webnovel

Bubble Gum

Chapter 5

- Arabella's POV -

Makalipas ang ilang araw ay parang wala nang magawa ang apat na unggoy. Hindi na nasundang ang isang iyon kaya tingin ko ay hindi na nila ako pagtitripan na ulit.

Naglalakad ako sa hallway ng makita ko ang apat na lalaking nagpapairita sa buhay ko. Nakangisi ang mga ito habang nakatingin sa akin at ako naman ay kunot-noong lang silang tinitingnan.

'Parang masama ang kutob ko sa ngisi ng mga hayop na to, ah?'

Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa may bilis ng pangyayari. May biglang nagtapon sa akin ng kung ano at mabilis na nakatakas. Ang nagawa ko nalang ay ihampas sa harap lupa ang balde.

Inis ko silang sinulyapan bago ako umalis at hinanap agad ang mga kaibigan ko. Inis na inis ako ngayon at gusto kong maglabas ng galit ngayon. Parang gusto ko nalang mambugbog ngayon.

A Few Moments Later. . .

Tahimik akong naglalakad papunta ng locker ko at naiinis parin dahil sa nangyari kanina. Nasa likod ko sila Brigitte habang naglalakad kami. Pagbukas ko ng locker ko ay paglapit din nila sa kanila.

"Ahh!!" Biglang sigaw ni Brigitte.

"Bakit?" Agad kong tanong sa kanya.

"M-May ipis!!" Sigaw nya ulit tapos itinuro ang locker nya. May ipis nga doon at naglalakad na ito. "Hala!! Lalapit na sa akin!! Oh my god!!" Sigaw pa nya at parang nakakita ng malaking taong papatay sa kanya.

"Para kang t*nga, Brigitte. Hindi ka naman magagalaw ng ipis na yan, ehh." Natatawang sabi ko. Agad akong lumapit sa ipis at inapakan iyon. Nang lingon ko sya ay parang takot na takot parin sya. "Dapat pala hindi ka dikitan ng ipis, ehh. Muhka ka kasing t*nga kapag natatakot ka." Natatawa ko paring sabi.

"Arabella!!" Sigaw nya tapos yumakap sa akin. Yung dalawa naman ay nasa ipis ang atensyon. Parang inaalam kung buhay pa o hindi yung ipis. "Patay na yan! Wag nyo nang pansinin yang ipis." Natatawang sabi ko. "Baka lumipad pa yan uli. Sige kayo---"

"Noo!!!" Sigaw ni Brigitte at isiniksik ang muhka sa akin. Pati yung dalawa naman ay lumayo na din sa ipis at napansin kong marami na palang nakatingin sa amin. Pati na yung apat na bukog.

"Wag ka ngang sumigaw sa tenga ko. Baka mabingi ako sa tili mo." Natatawang sabi ko.

"Bell, buti nalang talaga nandito ka." Paglalambing nito. "Hindi na ba talaga gagalaw yung ipis?" Pabulong nyang tanong.

"Gagalaw pa---"

"Ahhh!!!!" Malakas nitong tili dahil sa sinabi.

"Hahaha! G*go, patay na yun! Hindi na yon gagalaw!" Natatawa ko paring sabi.

- Devin's POV -

"Failed tayo sa ipis pranks natin. Hindi pala sya takot don." Parang inis na inis na sabi ni Kyle.

"Si Parrot ang natakot." Natatawang sabi ko. "Ang pangit nya pala matakot." Natatawa ko paring sabi.

"Shut up, Devin." Masungit na sabi ni Levi.

"Dude, can't you see her reaction? It's so epic." Natatawa ding sabi ni Noah.

"Kyle, delete that video." Masungit na utos nito.

"Master? Bakit?" Reklamo ni Kyle.

"Akin na ang phone mo, buburahin ko." Sabi pa nya.

"Master naman, ang ganda pa naman non." Nakanguso pang sabi ni Kyle.

"Shut up." Masungit paring sabi nya. Lalo naman akong natawa dahil sa inasta nya.

- Arabella's POV -

"Hahahaha!!" Malakas na talakhak ni Madam Barbie o Barb, ang owner ng The Barb. "Bell, tignan mo, ang b*ba ni girl." Natatawang sabi nya tapos ipinakita sa akin ang video.

