kita sa upuaan nina mamo. Bakit naman kung saan saan ka nagpupunta." Wika ni Julius at inalalayan ang kapatid patungo sa kinauupuan nang mga magulang nila naroon din sumunod din sa kanila si Snow.

Inihatid naman nang tingin ni Eugene ng dalagang akay-akay ni Julius.

Nag simulang ipakilala nang Brgy. Captain ang mga miyembro nang task force at ipinakilala din ang kanilang Chief na si Dranred.

Nang Makita ni Alice ang binata agad nitong sinabi kay Aya na ito ang binatang iniligtas nila. Hindi naman ito makapaniwala dahil sa nalaman. Ang 3 hours na symposium wala itong bukang bibig kundi kong gaano ka gagwapo ang mga miyembro nang Phoenix at ang hindi mapaniwalaang muling pagkakakita nila sa binata. Matapos ang information dissemination binuksan nang chairman ang open forum para sa lahat.

Ang apo ni Don Guillermo ang unang naglakas nang loob na nagpunta sa microphone na inihanda nila para sa mga katanungan. Si Analie ay ka klase nila ni Alice at masasabi queen nang lugar nila. Namatay ang ina nito 3 years ago dahil sa sakit at hindi alam nang lahat kung nasaan ang tatay nito na anak nang Don sa lugar nila.

"Ang tanong na ito ay para kay Captain Dranred." Wika nang dalaga at tumingin sa binatang nakaupo. Lumapit naman si Meggan sa kapitan nila at ibinigay ang mikropono para sagutin ang ano mang tanong nang dalaga.

"Captain? Single ka pa ba?" tanong nito naging dahilan upang magulat ang mga naroroon lahat sila napatingin sa dalaga. Hindi nila inaasahan ang tanong na iyon. Ngunit alam naman nang iba na iyon din ang gustong itanong nang ilan lalo na nang mga dalaga.

"I'm sorry. But I think my commanding officer wont be able to answer that question." Wika ni Meggan. Lahat nang miyembro nang phoenix na gulat sa kakaibang tanong nang dalaga.

"Ang lakas nang loob niya huh." Wika ni Serenity.

"Hay nako, ipinapakita lang na malandi siya bruha, inunahana ko." Wika ni Trini.

"Mamo, Okay lang yan. For sure hindi yan sasagutin nang mayabang na kapitan nila." Ani Aya.

"Mayabang?" gulat na wika ni Alice.

"Wala." Maagap na wika ni Aya. Ngunit sa loob loob niya hinihintay din iya ang magiging sagot nang binata. Matapos ang symposium, naiwan sa basket ball courts ang pamilya ni aya at sina Analie. SInabi kasi si Julius na ipapakilala sila nito sa mga bago nitong kaibigan. Sina Analie naman ay naiwan dahil sasama sila paghatid sa mga sundalo sa magiging bahay tuluyan nito.

Pumili sila nang lugar malapit sa bukana nang baryo at pag-aari din nang pamilya nang mga Sebastian.

"Captain. Inihihingi ko nang paumanhin ang naging asal nang kapatid ko." Wika ni Gio nang makalapit sila sa binatang kapitan matapos ang symposium.

"Ano ka ba naman kuya. Para namang masama ang ginawa ko. Nagtanong lang naman ako." Wika ni Analie. "TIyak kong hindi lang naman ako ang may gustong makaalam kung available pa ang kapitan."

"Huwag kang mag-alala single pa ang chief naming." Wika ni Rick at ngumiti sa binata. Isa namang makahulugang tingin ang ginawad ni Arielle at Meggan sa binata.

"Marami kaming guest room sa bahay namin pwede ka don, kesa naman doon ka sa kubo ninyo, malamok at wala pang entertainment." Wika ni Analie sa binata.

"Ano ka ba Analie, para mon ang kuya yan. Nilalandi mo pa." Ani Alice nakasama si Aya saka lumapit sa kanila.

"Hindi na. Mas gusto kong kasama ang team ko." Wika ni Dranred. Nang makalapit si Aya sa binata, biglang nagliwanag ang buong paligid niya. Lahat nang taong naroon ay nakikita niya. Marami siyang nakikitang mga sundalong naka uniporme. Isang binata sa likod ni Dranred ang napansin ni Aya na kanina pa nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit kanina pa siya nito tinitingnan. Hindi naman siya nakakaramdam na takot o kaba sa titig nito.

"Sasamahan ko na kayo sa kubo niyo." Wika ni Gio sa kanila.

"Captain. Magpapaalam sana ako. Doon ako sa bahay naminmatutulog ngayon." Wika ni Julius sa binata.

"Taga rito ka?" sabay na wika ni Jenny at Meggan. Matagal nilang naging kasama si Julius sa serbisyo ngunit hindi man lang nila nalaman na DIto ang lugar nang binata.

"Oo, Ito nga pala ang kapatid ko si Aya. At ang kaibigan niya si Alice." Wika nito at ipinakilala ang dalaga sa mga kasamahan.

"HI Aya. Ako si Johnny." Wika nito at lumapit sa kanya at nakipagkamay. Ngiti lang ang tinugon ni Aya. Dahil sa liwanag nang kanilang kapitan kaya naman nakikita niya ang mukha nang mga naroon.

"Tawagin mo nalang akong Ben." Ani Ben at nakipagkamay sa dalaga at kay Alice.

"Rick." Wika ni Rick at lumapit sa kanila.

"Arielle Fontanilla." Wika n Arielle.

"Meggan Young naging kasama ako nang kuya mo bago kami malipat sa Phoenix."

"Jenny Ledesma." Wika ni Jenny at lumapit sa dalaga.

"Masaya akong makilala ang mga kaibigan at kasamahan nang kuya ko."

"Iyong nasa likod ni Chief naman sina LT. Julianne Ramirez at Lt. Eugene Heartfelia." Wika ni Julius.

"Eugene? Heartfelia?" biglang wika ni Aya. Nagkataon lang ba na kapareho ito nang pangalan nang kuya niya? Masyado siyang bata nang magkahiwalay sila nang kuya niya at bulag din siya kaya naman hindi niya alam kung ano ang itsura nang kuya niya.

Ang tanging bagay na meron siya na pwedeng pagkakilanlan ay ang singsing na kwentas. Nawala kasi niya ang locket niyang kwentas noon bata pa siya.

"Bakit? Does it reminds you of something." Wika ni Eugene at lumapit sa kanila. Nang marinig niya ang sinabi nang dalaga. Biglang lumundag ang puso niya sa tuwa. Nakikilala kaya siya nang dalaga?

"Pamilyar ang pangalan niyo." Wika ni Aya at tumingin sa binata.

"Parang kamag-anak na nawawala ba?" tanong ni Julianne. Taka namang tumingin si Aya sa binata.

"Hindi ko alam." Sagot nang dalaga.

"Bakit ba siya ang binibigyan niyo nang pansin. Hindi naman niya kayo nakikita." Wika ni Analie. Halata namang nabigla ang mga kasamahan ni Dranred dahil sa sinabi nang dalaga.

"But her eyes are too beautiful para sabihin mong hindi siya nakakakita." Wika ni Arielle.

"Parang palamuti lang ang mga mata niyang iyan." Wika pa nito.

"Grabe ka." Asik ni Alice kay Analie. Na para bang gusto pang sugurin ang dalaga.

