A2. Cellphone
"KAMUSTA TEH? Anong sabi?"
I scowled at her. "Pinapalinis ako ng CR." sabi kong matamlay.
"Eh yan kasi, May paturo turo pang nalalaman!"
"Ano namang pake mo? Problema ko na yun kaya wag ka ng mangialam!"
"Hoy wag na kayong mag-away, baka maparusahan pa tayo Justine. Tigilan mo na nga yan." Saway sa amin ni Marie. Kanina pa rin siya sa cellphone.
"Eh ito kasi! Tinanong ko lang kung meron ba syang marriage certification na ipapakita kung totoo ba niyang asawa niya yung tinutukoy niya." sabi ko.
"Huh? Asawa? Totoo ba Justine? Ba't di mo sinabi?"
"Sa libro lang kasi yun Marie! Ang slow mo masyado."
"Ah gano'n ba?" Tumingin ulit siya sa cellphone at nagtipa.
Nagkatinginan kami ni Justine ng nakakunot noo. Naguusap kami gamit ang mata at nagkaunawaan naman kami.
Lumipat siya sa gawing kanan ni Marie at ako naman ay tumayo galing sa pagkakaupo. Nagbilang siya gamit ang daliri at pagkaabot ng isa, sabay naming inagaw ang cellphone ni Marie at tumakbo palabas ng classroom. Tatawa-tawa kami pagkaabot sa ground floor at hinihingal rin sa ginawang pagtakbo.
"Grabe ang epic! Hahaha!" hinihingal na sabi ni Justine.
"Oo nga eh! Friends na tayo?" tanong ko.
"Ano ka ba! Matagal na tayong friends. Binibiro lang naman kita kanina."
"Ay mabuti naman. Tara tignan natin." kinuha ko ang cellphone sa kamay niya at pinakialaman namin kung ano ang pinagka-busyhan ni Marie.
Nakita namin doon sa inbox ang more than 50 text na nanggaling sa lalaking may pangalang Eric. Binasa namin lahat ng text habang naglalakad para makaupo sa ilalim ng malaking Cherry Blossom. Hindi naman masyadong mainit pero nakakasilaw lang ang liwanag na dala ng araw samin. Nakita pa namin doon sa mga previous messages ang landian nila at may malapit na nga ring magka SOC or 'Sex on Chat' sila. Nandiri kami pagkatapos mabasa ang lahat.
"Ganyang klase na ba ang gusto ni Marie ngayon? Kadiri naman. Halata sa messages ng lalaki na ang pangit niya sa personal. Ang pangit kasi ng ugali at bastos!" Sabi ni Justine.
"Hmm tama ka. Hindi naman ganito si Marie ah? Ba't siya pumapatol ngayon sa ganyang klase ng lalaki?"
"Ay ewan ko dun."
"Ano yan?"
"Ay maryosep!"
"Ay kambing na may bangs!"
Magkasabay naming sigaw ni Justine. Nagulat kami sa nagsalita at ngayon pa lang na-realize na may taong nakikinig samin. Nakita namin ang nakadungaw na ulo ni Cris at ang nakakaloko niyang ngisi. Nakita ko na naman ulit ang bungi niya at tsokolateng sa pagkakatanda ko ay kahapon pa nakabaon sa ngipin niya.
"Yuck ewws! Di ka ba marunong mag toothbrush?! Ang baho ng hininga mo promise!" Reklamong saad ni Justine habang nag-fiflip hair.
"Arte niyo naman." Umirap ang pangit at tumingin sakin.
"Oh?!" Ngiwing tanong ko habang nakatingin parin sa ngipin niya.
"Wala lang." Tumulis ang nguso niya at bumaba sa pagkakaakyat ng puno.
"Hoy alam mo bang bawal ang umakyat diyan? SSG president ka pa naman pero ikaw lang rin pala ang nag-bebreak ng rules! Ang unfair naman masyado." Sabi ko. Lumapit kami ulit sa puno para umupo. Pagkaupo namin ay siyang pagbaba rin ni Cris sa punuan.
"Okay lang. Hindi naman nila malalaman."
"Di mo ba naisip na isusumbong ka namin?" Tanong ko.
"Hindi." at umupo siya sa tabi ko para kunin ang cellphone na hawak ko.
"Anong meron dito? Cellphone 'to ni Marie ah?" Takang tanong niya sa amin ni Justine.
"May nakita kaming ka-SOC si Marie." Sabi ni Justine.
"Hala! Patingin nga." Di niya hinintay ang pagsang-ayon namin at binuksan na niya ang cellphone. Bumungad agad sa kanya ang new 2 unread messages ni Eric. Kanda iling pa siya habang nagbabasa tila di sang-ayon sa nakita.
"Ibigay niyo nalang yan ulit kay Marie. Baka magalit pa yun. Alam niyo namang palaiyakin yun pag nagalit siya."
"Kaya nga." Kinuha ko ang cellphone galing sa kanya at binulsa ito.
"Magpapaalam muna kami pres. Uuwi narin kami pagkatapos naming makausap si Marie." pagpapaalam ni Justine. I wave goodbye too pero di ako makaalis nang biglang hawakan ni Cris ang saya ko.
Takang tumingin ako sa kanya. "Ano?"
"Maglilinis ka pa." Ngumisi siya ulit kaya napairap ako.
"Ay oo nga pala! Una nalang kami ha?" Kinuha ko ang cellphone at binigay kay Justine. "Osige. Ingat!" I waved at her at tumingala ako para lang makita ang mukhang naiiyak na si Marie sa second floor. Nakita ko siyang nakatingin sa akin at umirap pagkatagpo ng tinginan namin.
"Tsk. Ba't ba kayo laging nagaaway?" sabi ni pangit. Dumungo ako at nagsalita. "Ganyan kami, kaya pake mo?"
"Ang sungit naman masyado ni Dora KO."
What?
Dora KO?
Y-Y-Yucks!
"Mukha mo Dora!" Tumalikod ako at pinabayaan siya do'n na lakas makatawa.