webnovel

Chapter 19

Gulat na gulat si Arabella nang mapagsino ang nasa harapan. Sumagot si Mrs. A sa hiling niyang makita at makausap ito. Sa isang mamahaling fine dining ang place na sinabi nito kung saan sila magkikita sa pamamagitan ng isang lunch date. Akala niya nagkamali siya ng table na napuntahan ngunit maliwanag pa sa sikat ng araw na table number 11 ang kanyang reservation.

" You arrived just in time iha, upo kana at nang makakain na tayo", excited na pahayag ni Ginang Alegre nang halos matulala siya sa kinatatayuan.

" Thank you tita, kanina pa po kayo dito?', saad niya sa Ginang habang inilibot ang mga mata sa paligid.

"Sakto lang, nakaorder na ako ng favorite nating dish", pahayag nito at napatango tango siya. Busy kasi ang kanyang utak sa pag internalized na ito si Mrs A. Wala kasi sa kanyang hinagap na si Mrs A. at Ginang Alegre ay iisa.

" Gusto mo daw akong makausap? What is it iha?", pag papanimula ng Ginang kasabay ng pagsimula ng kanilang pagkain.

" Opo tita.", mahinang pahayag niya, na hindi malaman kung paano niya sisimulan ang mga katanungan sa kanyang isip.

" I'm listening!",

" Hindi ko po matatanggap ang ibinibigay niyo saakin tita",

" Why?"

" Hindi niyo po ako kaano ano",

" You're my daughter-in-law",

" Hindi po magtatagal maaanull din po ang kasal namin ng anak niyo tita",

" That's impossible to happen",

" Tita...",

" Arabella, i am passing the heirloom of the family. This is from the great great daughter-in-law of the Alegres. She saved this for all of us, and in the near future you will do this also to your daughter-in-law ." mahabang linya ng ginang at hindi niya mahanap sa kanyang urak kung ano ang isasagot dito.

" I'm not your true daughter -in-law",

" You are, and i knew it from the very first time".

" Paano kung hindi pumayag si Tyron? siguradong magagalit yun tita",

" He doesn't know about it.",

" Sigurado po kayo? Paano pong nangyari yun?",

" This is secretly pass to the daughter-in-laws, nasa will yun ng matandang Ginang Alegre. And kung magkaganun mam, wala silang kapangyarihan para maghimasok sa heirloom na ito", ang Ginang. Shes trying to absorb everything pero parang hindi kaya ng kanyang utak.

" Besides hindi naman kawalan sa kung ano man ang meron sa mga Alegre ito, kung tutuusin barya lang sa A&A ito so they won't mind at all.",

" What's the purpose of this tita?",

"Hmmm magaling din ang pinakanunong biyenan natin, para daw hindi tayo magmukhang kawawa at may masabing atin na hindi lang nakadepende sa mga Alegre", ang ginang kasabay ng pag iling at mahinang pagtawa.

" Here are the pass books and other documents which Mrs A is connected with", ang Ginang na inisa isa ang bawat documento na hawak.

" These are all yours, pwede mong gamitin sa lahat ng pangangailan mo. Take care of it so that it will continue for our future generation",

"Ok po tita", maikli niyang pahayag dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa mga pangyayari.

" If you want to hold a position in the company, you can tell to the CEO",

" No! hindi po tita, im happy with where i am right now. Satisfied din po ako sa work ng mga kasamahan ko sa kumpanya",

" Ok, just tell the CEO if you change your mind iha", ang Ginang at tumango tango na lamang siya.

Well, what can she say wala na nga siyang magagawa dahil di rin lang naman siya mananalo sa kaharap. Hindi na rin maikakaila kung saan nagmana si Tyron sa katigasan din ano? Sa business walang dudang nagmana siya sa tatay niya pero sa pag -uugali mas nangingibabaw ata ang nakuha sa kanyang ina. He is so hard to handle but their soft side will come out once you get along with them. They both sweet and thoughtful, sana nakuha nalang niya lahat ng positive attitude na mayroon si Ginang Alegre. With that thinking napapatawa ang dalaga, wishing na sana ganito nalang kabait at caring ang binata.

Nagpapasama si Ginang Alegre para magpaparlor ngunit nakatanggap siya ng text message galing sa HR department. Ang head ng disciplinary action ang signatory at hindi na nagtaka ang dalaga kung tungkol saan ito. Nagkaroon ng commotion sa loob ng kumpanya kahapon dahil sa pananapak niya sa kasamahan which she never regret.

