webnovel

CHAPTER 4: RUMORS ABOUT THE NEW TRANSFEREES

Dim's POV

Pagkatapos niyang magpalit ng school uniform agad kaming bumalik sa cafeteria at tinuloy ang naudlot na pagrerecess.

Habang kumakain ako ay may nahagilap akong isang supot hindi ko naman alam kung anong laman. Nasa tabi lang naman ito ni light so may clue na ako kung kanino yung supot na yon ibig sabihin nito ang supot na yan ay kay light, so ang ginawa ko ay nagtanong ako kay light baka pagkain ang laman hahahah.

"Ano yan light? Anong laman niyan?" Tanong ko naman at napatigil sa pagkain si light.

" Ahmmm strawberry yan binigay ng principal sa akin, gusto mo " sabi nito at binigyan ako nito, kinuha ko naman.

"Ikaw hahh light ang swerte mo close kayo ni principal nakakainggit ka binibigyan ka pa ng ganyan parang anak kana niya ehhh. " Bungad na saad ni shiela at tinapunan naman ni light ng tingin si shiela.

"Ayyy!! Ewan ko ba sa kanya hindi naman ako nakikipagclose sa kanya pero siya yung gumagawa ng way para maging close kami and I'm grateful with that, I'm so lucky i had a second mom here in our school" mahabang tugon ni light

" And nalulungkot nga ako ngayon dahil aalis na daw siya baka next week or sa makalawa magreretire na daw siya at may bagong papalit na daw sa kanya "malungkot na sabi ni light

" At alam niyo ba nacucurious ako about sa sinabi niya kanina!!" Nagtataka saad ni light

" Ano naman yun?" Mabilis kong tanong sa kanya.

"Sabi kasi niya mag kikita pa daw kami ulit!!" Tugon nito

" Hayys nako light malamang sa malamang may chance talaga yan malay mo pagmay time siya bibisita siya dito ohhh bat ka naman na cucurious? " Saad naman ni shiela.

" Ewan ko ba parang may iba siyang tinutuldok" saad ni light na nagdulot naman ng pagtataka sa aming mga mukha.

" Hayys hayaan mo nalang daw yan sigi na bilisan na natin baka abutan pa tayo ng time!!" Singit na sabi ni shiela at isinawalang bahala nalang ang mga pinagsasabi ni light.

Light's POV

Habang naglalakad kami pabalik sa aming classroom puro tsismis dito tsismis doon about daw sa mga tranferees.

"Artista ba sila para gawing topic dito sa campus??" Tanong ko sa aking isipan

" Hoy light and dim may sasabihin ako sa inyo about sa transferees"bungad na sabi ni shiela sa aming dalawa ni dim

" Hayys kasama ka rin pala sa mga tsismoso't tsismosa dito" pang aasar kong sabi kay shiela

" Hoy gaga importante to kasi yung mga lilipat na transferees daw bukas sa section na tin sila ilalagay so its mean classmates na tin sila kyahhh kinikilig ako!! " Sigaw na sabi nitong bruhildang shiela na ito may timang talaga sa ulo.

" So ano naman ngayon? " Tugon ko na ikinainis na man ni shiela at si dim naman patawa tawa lang.

"Hayys ang kill joy mo talaga light kahit saan basta yung gusto ko ikaw naman aayaw ka " galit at inis na sabi nito na ikinatawa ko naman.

"Whatever bilisan niyo na bilis" sarkastiko kong sabi.

Nang makarating na kami sa aming silid aralan may tumawag sa akin at napalingon ako same with this two bruhildang shiela and dim.

"Ahmmm light pinapatawag ka daw ni miguel at dapat pumunta ka na daw ngayon may practice daw kayo sa band" pagsasabi ng estudyante.

" Ohh sige sabihan mo muna siya na may kukunin lang ako susunod lang ako " tugon ko at tumango naman ito at umalis.

