webnovel

Chapter 15

DosNakasunod kaming naglalakad ni Jules kay Cami nang bigla siyang huminto. Papunta na kaming canteen para maglunch."Teka lang Dos. May naalala ako bigla sayo.""Ano na naman yon Cami?" taka kong tanong sa kanya."Hindi ka na nambababae. Matagal-tagal na rin kasing walang mga babaeng humaharang satin.""Ah. Oo nga no?" Late ko lang din narealize na wala na akong babae. Dati kasi, di ko na mabilang kung ilan at kung sino-sinong mga babae ang kasama ko.Pagpasok ko, isang babae then lunch iba ulit at kapag uwian ay iba na naman."Nabusy lang ako Cami kaya wala muna akong babae.""Ulol! Di ka ganyan sister. Kahit busy ka, nambababae ka pa rin. Di uso sayo ang excuses. Siguro nakakarma ka na kaya ganyan," sabay tawa niya."Mapasukan sana ng bangaw yang ngalangala mo!""Ikaw Cami mukha kang babae. Maglunch na nga lang tayo. Hayaan mo na yang si Dos. Nagbabagong anyo na ata." Tawa rin si Jules kaya sinamaan ko sila ng tingin at nauna na akong naglakad.Hahanap palang ako ng mabibilhan namin nang biglang may kumapit sa aking babae."Dos babe, baka bet mong maglunch together. My treat," malanding sabi ng isang babae sakin. Malaki ang dede tapos mapula ang labi dahil sa lipstick. Seksi rin mukha nga lang pokpok."San ba? Medyo masakit din kasi ang ulo ko eh."Tumingin siya sa ibaba ko at alam ko na ang tinutukoy niya."Baka kulang ka lang sa himas. Tara sa cr."Kinikilabutan talaga ako ngayon.Nilingon ko yong dalawa kong kasama ngayon. Si Jules na nakaabang habang si Cami na nakangisi.Ngumiti ako nang pilit sa kanila at umalis na kami nong babae.Kinakaladkad na niya ako papuntang cr."Can you walk slowly, please? Madadapa na ako eh," reklamo ko sa kanya."Di na kasi ako makagpigil babe eh."Kaladkad pa rin niya ako papuntang cr nang may mabangga kami."What the fuck! Watch where you're going bitch!" asik niya sa babaeng nabunggo namin.Napabitaw ako sa babae nang mapagtantong si Shizuka ang kaharap namin.Cold itong nakatingin samin.Di naman ako makaimik dahil parang may mali."Babe! Let's go na!""Tangina naman!" at hinila ko ang babae papasok ng cr at mabilis na nilock ang pinto.Lintek eh, nakakairita."Ah eh...s-san ka galing?" Halos magkandautal-utal ako at nabablangko ang isip ko kapag kausap ko si Shizuka. Di ko alam kung bakit."Sa cr. Why? Di ba obvious?" malamig at sarcastic niyang sagot.Napapikit na lang ako sa aking isip dahil...hay nako. Ang mga matatanda nga naman talaga."I mean ano...I haven't seen you in the past few weeks...""Why?"Napamura na lang ako sa isip ko. Matandang 'to talaga!"Nevermind."She chuckled. "Do you miss me?""Sunduin mo ako mamayang uwian," sabi ko sa kanya. A smile flashed on her face.I'll be lying if sasabihin kong di ko siya namimiss. Baka lumaki ulo niya kapag sinabi kong namimiss ko siya.Anong ulo Dos?Lecheng utak 'to!Umalis na ako dahil klase na namin. Di ko na siya hinintay pa."Ba't antagal mo? Natapos ba kayo?" makahulugang tanong sakin ni Cami. Nandito pa rin kami sa canteen."Hindi. Nilock ko na siya sa pinto. Hindi ako pumapatol sa mga babaeng mukhang puta," simpleng sagot ko at tila gulat na gulat sila sakin.Sinapo pa ni Cami ang noo ko."Shet! May himala nga talaga! Lord, anong ginawa niyo kay Dos? Nagbabagong-anyo na talaga siya!""Pinagsasabi mo Cami? Mukha kang tanga. Jules, tara na nga! Iwan na natin 'tong muret na 'to!" at hinila ko na si Jules na tatawa-tawa. Pinalo niya muna sa pwet si Cami at nagtawanan kami.Habang klase ay iniisip ko si Shizuka. Ewan ko pero gusto ko nang umuwi para makasama siya.Ang tagal naman kasi ng oras tapos nakakaantok pa."Dos, rides