webnovel

Ikaw nalang kasi

C2. Ikaw nalang kasi

"BA'T KA NANDITO?"

Tahimik siyang humigop ng kape at binaba ito para sagutin ako. "Mamanhikan nga ika mo kanina."

"Ngayon?!" gulat kong tanong.

"Oo. Bakit?" ngumisi siya kaya na starstruck ako nang ilang segundo sa maganda niyang ngipin.

"Pwede namang sa susunod na araw. Ba't ngayon pa na working hours namin ni mama."

"Manager naman siya diba? Pwede niyang ibigay ang kanyang trabaho sa ibang tao niyo." tama nga nu? Ba't di ko yun naisip?

"Ha! Pero sa tingin mo ba, papayag si mama na ligawan mo ako?" binigyan ko siya ng mala-tagumpay na ngiti.

"Let's see..." ay gagi! Bigla siyang tumayo at pinuntahan si mama sa counter na nakatingin sa'min.

"Hoy!" tawag ko sa kanya. Pero di niya parin ako tinitignan.

"Hoy ano ba! Ma! Wag kang papayag ha?!" tawag pansin ko kay mama. Tila wala naman siyang narinig at nakatingin lang kay Lourd na naglalakad papunta sa kanya.

Nakalapit na si Lourd kay mama at nag-usap na sila. Lumapit rin ako pero di na natuloy kasi binigyan ako ni mama ng nakakatakot na tingin. She give me looks na kailangan ko na daw'ng magtrabaho. Yumuko nalang ako ng bigo at nagpunas na ng mga lamesa.

"MA'AM SUZETTE! Kaano-ano mo si Lourd Henares?" nagulat ako ng biglang lumapit sa akin ang dalawa naming trabahante na sina Lorie Fe at Isay. Nakangiti pa sila nang malamang may lalaking gwapo kaming bisita.

Taka ko silang tignan. "Ba't alam niyo ang name niya?"

"Ah eh..." Kamot-ulong tumingin si Isay kay Lorie Fe. "Ikaw na." narinig kong bulong nito.

"Eh ikaw nalang." narinig kong bulong rin ni Lorie Fe.

"At ba't ako aber?"

"Sa'yo naman kasi directly nagtanong si ma'am Suzette, kaya ikaw sumagot."

"Anong ako?! Eh tayong dalawa ang tinanong niya. Sumagot ka nalang muna. Sasabat nalang ako mamaya."

"Eh ikaw nalang kasi. Ako nalang sisingit mamaya."

"Ikaw nalang."

"Ikaw."

"Ikaw."

"Ikaw—"

"DI PA KAYO TAPOS?!!!!!" Naiinis na sigaw ko sa kanilang dalawa. Nag-peace sign ang dalawa at awkward na ngumiti.

"Ano ba kasi yun. Sabihin niyo nalang sa'kin at bakit alam niyo ang pangalan ng lalaking yun."

"Uhm ma'am, siya kasi yung tinutukoy namin dati na school mate mo—"

"Kilala siyang lahat kaya nag-chikahan kami tungkol kay Lourd—"

"If you ask kung pa'no namin siya nakilala,—"

"Nakilala namin siya sa isang bar restaurant na may banda—"

"Kasali siya doon sa banda—"

"At vocalist siya—"

"Doon, nagka-crush na kami dahil sa magandang voice niya—"

"At kahit alam naming mas bata siya kaysa sa'min—"

"Di parin mawawala ang paghanga namin sa voice and looks niya—"

"At may kasabihan nga na age doesn't matter diba?—"

"At kung gusto mo marinig na kumanta siya ma'am—"

"Punta tayo mamaya sa bar! Samahan ka namin—"

"Pero parang hindi ka na namin masasama kasi parang si Lourd Henares na mismo ang magdadala sayo sa tinatrabahuan niya—"

"And pwede kang mag-request sa kanya ma'am na samahan ka, mamaya pa kasing alas dyes ng gabi sila magpapatugtog—"

"And ma'am—"

"Okay okay! Gets ko na! Tama na mga dizaii mag trabaho nalang muna tayo kasi dumadami ang costumer natin."

Lumilinga sila sa paligid para tignan ang mga taong dumadagdag na.

"Ay sige po ma'am! Trabaho muna kami." Umalis na sila at umasikaso ng mga costumers.

Nakahinga ako ng malalim pagkaalis nila. Grabe! Katakot kausap ng dalawang yun!

Nächstes Kapitel