"Alice okay lang ako." Wika ni Aya at pinigilan ang kaibigan. Hindi na siya nasasaktan tuwing sinasabi sa kanya nang mga tao ang bagay na iyon. Dahil alam naman niyang totoo iyon.

"Bakit Totoo naman ah." Anito.

"Analie. Tama na yan. BIgyan mo naman ako nang konting kahihiyan. Kung makipagbangayan ka para kang hindi nag-aaral."

"Officer Herrera, Pinapayagan na kitang umuwi sa pamilya mo ngayong gabi. But make sure to report tomorrow 4AM. Ikaw ang hahalili sa pagpapatrol." Wika ni Dranred sa binata.

"Thank you chief." Masayang wika ni Julius. "Tayo na Aya. Baka naghihintay na sina Mamo." Wika ni Julius sa kapatid.

"Mauuna na po kami. " Paalam ni Aya sa mga bagong nakilala. Alam niyang kapag umalis sila sa lugar na iyon muling didilim ang paningin niya.

Ang misteryo kung bakit siya nakakakita tuwing nasa paligid ang binatang si Dranred ay isang bagay din na dapat niyang malaman.

Sinamahan nina Analie ang grupo ni Dranred sa kubo kung saan sila mananatili habang Naroon sila sa baryo. Namangha pa ang mga sundalo dahil sa ganda nang kubo. Sabin ang brgy captain. Talagang pinasadya nang Don ang mga kubong iyon para sa kanila. May sariling kubo lang si Dranred at komplete sa gamit. Sa kubo naman nang mga babae may sarili silang Banyo.

"Napaka thoughtful naman ni Don Guillermo." Wika ni Meggan nang pumasok sila sa kubo nila. May sala sila at may TV din may mga gamit din nang babae doon gaya ang make up at pabango.

"Mabuti naman nagustuhan niyo. Ako ang pumili niyan." Wika ni Analie.

"Salamat." Wika ni Jenny.

May limang kubo silang ginawa isa para sa kapitan. Isa para sa mga babae at ang tatlo naman ay para sa iba pang sundalo. Sa isang kubo sama-sama ang 6 na SWAT member. Sa isa naman sina Eugene, Julianne, Johnny, Rick, Ben at Julius ang magkakasama. Bawat kubo nang mga lalaki may 3 double deck na higaan. Habang ang isang natitira ay ginawa nilang lalagyan nang mga armas nila at computer room. May ginawa din silang palikuran nang mga sundalo at paliguan. Hiwalay iyon sa kubo nang mga babae.

Nang unang gabing iyon si Julianne at Eugene ang nakatukang mag ronda sa buong baryo. Nagpatupad din sila nang curfew. Dapat alas 7 nang gabi wala nang mga batang nasa kalye. 10 PM dapat wala nang tao sa labas. Kasama nina Eugene sa pagroronda ang 2 pang miyembro nang grupo nila.

Habang nagroronda, napunta sila sa dako kung saan nakatayo ang parlor at bahay nina Aya sa labas maririnig ang masayang tawanan nang mag-anak.

"Eugene?" tanong ni Julianne nang makitang nakatitig sa bahay ang binata.

"Iniisip mo pa rin bang siya ang kapatid mo?"

"Malakas ang kutob kung siya nga. Pero paano ko makokompirma." Wika ni Eugene.

"Bakit hindi mo tanungin si Julius." Wika ni Julianne.

"Sana ganoon kadali yun. Paano naman niya ako paniniwalaan." Wika pa ni Eugene. Bukod doon wala siyang tiwala sa sarili niya. Hindi niya alam kung tatanggapin siya ni Aya.

Ano tong ginawa niyo Papa? Bakit kayo pumayag na may mga sundalo sa lugar na ito? Eh di nahirapan na kaming pumasok ditto." Asik ni Giovanni, habang kausap ang ama sa isang sulok nang harden. Akala nang lahat, nagtago na si Giovanni simula nang mgaing wanted ito ngunit sumama lang ito sa isang grupo nang rebelde.

Si Don Guillermo ang isa sa mga nagbibigay nang panustos sa anak. Kasama ang Mayor pinoprotektahan nila ang rebelding grupo kabalit nang pangako nito na hindi sila idadamay.

"Dahil iyan sa pagdukot niyo sa mga Kadalagahan ditto." Wika nang matanda.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi kami ang may kagagawan noon." Wika ni Giovanni. Mababakas sa boses nang binata ang pigil na galit na relax lang ito mahahalatang pinigilan ang sarili nito.

"Wala ka bang planong magpakita sa mga anak mo. Ilang taon ka nang hindi nila nakikita. Lumaki silang wala ka. Namatay ang asawa mo na wala ka." Anang matanda.

"Dahil sa pagdating nang mga sundalong yan para na rin kaming hinamon nang gobyerno. Huwag niyo akong sisisihin kong dadanak nang dugo sa lugar naito." Wika ni Giovanni saka iniwan ang ama. Hindi na alam nang don kung anong gagawin. Alam niyang naging masama siyang ama dahil kinokosente niya ang anak niya siya din ang nagpatakas ditto matapos nitong patayin ang pamilya ni Harry. At para mailagay sa lahat ang ayos kaya naman pumayag siya sa mungkahi nang mayor na maglagay nang mga sundalo sa bawat baryo. Dahil malayo sila sa bayan at sa pulisya. Mas magiging tulong sa mga residente kung may magbabantay sa kanila laban sa mga rebeldeng gumagala.

Jimboy!" Gulat na wika ni Serenity nang Makita ang dating kasintahan na pumasok sa parlor nila. Ilang buwan din nilang pinagtaguan ang lalaki. Labis silang nagulat nang bigla na lamang itong sumulpot sa parlor nila. Wala si Julius nang mga sandaling iyon dahil sa duty nito sa pagpapatrol. Si Aya naman ay kakarating lang galing sa eskwelahan.

May kasamang 4 pang kalalakihan si Jumboy.

"ANo naman ang ginagawa mo ditto?" Asik ni Destiny. Naamoy din mula sa katawan nito ang alak na inimon. Pilit itong humihingi nang pera sa kanya nang hindi niya pinagbigyan bigla itong nagamok at sinira ang mga gamit nang parlor nila.

"Huwag kang humarang sa daanan ko hindi ikaw ang sadya ko ditto." Wika nito at tinabig palayo si Destiny dahil sa lakas nang ginawa nito sumobsub ang bakla sa upuan nang parlor.

"Bakit ka ba pumunta ditto? Wala ka na naman bang pera!" Asik ni Serenity.

"Ako pinagdadamutan mo nang pera! Baka naman nakakalimutan mo kung ano ka? Kung hindi kita pinagtatyagaan wala nang ibang papatol saiyo." Asik nang lalaki kay Serenity.

"Hoy! Huwag mong pagsasalitaan nang ganyan ang mamo ko. " Asik ni Aya sa lalaki. Simula pa noon alam niya kung ano ang habol nang lalaki sa mamo niya at dahil mahal ito nang bakla hindi nito magawang iwan ang lalaki sa kabila nang pangit na pagtratong ipinapakita nito.

