ALI
Hangging malamig ang dumadampi saaking balat, malakas na hampas ng alon na pawang musika sa aking tainga sinamahan pa ng malakas na sigaw ng mga tao na tila masaya sa kanilang nakikita. Inilibot ko ang aking mata at natama ito sa babaeng nasa harap ko, nakatalikod, may mahabang kulot na buhok at nakasuot ng puting bestida. Pamilyar ang kanyang pigura pero hindi ko siya maalala. Nakita kong haharap ang babaeng naka puting bestida. Tila tumigil ang oras, biglang tumahimik ang paligid,mabagal na humaharap ang babaeng naka puting bestida. Subalit. Ako'y nasindak sa mukhang aking nakita. Dugo. Nababalot ng dugo ang mukha ng kaninang puting bestida ay tila natapunan ng pulang pintura. Pero hindi, alam kong dugo ito, dugo mula sa mga sugat niya sa katawan. Kagimbal, gimbal ang anyo niya pero tila hindi man lang ako nakaramdam ng takot. May parte saakin na gusto siyang hawakan at yakapin ng sobrang higpit.
"Ali"
May binabanggit siyang pangalan pero hindi ko alam kung sino.
"Ali"
Gusto kong sumagot pero walang boses na lumalabas sa bibig ko,nasa loob ba ako ng panaginip ko?
"Ali"
mabagal na humahakbang ang babaeng ngayon ay balot na ng dugo papunta sa kinaroonan ko. Gusto kong tumakbo ng maputol ang isa niyang binti pero nanatili ang mga paa ko sa kinaroonan nito hindi makagalaw, tila wala lang sakanya ang pagkaputol ng isa nyang paa patuloy parin syang naglalakad upang marating ang kinaroroonan ko.
"Ali" sa muli niyang paghakbang naputol nanaman ang natitira nyang paa dahilan upang siyay matumba, gumagapang siya papalapit saakin. Nakikita ko ang napakaraming dugo.
"Ali" inangat niya ang kamay niya na parang inaabot niya ako. May naramdaman akong likido saaking pisngi, luha. 'Umiiyak ako,ngunit paano? Hindi bat panaginip lang ang lahat ng ito? Nakataas parin ang kamay ng babae na tila nais akong abutin. May pumiga sa dibdib ko ng makita kong lumuluha rin ang babaeng duguan na nasa aking harapan.
"Ali" may kumislap na bagay sa daliri ng babae, isang singsing. Tila bumalik sa akin ang lahat, kotse, lalaki na nagmamaneho, katabi ang isang babae, malabo diko makita ang kanyang mukha , nililipad ng hangin ang mahaba niyang kulot na buhok. Kaheta. Isang singsing.
"Ali" parang may bumabayo sa ulo ko ng marinig ulit ang boses ng babeng duguan.
"Ali" kumirot nanaman ang puso ko ng marinig ang boses ng babaeng duguan sa harap ko.
"Ahhhhhhh" ansakit, sobrang sakit tila mamatay na ako sa sakit. Panaginip lang ang lahat ng ito pero bakit ganitong sakit ang nararamdaman ko! Isang malakas na tunog mula sa pagbangga ng kotse sa kasalubong nitong truck ang lumukob sa pandinig ko.
"Ahhhhhhhh" Nadapo ang mata ko sa babaeng nasa katabi ng lalakeng nagmamaneho.
"Ali" lumilinaw na ang kanyang imahe.
"Ali" hindi. Hindi ito maaari. Ang babaeng duguan at ang babaeng katabi ng lalake ay iisa. Kung ganun ang lalakeng nagmamaneho ay, ako. Nakita ko kung paano naipit ang mga paa ng babaeng katabi ko. Tulad ng babae na una kong nakita inaabot rin ako nito.
"Ali" nahihilo ako.nanlalabo narin ang paningin, ngunit bago pa ako tuluyang mawalan ng malayan,nasaksihan ko ang magandang ngiti ng babaeng katabi ko, nakangiti siya saakin na parang diman lang iniinda ang mga natamong sugat, pinilit niyang abutin ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan,napansin ko ang singsing na suot niya balot na ito ng dugo, pilit inaabot ng babae ang mukha ko habang sinasambit ang mga salitang narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
"m-mahal kita"
TUNOG ng isang makina ang una kong narinig sa pagmulat ng aking mga mata. Puti. Ang unang kulay na aking nakita. Hindi basta panaginip lang ang aking mga nakita kundi ala-ala, sarili kong mga ala-ala.
"H-hon" ang salitang unang lumabas sa bibig ko.
"Ali mahal k-ko" Nagpakita siya sa panaginip ko, upang tuparin ang pangako nya saakin. Dumapo ang mata ko sa kahetang nasa ibabaw ng katabi kong lamesa. Pinilit ko itong abutin kahit na nanghihina na ako. Napangiti ako ng maalala ang unang babaeng nakita ko sa aking panaginip. Si Alisson o Ali. Nakaputing bestida. Nakatayo sa lugar kung saan plinano namin mag-isang dibdib dalawa. Beach Wedding. Tumulo nanaman ang luha ko ng makumpirmang, kahit sa panaginip sinikap niyang dumating sa kasal namin, bilang magiging asawa ko, bilang babaeng mahal na mahal ko. Alam niya na oras na magising ako sisisihin ko ang sarili ko sa pagkawala niya,kaya gumawa siya ng paraan para hindi mangyari yun.
"HON kasal na natin nextweek!"
"Excited ka? Hahaha"
"Oo naman! I will be officially Mrs. Cruz starting that day eh kaya excited talaga ako!"
"Suss, baka naman sa super ka excitedan mo jan dimo na ako siputin ah"
"Hon, baka nga ako pa mauna sayo sa kasal natin eh HAHAHAHA basta kahit anong mangyari pupunta ako sa kasal natin as your very lovely wife,hintayin moko ah!"