webnovel

Chapter 3. Pagising ng Kapangyarihan.

"Kuya!".sigaw ni Skyler habang nakatingan ky Nigel na nakadapa sa baba ng entablado..

Dali-dali namang lumapit ang ama ni skyler at kasama nito para tulungan si nigel.Nagulat ang lahat sa nangyari at lahat.Pero sa panig ng Poison Frog sect ay akala mo walang nangyari,nakangiti pa rin si elder daimo..

Walang ka alam alam ang karamihan sa totoong nangyari.Hindi nila nakita sa kaganapan bago pa atakihin ni gareth si nigel maliban nalang ky skyler.Hindi niya alam kung papaano pero kitang kita niya kung paano pinagkaisahan ang kuya niya,samakatuwid ay dinaya ito.Nasa plano na ng kalaban ang gawin ito anoman ang kahihinatnan ng laban.

Nag aalala man sa nangyari sa kanyang kuya ay mas lamang ang galit na nararamdaman niya.

"Magbabayad kayo."wika niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa direkson ng kinaroroonan ng mahistrado.Tumingin din ito sa kanya at ngumiti lang habang papaalis na.

--------

Sa bahay ng angkan ng Blue dragon ay napakabigat ng paligid.Walang nagsasaya kahit sila pa ang nanalo.Lahat nag aalala kay nigel,paano na ang kinabukasan niya-ang kinabukasan ng angkan nila.

"Kahit kelan hindi talaga patas ang mga taong yun".saad ng isa sa mga elder ng angkan.

"Hindi ba kayo nagtataka,simula't sapul ay hindi pinapayagang sumali sa torneo ang Poison Frog Sect pero bakit sa taong to nakasali sila?

"Masama.ang kutob ko pinuno."sabat naman ni Gabriel.

"Alam ko ang iniisip mo gabriel pero wala tayong ebidensya."seryosong tugon ni Lee.

Habang matamang nakikinig lang si Arthur sa usapan ng mga.pinuno ng angkan nila ay tinitimbang niya ang lahat hindi siya pwdeng magpa dalos dalos.

Habang nasa kalagitnaan sila ng pag uusap kay biglang dumating si jethro ang manggagamot ng kanilang angkan.

"Jethro ano ang lagay ni nigel?"tanong ni arthur.

"Wala na siya sa peligro pinuno pero kakaiba ang lason na ginamit sa kanya,unti unti nitong sinisira ang Dantian ni nigel."pahayag ng doktor.

"Isang lason na kung tawagin ay Soul-eating poison ang ginamit sa kanya,nakakalungkot na wala akong kakayahan na alisin ang lason sa katawan niya,ang saklaw lang ng kakayahan ko ay ang pabagalin ang epekto nito"dagdag pa nito..

"Ilang taon bago tuluyang masira ang dantian ni nigel ginoong jethro?"tanong ni gabriel na may pag aalala dahil bukod sa studyante siya nito ay siya na rin ang tumatayong magulang ni nigel ng mamatay ang totoo nitong ama at ina.

"Tatlong taon..Yan ay ang estima ko lamang."sagot nito. "At mas mapapabilis pa kung gagamit siya ng Qi at baka ikamatay niya pa ito."

----

"Ama gusto ko pong magsanay sa gubat."malungkot pero determinadong saad ni skyler..

Nagulat ang lahat sa sinabi nito dahil bagaman hindi naman talaga unang pagkakataon na may 7 taong gulang na bata sa kanilang angkan ang nagsanay sa gubat ng thanatos ay iba si skyler.Lubhang mapanganip sa kanya ito dahil wala siyang kapangyarihan mapapahamak lang siya..sa pag aakala nila.

"Pero anak mapanganib ang gubat hindi lang wind serpent ang nakatira duon marami pang malalakas ng mythical beast duon."giit ni arthur sa anak.

"Pero ama gusto kong gumawa ng paraan para iligtas si.kuya gusto kong pagbayarin ang gumawa nito sa kanya,gusto kong ipagtanggol ang angkan natin."matigas na sagot ni skyler.

"Ano bang sinasabi mong bata ka,normal lang na nangyayari yun sa isang labanan tsaka anong ipagtanggol ang angkan natin?laban nino?"nakangiting sambit ni gabriel.

"Alam ko ang nangyari amain,kitang kita ko kung bakit hindi nakailag si kuya sa patraydor na atake ni gareth,ang mahistrado,siya ang may kagagawan kitang kita ng dalawang mata ko"may halong poot na sagot nito.

