webnovel

chapter 11

"Tulong!!"

Naririnig ko ang boses niya, ang boses ni Julie Ann, kaya nagising ako. Natatataranta na na namang bumungad sa akin si ate.

"may masakit ba sayo?" tanong niya.

"wala naman" sabi ko.

"nakita na ba nila si Julie Ann?" dagdag ko pa na ikinagulat naman niya

"may sasabihin ako, wag ka sanang ma bibigla." sabi niya. Bigla akong kinabahan sa narinig ko, wag lang sanang may nangyaring masama sa mahal ko.

"wag na wag kang mabibigla ahhh? kailangan mong patatagin ang sarili mo." sabi niya sakin.

" ano ba talaga, wag ka namang pa thrill." nka ramdam ako nang inis.

"ganito kasi yan." simula niya.

" kilala ko si Julie Ann, base sa mga ikinukwento mo sakin. Alam ko rin na siya yung babaeng kinahuhumalingan mo. 2 days ago na involve ka sa isang aksidente kung saan na puruhan ang ulo mo. Thanks god, kasi hindi naman ganun ka sama. Na comatose ka, and we are so happy na nagising ka na." sabi niya sakin.

"teka? hindi ako na aksidente, nabaril ako! Tandang tanda ko na dun ko siya iniwan sa may likod nang bahay, sa may puno." mariin kong sabi sa kanya.

"makinig ka muna, magpapaliwanag ako base sa ipinaliwanag sakin nang doctor." saway niya sakin at nag patuloy siya. "maaaring isang panaginip lamang ang naranasan mo, dala nang pagkabagok nang ulo mo. Yan ang sabi nang doctor. Walang Julie Ann na nakasama mo, na ipinagtanggol mo. Lahat nang naranasan mo ay isang ilusyon. Akala mo totoo pero hindi." sunod.x niyang sabi sakin, habang ako, hindi nag sisink in lahat sa utak ko. Hindi ako makapaniwala, at hinding hindi ako maniniwala. Siguro may nag punta ditong kasamahan nang taga sindikato. Siguro may kasabwat sa pamilya namin at gusto lang akong protektahan. Siguro itinago nila si Julie Ann. Magkahalong galit at inis ang nararamdaman ko, bakit ba ako pinaglalaruan nang tadhana? May nagawa ba akong mabigat na kasalanan? Bakit naman ganito ang kapalit? Bakit???

Biglang nanumbalik ako sa bahay, naroon si Julie Ann. "Crush??!!" tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako at tumakbo siya patungo sakin, agad naman niya akong niyakap.

"kain na tayo, nakapagluto na ako nang paborito mong,tsaraaann, pakbet. Pak na pak ang lasa, habang bet na bet mo naman ang nagluluto." sabay ipinakita niya yung umuusok png pakbet.

"wow, ang sarap naman. Pero mas masarap ka kasi ehhh, pde meryenda na lang to? ikaw muna ang hapunan ko?" pilyong sabi ko sa kanya nang may nakakalokong ngiti.

"gusto mo? now na?" at inilagay niya yung pagkain sa mesa, at agad na umupo siya sa binti ko.

"sana nuh? ganito lang tayo palage." sabi ko sa kanya. Biglang narinig ko ang tinig ni mama, "Teka, parang si mama yun ahhh? " sabi ko sa kanya. At nang may bigla akong na alala, naalala kong may tumakbong babae sa motor, tapos napalitan yun nang isang kotseng rumaragasa sa papunta sa direksyon ko. Sinubukan kong tumakbo sana pero naabutan ako, parang flashback lahat. Nakita ko si Crush, tinatawag niya ang pangalan ko. Sinubukan ko siyang hawakan, pero tila bqy hinihila kami papalayo sa isat-isa. Nakaramdam ako nang pagka uhaw, pagkagutom, pagka pagod at panghihina. Yung mukha ni Julie Ann na nasa harap ko, unti-unting lumabo, hanggang sa unti-unti na namang luminaw, tinatawag niya ako, yung bulto nang taong nasa harap ko, unti unting nabuo, nakita ko na, malinaw na, si ate, kinakausap niya ako.

Naka tulala pala ako,

may sayad na ata ako.

Nächstes Kapitel