" Ahhmm light susunod nalang kami papunta doon ha!! Tatapusin lang namin yung klase " bungad na sabi ni shiela at tumango naman ako

" Hintayin niyo ako sabay na tayong tatlo uuwi " pag papaalala ko sa dalawa at tumango naman sila lumabas na ako, at tumungo na sa room kung saan kami nag prapractice.

And bye the way pala marunong akong kumanta, ako lang ang nag iisang vocalist sa banda kaya daw nila ako pinili kasi daw maganda ang boses ko and may gusto lang akong sabihin sa inyo na kapag kumakanta ako maraming nakikinig na hayop kagaya na lamang ng ibon at iba pa kasi kapag nagsimula na akong kumanta atsaka sila magsidatingan at magsusulputan na cucurious nga ako pero wala na akong paki dun baka nagkataon lang na meron talagang hayop na bubungad sayo pagkatapos mong kumanta. Hahahah

Fast forward....

Pagkatapos kong magpractice as usual ganon parin same lyrics and may inanunsiyo kanina ang leader namin sa banda na this week is the founding anniversary of our school so yun kaya pala nila ako pinatawag at pinag ensayo dahil pala dun .

Habang naglalakad ako bumungad sa aking harapan ang pigura ng dalawang bruhildang to.

"Ohh nakakagulat na man kayo hindi ba pwedeng doon muna kayo umupo hindi yung puro panggugulat yang mga ginagawa niyo"inis kong sabi palagi nalang kasi silang ganyan hindi sila sanay umupo ng matagal kaya yun rampa ng rampa nalang ang ginagawa ng dalawang mokong na to.

"Ohh ito kasing pusang to kanina kapa hinihintay " sabi ni shiela habang bitbit niya sa kanyang dalawang braso ang pusa kong si mingming.

Mingming ang tawag ko sa kanya sa katunayan niyan hindi ko talaga to pusa wala din akong idea kung sino ang may ari nito ehh pagala gala lang to sa school so yun sa sobrang kakyutan niya hindi ko siya kayang ireject at iwan so yun parati ko siyang binibilhan ng tuna cat treats naawa rin kasi ako sa kanya kasi kumakain lang ng pagkaing madumi baka kasi pagnagkataon may makain siyang hindi maconsume ng katawan niya na pwede magcause ng sakit sa kanya kaya ayun inaalagaan ko siya pero hindi ko naman siya dinadala sa bahay iniiwan kolang siya dito sa school and babalikan ko siya para pakainin ayaw kasi ni mama na magdala ng mga pusa sa bahay makalat daw kaya yun hindi kona dinala.

"Hello mingming " pangbabati ko sa pusa at kinuha ko naman agad si mingming ko kay bruhang shiela baka mahawaan ng kagagahan niya.

"Gusto mo nito" paglalambing ko at binigay ko sa kanya yung paborito niyang tuna cat treats. Kinain naman niya ito.

"Sana all may pusa" nakakagulat na sigaw ng bruhildang shiela na nagpagulat sa akin, tumawa naman tong isang asungot na to si dim.

"Hayys shiela can you plss shut up nakakagulat ka ehh alam mona man na nagpapakain pa ako ng pusa"sigaw kong sabi sa kanya at tumahimik naman ito.

"Mingming tapos kana ba uuwi na ako dadalhan kita nito ulit bukas hah" paglalambing kong sabi kay mingming at hinawakan ko ito sa mukha at hinalikan sa batok nito.

"Sige bye mingming babalik ako bukas " pagpapaalam ko sa kanya at lumakad na kami nina dim at shiela.

Alam niyo ba na kapag makapagtapos ako ng pag aaral, gagawa ako ng bahay tapos iaadopt kona si mingming ko at doon na siya titira gagawin ko siyang anak bibilhan ng damit hahahah gagawin ko siyang tao for short hahahah.

Fast forward...