"Skyler totoo ba ang sinasabi mo?"

"Totoo ang sinasabi ng pamangkin ko."sabat ni Lee.Sabay tingin kay skyler.

"Kahangahanga ang talas ng pandama niya."sabi pa nito sa sarili.

"Arthur alam kong alam mo ang nangyari at alam ko rin na nababahala ka dahil tiyak may balak ang mahistrado sa atin.Una pinayagan niyang sumali ang sekta ng mga mamatay tao na sumali sa torneo gayung hindi naman sila angkan at ikalawa tinulungan niya pang mapahamak si nigel sa kamay ng batang yun.Ako man ay nawalan na ng pag asa para sa kinabuksan ng angkan natin pero napahanga ako sa kakayahan ng anak mo.Determinado siya at may talento hindi siya basura tulad ng akala ko.Ba't hindi mo siya bigyan ng pagkakataon?mahabang paliwanang pa nito..

"Haaaaaaa"buntong hininga ni arthur..

"Sige anak papayagan kitang mag sanay pero sa isang kundisyon,kailangan mo munang makaapak sa ika 5 antas ng Foundation rank."

"Kung hindi mo magagawa yun hindi kita papayagan dahil ayokong mapahamak ka."

"Pero pinuno walang dantian si skyler kahit magsanay pa siya ng magsanay hanggang Foundation rank lang maabot niya,sa lakas ng Poison Frog sect anong magagawa nito laban sa kanila pag umatake man sila?"

"Wala ka talagang alam sa kasaysayan ng ating angkan gabriel."saway ni lee..

"Amain alam ko pong nag aalala lang kayo sa akin pero pangako lalakas ako gagawa ako ng himala."

-----------

Dahil sa pinakitang determinasyon ni skyler ay sa oras ding iyon mismo ay pumunta sila sa training hall upang sukatin ang kanyang kakayahan.

"Sige na anak susukatin natin ang resulta ng iyong pagsasanay nitong mga nakaraang buwan ng malaman natin kung saan tayo magsisimula uli."pahayag ni arthur

"Suntukin mo ng buong lakas ang crystal wall na iyan at susukatin nito ang lakas mo."dagdag pa nito.

"Opo...Aaaaahhhh blaaaag."buong lakas na sinuntok ni skyler ang crystal na pader at may mga letra at numero ang lumabas dito..

"Strength:6450"

"Battle Qi:500"

Gulat na gulat ang lahat dahil nasa ika 6 na antas na pala si skyler ng foundation rank at ang nakakamangha pa ay paanong nagkaroon ng battle qi ang isang taong walang dantian.Kahit sa sabihing napakahina lang ng battle qi nito imposible pa rin ito.Ngunit hindi paman sila nakakabawi sa pagkamangha ay halos sumuka na silan ng dugo sa sumunod na nangyari..

"Ngayon naman anak itapat mo ang yung kamay sa crystal na ito sususkatin nito ang yung potential"

Sumunod naman si skyler at ipinatong ang kanyang kamay sa hugis tabla na asul na crystal.Bigla itong nagliwanang at pagkatapos ay may may lumitaw na salita sa ibabaw nito.

"Potential : unlimited"

Halos manginig na ang lahat ng nasa training hall ng mabasa nila ang resulta ng potential test na ginawa para kay skyler.Pero nginig ito ng kagalakan hindi nila alam papaanong ang isang walang dantian kay magkakaroon ng walang hanggang potensyal pero hindi na mahalaga iyun ang mahala sa wakas may pag asa pang umangat ang kanilang angkan..May tatlong antas lang ng potential ang alam nila ito ay ang lower average at high pero ni minsan hindi pa sila nakarinig kahit saang parte ng azure na may taong unlimited ang potential result nito.

"Hahahahahahahahah hindi talaga tayo pinabayaan ng ating mga ninuno."halakhak ni Lee.

Ng makabawi na ang lahat sa kanilang labis na pagkamangha ay nagkasundo sila na walang makakaalam nito kahit pa mga pamilya nila.Kailangan nila itong isikreto sapagkat sa oras na malaman ito ng iba lalo na ng mahistrado ay tiyak malalagay sa panganib ang buhay ng bata.Nagkasundo rin silang tama lang na magsanay si Skyler sa Thanatos para mahasa at lumabas ang kanyang natatagong potensyal.Pero syempre gagabayan nila ito ng palihim para na rin sa kanyang kaligtasan..