"Ako yan, ehh!" Malakas kong maktol. "Grabe talaga ang mga estudyante yan!" Sigaw ko pa.

"Ha! Ha." Ilang na tawa ni Madam Barb.

- Devin's POV -

"Why are you looking at her like that? The way you look at her, do you like her?" Tanong ni Noah.

"I wanna be her worst nightmare." Sagot ko pero mahina lang dahil baka magising si Taguro. Nasa library kami ngayon at natutulog ang walang hiya dito.

"Mga master, kaya ba tayo nagbubulungan dahil tulog si Taguro Bell o dahil may gagawin nanaman tayong prank?" Tanong ni Kyle.

"Hmm..." Maikli kong sagot tapos tinignan ko sya. May nginunguya kasi itong bubble gum ngayon.

"Master.... May lasa pa to, ehh..." Nakangusong sabi nya. Binigyan ko naman sya ng tingin na nagbabanta. "Eto na nga, ehh." Sabi nya tapos lumapit kay Taguro at inilagay ang bubble gum sa buhok nito.

A Few Moments Later. . .

"Nakakatawa nga, ehh..." Natatawang sabi ni Noah.

"Master." Sabat naman ni Kyle. "Gising na sya." Sabi nya kaya lahat kami napalingon kay Taguro. Humikab ito tapos tinignan ang relo na parang tinitignan kung anong oras na.

Nag-inat ito saglit tapos inayos ang buhok nito. Kami naman ay nagpipigil ng tawa naman dahil baka makita nya kami. Nang mahawakan nya ang buble gum at sumama ang muhka nya ay hindi na namin napigilan ang tawa.

Nang makita kami nito ay sumama ang muhka nito. Lalo na nang makitang tumatawa kami. May dinukot ito sa bag nya at nang ilabas nya ay gunting na matulis.

Napatigil kami dahil parang gusto nya kaming saksakin sa posisyon ng gunting ngayon. Nakahanda na kaming tumakbo kung lalapit sya sa amin ngayon.

Kinuha nya ulit ang buhok nyang may buble gum at ginupit ang bahaging may buble gum. Pagkatapos ay ibinalik nya ang gunting sa bag nya pagkatapos ay umalis na. Doon na kami nakahinga.

"That brave she is. Now, she's really brave." Komento ni Levi. Ako naman ay napailing dahil pumalpak nanaman ang prank namin.

- Arabella's POV -

'Hayop ka talagang Sensui ka!'

Inis na inis ako ngayo dahil sa prank nila Hale. Gusto ko na silang sakalin kanina at sobrang naiinis na talaga ako sa mga ginagawa nila sa akin kasi palala ng palala ang prank nila.

Dahil sa inis ko ay hindi ko napansing may tao na palang pasalubong sa akin. Dahil doon ay nagkabanggaan kaming dalawa. Muhkang hindi din tumitingin, ehh.

"Aray!" Angal ko. Ang lakas kasi at malaking tao ang nabangga ko. Napaupo pa ako.

"Sorry, miss." Sabi nya tapos inabot sa akin ang kamay nya at tinulungan akong makatayo.

"Sorry din." Paghingi ko din ng pasensya. Ang lalaking kaharap ko ay paniguradong habulin ng mga babae. Masyado kasi syang gwapo at inaamin ko iyon pero hindi nya parin nakuha ang atensyon ko.

"I'm really sorry talaga. May kausap kasi ako, hindi ko din mahanap ang office ni Dean." Nakangiting sabi nya.

"Ahh... Ok lang yon. Tyaka, yong office ni Dean, doon lang sa may kabilang building. Sa second floor, left side. Sorry, hindi na kita masasamahan. May kailangan pa kasi akong gawin, sorry talaga."

"It's ok. Thank you, by the way. Sorry ulit. See you around...?" Tanong nya na parang inaalam ang pangalan ko.

"Ahhh... Bell nalang." Sabi ko tapos inabot sa kanya ang kamay ko.

"Ryan." Nakangiti nyang sabi tapos tinanggap ang kamay ko.

"Sige, Ryan. Mauuna na muna ako." Sabi ko tapos ngumiti at kumaway muna sa kanya bago ako umalis.