tayo nina Jules mamayang gabi. Wala naman tayong klase bukas ng umaga at wala ring assignment," bulong sakin ni Cami.Napaisip naman ako dahil masaya kasing mag-night rides with them."Pwedeng next time na lang? May gagawin pa kasi—"Tangina naman oh ngayon na nga lang magyaya eh. Ang kj mo na talaga Dos," himutok ni Cami sakin at nakabusangot na."Baka naman may importanteng aasikasuhin si Dos. Pwede namang tayong dalawa na lang muna," sabat naman ni Jules kaya napatango agad ako sa kanya.Ang galing mo talaga Jules!"Tayong dalawa na naman! Nagsasawa na ako sa pagmumukha mo Red! Nakakahalata na talaga ako sayo Julianne Red. Baka madevelop ka—"Tangina Camille! Mamatay na lang ako!"Nag-asaran pa sila habang tatawa-tawa lang ako sa kanila.Bigla akong napasapo sa ulo ko. Kumikirot na naman.Ano bang nangyayari sakin? Lagi na lang sumasakit ang ulo ko."Dos, san ka pupunta?" tanong ni Jules sakin nang bigla akong tumayo. Kalagitnaan pa man din ng klase namin."Magccr lang," palusot ko.Dumiretso na agad ako sa clinic at nadatnan ko ang nag-iisang nurse na malaki ang dede. Si Nurse Rose.Lumapit agad siya sakin at balak akong landiin nang nagmamadali akong humiga sa bed.Isa rin kasi siya sa mga nakafling ko noon dito sa clinic."May advil ka ba diyan para sa sakit ng ulo?" Di ko na talaga kaya yong sakit parang may iniipit sa loob."Kailan pa masakit ang ulo mo? Let me check," at sinuri niya ako. Nagtanong-tanong pa siya na lalong ikinalala ng sakit ng ulo ko."You need to consult a doctor. Di mo pwedeng balewalain—I left the clinic.Ang daming sinasabi. Normal lang naman na sakit ng ulo 'to.I check the time.3:01 pm.Fuck, 2 hours pa bago mag-uwian!Gusto ko ng humiga at matulog!Sobrang sakit na ng ulo ko!I decided na pumunta sa library. Pwede kasi akong makatulog doon. Nanguha lang ako ng isang libro na props ko.Pumwesto ako sa pinakadulo at pinakatagong part at doon ako natulog.***Paggising ko ay sobrang dilim na ng library. Madilim na rin sa labas.Hindi ko dala yong phone ko.Punyeta!Nakalimutan ko, susunduin pala ako ni Shizuka ng 5pm!Kinapa-kapa ko ang switch ng ilaw pero ayaw mag-on ng ilaw!Pinagpapawisan na rin ako rito sa loob.Pati sikmura ko ay kumakalam na rin.Mukhang totoo nga ang sinabi ni Cami na kinakarma na ako!Paano kaya ako uuwi nito.Palakad-lakad ako nang may masagi ako at biglang may nabasag. Ang lakas ng pagkakabagsak."Shet! Ano yon?!"Hinayaan ko na at naglakad-lakad ulit nang bigla may matanaw akong liwanag mula sa kalayuan.Mga armadong lalaki. Mga anim sila at nagkanya-kanya sila ng pwesto na tila may hinahanap.Yumupyop agad ako at nagtago dito sa hagdan. May bintana kasi paakyat at don ako sumilip.Pinagmamasdan ko lang sila nang biglang may kinakaladkad na silang dalawang sekyu. Hila-hila nila ang dalawa sa neck tie at hirap na hirap nang huminga ang mga ito.Nagulat ako nang biglang may liwanag na sa pinto ng library. Isang armadong lalaki ang pilit binubuksan ang pinto.Shit!Abot-abot ang kaba ko nang mabuksan niya ang pinto at patakbo na sana ako nang biglang tumutok sakin ang flashlight niya."Shit!" at kumaripas na ako ng takbo paakyat.Bawat takbo ko ay itinutumba ko ang bawat madaanan ko para hindi ako mahabol.Bigla na namang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa railing.Pinilit kong tumakbo dahil naging lima na silang humahabol sakin.Tangina! Sino ba tong mga kupal na to?!Nakalayo na ako sa kanila nang dead end na ang kaharap ko ngayon."Stop right there Señorita Dos!""Raise your hands now and turn around!"I did as I was told.Dalawang armadong lalaki ang humawak sa braso