Pagkatapos naming mag teleport papunta sa bahay namin tinanong ko muna ang dalawa at para anyayahan na rin na sumama sa traning namin ni daddy. Mamayang hapon kasi 1:00 pm palang ngayon and by the way half day lang yung klase namin this week dahil sa paghahanda about sa founding anniversary namin sa school kaya yun puspusan yung pag eensayo ng mga students sa kani kanilang mga gawain..

"Shiela , dim gusto niyong sumama magtraining about sa self defense mamayang 3:00pm para may makasama naman ako nakakaboring kasi kapag kami lang ni daddy"pag aanyaya ko sa dalawa.

" Ahmm sige uuwi na muna kami tapos nun babalik kami dito para sumama sayo diba Dim" tugon ni shiela at sumang ayon naman si Dim.

" Ohh sige ahh!! Aasahan ko yang promise niyo" sabi ko naman sa kanilang dalawa.

"Hayys ano kaba basta sayo gagawin namin" tugon naman ni Dim aww nakakatouch naman ..

"Ohh sige aalis na kami " pagpapaalam ni shiela at lumakad na silang dalawa, malayo layo pa nang konti ang bahay nila kaya ganun madalas ko ngang sabihan na magtricycle o mag taxi na lamang sila kasi mayayaman naman sila pero ayaw nila daw gusto daw nilang mag lakad para exercise na rin daw hayyss.

Fast forward....

Nag umpisa na kaming mag training ni daddy and also my friends nag warm up muna kami pagkatapos nun binigyan muna kami ni dad ng time para mag rest muna sandali pero ako hindi ko na yun sinunod. Nag ensayo pa ako wasiwas ng stick hindi kasi pinagamit sa amin ni papa yung espada na may pagkapilak ang kulay nito ng pansamantala lamang , gagamitin daw namin yun kapag mag one on one battle kami mamaya after this rest time.

Pagkatapos nilang mag rest habang ako naman ayyy nag eensayo parin sinabihan ako ni dad.

"Baby ba't ba ang tigas tigas ng ulo mo ang sabi ko rest first alam mo ba walang kwenta iyang pag eensayo mo if madredrain naman iyang energy mo. Dapat kapag pinagbigyan ka ng oras para makapaghinga take that opportunity immediately kasi we need to gain our energy so that maganda yung performance mo. Sige daw ihambing mo daw ang isang taong malakas nga at marunong pero nanghihina naman kasi walang energy sa isang tao na may energy pero hindi naman marunong sige daw try to compare the both of them let's see if sino mananalo diba yung may energy"mahaba mahabang panenermon nito na nagpamulat sa akin ayy totoo pala sinabi ni dad hayys maypakatanga din naman ako

"Ok so now let's begin our one on one battle. Dim and shiela kayo muna ang maglalaban after this if sino ang mananalo sa inyong dalawa ay siyang lalaban kay light and kung sino naman ang mananalo laban kay light oh si light ang mananalo ay makikipagtuos sa akin is that clear!! "Pagpapaliwanag ni dad about sa mechanics ng one on one battle.

"Pumunta na kayo dun dim and shiela good luck" paggugoodluck ko sa kanilang dalawa at tinuro ang malawak na palayan wala pa naman itong tanim so makakapagensayo kami ng malaya dito.

Tumayo na sila at kinuha ang kani kanilang espada at nag shake hands muna as a sign that this is just a game walang personalan kumbaga.

"Let the battle begin" anunsyo ni dad.

3rd person's POV

Nang magsimula na ang one on one battle tinaliman kaagad ng tigtig ni shiela si dim na para bang isang amazona at the same time si Dim rin. Kumaripas ng takbo itong dalawa patungo sa Isa't isa at biglang ikinumpas ang kani kanilang mga espada at winawagayway ito na para bang isang expert. Isa isa nilang kinumpas ang kanilang mga espada patungo sa katawan ng kanilang opposite. Napaka kagat naman ng labi si Dim dahil nahihirapan siya sa pakikipaglaban ng espadahan kay shiela dahil masyado itong magaling kung ikukumpara sa kanyang sarili at ng hindi namalayan ni Dim natabig na pala siya ni shiela, agad naman pumunta sa likod si shiela at pumulupot ang kanyang braso sa leeg ni Dim At idinikit ang kanyang espada sa adams apple nito.

