webnovel

Another husband

Chapter 16

Huminga ng malalim si Nash at saka ngiti sa harap ng salamin. Ngayon kasi ay narito na ang hinihintay nyang araw. Ang makasal kay Annie. Inayos nya ang damit nya at huminga ulit ng malalim.

Nang makababa sya ay agad syang bumaba sa ground floor at sumakay ng kotse. Nang makababa na sya ay aqgad umandar ang kotse papuntang simbahan na pag-gaganapan ng kasal nila ni Annie.

Nang dumating sila ay syang pagdating din ng ibang kasama nila. Agad na nagsimula ang kasal ng dumating si Annie. Nasa harap sya ng altar habang panay ang paghinga at pawis na pawis dahil sa kaba.

Ang kaninang kaba ay biglang naging saya na may halong pagkamangha at kung ano-ano pa habang pinapanood nyang maglakad sa gitna ng daan si Annie. Nakangiti ito at kumakaway sa mga taong naroon.

Nang magtama ang mga mata nila ay ngumiti ito at kumaway din sa kanya. Lalo syang naluha dahil sa inasta nito. Nang makalapit si Annie ay taka itong tumingin sa kanya.

"Kuya, bakit ka umiiyak?" Tanong nito tapos pinunasan ang luha nya.

"Masaya lang ako." Sabi nya tapos inalok ang kamay nya.

"Diba, dapat tatawa ka kasi masaya ka? Bakit ka umiiyak? Baliw ka na ba?" Tanong pa nito na ikinatawa nya.

"Hindi." Sabi nya tapos inalalayan itong umupo. Nagsimula na ang kasal nila ng makaupo sila. Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ni Annie habang nasa misa sila.

Yung sobrang mahigpit na parang ayaw na nyang pakawalan yung kamay nito. Panay din ang lingon nya kay Annie na nakikinig din naman sa pare. Lumipas ang ilang minuto ay dumating na sila sa pinakahinihintay nilang parte.

"Lalaki, tinatanggap mo ba si babae bilang kabiyak mo?" Tanong sa kanya ni Father.

"Opo, father." Nakangiting sabi nya habang nakatingin kay Annie.

"Ikaw, babae? Tinatanggap mo ba si Lalaki bilang iyong kabiyak?" Tanong naman ng pari kay Annie.

"Ayaw." Nakangusong sabi ni Annie. Napakunot naman ang noo nya.

"Annie?" Malungkot nyang tanong dito.

"Hehe, I love you." Natatawang sabi nito tapos yumakap sa kanya. Sya naman ay nakahinga ng maluwag at medyo kinabahan din kanina.

"Sa ngalan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin, kayong dalawa ay inaanunsyo ko nang mag-asawa." Nakangiting sabi ng padre at nagpalakpakan na ang lahat. Sya naman ay hinalikan si Annie at niyakap ito.

Lumipas ang napakahabang araw ng kasal nila pero sobrang saya ng mga oras na iyon. Puno ang tawanan, kulitan, asaran, at hindi din mawawala ang lambingan nilang dalawa sa harap ng mga tao.

Lumipas din ang mga araw at talagang masasabi ni Nash na mas lalong naging masaya ang buhay nya ng maikasal na sila ni Annie. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon, biglang matitigil ang saya nya.

Gabi na at nasa kalagitnaan na sila ng pagtulog ng biglang may kumatok sa bahay nila. Agad syang tumayo ay binuksan ang pinto pagkatapos ay sinundan sya ng pagtataka.

"Ano pong kailangan nila?" Tanong nya sa mga pulit na nasa harap.

"PO1 Police chief Sermon. Nandito kami para arestohin si Annie Hart sa salang pagpatay ng 40 na tao." Sabi ng pulis kasabay ng pagkuha nito ng warrant at ibinigay kay Nash. Wala sa sariling binuksan nya ang pinto at pinapasok ang mga pulis. Bumalik lang syang sa huwisyon nya ng kukunin na ng mga ito si Annie.

