webnovel

Chapter 23

"I love you." Nangingilid ang luha ni Lucy habang yakap yakap ang asawang si Damian. "And you know how much I love you too, right?" Sabi ni Damian na tuluyan ng nagpaiyak kay Lucy. "Hey, stop crying, ang pangit mo na." Nakatikim ng hampas si Damian mula kay Lucy na ikinangiti nila Abigail at Mia na iniintay na ang kanilang pasyente. "Wala pa ba ang anak mo?" Tanong ni Damian. "Nag-text kanina, medyo ma-late daw sila ni Valerie." Nagkatinginan sila Abigail at Mia sa nadinig. Hindi naman nagtagal ay may kumatok na din sa pinto at pumasok na sila Luke at Valerie. Mga nagtatanong na mata nila Abigail at Mia ang sumalubong kay Valerie. Mga ngiti naman ng mga magulang ang bumungad kay Luke.

"Mukhang nasarap kayo ng tulog ah." Nanunuksong sabi ni Damian. "Ang kulit po kasi nitong si Luke. Tatakasan pa po ako kagabi." Sumbong ni Valerie. "Hindi kaya, sabi ko lang magpapahangin ako sa labas 'di ba?" Sabi naman ni Luke.

"Sandali, magkasama kayo kagabi?" Nakalimutan ni Valerie na sabihin sa kaibigan na sa kabilang unit na nakatira si Luke at mukhang nakalimutan din ni Andre na sabihin ito sa girlfriend. "Ha, ah..." Kita ni Valerie ang pagtaas ng kilay ni Abigail. "Kasi...ganito..." Hindi natapos ni Valerie ang sasabihin dahil nagsalita si Lucy. "Nakiusap ako kay Valerie na baka pwede niya munang samahan si Luke sa unit nito kagabi kasi magkapitbahay naman sila." Lalong kumunot ang noo nila Abigail at Mia pero maya-maya ay may mga sumilay ng mga nakakalokong ngiti sa mga magagandang mukha nila.

"Hindi kami magkatabing natulog, sa sahig siya tapos ako sa kama." Alam ni Valerie na walang silbi ang paliwanag niya dahil tiyak na kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ng mga ito. "Don't worry, alam kong wala talagang nangyari sa kanila. Conservative 'yang si Luke." Nag-init pareho ang mukha nila Luke at Valerie at nakita iyon nila Abigail at Mia na nagpangiti ng lihim sa kanila.

.......

"Pasok! Pasok!" Sabi ni Valerie habang tulak tulak si Luke para pumasok sa unit nito. "Magpapahangin nga lang ako sa labas." Sabi ni Luke. "Heh! Luma na 'yang palusot mo." Sabi naman ni Valerie.

Nang tuluyan ng makapasok si Valerie sa unit ng binata ay humanga siya sa nakita niya. Kahit kakalipat lang ng binata ay naiayos na agad nito ang lahat.

"May wine ka ba?" Nagulat si Luke sa tanong ni Valerie. "Don't get me wrong, makakatulong sa pagtulog ang konting alak. I know what are you feeling right now and I know how to deal with it so..." Ngumiti si Luke at naglakad papunta sa kanyang personal ref. "Ito lang ang meron ako." Sabi ni Luke na hawak ang isang san mig in can. "That would do." Sabi naman ni Valerie. Matapos iabot ni Luke ang beer kay Valerie ay naupo siya sa sahig at nag-indian sit. Nang lumingon siya sa dalaga ay ganoon din ang posisyon nito kaya napangiti siya.

"Ang hirap maging only child noh?" Si Valerie ang unang bumasag ng katahimikan nilang dalawa. "Yeah." Maikling sagot ni Luke. "Mahirap na masarap kasi the love and the attention ay para sa'yo lang but in situations like this..." Dumiin ang hawak ni Luke sa beer in can niya. "Honestly, kapag relative ang patient ko, mas kinakabahan ako. What if may mangyari? What if hindi maging successful ang operation? What if..." Hindi natapos ni Valerie ang sasabihin ng hawakan ni Luke ang magkabilang pisngi niya. "Like what my Mama said, we'll get through this. Kung ano man ang mangyari, 'wag na 'wag mong sisisihin ang sarili mo. May dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay sa atin." Ngumiti si Valerie sa nadinig mula sa binata. "Yeah, Tito Damian will be fine. Ako yata ang doktora niya." Ngumiti si Luke pero hindi pa din inaalis ang dalawang kamay sa pisngi ng dalaga at ang mga titig niya sa magandang mukha nito. Kinabahan si Valerie ng dahan-dahan lumalapit sa kanya si Luke pero wala na siyang nagawa ng unti-unti ng lumapat ang mga labi nito sa labi niya. Pareho silang nawala sa sarili at tumugon sa halik ng isa't isa.

Nagsisimula ng uminit ang paligid at nagsisimula na ding maglikot ang kamay ni Luke pero tila pareho silang binuhusan ng malamig na tubig ng tumunog ang phone ni Valerie.