Pagpasok niya sa loob ay sinaluduhan siya ng guard at sinagot niya naman ng simpleng pagngiti. Mabuti pa ang mga iyon kahit ano ang natanggap na txt message laban sa kanya ay walang nagbago sa pakikitungo sa kanya, hindi kagaya ng mga ibang emplayado na akala mo kung tumingin ay siya si magdalena.

Naglalakad siya patungo sa elevator nang may biglang sumabay sa kanyang paglalakad.

" To the disciplinary office?". Its Michael De Vera at nakangisi pa ito na parang aso nang lingunin niya ito. Binigyan niya matalim na tingin ang lalaki at dalidaling lumapit sa elevator.

" I can help you, i can make you untouchable!", mabilis pa sa alas kwatrong humarang sa pinto ng nakasarang elevator at nagpapacute na humalukipkip sa kanyang harapan.

Humalukipkip din ang dalaga saka tinignan ng seryoso ang lalaking sobrang laki ng tiwala sa sarili.

" Mr. De Vera, im not interested! I can take care of myself, sorry I don't need super heroes!", sarkastikong pahayag niya bago pinindot ang open button ng elevator saka lumulan dito. Hindi na siya interesado sa kung anong reaction nito pagkatapos. Ang gusto niya ay makalayo sa lalaki kung kayat isinara niya agad ang elevetor pagkapasok dito.

Pagdating niya sa Disciplinary Office ay agad siyang pinapasok ng secretary ng head. Nakangiti ito ngunit sa kanyang paningin ay ngising aso ang salubong nito sa kanya. Since wala naman soyang pakialam kung anong tingin ng mga ito sa kanya ay dumirecho siya sa itinuro nitong office ng

kanyang head. Pagpasok niya doon ay nabunguran niyang may kasama ito at nang mapag sino ay ang babaeng nasampal niya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay parang nagmamalaking ngumiti ito sa kanya.

" Ms. Simon, sit down!", ang seryoso at mukhang masungit na head ng disciplinary office.

" Thank you ma'am", magalang niyang sagot habang humila ng upo at nakiharap sa round table.

" Alam mo naman na siguro kung bakit ka nandito Ms. Simon?",

" Yes ma'am, and i apologize for what i did.",

" You did it in a wrong way. You know this company do not tolerate such violence act!",

" I do understand ma'am, i accept whatever the punishment!",

" Good! First and foremost dapat alam natin ang ating lugar sa kompanyang ito. Hindi porket kilala natin ang mga bigbosses nagtatapang tapangan tayo sa ibang emplyado. Baka gusto mo humingi ng sorry kay Ms. Madrigal?", nakataas ang isang kilay ng head ng discplinary at tila ba gusto siyang sakmalin kung siyay magkakamali.

Tinignan din niya ng mariin ang kaharap, never in her dream na mag sorry kung dignidad niya ang natapakan.

" I' m sorry ma'am, I can't do that. Hindi dahil sa matigas ako but i never let anyone humiliate me like that. Hindi ako nagmamalinis, hindi rin po ako nagdedemand ng respeto pero karapatan ko pong pangalagaan ang dignidad na meron ako. Calling me filthy and slut is unforgivable!", matigas na saad niya dito.

Hindi naman natinig ang kaharap bagkus ay nakita niyang ngumiti ito ng pagilid.

" How can you explain the text messages that is circulating in the whole company? Do you think nakakaganda iyon ng image lalo at ikaw ang tinaguriang bagong mukha ng A&B?

" I dont know what that text all about! di ho ba yun ang trabaho niyo? ang ivalidate ang mga chismiss na naglipana sa kompanya at panagutin kung sino ang mga nanggugulo?",

" How dare you! You don't have the right to tell me what i do!".

" Then you don't have the right to question why i acted violently!",

" Ms. Simon, hinahamon mo ako? kilala mo ba kung sino ang kausap mo?",

" Nagsasabi po ako ng totoo mam, kahit kayo po hindi niyo po kilala kung sino ako",

" Hindi ko palalampasin ang pagsagot sagot mo saakin ng ganito Ms. Simon wala kang galang sa mga heads mo. Imbes na 3 days ang ibibigay kong sanction 3 weeks kang hindi makakapasok nang walang bayad. I also recommend the termination of your work contract, tignan lang natin kung saaan ka pupulutin." galit na pagbabanta ng head sa kanyang ginawang pagsagot dito.