"S-Sandali." Pagpigil nya sa mga ito at hinawakan si Annie sa balikat at nginitian sya.

"Kuya..." Mahinang sabi ni Annie habang nakatingin sa kanya.

"Sasama si Kuya sayo, wag kang matakot." Sabi nya tapos hinalikan ito sa noo at pisnge. Dinala na ito ng mga pulis at sya naman ay kinuha ang mga susi nya at sumunod sa mga ito.

__________________________

Habang nagmamaneho ang kasama ni Erick ay kinausap nya ang babaeng kamuhka ni Scarlett na si Scarlett din naman talaga. Nakatingin ito sa labas na parang tinitignan kung nakasunod ba ang lalaking iyon sa kanila.

Nasasaktan sya dahil nakikita nyang hindi lang isang lalaki ang kaagaw nya, tatlong lalaki. Tumingin ito sa kanya na parang hindi na ganon sa kaninang nakita nila, parang ibang tao na.

"Hi, Chief." Nakangising sabi nito sa akin.

"Sino ka?" Tanong nya dito.

"Si Camille." Nakangiting sabi nito. "By the way, bakit mo kami hinuhuli?" Mayabang na tanong nito.

"Hinuli ka namin sa salang pagpatay ng 40 na tao. May problema ka ba doon, o mas magandang tanong, tumatanggi ka ba?" Masungit nya ding sabi.

"Well, hindi ko naman tinatanggi, pero hindi ko ginawa ang lahat ng iyan." Nakangiting sabi nito. Nagtaka naman ako.

"May ebidensya kaming ikaw ang gumagawa ng mga iyon, bakit tinatanggi mo pa?" Kunot-noo nyang tanong.

"Ewan, basta, hindi ako ang gumawa ng sinasabi mo." Sabi nito tapos humarap ulit sa bintana at hindi na ulit humarap hanggang sa makarating na sila sa kulungan.

_________________________

Nasa prisinto ngayon sila Nash, Spencer, Erick at Travis. Hindi nila alam kung bakit sila ipinatawag sa prisinto pero alam naman nilang wala silang kasalanang nagawa. Nasa loob sila ngayon ng isang isang kwarto.

Hindi magandang ideya ang pagsamahin silang apat sa iisang kwarto. Lalong-lalo na't may hidwaan pa sa pagitan ni Erick at Travis. Halata ang inis nila sa isa't isa at panay din ang masasamang sulyap nila sa isa't isa.

Habang si Nash naman ay nag-aalala na dahil kanina pa sya naroon pero hindi nya parin nakikita si Annie. Panay din ang buntong-hininga nya dahil sa pag-aalala dahil hindi nya pa alam kung anong lagay nito.

"Bakit ba tayo nandito? Tyaka, nasaan na ba si Annie? Bakit ang tagal-tagal ko na dito hindi ko parin sya nakikita?" Takang tanong ni Nash kay Erick. 

"At bakit nandito din kami?" Tanong naman ni Travis.

"Basta. May inaantay lang tayong tao at parating na din yon saglit. Hihingiin kasi nila ang statement nating lahat."

"Pati kami?" Takang tanong ni Spencer at Travis. Tumango nalang si Erick at natahimik na ulit sila. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din ang kaibigan ni Erick ngayon.

Lahat sila ay napatayo ng makita nilang bumukas ang pinto. Lahat din sila ay naupo ng paupuin sila ng kaibigan ni Erick. Naupo ito sa harap nilang apat at saka may kinuhang litrato.

"Kilala nyo ba kung sino to?" Tanong nito.

"Asawa ko." Sagot nilang tatlo, maliban kay Erick. Nagkatinginan silang tatlo at napakunot ang noo tapos biglang natawa.

"Naku, sir. Hindi na po ito ang ynang beses na pinagkamalan naming asawa ang asawa ng isa't isa." Natatawang sabi ni Spencer.

"Ano po bang meron?" Tanong ni Nash.

"Sino ba yan?" Tanong naman ni Travis.