"Hoy kutong lupa. Huwag kang sumali ditto. Baka ikaw ang pagbalingan ko nang inis ko." Wika nito kay Aya. Ngunit hindi ito kaagad nakalapit sa dalaga dahil sa malaking aso na nangangalit na nakaharap sa kanya.

"Hindi ako natatakot saiyo." Ani Aya at boung tapang na hinarap si Kimboy.

"Hindi ka natatakot? Bakit? Anong pinagmamalaki mo? Itong malaking aso mo?" asik nito at tinutukan nang baril si Snow. Hindi naman natinag ang aso at patuloy na nangalit.

"Aba pare, hindi mo sinabing maganda pala ang alaga nitong mga bakla. Kung hindi nila tayo bibigyan nang pera. Ito nalang ang dalhin natin, tiyak Malaki ang magiging bayad nang isang to. Siyempre, tayo muna ang titikim." Wika nang isang lalaki at pinasadahan nang tingin si Aya mula ulo hanggang paa.

"Hoy Manyak. Huwag mong bastusin ang anak namin." Asik ni Trini sa lalaki.

"Umalis ka sa harap ko. Bakla!" Wika nang lalaki at isang malakas na suntok ang ginawad sa bakla. Bumulagta sa sahig ang bakla dahil sa ginawa nang lalaki.

"Ikaw nalang ang dadalhin namin." Wika ni Jimboy at hinawakan ang kamay ni Aya. At dahil sa ginawa nito agad na sinugod ni Snow ang lalaki at kinagat ang kamay nabuwal ang lalaki sa sahig habang kagat kagat ni Snow ang kamay nito.

"Aba ang tapang mo." Galit na wika nang isang lalaki at hinataw nang baseball bat ang ulo nang aso. Umungol ang aso at bumulagta sa tabi ni Jimboy. Narinig ni Aya ang mahinang pag-ungol nang asa niya.

"S-snow."hintakot na wika ni Aya at kinapa ang bumagsak na aso niya, nagagapniya ang likido na umaagos sa ulo nito.

"Halika ditto." Asik ni Jimboy nang makabawi mula sa pagkakabuwal. Nagdurugo ang sugat nito sa braso ngunit hindi nagging hadlang upang mahawakan nito si Aya. Nagpumiglas naman si Aya nang maramdaman ang paghawak ni Jimboy sa kanya.

"BItiwan mo siya." Asik ni Serenity at hinawakan ang kamay ni Jimboy. Ngunit agad siyang sinikmuraan nang isa sa mga lalaki.

"MAMO!" tili ni Aya dahil sa ginawa nang lalaki. Hindi pa ito nagkasyang makitang namimilipit sa sakit si Serenity. Muli nitong inundayan nang sipa at suntok ang bakla. Inatake din nang iba sina Trini at Destiny. Hindi nagawang manlaban nang mga bakla.

"Bitiwan mo ako!" nagpupumiglas na wika ni Aya habang hawak ni Jimboy.

"TUmahimik ka baka samain ka sa kin." Wika ni Jimboy kay Aya.

"Ang kapal nang mukha mo. Ikaw na nga itong naggugulo ikaw pa itong may tapang." Wika ni Aya. "Ang laki nang katawan mo bakit hindi ka magbanat nang buto! Batugan!" Sigaw ni AYa. Dahil sa sinabi ni Aya, umakto si Jimboy sa pagsampal sa dalaga. Mariin namang napapikit ang dalaga. Ngunit bago pa man lumapat sa pisngi ni Aya ang kamay ni Jimboy sinalo na ito ni Eugene. Marahang iminulat si Aya ang mga mata niya. Doon naaninag niya ang bulto nang isang matangkad na lalaki ang kanilang tagapagligtas. Buong lakas nitong inilayo ang kamay ni Jimboy.

Dahil sa higpit nang pagkakahawak ni Eugene sa kamay nito pakiramdam ni Jimboy madudurug na ang buto niya sa kamay.

Nang Makita nang 4 na lalaki ang pagdating nang dalawang binata. Agad nilang sinugod ang mga ito ngunit handa naman sina Julianne at Eugene. Nabitiwan ni Jimboy si Aya. Agad namang lumayo si Aya.

Kahit dalawa lang sila walang binatbat ang grupo ni Jimboy. Kapwa tulog ang mga ito nang matapos ang isang mahabang rambol. Bulagta sa sahig ang mga lalaki. Agad namang naghanap nang tali si Julianne upang itali ang 5 lalaki.

"Mamo." Wika ni Aya nang makabawi at lumapit kay Serenity.

"Okay lang ako. Si Snow." Wika nito. Agad namang tumayo si Aya at lumapit sa kinalalagyan nang aso niya. Mahina ang ungol nito.

"Snow." Mahinang wika ni Aya at niyakap ang asa.

"Kaya niyo bang tumayo?" tanong ni Eugene kay Trini at Destiny na nasa sulok at sargo ang dugo sa bibig at puro pasa ang mukha dahil sa pambubugbog nang grupo ni Jimboy. Inalalayan niyang tumayo ang dalawang bakla. Nang makatayo ang mga bakla bumaling naman si Eugene sa dalaga at sa aso nito. Hindi nga siya nagkakamali. Ang aso nga nila iyon at ang dalagang ito ang kapatid niya.

"Dalhin natin sa kampo naming ang aso niyo. Marunong manggamot si Jenny baka matulungan niya tayo." Wika ni Eugene at lumapit sa dalaga.

"Hindi naman malalim ang sugat niya." Wika ni Eugene at kinapa ang sugat ni Snow sa ulo.

"Mother, sira na ang parlor natin." Wika ni Destiny nang Makita ang ayos nang loob nang parlor nagkalat ang mga gamit basak ang mga salamin at wasak ang mga upuan.

Dalai yon nang pag-aamok ni Jimboy at rambol nila sa pagitan nang dalawang binata.

"Tumawag na ako nang back up maya-maya lang nandito na sila. Mas mabuti pang pupunta na tayo sa kampo para matingnan iyang mga sugat niyo." Wika ni Julianne matapos itali ang mga lalaki.

"Okay lang kami, wala namang nabaling buto sa amin. Salamat sa tulong niyo Officer" wika ni Serenity.

"Trabaho naming na tiyakin na ligtas kayo." Wika ni Eugene. "Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Eugene kay Aya. Ang totoo niya ditto talaga ang sadya nila ni Julianne. Dahil sa kutob niya sa pagkatao ni Aya kaya naman inutusan niya si Butler Lee naalamin ang tunay pagkatao ni Aya.

2 hours Ago….

Nalaman nilang sa isang parlor na pag-aari nang tatlong magkakaibigang bakla nakatira si Julius. Anak nang isa sa kanila si Julius. Inireport nila noon sa missing person si Aya. Ngunit nang mga sandaling iyon naroon sila sa ibang bansa. Ang presintong humawak nang kaso ni Aya ay nasunog at kasama doon sa mga nasunog ang files ni AYa kaya siguro wala silang mahanap na file tungkol sa dalaga. Nalaman din nila na bago mapunta sa poder nang mga bakla si Aya.

Kinupkop muna siya nang isang mag-asawa. Iniwan siya nang isang lalaki sa isang Hospital at hindi na binalikan. Nagkaroon nang gulo sa pagitan ni Aya at nang asawa nang babaeng nurse na kumupkop sa kanya. Sa di malamang dahilan bigla na lamang itong nabulag. Pinalayas nang mag-asawa si Aya dahil sa nangyari.