Hindi naman natinag ang dalaga sa deklarasyon nito, bagkus ay lumaban siya ng titigan dito. Kung ordinaryo lang na emplayado siguradong nagmamakaawa na si napakasungit at feeling Goddes na babaing ito. Buti nalang pala at nagkataong heir siya ni Mrs A at kung hindi siguradong iiyak iyak din siya ngayon dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho.

Tinignan siya ng head ng nakakoko mula ulo hanggang paa, sa asta nito para siyang kutong lupa na pwede lang niyang tirisin.

" Excuse me ma'am!", mula sa pintuam ay umentra ang secretarya nito kung kayat nahinto ang tahimik nilang bakbakan.

" I' m busy Irene, let me finished this", galit nitong saad sa pag-iinterup ng sekretarya.

" Ma'am sorry po, pero urgent po ito galing sa taas.", pagkarinig na mula sa taas ay gad nag tone down ang head.

" What is that?",

" Document po ma'am, kailangan po ng signature ni Ms. Simon po", ang sekretarya nito habang nasa mukha ang pagkalito na tumingin sa kanya.

Agad naman iyong kinuha ng head saka tinignan ang sinasabi nito. Halos lumuwa ang mata nito sa nabasa at kitang kita din ang paglunok nito ng ilang beses bago tumingin kay Arabella.

" Ma'am, Im sorry to bother you pero urgent po ito galing sa executive secretary...pakisign daw po ito.", ang secretary na kinuha sa kamay ng boss ang papeles at siya na ang kumilos para inuutos ng nasa taas na sinasabi niya.

Nagtaka naman ang dalaga nang ipatong ng secretary sa harap niya ang documento ganun din ang biglaang pagpapakita nito ng kabaitan sa kanya.

" Sigurado ka, saakin yan?",

" Yes po ma'am, kanina pa raw po kayo hinahanap at kailangan na nga daw po ito.", sagot nito.

Binuklat naman ng dalaga ang dokumento saka pinasadahan ng basa. Isa pala itong memo for the upcoming board meeting at nakahilera ang kanyang pangalan sa hanay ng mga share ñ.

Agad naman niyang inukit ang kanyang perma saka nagpasalamat na binalik ito sa sercretarya. Nagbow pa ito bago umalis, at nagpaalam sa boss nito.

" I'll accept the punishment ma'am. Kung wala na po kayong sasabihin, alis na po ako", pormal niyang baling sa head na halata ang matinding pananahimik.

" I hope you won't take this against me.", mula sa pagkakayuko ay pahayag nito.

Napangiti sa sarili ang dalaga dahil sa narinig mula dito.

" I'm not like that, and i will never use my power nor influence just to belittle those that are beneath me.", makahulugan niyang pahayag dito.

" I'm sorry ma'am, pls accept my sincerest apology.",

" You don't have to apologized, just do your job the way it should be.",

" Yes ma'am, i promised!", tumango tango naman ang dalaga sapagkat nakikita naman niya sa kilos nito na sobra itong nagsisisi sa mga binitiwan nito sa kanya at nasa kilos nito ang labis na pag aalala at pagkatakot sa kanya.

' I accept the sanction you have imposed.",

" Ma'am, i...",

"Its ok, as a normal employee i deserve do be sanctioned. Can i have a request?",

" Anything ma'am...",

" Can you find whose behind the text messages? ",

" Yes ma'am, i will!",

" Thank you. Please don't tell anyone about my identity.",

" Yes ma'am. Makaaasa po kayo",

" Salamat...ma'am! Aalis na po ako", pagpapaalam niya dito. Mula sa nakataas na mukha na nasa aura ang otoridad ay nakataas ang ulong lumabas sa upisina ng mga ito. Maging ang sekretaryang nadaanan niya paglabas ay nakayukong nagbow sa dalaga tanda ng paggalang. Tahimik lang din siyang lumabas at hindi na rin pinansin ang kakaibang ipinakitang paggalang nito sa kanya.

Pagdating sa upisina nila ay agad siyang nagligpit ng mga nagkalat na gamit sa table. Mamismiss niya ang kanyang trabaho maging ang mga kasama ngunit excited din siya kanyang suspension. Ibig sabihin makakapahinga siya ng medyo may katagalan at makakapamasyal siya kina Anna maging sa hospital kung saan nagwowork si Dr. Chan. Magluluto din siya ng kung ano ano para Tyron at Ginang Alegre. Sa isiping iyon ay bigla siyang nakilig kung kayat di niya namamalayang nakangiti siyang mag isa.