"Sya si Annie Hart. O mas kilala bilang Lady Masked." Sagot ni Noah, ang kaibigan ni Erick. "Matagal na tayong niloloko ng babaeng to. Lima tayong lalaki ang nakikipaglaro sa iisang babae." Seryosong-seryosong sabi ni Noah.

"Anong sinasabi mo? Asawa ko sya at ako lang ang palagi nyang kasama." Naguguluhang at nagagalit na sabi ni Nash.

"Akala mo ikaw lang ang asawa nya?" Tanong ni Noah kay Nash. "Apat na tayong asawa ni Annie. At muhkang isusunod nya si Erick sayo, Mr. Luz." Galit na sabi ni Noah.

"Imposible yan. Kilala ko si Annie simula pagkabata namin. Kaklase ko na sya simula first grade kaya alam kong ako lang ang kasama nya." Pag-pipilitan ni Nash.

"Ako ang totoong nakakakilala sa kanya. Ako ang pangalawang asawa ni Annie, na mas kilala ko bilang Marie." Seryosong sabi ni Noah.

"A-Ano bang ibig sabihin nito? Na pinaglalaruan lang tayo ni Scarlett?" Tanong ni Travis.

"Tama, ikaw ang unang asawa ni Marie. Ako ang pangalawa, pangatlo si Spencer, at ang huli ay si Nash." Paliwanag nya pa. Bigla namang nakaramdam ng panghihina ang lahat.

"Paano..."

"Totoo yon. Nandito yung mga reports na may apat syang pangalan, birth certificate, police clearance, at iba pang pangangailangan ng tao." Sabi pa ni Noah at inilabas ang mga papeles na iba't ibang pangalan pero iisa lang ang gumagamit.

"Paano nyang nagawa to? Illegal to, hindi ba?" Tanong ni Spencer.

"Tama. Pero muhkang ginagamit nya ang mga pangalang yan para mapagtaguan ang mga auturidad at malayang makagalaw." Sabi pa ni Noah.

"Paanong naging ganon ang asawa ko?" Tanong ni Travis.

"Asawa ko din sya." Sabi ni Noah.

"Akin lang sya." Madiing sabi ni Travis. Hindi nalang nakipagbangatan sa kanya si Noah dahil alam nyang ganito talaga ang ugali ng isang mafia.

"Paki-explain nga kung paanong naging apat ang asawa nya." Naguguluhan at nanghihina nang sabi ni Nash.

"Kababata ko din si Marie katulad mo. Ako yung kasama na nya simula noongb maliit pa kami, nakilala ko pa nga ang mga magulang nya. Noong lumaki na kami, napapansin kong palagi ka nyang kasama at napapansin ko ding palagi syang umiiyak. Pero kapag kakausapin ko na sya, ang sasabihin nya ay wala lang daw." Mahabang paliwanag ni Noah.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Tanong ni Travis. Si Nash naman ay natahimik lang.

"Ginagahasa nya si Marie." Seryosong na sabi ni Noah. Lalo namang natahimik si Nash.

"Anong?!" Sigaw ni Travis at biglang hinawakan si Nash sa kwelyo. "Anong ginawa mo sa kanya?!" Galit pang sigaw ni Travis. Agad syang inawat ng mga kasama nila at inilayo kay Nash.

"Tama na." Sabi nila habang pinipigilan si Travis na galit na galit na at minumura na ng minumura si Nash.

"Tama na sabi, ehh!" Sigaw ni Noah at sinuntok si Travis. Sa gulat ni Travis ay bigla syang napahinto. "Pwede bang tumigil ka?! Simula pagkabata mo ganyan ka na?!" Galit na sigaw ni Noah.

"Masaya ka na ba, ha, kuya?" Sabi ni Travis at sinuntok ang lamesa bago naupo. Sila naman ay naupo nalang at hinayaan na lumamig muna ang paligid nila.

- To Be Continued -

(Sun, September 12, 2021)

Nächstes Kapitel