--------

Kinabukasan madilim pa lang ay naghahanda na sa pag alis si skyler ayaw niyang makita siya ng kanyang ina dahil siguradong hindi yun papayag sa gusto na.Pero bago siya umalis ay dumaan muna siya sa kanyang kuya nigel na wala pa ring malay hanggang ngayon.

"Kuya pasensya na kung hindi na kita mahintay na magising.Babalik ako pagkatapos ng tatlong taon ipaghihiganti kita kuya."

Lumakad na si skyler patungo sa kagubatan sinamahan siya ng kanyang ama at tiyuhin na si Lee ayaw nya sana kaso nagpumilit ito.

"Lee bakit parang bumait ka ata sa anak ko?" Tanong ni arthur sa kasama habang tinatanaw nila ang unti unting pagpasok ng bata sa gubat..

"Hahaha wala akong ibang hangad kundi ang kabutihan ng ating angkan kuya.Ngayong nakita na natin ang kakayahan ni skyler wala ng dahilan para tutulan ko ang tagapagmana ng ating angkan."sagot nito.

"Aba at kelan kapa naging magalang Lee?"kunyaring nagulat na tanong nito sa pinsan..

Hindi na ito sinagot ni lee bagkus ay tumawa nalang ito at-

"Ano kuya tulad ng dati?saad nito..

"Anong tulad ng dati?"

"Ang mahuling umuwi ay maglilinis ng training hall sa loob ng isang linggo."sabay karipas ng takbo..

Sumunod naman si arthur na tatawa tawa pa...

--------

Sa loob ng kagubatan.

"Ngayon ko lang napuntahan ang bahaging ito ng gubat ang ganda pala rito."manghang sambit ni skyler.

"Meowwwww"

Halos mapatalon si skyler sa gulat dahil hindi niya naman napansin na kasama niya palang pumunta sa gubat ang kuting na iniligtas niya.

"Paano ka-..haaay hayaan mo na,basta mag ingat ka wag kang lalayo sa tabi ko kuting ha?"

"Meeowww"

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa nalampasan na nila ang unang bahagi ng kagubatan kaya papasok na sila sa kalooban nito..Buong umaga na naglakad ang dalawa pero puro ordinaryong hayop lang ang nakikita ni skyler hindi pa siya kumakain kaya medyo nagugutom na rin siya.

"Arrrkkk..arrrkkkk"

Naging alerto si skyler sa narinig alam niya kung ano ito.Isa itong tri-horned blood boar,parang nasa estado ito ng paghahanap ng kapareha kaya nagiging agresibo ito..

"Tamang tama gutom na gutom na talaga ako"excited na saad nito sa sarili..

"Kuting kumakain ka ba ng inihaw na baboy?"tatawa tawa nitong tanong sa pusa.

Nang makita higanteng baboy ang bata at pusa lalong nanlisik ang mga mata nito.Nasa isip niya na gugutay gutayin niya ang dalawa para maibsan ang init na nararamdaman niya..Pero-

Dahil sa gutom kaya hindi maitago ni skyler ang pagka sabik ng makita ang baboy.Para siyang isang halimaw na hayuk na hayuk habang papalapit dito..Ang trihorned blood boar naman nang makita ang ekspresyon ng batang papalapit sa kanya ay nawala nga ang init na nararamdaman nito.Napalitan ito ng malamig na pawis,nakakaramdam siya ng matinding takot.

Napaatras ang higanting baboy at tatakbo na sana nang--

Blaaaaaag!!isang malakas na sipa ang tumama dito at hindi man lang nito nalaman kung ano ang nangyari dahil halos mahati ang katawan nito sa sobra lakas ng sipa.

-----------

Matapos makakain ay nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad magtatanghali pa lang kaya hindi pa sila nagpapahinga.Habang naglalakad sila ay ibat ibang uri ng magical beast ang nakasalubong at napatay ni skyler may wind serpent,isang winged cat at mga trihorn blood boar pero nasa foundation rank lang ang mga ito kaya kahit medjo nahirapan siya ay natalo niya ang mga ito.

Hindi rin pinansin ni skyler ang paglakas ng kanyang katawan dahil para sa kanya ang foundation rank adventurer ay isa lamang alikabok sa ibabaw ng daigdig at hindi ito ang target niyang marating,hindi siya naniniwalang hanggang dito lang ang kaya niya.Habang abala siya sa pakikipaglaban ay hindi niya namamalayan na may isang nilalang ang kanina pa nakamasid sa kanya,masaya ito sa tuwing may nakakaharap siyang halimaw na mas malakas pa sa nauuna niyang nakakalaban..