saka ako marahas na pinosasan."Bitiwan niyo nga ako!" pagpupumiglas ko.Tinanggal ng armadong lalaki sa harap ko ang buong face mask niya na parang pangterorista. Nawala ang kaba ko. Siya lang pala."Tumakbo pa ako nang mabilis kayo lang pala. Buti na lang dumating kayo kung hindi baka dito na ako matutulog," sabi ko sa kanila at nawala na ang takot ko sa kanila."Boss Ryota, tanggalin na natin yang posas. Si Señorita Dos lang naman yan. Para namang others kung poposasan pa natin siya." Lumapit na siya sakin at tinanggal ang posas ko."Ayan, wala na! Tara na Señorita Dos. Iuuwi ka na namin. Sobra na ang pag-aalala ni Shizuka-sama at si Madame Yuriko. Kanina ka pa nila­—"I'll take it from here, Genzo. Mauna ka na at ako na ang bahala kay Señorita Dos. Wala kang karapatan na hawakan siya," maawtoridad na utos ni Ryota at sinunod na siya ni Genzo.Naglakad na kami ni Ryota habang nakaalalay ang isa pa nilang kasama."Señorita, ba't ka napunta rito? Kanina ka pa tinatawagan ni Shizuka-sama. Si Madame Yuriko ay galit na galit na rin sa'min dahil nawawala ka. Sobra silang nag-aalala sa'yo."May tumawag na naman sa kanyang parang walkie talkie at nagsasalita na naman ng Intsik.Nauna na akong maglakad habang nakaalalay 'yong kasama niya at siya nama'y nakasunod lang.Paliko na kami para bumaba nang napasapo ako sa aking ulo at bumalik na naman ang pananakit nito. Napahawak ako sa railing at biglang sumuka.Tinawag ng kasama ko si Ryota. Parehas silang natataranta sakin."Señorita Dos! Saan po ang masakit?" nag-aalalang tanong sakin ng isa naming kasama at chineck ako."'Yong u-ulo ko­—Naduwal na naman ako at sumuka ulit. Nanghihina na ako.Ano bang nangyayari sa'kin?Napaupo na ako habang si Ryota ay nababahala na rin. Kinapkapan niya agad ako at pinaalis ang kasama namin na Shiro pala ang name."Señorita Dos! Señorita Dos! Hang in there! This is an emergency. Shiro, kumuha ka ng stretcher at pabalikin mo si Genzo rito ngayon din!""Wait! O-Okay lang ako Ryota," pigil ko sa kanila at pinilit kung makatayo. Pipigilan pa sana nila ako pero unti-unti na akong naglakad.Bahala na.Dahan-dahan na akong naglalakad habang nakahawak sa railing ng hagdan.Todo bantay at alalay naman si Shiro at Ryota sakin."Señorita Dos, bubuhatin ka na lang namin," saad ni Ryota at nakahanda na silang dalawa."Kaya ko pa naman ang sarili ko pero salamat."Nahihilo na talaga ako nang makalabas kami.Pinilit kong kayanin hanggang makarating kami sa van na dala nila. Hawak pa rin nila ang dalawang sekyu na duguan ang ilong at nagmamakaawa. Walong lahat sina Ryota.Napasandal na lang ako sa sasakyan habang nanlalabo na ang aking paningin.Tinutukan ng baril ng limang bodyguards ang dalawang sekyu na patuloy na nagmamakaawa."Parang awa niyo na po mga boss! H-Hindi naman po namin alam na nakulong ang a-anak ng may-ari sa loob!"Pawis na pawis na rin ako at nanghihina. Naaawa ako sa dalawang sekyu dahil sa mga palahaw nila.They're begging for their lives."Boss! Parang awa niyo na! May dalawang anak pa ho akong maliit!" at yumakap ang isang sekyu sa binti ng isang bodyguard.Uji!Shit! Lagi ko na lang naririnig na may tumatawag sakin ng Uji.Bawat pagtawag ay lalong tumitindi ang kirot ng ulo ko.Uji!Uji!Uji?!Tanging sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko pati ang pangalan ni Genzo.Ilang saglit lang ay tumahimik na."You're finally safe, Señorita Dos," nakangiting saad nito habang may bahid ng dugo sa kanyang mukha.Inabot ko ang pisngi niya at nakangiti sa kanya habang nangingilid ang luha ko."Kira."And I lost my consciousness.
Nächstes Kapitel