webnovel

Bakla

D3. Bakla

TAGAL NAMAN NILA... Kanina pa'ko dito naghihintay sa kanila ha! Gagi, nilalamok na'ko.

Parang kanina lang, ngingiti ngiti pa'ko dahil sa excitement na nadarama. Pero ngayon, nakasimangot na'ko at parang pasan ko na ang mundo. Mga half hour na ako kakahintay dito, at kung tinetext ko naman, ang sabi, malapit na daw. So hanggang ngayon, hindi pa sila nakalarga dito sa malapit ha?! Inis na si me...

Nakapag-desisyon na ako. Kinuha ko ang cellphone at tinext sila na uuna na'ko. Di ko na kayang maghintay pa. Masakit kaya... Kapagod rin maghintay sa taong alam mo namang hindi rin dadating sayo... Masakit mag expect. Masakit umasa kung alam mo namang pinaglalaruan ka lang niya...

I sighed. Mukha akong tanga dito kung ano-ano nalang iniisip ko. Kahit di pa nga ko na-broken, nagdadrama nako.

Pumasok ako sa isang boutique at pumili ng mas babagay sa'kin, na I know to myself, wala naman talagang babagay sa'kin. Tama naman ang sinasabi nila na pangit ako. Mukhang si Dora. Yun nga lang, sobrang payat ko at para na daw akong kalansay. Pero atleast, malakas mag Spike diba?

Nagbayad ako sa counter at ngumiti sa babaeng tumulong sakin maghanap ng dress kahit alam kong napipilitan lang siya. Nahirapan nga kami sa pagpili eh. Kung may natitipuhan akong damit, ang sabi, di daw bagay sa'kin. Alam kong pangungutya yun pero hinayaan ko nalang. Kung siguro nandito ang mga kaibigan ko, baka nagkarambolahan na dito. Napapalaban kasi ako pag kasama ko sila.

Nakabili narin ako ng sandals na magandang iterno sa dress ko. Bumili rin ako ng make-up na wala sa'min. Kaya ngayon, nasa labas na'ko ng mall at nagtext sa mga kaibigan.

Me: asan na u?

May text rin silang di ko napansin kanina. Ang sabi,

Pangit #1: malapit na kami

Sapu noo ako at kandailing. Alam kong may dahilan sila kaya sila natagalan, pero ano naman yun?

Nagmessage rin si Marie aka pangit #1 sakin pagka reply ko.

Pangit #1: nasa milktea shop kami teh. Punta ka dito.

Ang bastos nila! Di man lang ako inaya! Humanda sila. Di ako magbabayad sa bibilhin nila. Mamulubi sila dyan bwesit!

Dahil alam ko naman kung saan ang paborito namin na laging pinupuntahan na milktea shop, dumiretso na'ko doon. Malapit lang naman dito at kailangang ko lang namang tumawid sa pedestrian lane.

Dahil go signal pa sa mga sasakyan, naghintay ako do'n habang humakuliplip, medyo bagot.

"Suzette?" may tumawag sa pangalan ko. Pamilyar ang boses kaya lumingon ako dito at nakita ko naman ulit ang 'mahiwagang ngipin ni Cris Sign'. Choss...

"Oh! Ikaw pala. Nu ginagawa mo dito?" Lumapit siya sakin at gaya nakin, naghihintay rin siya na makatawid.

"Obvious ba? Tatawid malamang! Duh."

"Yuck mukha kang bakla! Ewws!" Ngiwi-ngiwi akong lumayo ng kunti kasi nangangamoy na naman ulit ang bibig niya. Pero syempre, di ko pinahalata baka masaktan ang feelings ng bakla. HAHAHAHA!

"Anong bakla?! Lalaki ako! Gusto mo halikan kita diyan eh."

Nanlaki ang mga mata kong mas lumayo pa sa kanya. Mga three meters apart para sigurado. Baka totohanin niya ang sinabi niya. Katakot naman! May muta pa nga akong nakita sa mata niya eh! Kadiri.

"Subukan mo lang pangit." Umirap ako at humakuliplip. Di na pinapansin ang sintements niya. Pero di nagtagal, may nahagip na naman ng mata ko. Di ako magkakamali! Si Lourd Henares yun! Gagi, sana di siya hihinto dito. Sana di niya ko makita. Please lang... Huhuhu.

Pero dahil may tampo ang kapalaran sakin, nakita ako ni Lourd.

"Suzette my luvs!" Tumakbo siya at inakbayan ako. Nakita rin ito ni Cris. Di ko alam o nagmamalik-mata lang ako, pero nakita ko ang nagdaang pait at galit sa mata niya. Umiling nalang ako.

"Oh? Saan ka?" tanong ko. Pero dahil sa tanong kong yun, biglang mas ngumiti ng malaki ang lalaki at mas hinigpitan pa ang kapit sakin. Napasapo tuloy ako sa bibig ko. Gagi kasi! Kung ano-ano nalang ang sinasabi.

"Kung saan ka pupunta—"

"Di pa kayo aalis diyan?" Naputol si Lourd dahil sumingit na naman si pangit.

Tumingin ako sa pedestal, at nakitang naka-green na at ang ibang tao ay tumawid na. Tinanggal ko ang pagkaka-akbay ni Lourd sakin at umuna. Di ko na pinansin ang dalawang masama na kung magtitigan sa isa't-isa.

Nächstes Kapitel