- Someone's POV -

Pinanood kong umalis a ng babaeng nakabangga ko kani-kanina lang. Kahit tignan ko sya ay parang hindi ito nnamumula or kahit anong signs na na-attract ito sa akin.

"That's weird. Hindi sya nagwapuhan sa isang Ryan Estrada." Nakangising sabi ko. Ibinalik ko ulit ang phone ko sa tainga ko dahil nandoon pa pala si Billy.

"Hello? Are you still there?"

"I'm still here. May kinausap lang." Sabi ko.

"Hay... Thank you talaga, ha? Hindi ko kasi pwedeng iwan ang shift ko, ehh."

"Naku, ok lang yan. Basta, ikaw." Natatawang sabi ko. "May nakilala akong babae kanina, ang ganda. Pero muhkang hindi na-attract sa akin, ehh." Nakasimangot kong sabi.

"That's strange. Ang daming naghahabol sayo, ehh. Baka ito na ang simula ng paglubog mo."

"Shut up." Nakanguso kong sabi. Pero natutuwa ako dahil kahit papano, tumatawa ito.

"Sige na. May pasyente pa ako."

"Sige. Bye, ingat ka. Love you, bro."

"Ghe."

"Wa---" hindi ko pa natatapos ay pinatay na nya. Napanguso ako ulit at hinanap ang office ni Dean. Mabuti nalang at hindi pa ito nagpapalit ng pwesto ng office nya.

'Actually, alam ko naman talaga kung saan ang office ni Dean. Kaya ko lang iyon tinanong ay dahil akala ko makikita kong attracted sya sa akin at sasamahan nya ako. Hindi pala.'

Naglakad na ako at mabilis ang kilos ko. May pupuntahan pa kasi ako pagkatapos ko dito. Nang makita ko ang office ni Dean ay kumatok muna ako bago ako pumasok.

- Arabella's POV -

"Ang tagal mo naman? Saan ka ba galing, Bell?" Tanong ni Reggie.

"Sorry. Galing kasi ako doon sa Library, nakatulog ako doon. Tapos yung Master 4, pinagtripan nanaman ako, nilagyan ba naman ako ng bubble gum sa buhok."

"Huh?!" Malakas at sabay-sabay nilang tanong.

"Oo! Ginupit ko na nga lang ang buhok ko, ehh." Sabi ko tapos napabuntong-hininga dahil sa naalala ko nanaman ang ginawa ng g*ngg*ng na yon.

LUMIPAS ang ilang araw ay wala nanamang ginawang prank ang mga unggoy. Medyo na tahimik ang buhay ko sa loob ng ilang araw at palagi kong tinatandaan ang mga ginagawa nila.

'Bakit? Kasi ayoko nang mapahiya ulit.'

Ngayon ay paadaan ako sa lugar kung saan ako tinapunan noon ng whipped cream. Nandoon ag dalawang unggoy at nakita kong nasa likod ko ang dalawa sa kanila.

Naglakad ako ng mabagal habang nakatingin sa kanila. Nakangisi ang mga ulupong ngayon habang nakatingin sa akin. Parang may balak nanaman silang i-prank ako.

Tinignan ko ang nasa harap ko at may naaninag akong dalawang tao. Muhkang i-pa-prank nga nila ako ngayon. Tumigil ako sa gitna at humanda sa magiging galaw ng taoong iyon at para maiwasan ko.

Kumilos ang nasa kanan ko kaya mas umurong ako malapit sa pader kasi kapag pumunta ako sa kaliwa ay matatamaan parin ako non. Nang maibato nya ang parang tubig ay mabilis itong tumakbo.

Pagkatapos ay ang isa naman ang kumilos at akmang itatapon sa akin ang dala nya pero hindi na natuloy dahil pinalo ko na iyon pataas kaya tumapon na yon mag-isa.

Mabuti nalang at mga balahibo lang ang mga iyon kaya kahit matapunan ako ay ayos lang. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang apat na lalaki sa likod ko at halata parin sa muhka ang gulat.

Naglakad na ako papalayo at hinayaan na lang gulat sa mga muhka ng mga nakakita sa akin. Ako naman ay pround sa sarili ko na maayos kong nagawa ang galaw na iyon.

- To Be Continued -

(Wed, July 7, 2021)

Nächstes Kapitel