"Hello..." Sagot ni Valerie kay Abigail na nasa kabilang linya. "Natutulog ka na?" Tanong ni Abigail. "Ha, ah, eh, patulog na. Bakit ka tumawag?" Natatarantang sabi ni Valerie. "Itatanong ko sana kung ano'ng oras ko schedule si Tito Damian bukas." Sabi ni Abigail. "Ahh, 7 am. Yun lang?" Tanong ni Valerie. "Yeah, bakit parang nagmamadali ka, may pupuntahan ka ba?" Nakangiting tanong ni Abigail. "Wala, kasi matutulog na ako." Sagot naman ni Valerie. "Aba, bago yata 'yun ah." Sabi ni Abigail na alam na alam na inaabot ng madaling araw ang kaibigan sa pagbabasa ng mga information sa gagawin nilang OR kinabukasan. "Sige na, bye!" Sabi ni Valerie sabay patay ng kanyang phone.

Nang tumingin si Valerie kay Luke ay nakita niya na nakangiti ito sa kanya. "Bakit?" Kunyaring pagtataray niya. "Wala, ang cute mo lang tingnan kapag guilty ka." Hindi pa din maalis ang ngiti sa gwapong mukha ni Luke at naiinis si Valerie sa sarili dahil gusto niya ulit matikman ang tamis ng una niyang halik.

"Matulog na tayo." Aya ni Valerie sa binata. "Dito na lang ako sa sofa." Dugtong niya. "Nope, doon ka sa kwarto, dito ako." Sabi naman ni Luke. "Huh, para makatakas ka? No way!" Natawa si Luke. "Eh di tara sa kwarto." Biglang hinila ni Luke si Valerie. "Sandali! Sandali lang!" Pero hindi siya nakawala sa hawak ng binata.

Nakahinga lang ng maluwag si Valerie ng makita niyang inayos ng binata ang hihigaan nito sa sahig. "Don't worry, gaya ng sabi ni Mama, conservative ako." Biglang tumingin si Valerie sa binata dahil sa hindi siya makapaniwala dito. "Conservative? Eh ano yung nangyari kanina?" Tanong ni Valerie sa sarili na para namang nadinig ni Luke. "Yun ang pagkakaalam ni Mama." Sabi ni Luke na may nakakalokong ngiti sa mukha. Ramdam ni Valerie ang pamumula ng mukha niya. "Matulog na tayo!" Sabi ni Valerie sabay takip ng kumot sa buong katawan niya. Natawa si Luke sa itsura ng dalaga na akala mo binalot na suman. Hindi na siya mangungulit pa. Alam niyang sa kanilang lahat, si Valerie ang dapat makapagpahinga.

.......

"Kaya pala nagmamadali kagabi kasi..." Hindi natuloy ni Abigail ang sasabihin dahil tiningnan na siya ni Valerie pero nginitian lang niya ito.

"Are you ready, Tito?" Baling ni Valerie sa kanyang pasyente at tango ang isinagot sa kanya ng matanda. Humiga na si Damian sa stretcher at pagkatapos ay hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Lucy. Palabas na sana sila ng kwarto pero naunahan silang magbukas ng pinto ng humahangos ni si Andre.

"Oh, come on, not now." Sabi ni Luke ng makita niya na dala ni Andre ang complete swat uniform niya. "Sorry, Cap, duty calls." Hinging paumanhin ni Andre. "Go ahead, anak." Sabi ni Damian. "Pero Pa..." Lumapit si Luke at hinawakan ang kamay ng ama. "They need you. Nandito naman ang Mama mo and si Valerie so don't worry." Gustong mainis ni Luke kay Andre pero wala siyang magawa. "I love you, Pa." Sabi ni Luke saka niyakap ang ama. "I love you too, son." Tinanguan ni Valerie sila Abigail at Mia para dalin na si Damian sa Operating Room. Nang makaalis ang ama ay nagmamadaling nagbihis si Luke. Paglabas niya mula sa CR ay nagulat siya ng madatnan pa si Valerie sa loob ng kwarto.

"Nauna na si Andre sa sasakyan." Sabi ni Valerie. "Ano'ng oras matatapos ang operation?" Tanong ni Luke. "Maybe, later this afternoon." Sagot ng dalaga. "Babalik agad ako." Sabi ni Luke. "Okay, don't think of anything. Focus ka lang sa work." Ngumiti si Luke at nilapitan ang dalaga. "Yes, Ma'am. Focus on my father and don't think about me." Natawa si Valerie. "This is a good relaxation though..." Bago pa nakapagsalita si Valerie ay naramdaman na niya ang mga halik ni Luke na kagabi pa niya iniisip kaya lang ay bigla din silang naghiwalay ng makadinig ng "ehem" sa may pinto.

"Dra. Valerie Villaflores you are needed in the OR right now." Nakangising sabi ni Abigail. "Captain Luke Villacorta iniintay na po tayo ng ORION sa labas." Nakangisi ding sabi ni Andre. "Okay!" Sabay na sabi nila Luke at Valerie at sabay din naglakad palabas ng kwarto na parang walang nangyari. Dahil nakatalikod ay hindi nila nakita ang pagtawa at pag-aapir nila Andre at Abigail.

Nächstes Kapitel