" Sa lahat ng nasuspend ikaw lang ata ang pinakamasaya", si Joy na hindi niya namalayang nakalapit na ito sa kanya.

" Ah...oo naman, ibig sabihin mkakapagbakasyon ako. Suspension, bakasyon ganon.", nakatawang pahayag niya at sumimangot nag kaibigan.

" Sigurado ka ba okey ka lang? Gusto mo sabihin natin kay boss para kausapin niya si Madam disciplinary?",

" Haist ano ka ba okey lang ako, tsaka deserve ko naman talaga yung punishment",

" Kung hindi ka sana prinovoke di hindi mo sana nagawa yun di ba? Hindi pwede yan, sasabihin ko kay boss!", ang kaibigan na halatang determinado sa sinasabi. Tatalikod na lamang ito upang puntahan ang kanilang boss sa upisinan nito nang bigla itong pumasok sa area nila.

" Ms. Si..mon!", tinawag siya nito agad ngunit parang nagstammer ito sa pagbangngit sa kanyang pangalan.

" Boss tulungan niyo naman po si Arabella, kausapin niyo si Madam Discipline sa ibinigay sa kanya nitong sanction", hindi pa man nakakasagot si Arabella sa pagtawag ng kanilang boss ay umentra agad si Joy.

" Bakit hindi ba alam ni Gertrude na...",

" Ah, may sasabihin po pala ako sainyo ma'am importante. Doon po tayo sa office niyo kung okey lang po", pagcucut niya sa sasabihin ng kanilang boss saka kinuha ang kamay nito at hinila papasok sa upisina nito.

" Sorry ma'am if i'm out of the line, gusto ko sanang mananatiling lihim muna sa lahat kung ano man po ang inyong nalaman", ang dalagang hiyang hiya sa boss dahil sa paghihila nito nang basta basta.

" Why? I mean...malalaman at malalaman lang din naman nila kung sino ka dito sa kompanya. Hindi ba alam ni Gertrude kung sino ka dito at sinuspinde ka pa rin niya?" ang kanyang boss na balisanh balisa.

"She knows it, pero ginagawa lang naman niya ang kanyang trabaho. Nagkamali naman talaga ako and i deserve to be punished.",

" Pero hindi ka lang isang ordinaryong emplyado dito...",

" Ma'am please, isa pa rin akong emplyado dito and under parin ako sa inyong department.",

" O..okey sige. Hindi ba awkward na tinatawag mo akong ma'am where in fact I will be the one to call you that?",

" Haist! forget it, after all i enjoyed staying under your wing ",

" Are you sure? hindi ba kita naoofend minsan?",

" Its more on encouragement, you teached mo to become better.",

" Hay! salamat naman kung ganon.", ang kanyang boss pinakawalan ang kanina pang nakabitin na hininga.

Parang nawala ang pagkamadam nito nang malamang isa siyang share holder sa kompanya. Natawa tuloy siya ng lihim dahil ang lihim niyang kinatatakutan at pinakakailagang huwag maoffend sa kompanya ay nakayuko na ngayon sa kanya. Pero kahit ano pa man ang posisgin niya ay mananatili pa rin ang mataas na paggalang niya dito. Fair naman ito sa lahat ng kanyang sunordinate at makatao naman kung ito ay umasta may kasungitan nga lang lalo na pagdating sa kanilang trabaho.

" Ano okey na?", salubong agad ni Joy sa dalaga paglabas niya sa office ng kanilang boss.

Nagthumbs up siya dito saka pinagpatuloy ang pagliligpit. After nang suspension niya ay babalik pa rin siya dito kahit isa na siya sa mga share holder ay mas gugustuhin pa rin niyang sa department na ito siya magduduty.

Pagkatapos niyang maitabi lahat ng gamit sa mesa ay nagpaalam na siya sa kaibigan.

" See you after 3 weeks!", saad niyang nakatawa at biglang umungol iyon tanda ng pagtutol.

" Ang tagal naman, may balak pa ba silang pabalikin ka sa trabaho?" dismayadong pahayag nito.

" wala tayong magagawa mars, that's their rule",

" Magwewelga ako!", saad ni Joy at natawa siya dito.

" Tatawagan kita...pasyal tayo sa Tagaytay o sa Baguio", mahinang sambit niya dito. Nanlaki naman ang mata nito at natutop pa man din ang bibig.

" Ibig sabihin magpapasuspindi din ako?", ang kaibigan at natatawa niyang ginulo ang buhok nito.

" I'll go ahead", paalam niya at tumango na lamang iyon dahil sa kalungkutan.