"Magaling bata..kahanga hanga ka talaga"

Biglang lumingon ang pusa na kasama ni skyler nakaramdam ito ng presensya na nakamasid sa kanila.Huminto ito sa paglalakad at tumingala sa direkson na kinalalagyan ng nilalang na nakamasid sa kanila..

"Kuting tara na..sige ka baka may higanteng ahas jan at kainin ka."pananakot ni skyler.Tumalima naman ang pusa dahan dahan itong lumapit sa batang kasama.

Dere-deretso lang sa paglalakad ang dalawa malapit ng dumilim kaya naghanap na si skyler ng matutulugan nila.Nakakita ito ng isang malinis na lugar sa gitna na masukal na bahagi ng gubat kaya dito niya napiling magpalipas ng gabi.Ang hindi niya namamalayan ay masyadong tahimik sa lugar na iyun wala kahit huni ng kuliglig,at pag ganun katahimik ang isang lugar isa lang ang ibig sabihin nito - panganib..

"Dito na tayo magpalipas ng gab-"

Rooaarrrrrrrrrr!!!!sabay sugod ng nilalang kay Skyler sobra bilis nito kaya huli na ng maging alerto si skyler.

Hinampas nito ang bata ng isang malaking kahoy agad namang umiwas ito pero tinamaan pa rin siya.Tumilapon palayo si.skyler sa lakas ng paghampas na tumama sa kanya.Nang tumayo siya ay nakita niya ang isang napakalaking mala unggoy na nilalang nsa 5metro ang tangkad nito..

Metallic Orc

5th level Earth rank.

Biglang nagpalabas ng isang malaking bato ang halimaw mula sa lupa at ibinato ito kay Skyler nailagan naman niya ito.Si skyler naman ang sumugod mabilis siyang tumakbo paikot sa halimaw,nasasabayan naman siya ng halimaw sa bilis pero dahil mas maliit ito sa kanya ay nahihirapan itong hulihin ang bata.

Biglang sumuntok si.skyler ng buong lakas patungo sa mukha ng halimaw pero sinabayan din ito ng panghuli.

Boooom!!

Nagkasalubong ang mga kamao ng dalawa at lumikha pa ito ng isang napakalas na shock wave na halos mabunot na ang puno sa paligid.Parehong nabigla ang dalawa hindi inaasahan ng halimaw na ganun kalakas ang batang kaharap niya kahit wala itong battle Qi at si skyler naman ay nagulat sa lakas niya.Pero panandalian lang ito dahil mabilis na sumugod ang halimaw at inihampas ang dalawang kamay nito patungo sa kalaban.Pero naging alerto si Skyler kaya mabilis itong nakatalon.Nang tumama sa lupa ang atake ng halimw ay lumikha ito ng malaking butas.

"Kapag tinamaan ako ng atake niya siguradong katapusan ko na."nasa isip nito habang tinitingnan ang butas ng dulot ng atake ng kanyang kalaban.

Sumugod uli ang halimaw at akmang hahampasin uli siya pero mabilis itong nakailag.Gumanti naman ng sipa si skyler buong lakas niyang pinatamaan ang mukha nito.

"Baaaaaaag!!"sapul ito sa mukha.sa lakas ng sipa niya ay lumikha ito ng malakas na hangin.Napaatras ang metallic orc sa lakas ng pwersa ng atakeng yun at tumulo ang dugo nito sa ilong.Nang mapansin ng halimaw ang dugo sa ilong niya ay para itong nabaliw sa galit..

"ROAARRRRRRRRR"sumigaw ito ng buong lakas dahil sa galit siya ang hari sa bahaging iyun nag gubat.Lahat ng mythical beast sa bahaging iyun ay takot sa kanya kaya hindi niya matanggap na isang batang tao lang ang gagawa nuon sa kanya.Para na itong nasisiraan ng bait may lumalabas ng dugo sa kanyang mata at bibig sa sobra galit..

Mabilis siyang sumugod sa batang kalaban niya at inundayan ito ng suntok,mabilis naman umilag si skyler at tumalon....ngunit mas mabilis ang halimaw naabot nito ang kanyang paa at buong lakas siya nitong inihampas sa lupa.

