webnovel

The Ending

Chapter 18

Ngayon ay nakatayo si Marie sa harap ng mga hukom at naghihintay na mahatulan sya. Alam na kasi nyang dadating ang araw na ito pero ang hindi nya naisip ay maiiwang mag-isa ang mga anak nya.

Sa una ay puno ng tapang si Marie pero ngayon ay natatakot na syang maiwang mag-isa ang mga anak nya. Masyado pang bata ang mga ito at talagang hindi pa kayang mabuhay mag-isa.

Lumipas ang ilang minuto at nahatulan na sya ng habang-buhay na pagkakakulong. Pero hindi sya sa silda dinala. Dinala sya sa isang kwarto na ang mga kasama nya ay mga may sakit din sa pag-iisip katulad nya.

Tahimik syang nag-iikot araw-araw sa paligid ng institusyon na iyon habang iniisip ang mga anak nya. Wala na syang magawa kung hindi ang maluha nalang dahil dito.

Lumipas na ang ilang taon at naroon parin sya. Hindi pa sya pinapatagang lumabas dahil hindi pa masyadong maayos ang kalusugan nya. Nasisiguro nyang magtatapos na ngayon ang panganay nya at palagi nya ding nakakausap ang mga ito.

Ang mga anak naman nila ay hindi na nagkahiwalay-hiwalay pa. Binilhan sila ng usang maliit na bahay na sila lang ang naroon. Kahit kasi iba-iba ang ama nila ay hindi parin nawawa sa kanila ang pagiging magkakapatid nila.

Ang panganay na lalaki ay magtatapos na ng kolehiyon, ang pangalawa ay nasa unang taon palang ng kolehiyon. Habang ang tatlo pang natitira ay nasa high school pa.

Ang mga asawa naman nya ay tuloy parin ang buhay kahit na hindi wala na sya. Patuloy parin sa pagiging pulis si Noah. Si Spencer naman ay inaalagaan nalang ang anak nya.

Si Travis ay busy sa mga illegal nito gawain pero may oras parin sa anak nya. At si Nash naman ay kahit papaano ay maayos na din ang buhay habang bumibisita sa dalawa nyang anak.

Masasabi mo ngang mapagbiro ang buhay, lalo na kung hindi mo ito papansinin. Sila ay nagpaagos lang sa ilog kaya hindi na nila napansin ang nangyaring iyon.

Masyado lang silang nagmahal na sa sobrang pagmamahal nila, hindi nila alam kung may tama pa ba o tama pa ba ang minamahal nila. Sana ay maging leksyon ito sa inyo.

Na hindi lahat ng nakikilala nyong kasing inosente ni Annie, kasing ganda ni Scarlett, kasing talino ni Camille, at kasing tapang ni Marie, ay hindi na din nagkakamali.

Mali sila sa parteng ginamit nila ang mga taong mahal nila upang pagtaguan ang mga kasalanan nila pansamantala. At mali din ang ginawa nilang nagpagamit sila ng masyado sa mga ito.

- The End -

(Mon, September 20, 2021)