Tumango rin siya sa ilang mga kasamahan niya kahit ang iba ay nakaismid lalo na sa dahilan ng kanyang pagkasuspindi. Ipinagkibit na lang niya ang pagkadisgusto ng mga ito sa kanya ipinagpatuloy na niya ang paglabas sa kanilang upisina.

Patungo na siya sa elevator pababa ng may biglang tumawag sa kanya.

" Arabella Simon!", saad ng tumawag sa kanya.

Nilingon niya ito, isang magandang chinita ang palapit sa kanya.

" Yes ma'sm?", magalang niyang pahayag, hindi niya kilala ang babae ngunit sigurado siyang emplyado rin ito ng A&B at nakaduty sa ibang department.

Nakaamba ang kanyang ngiti para dito ngunit bigla siyang kinabahan dahil parang gagawa ito ng hindi maganda. Siyang paglapit nito ay agad siyang binuhusan ng kung ano at mabuti na lamang ay mabilis niyang naisangga ang braso sa kanyang mukha. Sa sobrang init ng isinaboy sa kanya ay siguradong nalapnos ang kanyang braso na nakasalo ng buhos.

" Yan ang bagay saiyo malandi ka! Mang aagaw! Malandi! Sana mamatay ka na!" sigaw ng babae at di niya malaman kung saan siya mababahala sa balat na sobrang o sa pagsisisigaw ng babae.

Agad namang nakaagaw ng atensiyon ang pagatatalak ng babae at isa isang nagsilabasan sa kani kanilang upisina ang mga tao sa floor na kung saan sila naroon.

Hindi malaman ni Arabella ang gagawin, kung pwede lang sana na gumuho nalang ang building na kinalalagyan nila ay nanaisin na niya dahil sa patuloy na pinagsasabi ng babae.

Sa pagkashock ay hindi na namalayan ni Arabella kung sino sinong tao ang umakay sa kanya upang madala sa clinic. Namalayan na lamang niyang nakahiga siya sa clinic bed at mau benda na ang kanyang braso. Nanghihina rin ang kanyang pakiramdam ganon din ang feeling na parang nakalutang siya sa hangin. Tinurukan daw pala siya ng pain killer, narinig niyang plaiwanag ng doctor bago ito mawala sa kanyang paningin.

" Kumusta ang pakiramdam mo? Makirot pa ba?", si Joy nag nasa kanyang tabi at naaninag ang pag aalala sa mukha nito.

" Wala naman akong maramdaman yun lang para akong nakalutang", pahayag niya dito.

" Dahil diyan sa gamot na itinurok saiyo, buti nalang hindi nalapnos ang balat mo", saad nito. Sa pagkakabanggit sa balat niya ay biglang naalala ng dalaga ang nangyari. Tinignan njya ang kanyang braso na nooy nakabenda, pagkatapos ay tinignan ang kaibigan.

" Gusto ko nang umuwi", saad niya dito kasabay ng pagbangon mula sa pagkakahiga.

" Sandali, kaya mo na ba?", nag aalalang inalalayan siya ng kaibigan.

" Oo okey na ako!",sagot niyang habang hinahanap ng mata kung nasaan ang kanyang bag.

" Ihahatid na kita!

" Kaya ko na", saad ng dalaga ngunit minulagatan siya ng kaibigan.

" I insist, at huwag nang matigas ang ulo mo!", pinal na saad nito kaya wala na siyang nagawa kundi magpatiayon dito.

"Saan tayo?", muntik pang humagalpak ng tawa si Arabella sa kabila ng lahat ang tanungin siya ng kaibigan ng makalulan sila sa sasakyan nito.

" Akala ko ba alam mo kung saan ako nakitira, confident na confident ka pang ihahatid mo ako ah", kantiyaw niya sa kaibigan ngunit sinimangutan siya nito kung kayat naiiling niyang sinabi ang address ng kanyang tirahan. May pagkamangha pa siyang tinignan ni Joy ng marinig ang sinabing address ngunit wala naman itong sinabi kahit ano. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtaka ito ng sitahin sila ng guard sa subdivision ngunit nang makita siya at kumaway ay sumenyas itong pwede na silang pumasok.