"Baag..baag..baag."ika apat ika lima.ika anim..halos mawalan na ng malay si skyler sa sakit na nararamdaman.Kung may nakakakita lang sa laban nila na ordinaryong tao ay tiyak mawawalan ito ng malay sa gimbal.Nang makontento na ang halimaw ay buong lakas niyang ibinato ito sa mga puno.Bali ang bawat punong matamaan nito.Hindi na gumagalaw si skyler pero patakbong nilapitan ito ng halimaw at hinampas ng dalawa nitong gamay ang katawan ng bata.

Nang makitang patay na ang kalaban ay kumalma na ang metallic orc tinitigan niya sandali ang katawan na nakahandusay at saka ito umalis.Kalunos lunos ang sinapit ni skyler sa kamay ng halimaw lasug lasug ito at walang buto sa katawan ang hindi nabali.Naglabasan din ang dugo sa mga mata bibig at tenga nito..

"Kalunos lunos ang sinapit niya mukhang hindi ako nagtagumpay sa misyon ko."dismayadong saad ng nilalang na laking nakabantay kay skyler sa sarili niya.

Aalis na sana ang nilalang ng makita niya lumapit ang pusa sa katawan ni sky at humiga sa tabi.

"Kawawang pusa wala na ang kaibigan niyang nagligtas sa kanya."

Tatalikod na sana ang nilalang ng biglang may nangyayari sa katawan ni skyler.Biglang tumibok ang puso nito ng napakalakas na naririnig ito sa paligid.Nagliwanag ang katawan nito at may lumabas na mga marka.Lumapad ang ngiti ng nilalang ng makita niya ito.Halos mapalundag siya sa galak..

"Sa wakas nahanap din kita sa wakas pagkalipas ng libo libong taong paghahanap."tumilanga ito sa langin at muling nagwika.."Mahal na patriarch nakita ko na ang piniling muling magtaglay ng simbolo ng ating angkan."..

Biglang gumalaw ang mga marka na nasa.katawan ni skyler at naging isa itong korteng dragon-isang bughaw na dragon..Sandali itong umikot sa katawan ng bata at pagkatapos ay bumalik ito sa loob ng kanyang katawan.Isang himala ring nawala ang mga bali at sugat nito sa katawan,hindi rin nawala ang liwanag na naggagaling dito.

-----

"Nasaan ako?"pagtatakang tanong ni skyler sa sarili.

Nagising siyang nasa isang kapatagan payapa ito at malamig ang simoy ng hangin.

"Teka patay na ba ako?"dagdag pa nito ng maalalang kanina lang ay may nakalaban siyang isang metallic orca at natalo siya.

"Oo patay kana kanina bata."sagot ng isang boses .

Nang lingunin ito ni skyler ay nakita niya ang isang matanda na nakaupo sa isang bato.

"Patay kana kanina pero nagising na ang natutulog mong kapangyarihan..

"Teka po anong kapangyarihan?ano pong nagising?tsaka nasaan po ako lolo?sunod sunod na tanong ni sky sa matanda..

Ngumiti ito at nagwika "halika maupo ka sasagutin ko sayo ang lahat lahat ng mga katanungan mo"sabi ng matanda at sumunod naman si skyler sa sinabi nito at umupo sa kanyang tabi.

"Daang libong taon na ang nakakaraan sa Upper realm ay may isang angkan ang nirerespeto at kinakakatakutan ng lahat,dahil ito sa kanilang pinunong si Celestar .Si Celestar na kilala din bilang ang Dakilang Mananakop ang itinuturing na pinakamalakas sa upper realm sa panahong yun pero isang araw bigla itong naglaho.Ngunit bago ito naglaho ay iniwan nito ang hibla ng kanyang kamalayan upang ihabilin ang kanyang nais.Sinabi nito na aakyat na siya sa mundo ng mga diyos pero iiwan niya ang kanyang kapangyarihan upang manahin ng sinomang karapat dapat.Pero dahil sakim sa kapangyarihan ang karamihan na numumuno sa angkan niya ay naglaban laban ito para sa kayamanan at pamumuno.Lumipas ang panahon bumulusok pababa ang katanyagan at kapangyarihan ng angkan na iyun.Naging katatawanan na rin sila sa iba pang angkan na sumakop na sa halos kabuohan ng kanilang teritoryo.Dahil dito may mga pakson sa angkan na iyun ang bumaba at tumira dito sa mababang mundo para umiwas sa pangungutya sa kanila.Nang dumaranas na ng krisis ang angkan na ito saka lamang nila na.alala ang bilin sa kanila ni Celestar.