"Sumuko kana Dim para peace na tayo hahahah" bulong na sabi ni shiela with tawa and smirked.

"Ahhh sige na amazona ka nga " pagsusuko ni Dim na ikinatawa naman ni shiela, light at ni Thomas. Inalis na ni shiela ang kanyang braso.

"Hayss alam mo ba nakakaboring kang kalaro" pagsisigaw ni shiela "ang hina mo" dagdag nito.

"Oo na mahina na ako pero pwede bang maging security guard kita ?" Pag aalok ni Dim kay shiela.

" Chehhhh " sigaw nuto na ikinatawa ng lahat

" So the winner is shiela medina" anunsyo ng daddy ni light.

Light's POV

Habang tumatawa kami inanunsyo na ni daddy ang panalo walang iba kundi ang bruhildang si shiela na may pagka amazona nakakatakot nga siya kanina kung lumaban para siyang sinaniban ng mga engkanto, ngumingisi lang ang creepy naman.

Pinahinga muna kami ni daddy ng 5 minutes habang nag papahinga ako lumitaw sa aking isipan ang dalawa kong kuya na sina kuya Michael at ethan at nagdulot ito ng bahagyang pagkalungkot sa aking mukha.

Five years na kasi sila hindi umuuwi kasi nung bumukas yung lagusan papunta sa mundo namin ay sumama na sila sa mga kaibigan nila para mag aral doon tungkol sa mahika at may bali balita daw na nakapagtrabaho na sila namimiss ko na nga sila, kailan kaya sila babalik dito?.

" Ohh ba't ka malungkot anak?" Tanong sa akin ni daddy at tumingin ako sa mga mata niya.

" Kasi daddy miss kona sina kuya kailan po ba sila babalik??" Parang naiiyak kong tanong kay daddy at naging sanhi rin para mabaling ang tingin ng mga kaibigan ko sa akin.

"Wag kang mag alala baby uuwi naman yun ehh sa tamang panahon" pagsasabi ni daddy sa akin habang nakikinig ang dalawang asungot kong friend

" Kasi daddy ehh kailan po ba magbubukas ulit ang lagusan limang taon na rin po kasi ang nakakaraan ng magbukas ang mga lagusan papunta doon ba't po wala tayong balita na may mga lagusan na nakabukas ngayon" sabi ko naman kasi nga sabi ni daddy every five years daw yung pagbubukas ng lagusan and more than that pero may reason yun bakit lumalagpas ng five years.

"May rason lahat nang yan baby baka may problemang nangyayari sa mundong pinanggalingan natin kaya hindi sila makakauwi ngayon" pagpapaliwanag ni daddy naintindihan ko naman ito.

" Dad pwede po ba dad if may chance po mag vacation po tayo if magbubukas na yung mga lagusan kahit 3 araw lang po gusto ko lang po kasi mafeel kung paano makaapak sa pinanggalingan ko diba 3-4 weeks ang bukas nun bago mag sara then another 5-6 years na naman bago mag bukas " mahabang lintaya ko na ikinasimangot naman ni daddy.

"Anak hindi ko iyon maipapangako hanggang nasa top name list kami ng mga taong most wanted doon hindi kami pwedeng bumalik doon lalo na kung ang reyna pa talaga ang hahatol sa amin alam mo naman diba kung paano namin ilalarawan ang ugali ng reyna at the same time ng hari din pero mas malala yung ugali ng reyna"mahaba haba nitong pagpapaliwanag at tumigil na ako para makapagsimula na kami.