"Pinalayas siya?" gimbal na wika ni Julianne. "Hindi ba bulag ang kapatid mo Eugene gaya nang kwento mo? Paano nila palalayasin ang isang batang may kapansanan."

"Ayon sa mga napagtanungan ko. Bulag nang kumkupin nang nurse si Aya, May alagang asa daw ito na siyang mata nang batang babae, para daw itong body guard kung makabagod sa batang babae. Kahit sa asawa nang babaeng nurse ayaw nitong palapitan ang bata. Nang pinalayas si Aya, napadpad siya sa parlor nang mga bakla." Ani Butler Lee.

"Si Snow." Mahinang wika ni Eugene. Isang aso lang ang kilala niyang magbabantay nang ganoon sa kapatid niya.

Kumuha pa sila nang trainer nang daddy niya noon para lang maturuan nang maayos si Snow. Gusto nang mga magulang nila na ang aso nila ang maging gabay ni Aya dahil alam naman nilang hindi sila magiging kasama ni Aya 24/7. At hindi naman sila binigo nang aso. Naging isang matapat at magaling na bantay para sa dalaga.

"Snow? Talagang may pangalan pa ang asong iyon."Natatawang wika ni Julianne.

"Snow ang tawag nang mga kapit bahay nila sa aso. Maputi ito na parang niyebe." Wika ni Butler Lee.

"Pero hindi naman natin pwedeng I-conclude na ang dalagang iyon nga si Aya. Paano kung nagkataon lang ang lahat." Wika ni Eugene.

"Bakit hindi natin puntahan ang parlor para malaman natin kung si Aya nga ang kapatid mo." Wika ni Julianne kay Eugene. Hindi umimik si Eugene. He cant imagine kung anong mga nangyari kay Aya nang magkahiwalay sila. She had been through a lot of hardship. Para bang natatakot siyang magpakilala sa kapatid niya.

Kung hind niya ito iniwan noon hindi sana sila magkakahiwalay nang kapatid niya. Kahit na wala pa silang tulog mula sa pagroronda, naisip ni Eugene na puntahan ang kapatid. Hindi naman nila inaasahan na makikita ang tagpong iyon. Mabuti na lamang at naisipan niyang pumunta doon nailigtas pa niya ang kapatid niya.

"Mabuti na lang at dumating kayo. Akala ko katapusan nan ang beauty ko." Ani Trini. Nang dumating sina Dranred sa lugar Nakita nila ang kalat na parlor nang mga bakla. DInala naman nila sina Aya sa Kampo kung saan tumulong si Jenny na gamutin ang Aso.

Nang dumating ang Grupo ni Dranred dinala nila sa presinto ang grupo ni Jimboy. sumama si Julianne sa presinto upang magbigay nang statement sa nangyari.

Matapos ang mga sinabi ni Julianne at nang dalawang baklang kasama ni Destiny naging mabigat ang kaso ni Jimboy at ang barkada nito. Kaya lang hindi rin nakulong ang mga lalaki dahil hindi itinuloy ni Serenity ang reklamo. Naawa ito sa dating kasintahan kaya hinayaaan na lang na makaligtas ang mga ito sa batas.

"Mother, ano namang kagagahan ang ginawa mo?" ani Destiny. Nang dumating sila sa Hospital nang mga hayop kung saan dinala si Snow.

"Hindi na rin naman nila tayo guguluhin. Hayaan na natin sila. Kawawa naman si Jimboy. May kasalanan din naman ako kung bakit siya nagkaganoon." Ani Serenity.

"Hindi ko alam kung mabait ka ba talaga o sadyang tanga lang. Matapos ang ginawa niya sa atin papalustin mo siya nang ganoon nalang? Ewan ko saiyo huh, pero hindi ako natutuwa." Wika ni Trini.

"Mga girls intidihin niyo naman ako. Naging party din siya nang buhay ko. Kaya naman hindi ko kayang Makita siyang nahihirapan."

"Hay Naku. Aya pagsabihan mo yang mamo mo. Baka mainis ako sa kanya at sabunutan ko siya." Wika ni Trini at nagpatiuna. Sumunod din naman si Destiny sa bakla.

"Mali ba ang ginawa ko anak?" Baling nito kay Aya.

"Naiintindihan ko kung bakit niyo sila pinatawad. Naiintindihan ko rin sina Mamo Destiny kung bakit masama ang loob nila. Palipasin nalang muna natin ang sama nila nang loob saka kausapin. Hindi rin naman kayo matitiis nang dalawang yan." Wika ni Aya. Bako bumaling sa dalawang binata.

"Pasensya na kayo sa abala." Ani Aya.

"Huwag mo nang intindihin yon ang mahalaga ligtas ka. SIgurado kabang hindi ka nasaktan?" ani Eugene.

"Mabuti na lang at napadaan kayo doon Sir." Wika ni Julius.

"Bakit kayo nandito?" gulat na wika ni Analie nang Makita ang pamilya ni Aya na nasa kampo nang mga sundalo. Napansin nilang may dalang pagkain ang dalaga. "Nasaan si Captain?" tanong nito.

"Nagpapatrol sila sa kasukalan."wika ni Jenny.

"Paano naman kayo natuntun ni Jimboy ditto? Ang kapal nang mukha niya kung ano ang nakahuli sa kanya sa akto baka binasag ko ang bungo niya." Wika ni Julius na nanggagalaiti sa galit dahil sa nangyari sa pamilya.

"Julius. Pwede ba huminahon ka nga ligtas na naman kami. Buti na lang at dumaan ang dalawang gwapong sundalong to." Wika ni Destiny.

"Mas Mabuti siguro kung dumito muna ang aso niyo para mabantayan ko." Wika ni Jenny.

"Magaling na doctor ang kuya ko. Bakit hindi niyo dinala sa kanya ang asong yan." Ani Analie.

"Hindi naman vet ang kuya mo." Sagot ni Arielle.

"Eh si Office Jenny Vet ba?" Sakristong wika nang dalaga. "Siya ng apala may dala akong Carbonara para kay captain. Ako ang nagluto nito." Wika nito at iniabot kay Rick ang dala.

"Wow mukhang masarap." Ani Johnny.

"Para yan kay Captain." Usal nito. Napasimangot naman ni Johnny dahil sa sinabi nang dalaga.

"Magaling mag luto nang Spaghetti itong si Trini. Dahil iniligtas niyo kami. Hayaan niyo magpapagawa ako nang spaghetti para sa inyo." Wika ni Serenity. Napangiti naman ang mga sundalo dahil sa sinabi nang bakla. Alam din naman nila sa sinabi iyon ni Serenity para mabawasan ang awkwardness nang mga sandaling iyon dahil sa sinabi ni Analie.

"Malinis naman kaya?" prankang wika nang dalaga.

"Naku pigilan niyo ako. Sasabunutan ko ang bruhang to." Wika ni Trini na gigil dahil sa asal nang dalaga. Alam naman nila na hindi sila gusto nang dalaga at minamata sila nito simula nang dumating sila.

"Oh, Narito na pala sina captain." Wika ni Rick nang Makita si Dranred na paparati kasama ang 6 na lalaking sundalo.