Hinanap nila ang tagapagmana ng kapangyarihan nito upang pamunuan ulit sila pero lumipas na ang daang libong taon hindi pa rin lumilitaw ang kanyang tagapagmana.Nagpadala na nang mga sugo ang angkan sa ibat ibang realm.para hanapin ito at ako ang naatasang maghanap sa kanya sa lower realm.Ilang libong taon din akong nakasubaybay sa bawat nagtataglay ng dugo ng angkan na iyun dito sa mababang mundo pero bigo ako.

Dahil sa libo libong taong iyun ay hindi na rin mabilang ang nagpapanggap na sila ang tagapagmana,pero lahat sila ay mga huwad at ang nais lamang ay pansariling interes."

"Ano po bang pangalan ng angkan na iyun lolo baka po matulungan ko kayo?"inosenteng tanong nito sa matanda..

"Ang pangalang ng angkan na iyun ay isinunod sa isa pang tawag sa tapagtatag nito - "ang Maharlikang dragon o Blue Dragon Clan."sagot ng matanda

"Ibig po bang sabihin totoo ang alamat ng angkan namin na mula kami sa lahi ng mga diyos?"

"Oo bata mula ang lahi ninyo sa lahi ng makapangyarihang mandirigma."

"Kung ganun lolo sino po ang tagapagmana sa kakapangyarihan ng Ancestor Celestar?"tanong uli ni skyler.

"Nasa harapan ko na siya ngayon bata."nakangiting sagot nito.

"Pero lolo malabo pong ako iyun dahil wala po akong dantian isa lamang po akong basura."nasaktan man ay ito ang totoo sa loob loob nito.

"Hahahaha hindi mo kailangan ang basurang iyun bata,para lamang sa mga taga lower realm.ang dantian."natatawang pahayag ng matanda.

"Ipikit mo ang yung mga mata bata damhin mo ang kapangyaring dumadaloy sa iyung katawan at ilabas ito."dagdag pa nito.

Sinunod naman ni skyler ang sinabi ng matanda,unti unti niyang dinama ang kaloob looban niya at totoo nga isang mainit na kapangyarihan ang dumadaloy sa katawan nita.Paikot ikot ito na parang ahas na nakapalupot sa kanya.Dahan dahan niyang inisip na lumabas ito at pagmulat niya ng kanyang mga mata-

"Wow!isang dragon?isang bughaw na dragon."manghang sambit ni skyler.

"Bakit po nasa katawan ko ang dragong yan lolo?"

"Yan ang simbolo ng ating angkan,yan ang magpapatunay na ikaw ang tagapagmana at nakatadhanang muling ibangon ang ating angkan-yan ang iyong martial spirit - ang royal blue dragon."maluha luha at buong pagmamalaking tugon ng matanda.

"Pero patay na po ako lolo hindi ba?ano pang silbi nito?"

"Ang isang adventurer ay tulad ng isang basong puno ng tubig,kapag sinalinan mo pa ito ng bagong laman ay aapaw lang ito at masasayang lang ang tubig na isinalin kaya kailangang itapon ang lumang laman nito upang masalinan ng malinis at bagong tubig."paliwanag ng matanda.

"Patay na ang iyong ordinaryong katawan pero napalitan ito ng bago"dagdag pa nito..

Agad naman nakuha ni skyler ang ibig sabihin ng matanda.Tuwang tuwa siy sa kapalaran na natamo niya ngayon sa wakas maipagtatanggol niya na ang mga mahal niya sa buhay.

"Sa ngayon ay mababa pa ang iyung antas kaya hindi mo pa maaring gamitin ang anomang nilalaman ng iyong interspatial ring. Kaya magpalakas ka bata hihintayin ka namin sa mataas na mundo"saad ng matanda at naglaho..

Pagmulat ng mga mata ni skyler ay una niya agad nakita ang kaibigan niyang pusa na nasa tabi niya.Pinakiramdaman niya rin ang sarili niya dahil baka nananaginip lang siya kanina ng biglang.

"Ding..Imparting complete."

Name; Skyler (Tian)

Level: Foundation rank lower realm

Body; Sarira grade level 1

Skills; Open

Open

Open.....

Item; interspitial ring.

"Wow! Ang galing."Hindi mapigilang wika ni skyler.

Manghang mangha ito sa kakaibang lakas na nararamdamang dumadaloy sa kanyang katawan.Pakiramdam ni skyler ay muli siyang ipinanganak.

-------------

Nächstes Kapitel