Nasa mga mata ni Joy ang pagkagulat, sa subdivision ng mga mayayaman sila pumasok at hindi katakatakang sitahin siya ng mga guardiya dahil hindi kilala ang sasakyan niya dito. Ngunit sa kanyang pagkamangha nang kumaway ang kanyang kaibigan sa mga ito ay agad namang sumenyas ang mga ito para sila ay tumuloy. Dalawang kanto lang dinaanan nila ay isinenyas na ni Arabella na hihinto na sila sa isang magarang up and down na bahay. Lahat naman actually ay puro magagarang bahay ang naroon, ang ikinamamangha niya ay doon nakatira ang kanyang kasama at ngayon lang niya nalaman. Lalo pa siyang nalula ng papasukin siya ni Arabella sa loob na puro mamahalin ang gamit. Agad iyong humiga sa mamahaling sofa at wala itong pakialam sa kung anong iniisip niya. Mas lalo pang natutop ni Joy ang bibig nang may makitang pictures sa side table. Si Tyron Alegre ba ito?

Halos nakalutang pa rin ang pakiramdam ni Arabella kung kayat ninais niyang mahiga sa sofa pagdating nila ni Joy sa kanilang bahay. Alam niyang napakaraming gustong itanong ng kaibigan ngunit nagiging tahimik ito dahil sa kanyang kalagayan. Narinig niyang napamura ito ng mahina kung kayat binuksan niya ang isang mata para tignan ang ikinagulat nito. Nakatingin pala ito sa picture nila ni Tyron Alegre na nasa side table. Nakayakap pa man din sa kanyang likod ang lalaki. Di niya matandaan na may ganoong scence ngunit nagulat nalang din siya nung ibigay ni Ginang Alegre ito sa kanya noong natulog sila ni Tyron sa Villa. Sabi pa niya this picture talks a thousand words, put it in the visible corner of your house. I'm sure Tyron will be delighted. Naririnig pa niyang pahayag ng Ginang at di niya maiwasang mapangiti habang inaalala ang sinabi nito.

"'Sabihin mong nananaginip lang ako!", mula sa tahimik na pag inspection ay sa wakas nagsalita rin si Joy. May bahid na sama ng loob ang himig nito ngunit di naman niya masisisi ang kaibigan.

" Magkwentuhan tayo sa susunod, hope you still want to hear my story if i decided to open my book with you.", makahulugang pahayag niya. Saglit na natigilan si Joy ngunit tumango tango rin nang maglaon.

" Okey! sigurado ka bang okey ka na?", biglang bumalik ang pag aalala nito.

" Opo, thanks to you.", nakangiti niyang pahayag tsaka hinawakan ang braso nito.

" Wala yun. Sa susunod sabihan mo si Tyron Alegre bigyan ka nang sandamakmak na body guard para hindi na maulit yang nangyari saiyo", may himig pangbubuska si Joy at napatawa ang dalaga dito.

" Asan na ba yung mga kasama mo dito sa bahay at nang mapagbilinan sila", saad pa rin nito saka ipinalibot ang mata sa kabahayan na kunwari ay naghahanap.

" Wala na sila kapag ganitong oras",

" Ai bakit? sa laki at ganda ng bahay niyo wala kang kasamang stay in dito?" hirit pa ni Joy at naiiling na pinagtawanan niya ito. Kung siya lang ang masusunod kahit wala nang pumupunta para maglinis at maglaba. Kaya naman niyang gawin ang mga iyon sa Sabado at Linggo ngunit mapilit din si Ginang Alegre anito ay rest day daw niya ang dalawang araw mula sa kanyang tarabaho na sinang ayunan naman ni Tyron.

Mukha namang naguluhan ang kaibigan sa mga sariling katanungan kung kayat minabuti na ata nitong magpaalam.

" Marami kang dapat ipaliwanag saakin", saad nito nang bigyan siya ng besobeso.

" Yes, i will. Thanks for dropping me. Pakihila nalang po ang pinto.", sagot niyang natatawa at kumaway ito habang tinutungo ang pinto.

Pagpinid ng pinto na linabasan ni Joy ay malalim ang buntung hininga na kanyang linakawalan kasabay ng pagbagsak ng likod sa sofa. Alam na ni Joy na may itinatago siyang secreto

at kilala niya ang kaibigan, hinding hindi siya nito lulubayan hanggat hindi siya nagsasabi dito. Sasabihin ba niya na lahat nang nakita nito ay pangmadalian lang? Sasabihin ba niya na pagkatapos ng tatlong taon ay hindi na siya dito titira? na hindi na niya asawa si Tyron Alegre pagkatapos ng tatlong taon? Ito na nga ang pinakaayaw niyang mangyari kayat sobrang inililihim niya ang lahat, ang maraming katanungan pagkatapos.

Nächstes Kapitel