"Magandang umaga captain. Ipinagluto kita nang carbonara." Wika ni Analie at kinuha ang dala niya kay Rick sinalubong si Dranred at ibinigay ang dala.

"Salamat." Wika ni Dranred at tinanggap ang dala ni Analie at iniabot din sa sundalong nasa likod niya. Tumuloy ito sa paglapit sa kinaroroonan nang iba pa.

"Anong nangyari?" Tanong ni Dranred.

"May mga sanggano lang na inatake ang pamilya ko captain. Pero nahuli na naman sila at dinala na sa bayan para ipakulong." Sagot ni Julius. Napatingin si Dranred kay Aya na nasa tabi nang asong nakahiga. Napabuntong hininga siya at a sign of relief dahil nakitang okay lang ang dalaga.

Habang hinihimas ni Aya ng balahibo nang aso, bigla niyang napansin ang matingkad na feathers na bumagsak sa harap niya. Agad siyang nag angat nang tingin at sinundan ang lumipad na feathers nang nilingon niya ito si Dranred ang nakasalubong nang mata niya. It was like the first time na nagkita sila ni Dranred sa kalsada nang araw na dumating ito sa baryo nila. May Nakita din siyang matingkad na balahibo.

Their eyes meet. Tila ba nawala lahat nang tao sa paligid nila ang it was just the two of them. Habang nakatingin si Aya sa binata biglang bumalik sa balintataw niya ang eksena sa isang kasukalan.

Siya noong maliit pa habang nakikipag-usap sa isang lalaking may puti at itim na pakpak. Gaya noon kahit bulag siya nakikita niya ang lalaki. Dahil sa mga naalala biglang napatayo si Aya.

"Bakit Aya?" tanong ni Julius nang biglang tumayo ang kapatid. Taka siyang napatingin sa kapatid.

"Wala naman kuya may naalala lang ako." Pasimpleng wika ni Aya.

"Magpahinga na kayo. Mamaya sa may Hacienda tayo magpapatrol." Wikani Dranred sa anim na sundalo sa likod niya.

"Kung gusto niyo i-to-tour ko kayo." Wika ni Analie.

"SIge , Salamat." Wika ni Dranred at nilampasan ang dalaga saka tumuloy sa kubo nito.

"Masyado ka namang mailap." Wika ni Analie at ngumiti.

Nang gabing iyon hindi nakatulog si Aya. Nakaupo lang siya sa harap nang bintana nang silid niya habang inaninag ang liwanag nang buwan. Tahimik ang gabi dahil sa katahimikang iyon pakiramdam ni Aya nabibingi siya. Bigla siyang nagising dahil sa masamang panaginip niya. SImula nang dumating sila sa lugar na ito halos gabi-gabi siyang nananaginip nang masama. Isang pamilya na tumatakas mula sa masasamang tao. Sa kanya kaya nangyari ang bagay na iyon? Ang naalala niyang paghihiwalay nila nang kuya niya ay nang iwan siya nito sa isang fast food chain. Wala siyang malinaw na alaala sa nangyari sa magulang niya.

Habang nakatingin siya sa labas, bigla siyang nakarinig nang mahihinang yapak. Taka siyang napatingin sa pinto. Wala sa bahay nila ang kuya Julius niya dahil sa trabaho nito. Sabi nito may out of town duty ito dahil sa hawak na trabaho. BIgla siyang napatayo nang marinig ang mga yapak na nasa malapit nan ang pinto niya. Hindi naman lumalabas nang silid ang mamo niya tuwing gabi kaya sino naman ang may ari nang mga yapak na iyon.

Isang malakas na putok nang baril ang narinig ni Aya dahilan upang mapaiktad siya. Papalapit na sana siya sa pinto nang bigla itong bumukas. Dahil walang ilaw hindi maaninag ni Aya kung sino ang nasa loob nang silid. Napaatras si Aya dahil sa labis na takot.

Isang malakas na hampas sa batok ang naramdaman ni Aya dahilan upang mahilo siya at mawalan nang malay hindi na niya alam kung ano ang sunod na nangyari.

BIglang napabalikwas nang bangon si Dranred dahil sa isang panaginip. Panaginip tungkol kay Aya at nasa panganib daw ito. Agad siyang tumayo mula sa papag at lumabas nang kubo. Nasa labas sina Rick at Arielle dahil sila ang nakatukang magbantay. SIna Johnny, Ben at Meggan kasama ang 2 SWAT ang nakatukang magpatrol sa baryo.

"Bakit captain? Mainit ba? Hindi ba gumagana ang electric fan niyo sa loob?" Tanong ni Rick.

"W-wala naman." Wika NI Dranred. "Magpapahangin lang ako ditto sa labas." Wika ni Dranred at bumaba mula sa kubo. Saka naglakad. "Trouble Girl. May nangyayari bang masama sa iyo?" mahinang wika ni Dranred at napatingin sa buwan.

Sa kalalilam nang gabi, walang nakakaalam na isang trahedya ang nagaganap. Pinasok ang bahay nang tatlong baklang magkakaibigan. Walang awang pinatay ang tatlong bakla habang dinukot naman ang dalagang kasama nang mga ito.

Bukang liwayway nang mapadaan ang grupo nina Johnny sa bahay nina Aya. Ganoon na lamang ang gulat nila nang makitang bukas ang pinto nang parlor.

"Ang aga naman nilang magbukas."wika ni Meggan at naglakad palapit sa pinto ganoon na lamang ang gulat niya nang Makita ang nagkalat na mga gamit sa sahig.

"Anong nangyari ditto?" gimbal na wika ni Ben.

"Serenity, Trini, Destiny, Aya." Tawag nila sa mga nakatira doon habang nagmamadaling pumasok sa loob nang bahay. Ginalugad nila ang buong bahay ngunit ang tangi nilang Nakita ay patay na katawan nang mga bakla at wala si Aya. Agad naman nilang niradyohan ang kampo para sabihin sa kanilang kapitan kung ano ang nangyari. Agad din namang sumugod doon sina Dranred ganoon din ang Brgy Captain at mga tao sa baryo na nakiki usyoso sa nangyari.

Nang pumasok sila sa parlor halos hindi sila makatingin sa bangkay nang mga bakla. Laslas ang leeg nang mga ito at may tama din nang bala ang sikmura. Brutal ang ginawang pagkakapatay sa mga bakla.

Hindi rin niya magawang lumapit sa bangkay nang ama niya. Hindi niya matanggap ang nangyari. Sa isang gabi lang nawala sa kanya ang pamilya niya.

Napaluhod si Julius dahil sa labis na paghihinagpis dahil sa nangyari sa pamilya niya.

"Aya."Mahinang wika ni Eugene nang hindi Makita ang kapatid sa loob. Inutusan ni Dranred ang mga tauhan niya na halog hugin ang kabahayan upang makakita nang ebedinsya at hanapin din si Aya. Ngunit hindi nila Nakita ang dalaga o kahit na anong bagay na maytuturo kung nasaan ang dalaga.

"Hindi kaya ang mga rebelde ang gumawa nito?" tanong ni Chairman.

"Hindi natin alam sa ngayon kailangn nating magimbestiga." Ani Dranred. "Fallen Angel." Mahinang wika ni Dranred nang maramdaman ang presensya nang fallen angel sa lugar na iyon. Alam niyang galing doon ang fallen angel. Nanghawakan niya ang bangkay nang isa sa tatlong biktima naramdaman niya ang pout at galit na mula sa enerhiya nang isang fallen angel. Ito ang klase nang fallen angel na lalong lumalakas tuwing nanakagawa nang masama.