"Ok kalang" bungad na sabi sa akin ni shiela

"Ok lang ako shiela wag kang mag alala missed ko lang kasi sina kuya kaya ako nagkakaganito."tugon ko naman

" Wag ka kasi malungkot babalik lang yun, nakakatakot ka kasi kung maging emotional ka parati kasi pati yung kalikasan sasabay din sa pagiging oa mo jwk"pang aasar sa akin ni shiela.

" Tang ina kang bruha ka " panggigigil kong sabi at kumulog ang kidlat na ikinagulat ng dalawa at the same time ni daddy

"Ayy sorry lord hindi na mauulit" paghihingi ko ng patawad habang tumitingala sa langit. So shiela naman tumatawa lang hayys

"Gaga ka tumatawa ka pa dyan " galit long sabi at kumidlat muli at nagdilim ang paligid na nagdulot ng bahagyang kaba sa aking dibdib.

"Sorry lord hindi na mauulit plss " paghihingi kong sabi at tumingala ulit sa langit

"Grabe ka tanga hindi yun si lord ang may gawa ikaw yun kapag nagagalit ka sumasabay ang kalikasan sayo diyosa ka nga talaga" saad nito at tinaliman ko naman siya ng titig.

" Hoy gaga hindi yun ako ang may gawa baka nagkataon lang hayys gaga ka talaga wait susubukan kong magalit ulit "nanggagalaiti kong saad kay shiela

" Sige daw ulitin mo kapag nangyari yun ulit ililibre mo ako bukas pag hindi ako ang manglilibre sayo bukas sa cafeteria" sambit nito at sumang ayon naman ako.

" Sige magmumura ulit ako" sabi ko naman

"Tangina mo!!!! " Sigaw na pagmumura ko

Wait wala namang nangyayari so positive hindi nga ako ang may gawa hahahah.

" so diba tama ako hahahaah so bukas hah!! Libre mo" saad ko at nainis naman ang loser.

" Ohhh sige na mag simula na tayo for part two one on one battle pero sina light and shiela na ang mag tutunggali" biglang anunsyo ni daddy at tumayo naman kami ng....

" Ohh baby, Dim ,Shiela and also you thomas inom muna kayo ng juice" biglang singit na saad ni mama habang dala nito ang juice.

" Ayyy nag abala pa po kayo tita wag nalang po hindi pa kami uhaw o gutom "saad ni shiela

" Hayy nako uminom ka na lang akala ko ba wala kang hiya pero my god duhhh meron din pala" pang aasar ko kay shiela at naasar naman ito kaya yun kinuha nalang niya para hindi ko na siya asarin.

"Bilis para matapos na tayo dito" wika ni daddy sa amin at inubos ko na ang juice at kumaripas ng takbo sa open space sa walang tanim na palayan.

" Go baby kaya mo yan" pagchicheer ni mommy at umalis na ito.

" Let the battle begin" sabi ni daddy

Agad ko naman hinanda ang aking sarili at tinaas ang ang aking espada hinintay ko muna tumakbo papalapit sa akin direksyon si Sheila atsaka ako gagalaw. So yun nga ginawa niya yun atsaka niya iniwasiwas ang kanyang malapilak na espada patungo sa akin at sinangga ko naman ito .

"Grabe naman tong amazona na to undefeated"sabi ko sa aking isipan gagamitin ko sana Ang aking ability which is mind reading para mabasa ko yung mga gagawin niya sa akin pero pinagbabawal yun no magic policy ang mechanics ng laro ehhh.

" Shiela si kim taehyung ohhh sa likod mo " sabi ko sa kanya at tumalikod naman ito hayys nako madali talaga siyang bigwasan sa ulo. Kaya ko yon ginawa kasi alam ko yung kahinaan niya yung kpop lalo na yung BTS kaya yun effective naman.

