webnovel

CHAPTER 32: IMPOSTOR!

May lumutang sa itaas na orasan. May isang oras na lamang ang mga manlalaro para hanapin ang exit. Lahat sila ay hindi pa din mahanap ang exit at napakadami ng mga traps at mga halimaw na nadadaanan nila at nakakalaban. Sa kabilang dako ay sina Lieutenant Leigh, Lieutenant Ren, at Lieutenant Eisha ang magkakasama. Sa ngayon ay sila ang pinakamalapit na sa exit. Ngunit hindi magiging madali ang lahat para sa kanila.

Sa kabilang dako naman, na hindi kalayuan kina Lieutenant Leigh ay sina Nyssa at Lieutenant Leigh. Teka teka teka... Tama ba ang inyong nababasa? Oo. Dalawa nga ang Leigh sa loob ng maze ngayon. Ngunit sino ba talaga ang totoo sa kanilang dalawa? Sa medyo may kalayuan naman mula sa dalawang grupo ay si Captain Xu. Nasa loob siya ng isang hot spring. Yes, hot spring. Huwag niyo na lamang tanungin kung bakit meron sa loob ng isang maze yan.

Sa labas naman ng maze ay nanunuod sina Captain Kei na kumakain ng ice cream, Captain Masashi na umiinom na naman ng sake, Lieutenant Arla na nagiisip kung sino ang totoong Leigh sa dalawa, Captain Zeid na prenteng nakaupo at nagbabasa, pasulyap sulyap lamang siya sa smoke screen, at ang huli ay si Captain Kaito na naghahanda na ng makakain. Wala na pala siya sa pwesto nila at nasa loob na ng beach house. *insert haha emoji*

"Malapit na sina Lieutenant Ren sa exit." Nakangising sabi ni Captain Masashi.

"Wala na akong masasabi sa kanila. Kahit nahulog sila sa trap ko." Nakangiting sabi ni Captain Kei at uminom ng tubig. "Oh.. Teka, sina Nyssa malapit na kina Ren."

Napadako naman ang tingin nila sa screen kung saan sina Nyssa at Lieutenant Ren.

"Captain Zeid, hindi ka talaga tataya para kay Nyssa?" Nakangising tanong ni Captain Masashi. Hindi naman nag angat ng ulo si Captain Zeid at patuloy lamang sa pagbabasa.

"Hindi." Sagot niya lamang.

---

"AAHHHHHH!" Sabay sabay naming tili nina Lieutenant Leigh ng bigla kaming magkasalubong nina Lieutenant Ren. Sa likuran nila ay may malaking bola na mukhang isang daan lang sa kanila ay lalabas ang lamang loob nila habang nasa likod naman namin ay mga dambuhalang halimaw.

"Lieutenant!" Sambit ko at napatingin sa kanan namin. "Tumakbo na tayo dito!" Sigaw ko saka nauna na sa kanila. Pero hila hila ko ang braso ni Lieutenant Leigh. Sumunod naman sina Lieutenant Ren sa amin. Maya maya pa ay nakalayo na kami at may narinig na lamang kaming mga kadiring tunog. Na tingin ko ay galing sa pinanggalingan namin kanina. Sa tunog pa lamang na iyon ay malalaman mo ng nadaganan na ng malaking bola ang mga halimaw na humahabol sa amin kanina.

Pare-parehas naman kaming naghahabol ng aming hininga. Ang iba ay nakaupo at ang iba ay nakasandal sa wall.

"Akala ko mamamatay na ko kakatakbo." Hinihingal na sabi ni Eisha.

"Teka, Leigh... Bakit..." Napatingin si Lieutenant Ren sa katabi ko at sa katabi niya. "Leigh number two?!" Aniya saka napaturo sa katabi ko. Napakunot din ang noo namin ni Eisha at tumingin sa dalawang Leigh na kasama namin ngayon.

"Oh oh.." Sabi ko na lang at umatras.

"Ako to, ang original na Leigh!" Sabay din nilang sabi saka napatingin sa isa't isa.

"Haaa? Sino ka namang pangit ka huh?" Tanong ng isa.

"Kung makapagsabi ka ng pangit parang hindi tayo magkamukha! Ako ang original kaya tumahimik ka dyan." Sabi pa ng katabi ko kaninang Leigh.

Nagsimula nga ang argumento nilang dalawa. Agad naman kaming nagtipong tatlo saka nag usap usap.

"Hindi ko talaga matukoy kung sino ang Leigh sa kanila." Sabi ni Eisha.

"Ibig mong sabihin ay iyong orihinal." Paglilinaw ni Lieutenant Ren saka tumango tango.

"Okay, ganito na lang. Ang Leigh number 1 ay iyong kasama niyo at Leigh number 2 ang kasama ko." Sabi ko na ikinatango nila ng sabay. "Wala bang sinabi na kakaiba si Leigh number 1?" Tanong ko.

Nagkatinginan sila at umiling.

"Lahat ng ugali ni Leigh ay kuhang kuha niya. Wala akong duda." Sagot ni Eisha at napahawak sa baba niya.

"Ganoon ba? Hindi ko talaga matukoy ang Leigh na kasama ko. Kaunti lamang ang oras na magkasama tayo. Ganoon din kami ni Leigh kaya naman hindi ko talaga matukoy kung nagsasabi siya ng totoo o hindi." Paliwanag ko.

"Mmmm.."