Sabay-sabay silang napatingin sa telepono nang parlor nang bigla itong tumunog. Nagkatinginan pa sila bago lumapit si Eugene upang sagutin iyon. Si Jimboy ang nasa kabilang linya.

Nakatanggap sila nang tawag mula kay Jimboy ang kasintahan nang Mamo Serenity ni Julius at Aya. SInabi nitong hawak nila ang dalaga at kapag hindi tumupad si Julius sa mga ipinagagawa nila tatapusin nila ang buhay ni Aya. Nag demand ito nang pera. SInabi nitong may itintagong malaking halaga si Serenity at ayaw ibigay sa kanya kaya naman pinatay niya ang bakla. At ngayon para sa kaligtasan ni Aya, nais nitong ibigay ni Julius sa kanya ang pera nang bakla.

Mariing nagkuyom nang kamao si Eugene. Hindi niya mapapatawad ang sino mang gagamit sa kapatid niya para lang makanlalang nang kapwa. At gaya nang dati, noong mawala si Aya wala rin siyang nagawa para sa kapatid, Ngayon naman nawawala ito at wala siyang magawa labis itong ikinasasama nang loob niya. Wala siyang kwentang kapatid.

"Anon ang gagawin natin? Kung hawak niya ang kapatid mo Julius mas Mabuti siguro kung susundin natin ang gusto niya." Wika ni Meggan.

"Ano sa palagay mo Captain?" tanong ni Rick kay Dranred nang mapansin niya ang binatang kapitan na nakatingin sa labas nang pinto.

Lahat napatingin sa kapitan nilang halatang malayo ang nilalakbay nang isip. Nang hindi sumagot ang kapitan pasimpleng lumapit si Ben kay Jenny.

"Natutulog ba siya?" Bulong na tanong nito. Napakunot naman ang noo ni Jenny na humarap sa kasama. Ang hindi nila alam, pinakikiramdaman ni Dranred ang paligid nila. Dahil naramdaman niya ang presinsya nang isang fallen angel sa lugar na iyon, sinusubukan niyang hanapin ang aura nito. Baka sakaling malaman niya kung nasaan si Aya. At dahil mahina ang kapangyarihan niya dahil sa katawang mortal niya hindi niya masyadong maramdaman ang Aura nang Fallen Angel.

"Aya." Biglang bulalas ni Dranred nang marinig ang pintig nang puso ni Aya. BIgla din siyang nagmulat nang mata.

"Captain bakit?" Tanong ni Rick at lumapit sa binata.

"She is in danger." Wika ni Dranred at agad na lumabas nang parlor, Hindi na nagtanong pa ang iba kung saan papunta ang binate basta bigla na lamang silang sumunod ditto. Naiwan sa parlor si Meggan, Jenny at Arielle upang ayusin ang gulo doon.

Si Dranred ang nagmaniho nang van nila, Van na ibinigay din sa kanila ni Don Guillermo para gawin nila service habang asa baryo sila. Habang nasa biyahe sila lahat nagtataka sa ikinilos nang kapitan nila ngunit walang nagtangkang magtanong, Kahit gusto nilang malaman kung saan sila papunta hindi nila magawang magtanong sa binata. Dinala sila ni Dranred sa isang rail way. Lahat nagtataka. Paano nalaman nang kapitan nila na ditto sa lugar na ito nila mahahanap si Aya?

Aw." Mahinang ungol ni Aya nang magising. Nararamdaman niyang nakatali siya sa isang upuan, Nararamdaman din nang balat niya ang init na nagmumula sa araw na tumatama sa balat niya. Ang tanging naalala niya ay ang gabing may pumasok sa bahay nila. May mga putok nang baril siyang narinig. May taong pumasok sa silid niya at hinampas siya nang kung anong bagay sa ulo dahilang upang mawalan siya nang bahay. Bukod doon wala na siyang maalala.

"Jimboy? Anong balak mo sa batang iyan. Kung ibinebenta ba naman natin yan tiyak kumikita pa tayo." Wika nang kasama ni Jimboy. Nasa kabilang bahagi sila nang daanan kung saan nila iniwan si Aya. Nakaupo ito sa isang upuan habang nasa gitna nang railway.

"Gaya nang ginawa ko sa mga bakla niyang inainahan, Ipapadala ko na rin sa hukay ang isang yan." Ani Jimboy.

"Akala ko ba humingi ka nang pera kay Julius kapalit nang kapatid niya? Bakit mo papatayin ang ---"

"Tumigil ka kung ayaw mong ikaw ang unahin ko." Asik ni Jimboy sa kasama at tinutukan ito nang baril. Mula sa kinalalagyan ni Aya naririnig niya ang pagtatalo nang mga lalalki. Saan naman kaya siya dinala nang mga ito?

"Aya!" narinig ni Aya ang boses nang kuya Julius niya Nasa malapit lang ito.

"Kuya! Kuya Julius!" Sigaw ni Aya nang marinig ang kapatid niya. Napansin nang mga lalaki ang pagsigaw niya kaya naman lumapit si Jimboy sa kanya.

"Kapag hindi ka tumigil puputulin ko yang dila mo." Galit na wika Jimboy sa kanya.

"J-Jimboy?" gulat na wika ni Aya nang makilala ang boses nang lalaki. "Anong nangyayari?" Tanong ni Aya nang maramdaman ang pag-uga nang lupa. Naririnig din niya ang mahinang tunog nang makina na patungo sa direksyon niya. Nasa railway ba siya?

"Paano bay an. IIwan na kita ditto. Ikumusta mo nalang ako sa mamo mo kung makikita kayo sa kabilang buhay." Wika ni Jimboy at hinimas-himas ang buhok ni Aya.

"ANong ibig mong sabihin? Anong nangyari kay Mamo?" Tanong ni Aya kay Jimboy ngunit hindi siya nito sinagot sa halip ay naglakad ito palayo.

Patuloy na lumalaki ang tunog na naririnig ni Aya patunay na papalapit na sa kanya ang kung ano mang sasakyan napalapit sa kanya.

"Tulong! Tulungan niyo Ako!" malakas na sigaw ni Aya. Malapit na sa kanya ang tunog at sa uri nang tunog na naririnig niya at ang paguga nang lupa isang sasakyan lang ang alam niyang may ganoong klaseng tunog. TRAIN.

Nang dumating sina Dranred sa railway, agad niyang hinati ang grupo upang hanapin ang dalaga. Sumama sa kanya si Johnny, Ben at Rick, Habang sina Julianne, Julius at Eugene naman ang magkakasama.

Narinig ni Dranred ang pagtawag ni Aya nang tulong.

"Captain sandali." Habol nina Johnny sa binate nang bigla itong tumakbo. Nagtagpo-tagpo ang 7 binata sa lugar kung nasaan si Aya. Sa dikalayuan nakikita nila ang train na papalapit sa kinaroroonan ni Aya.

"AYA." Sigaw ni Julius.

"Kuya Julius?! Ikaw ba yan?" umiiyak na wika ni Aya at nagpalinga-linga sa paligid. "Tulungan mo ako Kuya." Sigaw ni Aya.