Agad agad naman akong pumunta sa kanyang likuran kagaya ng ginawa niya kanina kay Dim. Naniniwala talaga ako sa kasabihang kung anonang ginawa mo sa iba babalik din sayo hahahaha. So yun na nga ginawa ko din yung ginawa niya kanina kay Dim pinulupot ko yung braso ko sa leeg niya habang nakatalikod siya akala niya kasi may kim taehyung sa likod hahahah pero nagkamali ako ginamit niya yung kamay niya at sinuntok ako sa tiyan habang nakatalikod kaya ayun napa aray aku

"Aray" daing ko

"Hahahah akala mo ba magagawa mo yun tanga ka rin noh" pang asar nito.

Tumayo naman at tumalbog tabog ako palayo sa kanya na parang ninja.

" Hahahah so ok nabasa ko na " sabi ko habang namimilipit sa sakit pero ngumisi naman ako

"Hoy ang daya mo bawal gumamit ng ability " biglang saad nito

"Tanga hindi ko yun ginamit kasi binasa ko yung mga galaw mo kanina hindi yung utak mo" pagpapaliwanag ko sa kanya.

Magsasalita na sana siya pero kaagad akong tumakbo sa kanya na ikinagulat niya at isasalampak na sana niya ang kanyang espada sa akin ngunit hindi yun nangyari pumunta ako ulit sa likod niya pero hindi ko na pinalupot ang mga braso ko sa leeg niya bagkus ay hinawakan ko ang dalawa niyang kamay gamit ang isa kong kamay at tinabig ko naman ang kanyang dalawang paa gamit ang aking isang paa na nagdulot ng pagkatumba naming dalawa at tinutok ko kaagad ang matalim kong espada sa kanyang leeg habang siya naman ay namimilipit na sa sakit.

"Sumuko kana bruhilda kung hindi baka hindi mona makikita yung mga tranferees bukas " pananakot ko sa kanya ayyy wait ba't ko ba nabanggit yung mga transferees hayys .

"Oh sige na ikaw na yung magaling ikaw na yung diyosa dito " inis na sabi nito habang namimilipit sa sakit at inalis ko narin ang paa kong nakayakap sa paa niya at kamay kong nakahawak sa dalawa nitong mga kamay.

"The winner is light celester" anunsyo ni daddy at natuwa naman ako si shiela naman na inis.

" Ohh ba't ka naiinis ?" Patawang tanong ko.

"Ehhh kasi naman mas magaling kana sa akin saan mo yun natutunan pwede paturo" pag aanyaya nito habang ako naman panay tawa.

"Wala lang nuh gawa gawa kolang yun nuh " sabi ko sa babaeng to.

" Sinungaling!!! alam mo ba 50% lang ang effectivity ng isang imbento na galing isip without studying " sabi nito wow nagbabasa din pala tong kulto na to, kagaya korin pala siya hahahah.

" Wow nag babasa ka rin pala akala ko ako lang yung taong nerd tapos nagbabasa, ikaw rin pala" pangaasar ko.

" Ohhh sige na magsitayo na kayo " singit na saad ni Dim at tumayo naman kami.

" Daddy pwede sa susunod nalang yung pagtutuos natin nakakapagod kasi."pagrereklamo ko

" Ayyys ang daya ohh"singit na saad ni shiela

" Wow daya daya ka diyan gusto mo bigwasan kita" nanggagalaiti kong sabi at nag peace sign naman ito na nagpapahiwatig na joke lang hahaha.

" O sige na payag na ako sa bagay papadilim na " pagsasang ayon ni daddy.

" And umuwi na rin kayo Din and shiela hanggang may araw pa baka mapano pa kayo sa daan "dagdag na sabi ni daddy at tumango naman ang dalawa.

" Ohh sige light aalis na kami hah bukas babalik kami dito para sunduin ka and plss naman magmadali ka naman wag mo kaming pag intayin" pagpapaalala nito at pagpapaalam ni shiela. Kumaway naman si Dim at kumaway rin akong bilang tugon sa kanyang pagkaway.

Abangan...

Nächstes Kapitel