Napaisip kami. Magiging mahirap to. Sa totoo lang, sa nagdaang mga panahon, nagbago na rin ang ugali ni Leigh, kahit na si Captain Xu ay ganoon din. Pero hindi naman sila naging masama, iyon nga lang kung halimbawa dati silang hindi maingay, naging maingay na sila ngayon. People change.

"Kayo ang mga kasama ni Leigh simula pa noong panahon ng kupong kupong. Malamang alam niyo ang ugali niya at pagbabago." Sabi ko.

Napabusangot sila.

"Makasabi ka naman ng kupong kupong, parang sobrang tanda na namin." Sabi ni Eisha saka nagkunwaring nagagalit.

"Eh ilang taon na ba kayo ngayon?" Tanong ko saka iniangat ang kilay. Napatingin siya sa taas at napaisip.

"Mmmm... Mga three hundred fifty years ako--" Nasapok naman siya ni Lieutenant Ren at tumingin sa akin.

"150 years old. Pero hindi ko na binibilang ng maayos. Nga pala, may naisip ako na paraan." Aniya.

"Para saan ang sapok na iyon?!" Reklamo ni Eisha saka bumusangot.

Hindi naman namin siya pinansin at nagpatuloy na si Lieutenant Ren sa pagpapaliwanag ng naisip niya. Sa huli ay tumango kami at nagharap harap.

"Okay, para hindi tayo magpatayan, kailangan nating magkaroon ng test. Siguro nga ay isa sa inyo ang impostor pero hindi ninyo malalaman lahat ng gusto ni Leigh, lahat ng ugali ni Leigh at lahat lahat ng kay Leigh. Kaya naman! May Q and A tayo ngayon." Sabi ni Lieutenant Ren at ngumisi.

Para namang pinagpawisan ang dalawang Leigh sa harap namin. Para nilang kakainin ang isa't isa at anumang oras ay tatalon sa isa't isa pero hinawakan namin ang damit nila at hinila sila papunta sa dati nilang pwesto.

"Wala kaming sinabi na mag judo tayo ngayon. Ang sabi namin Q and A." Sabi ni Eisha saka napailing.

"Che!" Sabi ng isa.

"Oops, minus ka na Leigh number 1. Hindi nagsasabi si Leigh ng ganyan." Natatawang sabi ni Lieutenant Ren.

"Whatever, ano ba ang questions niyo?" Tanong niya.

At nagsimula na nga ang Q and A. Tie ang score nila. Mukhang hindi gagana ito. Nagkatinginan naman kami nina Lieutenant Ren. Sa tingin ko ay parehas kami ng nasa isip.

"Okayyyyy! Mukhang walang mananalo sa inyo kapag parehas kayo lagi ng scores." Sabi ni Lieutenant Ren.

"Kaya naman magbibigay kami ng espesyal na tanong na si Leigh lang mismo ang nakakaalam! Yey!" Masayang sabi ni Eisha at winagayway ang kamay. Bakit parang excited siya?

"Anong tanong naman yan?" Seryosong tanong ni Leigh number 2.

"Handa na ba kayo?!" Masiglang tanong ni Eisha.

"Kanina pa kami handa!" Inis na sambit nilang dalawa.

"Ako na mag--" Pinahinto ni Eisha si Lieutenant Ren sa pamamagitan ng paglagay nito ng daliri sa labi niya.

"Shhh... Ako na ang magtatanong Lieutenant Ren." Kumindat siya at tumingin sa dalawang Leigh.

"Noong panahon na mainit init pa din ang ibang mga clans sa isa't isa, mga....50 years ago... Sino... ang..."

"Bilisan mo na!"

"Ayieee, excited sila." Pang aasar ni Eisha.

"Eisha, bilisan mo na. Hindi madami ang oras natin." Sabi ni Lieutenant Ren.

"Okay, sinong Captain ang crush na crush ni Leigh? At bakit crush na crush siya ni Leigh?" Tanong ni Eisha na may malaking ngiti sa labi.

Ohhhh interesting.

Napangisi na din ako.

Agad namang namula si Leigh number 1. Mukhang alam ko na kung sino ang totoo.

"Leigh number 1, baka alam mo ang sagot?" Tanong ko.

"BAKIT YAN ANG TANONG NIYO?!" Natatarantang tanong niya.

"Sagutin mo na lang." Sabi namin.

Matagal siya bago sumagot.

Napahawak naman ako ng mahigpit sa spear na kapit ko pa din hanggang ngayon.

"One!"

"CAPTAIN M-MA...MASASHI!" Pulang pula na sagot ni Leigh at tinago ang mukha gamit ang kamay niya. "K-Kasi niligtas ako noon ni Captain Masashi kahit na magkaaway noon ang clan namin." Nahihiyang paliwanag niya.

Napangiti naman ako. Kinikilig ako bigla hahaha!

Napangiti din sina Eisha at tinutok ang katana kay Leigh number 2.

"Sorry Leigh number 2." Sabi ni Lieutenant Ren.

Ngumiti din si Leigh number 2.

"Well, nakaka enjoy kayong kasama kaya naman... hahayaan ko na kayo." Aniya saka kumindat. Nawala na lamang siya na parang bula.

"Captain Masashi huh.." Sabi ko.

"Nyssa!"

"Biro lang." Sabi ko at tumingin sa taas.

30 minutes na lang ang natitira...

Nächstes Kapitel