"Aya. Ju-just keep calm okay ililigtas ka namin." Wika ni Julius. Tatawid na sana sila upang iligtas si Aya nang may mga putok nang baril na tumama sa paanan nila. Hindi sila nakalapit dahil doon. Mula sa pinagtataguan nila lumabas ang grupo nina Jimboy.

"Wala nang makakaligtas sa kanya. Dahil maging kayo ay isasama ko sa hukay." Ani Jimboy.

Mariing nag kuyom nang kamao si Julius at walang pasabing sinugod ang lalaki. Hindi naman nagpahuli sina Eugene, agad din nilang sinugod ang mga lalaki. Ngunit habang abala sila sa pakikipagbuno sa mga lalaki.

"Kuya." Mahinang wika ni Aya at napalingon sa pinanggagalingan nang tunog nang sasakyan. Alam niyang ilang dipa nalang ang layo nang sasakyan sa kanya. "Tulong." Mahinang usal ni Aya isang metro nalang ang lapit sa kanya nang sasakyan. Habang nakatingin siya sa papalapit na train, biglang may nahulog sa harap niya na isang matingkad na balahibo. Mariin siyang napapikit dahil sa labis na takot.

Captain. Sigaw nang isip niya. Si Achellion ang tanging taong nasa isip niya makakaligtas sa kanya sa ganoong pagkakataon. Bibiguin kaya siya nang binata? Pero paano ito makakapunta sa kanya gayong napakalapit nan ang train sa kanya.

"Aya!" sigaw ni Eugene nang Makita malapit na sa kapatid ang train pero hindi siya makatakbo dahil nakikipaglaban pa siya sa mga kasama ni Jimboy maging ang ibang kasama niya ay abala din.

"AYA!" malakas na sigaw ni Eugene nang tuluyang dumaan ang train sa kinalalagyan ni Aya. Nang dumaan sa kanila ang train biglang nahinto ang pag-aaway nila. Ilang sandal din bago tuluyang lumampas sa kanila ang train.

Nang makalampas ang train hindi na nila Nakita ang dalaga sa gitna nang railway. Ngunit ang ikinagulat nila ay ang Makita si Dranred na nasa kabilang bahagi nang railway at pangko-pangko si Aya.

Napabuntong hininga sila dahil sa relief nang Makita ang dalawa na ligtas.

Kanina, bago tumama ang train kay Aya. Tela hangin an kumilos si Dranred. Sa isang iglap lang nakalapit na ito kay Aya. Nasira pa nga nito ang upuan kung saan nakatali si Aya saka pinangko ang dalaga at mabilis na lumipat sa kabilang bahagi.

"Hey, It's okay now. You're safe." Wika ni Dranred kay Aya. Mariing nakapikit ang mata nito habang mahigpit na nakakulawit ang kamay sa leeg niya.Ramdam din niya ang panginginig nang katawan nang dalaga.

Nang marinig ni Aya ang pamilyar na boses, agad siyang nagmulat nang mata. Ang nakangiting mukha ni Dranred ang Nakita niya.

"Dumating ka." Mahinang wika ni Aya.

"I thought you could use some help. I am not late, am I?" Ani Dranred.

"Your late." Wika ni Aya saka pumatak ang luha sa mata.

"Well, next time I am saving you ill make sure I bring a map with me para mas mabilis kitang Makita." Ngumiting wika ni Dranred. "Kaya mo bang tumayo?" tanong nang binata.

"Ano namang akala mo sakin. Lumpo?" Singhap ni Aya. "And what makes you think that there will be a next time? Kutang-kuta na ako sa mga masamang nangyayari sa kin. Kaya huwag mong isiping may susunod pa." Ani Aya at kumawala sa pagkakakulawit sa leeg ni Dranred.

"Hearing you say that sapalagay ko okay ka na." wika ni Dranred at ibinaba ang dalaga. "Hindi ko maintindihan kung matapang ka lang talaga o lapitin nang gulo."wika ni Dranred.

Nang mailapag niya si Aya saka niya napansin si Jimboy na nakatutuk ang baril sa kanila. Nabuti nalang at mabilis ang reflexes ni Dranred bago tumama kay Aya ang bala agad niya ito natabig. Sa balikat niya tumama ang Bala. Hindi naman nakaligtas si Jimboy sa galit ni Eugene. Inatake niya ang lalaki hanggang sa mabuwal ito sa lupa. Nang mabuwal ang lalaki sunod-sunod na inundayan ni Eugene nang suntok ang mukha nang lalaki.

Kung hind pa lumapit si Julianne para pigilan si Eugene maaring nasira na nito ang mukha nang lalaki.

"Captain? Okay ka lang ba? M-May sugat ka?" Gimbal na wika in Aya nang Makita ang dugo sa balita ni Dranred sanhi nang pagtama nang bala sa balikat niya, Buti na lamang at napatagilid siya kaya daplis lang ang natamo niya.

"So You are worried now." Ngumiting wika ni Dranred.

"Captain!" tumatakbong wika ni Rick at lumapit sa kanila. "May sugat ka." Wika ni Rick sa binate.

"I'm Okay malayo to sa bituka.Okay lang ba kayo?" tanong ni Dranred sa mga kasama niyang lumapit sa kanya. TUmango naman ang mga ito.

"Aya." Wika ni Julius at lumapit sa kapatid. Agad din naman nitong niyakap ang kapatid nang Makita. Bakit pakiramdam ni Aya may hindi maganda sa kuya Julius niya, May nababasa siyang kalungkutan sa mata nito. Salamat sa liwanag ni Dranred malinaw niyang nakikita ang mga binatang naroon.

Sa likod ni Julius naroon sina Julianne at Eugene. Napansin si Julianne na napakuyom nang kamao si Eugene.

"Hey Relax." Wika ni Julianne at inilagay ang kamay sa balikat ni Eugene.

Nang makabalik sila sa dumerecho na agad sila sa simbahan nang baryo kung saan inihimlay ang bangkay nang mga baklang nag-alaga kay Aya. Halos hindi tumigil sa pag-iyak ang dalaga dahil sa nangyari sa kanyang mga kinilalang magulang. Habang nakikita ni Eugene ang kapatid na umiiyak, Naalala niya ang Aya na kapatid niya noong namatay ang magulang nila. Halos hindi rin ito tumigil sa pag-iyak. Kahit gustuhin man niyang lapitan si Aya at yakapin hindi niya magawa. Natatakot siyang hindi siya tanggapin nang kapatid niya.

"Hindi makakabuti sa iyo kung hindi ka magpapakilala sa kanya." Wika ni Dranred kay Eugene at lumapit kay Eugene.Taka namang napatingin si Eugene sa kapitan nila.

"Mabuti siguro kung ikaw na ang magbigay nito sa kanya." Wika ni Dranred at inilahad kay Eugene ang kamay. Kahit may alinlangan inabot ni Eugene ang bagay na inilahad ni Dranred. Ganoon nalamang ang gulat niya nang Makita ang locket na kwentas ni Aya.

"Paano napunta sa iyo ang bagay na ito?" Tanong ni Eugene sa binata.

"Hindi na mahalaga iyon. Huwag mong hintayin na mahuli ang lahat bago mo sabihin kay Aya kong ano ka sa buhay niya." Wika ni Dranred at tumayo.

