webnovel

Manager

A5. Manager

"HOY ANONG ORAS na at ba't ngayon ka pa ha?!"

Pagkabukas ng pintuan ay ito agad ang bungad sa'kin ni manager.

"Sorry po boss, na-traffic kasi at may ginagawa pa'ko sa school."

"At ano naman yan aber? Baka nakipag-kantot ka na sa school mo?"

"Ay grabe ka naman boss! Hindi po! Single pa po talaga ako at hindi ako ganyang klaseng babae."

"Mabuti naman at malinaw. Alam niyo na siguro ang rules dito ano? Na bawal makipag-shota habang nagtatrabaho dito. Kung ayaw niyo sa rules ko, edi sige! Feel free to leave." Tumalikod si manager sa'kin at pumuntang counter para mag bilang ng pera.

Ngumisi ako at lumapit sa kanya. "Boss sorry po di na mauulit." paglalambing ko. Nilagay ko ang dalawang siko sa counter top at nagpa-baby face. Nagpapa-awa effect na talaga ako para mapatawad na ni boss.

Nang makitang dahan-dahan niyang binitiwan ang mga pera de papel, doon na ako ngumiti ng malapad sa kanya. "Osige na nga, basta wag ng mauulit ha? Alam mo naman sigurong nababahala ako sayo pag natatagalan kana."

"Opo boss." dahil sa saya ay niyakap ko siya galing dito sa counter ng mahigpit, kamuntikan narin siyang maduwal sa kinatatayuan dahil sa ginawa ko pero kahit ganun, masaya niya parin akong niyakap pabalik.

"O sya, sige! Magbihis kana at asikasuhin mo na ang mga costumer."

"Opo ma!" I halfway run through staff's room. Doon, nakita ko ang mga kasamahan ko na naguusap na naman. Siguro chismis ulit 'to.

"Oo teh! Sa pagkakaalam ko parehong paaralan ang pinasukan nilang Suzette—"

"Hoy ano yan?!" Sita ko sa kanilang lahat.

"Ay wala! Nandito kana pala, ba't ngayon ka pa?" tumayo galing sa pagkakaupo si Lorie Fe habang gulat na nakatingin sakin. Siguro natakot kasi narinig ko na nasali ang pangalan ko.

"May ginawa kasi sa school kaya natagalan," 𝑘𝑖𝑛𝑢𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑚𝑖 𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑜 𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑒𝑚𝑜𝑛𝑦𝑜 𝑛𝑎 𝑦𝑢𝑛.

"Ah ganun ba?" sabi naman ni Isay at uminom ng tubig.

"Punta na kayo dun at magtrabaho. Wag puro chika." sabi kong naiinis ng kunti.

"Opo." at kahit mas matanda sila sakin ng ilang taon ay pino-po parin nila ako. Nga naman, anak ba naman ako ng manager at owner nitong café?

Umalis sila at nagmamadali. Ako naman, kinuha ang uniform para magpalit. Habang nagbibihis, naisip ko bigla nag narinig kanina... Sino yung taong tinutukoy nila? At ang sabi ay nasa same school rin pumapasok. Baka kilala ko 'to?

I scan my face and body in front of a whole body sized frame mirror. Maroon vest, white inner tuck in long sleeves, maroon pencil cut skirt and black ribbon around my neck. Nagkasya at nasa tamang sukat ang lahat ng ito. Napangiti ako. Alam na alam talaga lahat ni mama ang tungkol sakin nu? Hinding-hindi na talaga ako masusorpresa. Kahit nga crush ko nalaman niya. Pero ngayon di ko na crush yung si Lourd Henares, ganun pala ang totoo niyang kulay, dapat pala di na'ko nasurpresa.

Habulin ng babae, gwapo, matangkad, macho, mabango, mayaman, lahat nlang siguro nasa kanya na. Masasabi mong ideal man pero babaero pala. But di muna tayo mag ju-judge kung nakita lang natin sa mga mata. Baka siguro girlfriend niya yun. Baka siya yung laging kausap at katext ni Lourd sa cellphone diba? Kaya wag muna tayong manghusga.

Pero...

Kung talagang mahal niya, ba't naman niya tinaboy ang kamay ng babae? Kung ako siguro yun baka nasaktan na'ko. Masakit kaya sa feeling na tinataboy nu.

And speaking of devil...

Lumabas akong staff room at pumunta sa counter para kumuha ng tray para doon ilagay ang mga naiwang tea cup. Habang inaasikaso ang isang lamesa, nakita ko si Lourd na nakaupo sa tagong bahagi ng table. Medyo dim ang ilaw doon dahil napapalibutan ito ng mga libro, doon rin ang favorite spot ko.

Nakita ko siya doon na nakatingin sa akin na may malaking ngisi sa labi. Tila nasiyahan sa nakita. Nangilabot ako at agad umirap. Hinding-hindi ko talaga makalimutan ang nangyari kanina. Virgin pa yung mata ko nu, at ngayon ay narumihan na dahil sa nakita kanina. Malagyan nga mamaya ng holy water...

"Suzette!" tinawag ako ni mama galing counter.

"Po?!"

"Asikasuhin mo ang table number 2."

"Opo."

Tinapos ko munang linisin ang lamesa bago naglakad palapit sa kinaroroonan ni Lourd. Habang palapit ng palapit, kumakabog naman ng mabilis itong puso ko. Di ko nga alam anong dahilan nito, baka di na gaya dati?

Dati kasi pag napapalapit ako sa kanya, ay nababaliw agad itong si heart. Kahit kaunting lingon niya lang ay nagwawala na'ko dahil sa kilig.

Pero dahil sa nasaksihan ko, medyo nalilito na.

Di ko alam kung kabog ba ito ng kilig o takot o kaba? Baka same?

Nächstes Kapitel