"Teka paano mo nalaman?" habol na tanong ni Eugene sa binata. Hindi sumagot si Dranred bagkus ay tuluyan siya nitong iniwan. Sino ba ang Kapitan nilang iyon? Bakit pakiramdam niya hindi ito gaya nang iniisip niya. Parang may malalim na ugat ang pagkatao nito. Labis siyang nagtataka ditto.

Matapos ang libing nang tatlong bakla, dinala ni Julius si Aya sa kampo nang mga sundalo. Hindi na sila bumalik sa bahay nila dahil sa mga masamang nangyari. Pumayag naman si Dranred na doon muna si Aya hanggang sa matapos ang misyon nila. Isasama na rin ni Julius ang dalaga pagluwas sa Syudad kapag natapos ang misyon upang doon na manirahan. Para kay Dranred mas maiiging malapit sa kanya ang dalaga upang mas mabantayan niya ito. Pabor din naman ito kay Eugene para mapalapit siya sa kapatid niya.

"Kung pwede sana sa bahay ka nalang tumira, kaya lang alam mo naman na parating may lalaking isinasama si Mama kaya hindi pwede." Wika ni Alice sa kaibigan.

"Okay lang ako Alice. Palagay ko mas Safe ako ditto dahil narito si Kuya." Wika ni Aya.

"Baka maging pabigat ka lang Kay Captain." Wika ni Analie.

"Kapag hindi ka tumigil sasabunutan kita." Wika ni Alice sa dalaga.

"Okay girls. Tama na yan. Mabuti pa mag meryenda muna tayo. Ito Nagluto ako nang pansit." Wika ni Jenny saka tumingin kay Eugene. Naalala niyang naroon pa sila Eugene sa poder nila gustong gusto nito ang pansit na ginagawa niya.

"Wow pansit. Hindi niyo lang natatanong paborito yan ni Eugene." Wika ni Julianne at hinila ang kaibigan patungo sa Mesa.

"Mas masarap pa rin ang carbonara ko." Wika ni Analie habang kumakain. Napasimangot naman si Alice dahil sa sinabi ni Analie. Habang kumakain, pa simple namang napatingin si Eugene kay Jenny. Hanggang ngayon hindi pa rin sila nagkakausap nang masinsinad nang dating kaibigan. Gusto niyang malaman kung bakit ito pumasok sa pagpupulis.

Ang totoo niya simula nang unang Makita niya si Jenny nakilala na niya ito kaagad kaya lang dahil sa dami nang mga nangyari nawala sa isip niyang kausapin ito.

"Aba Jenny hindi pa rin kumukupas ang galing mo sa pagluluto." Wika NI Julianne. Taka namang napatingin ang lahat dahil sa sinabi nang binata.

"Bakit Sir? Ipinagluto na ba kayo dati ni officer Jenny?" Tanong ni Johnny.

"Ah---" wika ni Julianne at tumingin kay Eugene. Paano ba niya malulusutan ito nadulas na siya. Nagkasundo sila ni Eugene na hindi muna sasabihin sa iba lalo na kay Jenny na kilala nila ito. Nasa paligid pa rin si Ramon at tiyak na hinahanap ang dalaga.

"Kinupkop kami noon nang ama ni Jenny." Biglang wika ni Eugene. Taka namang napatingin si Jenny at Julianne sa binata.

Naalala niya ako? Tanong nang isip ni Jenny.

"That was years ago. Kung hindi dahil sa ama niya baka hindi kami mabubuhay ni Julianne."

"Hindi nga lang pinalad si Don Gustavo. Pero masasabi kung Mabuti siyang tao." Wika ni Julianne. Para namang hinaplos ang puso ni Jenny nang malaman na hindi naman siya nakalimutan nang kaibigan.

"Bakit para yatang sa kilos niyo parang hindi naman halata na magkakilala kayo."wika ni Analie.

"Hay naku. Itong si Eugene ang tanungin niyo." Ngumiting wika ni Julianne at itinuro ang kaibigan. Lahat naman napatingin sa binata at naghihintay nang sagot mula ditto. Taka namang nag-angat nang tingin ang binata. Ibinuka ni Eugene ang bibig niya para sumagot nang bigla na lamang silang may narinig na putok nang baril. Lahat nang miyembro nang Phoenix napatayo. Wala noon ang kapitan nila dahil nagpapatrolya kasa si Johnny at ang 6 na SWAT member.

"Mukhang galing sa may Hacienda." Wika ni Julianne.

"Anong sabi mo?" Hintakot na wika ni Analie dahil sa sinabi ni Julianne.

"Arielle, Meggan Jenny. Maiwan na kayo ditto. Pupuntahan lang naming ang pinanggagalingan nang putok nang baril." Wika ni Eugene.

"Sasama ako." Wika ni Analie.

"Dumito ka na lang magiging mapanganib kung pupunta ka doon." Wika ni Juliane. Agad nilang kinuha ang mga baril nila at agad na lumisan para puntahan ang pinangagalingan nang putok nang baril.

Tama nga ang hula ni Julianne malapit nga sa Hacienda ang pinaggagalingan nang mga putok nang baril. Nakasagupa nang grupo ni Dranred ang grupo nang mga rebelde. Habang nag papatrolya sila sa may taniman nang tubo isang grupo ang namataan nilang umaaligid nang lapitan nila ito agad silang pinaulanan nang putok. Wala naman silang ibang nagawa kundi ang gumanti din nang pagpapaputok.

Umabot nang dalawang oras ang palitan nang putok nang baril. Ilan sa mga tauhan ni Dranred ay nasugatan ngunit wala namang namatay o malubhang nasugatan. Sa grupo naman nang mga rebelde 5 sa kanila ang patay at 2 ang nakatakas at tumakbo patungo sa kasukalan.

Dinala nila sa clinic ni Gio ang mga sundalong nasugatan. Sabi pa nang doctor maswerte sila dahil daplis lang ang tama nang mga ito. Napag-alaman din ni Dranred na sa kabilang Baryo kung saan naassign ang grupo ni Martin. Isa na naang dalaga ang nawala at isa ang natagpuang patay sa tabi nang dalampasigan. Wakwak ang tiyan nito at wala nang puso.

"Dumating na sila." Wika ni Alice nang mamataan ang grupo ni Dranred na naglalakad papalapit sa kampo. Napansin agad ni Jenny mag arm sling si Eugene. Ang iba naman ay may benda sa binti.

"Captain. Hindi ka ba nasaktan?" Tanong ni Analie sa binata.

"Okay lang ako. Ipapahatid na kita sa mga tauhan ko. Hindi ka pwedeng umuwi nang mag-isa lalo na at delekado ang paligid. Baka nasa tabi-tabi pa rin ang mga rebelde." Wika pa ni Dranred sa dalaga.

"Na touch naman ako sa pag-aalala mo." Wika ni Analie.

"Alice, hayaan mong samahan ka na ni Rick pabalik sa inyo." Baling nito kay Alice.

"Salamat Captain." Anito at bumaling kay Aya. "Aya una na ako. Kita tayo bukas." Anito sa kaibigan. Ngumiti lang si Aya sa kaibigan. Inihatid ni Rick si Alice pabalik sa bahay nila. Habang si Analie naman ay inihatid ni Johnny at Ben.

Nächstes Kapitel