webnovel

Chapter 17

Naamoy agad ni Valerie ang mabangong amoy ng pagkain paglabas niya sa kanyang kwarto at lalo siyang namangha sa mga pagkain nakita niya na nakahain sa kanyang mesa. Hindi makapaniwalang tiningnan ni Valerie si Luke na nakasuot pa din ng apron habang inaayos ang mesa.

"Kain na." Nakangting sabi ni Luke. "Wow!" Tanging nasabi ni Valerie na ikinatawa naman ni Luke. "I thought baril lang ang alam mong hawakan." Dugtong ng dalaga. "Well...minsan sandok, minsan walis, minsan naman pwede ding baton." Natawa si Valerie sa sinabi ng binata. Inalalayan ni Luke si Valerie hanggang sa maka-upo ito sa upuan at nag-umpisa na silang kumain.

"Hhhmmm...ang sarap nito." Napangiti si Luke sa sinabi ni Valerie. "Grabe, kapag ganito araw-araw tiyak na tataba ako." Dugtong pa ng dalaga. "Mura lang naman professional fee ko." Nakangiting sabi ni Luke. "Kahit araw-araw pa kitang ipagluto ay walang problema lalo pa't..." Naputol ang sasabihin ni Luke dahil may kumatok sa pinto. Kumunot ang noo ni Valerie dahil wala naman siyang iniintay na bisita. Si Luke na ang tumayo para buksan ang pinto.

"Cap!" Sabay-sabay na sabi nila Andre, Aziz, Bowie, Ceasar, at Darwin. Dahil sa nadinig na mga boses ay paika-ikang lumapit si Valerie sa pinto at kumunot ang noo niya ng makita niya ang mga kahon na dala-dala ng ORION.

"Magiging magkapitbahay na kayo ni Cap!" Bungad ni Andre na inunahan na si Luke sa pagsasabi sa dalaga. Tumingin naman si Valerie kay Luke ng may pagtataka sa mukha. "Ahm...eh...kasi nakita ko na may isang unit na bakante. Haha, akalain mo dito pala sa tapat ng unit mo." Tumaas ang kilay ni Valerie at natawa naman ang ORION sa sinabi ng kanilang Captain. Tiningnan ni Luke si Andre na parang sinasabi na, "Umalis na kayo. Ayusin n'yo na ang mga gamit sa unit ko." Naintindihan naman nila Andre ang tinging ibinigay sa kanila ni Luke kaya nagpaalam na sila kay Valerie at nagmamadaling lumipat sa kabilang pinto.

Bumalik sa lamesa sila Luke at Valerie at pinagpatuloy ang pagkain. Nakatingin si Valerie kay Luke samantalang ang binata ay hindi naman makatingin ng derestso sa kanya. "Luke?" Sabi ni Valerie pero parang walang nadinig ang binata at patuloy sa pagkain. "Mr. Luke Villacorta!?" Doon na tumingin ang binata sa dalaga. "Yes, Ma'am?" Nakangting sagot ni Luke na ikinaikot ng mata ni Valerie.

"Bakit ka titira sa kabilang unit?" Tanong ni Valerie. "Bakante eh." Sagot ni Luke. "Saka bawal ba?" Dugtong pa ng binata. "Pero may bahay kayo 'di ba?" Muling tanong ni Valerie. "Para maiba naman ang ambiance ko." Sagot ng binata. "Luke!" Naiinis ng sabi ni Valerie. "Para mapagluto kita araw-araw." Sasagot pa sana si Valerie pero may kumatok na naman sa pinto. Ang binata ulit ang nagbukas nito sa pag-aakalang sila Andre ulit ang kumatok pero biglang sumeryeso ang mukha niya ng ang bumungad sa kanya ay isang pamilyar na mukha na hindi matandaan kung saan niya nakita. Ganoon din ang reaksiyon ng lalaki pagkakita kay Luke. Nakakunot ang noo at nagtatanong sa sarili kung namali ba siya ng unit na pinuntahan. Dahil natagalan si Luke sa pagbalik ay pinuntahan na ni Valerie ito sa pinto. Nang makita at makilala kung sino ang 'di inaasahang bisita ay napatili siya.

"Iggy!" Paika-ikang lumapit si Valerie sa pinsan at mabilis itong niyakap. Ngumiti naman si Iggy ng makita ang dalaga pero nawala agad ang ngiti nito ng makita ang nakabendang paa ni Valerie. Mabilis na humiwalay si Iggy sa pagkakayap nito.

"Ano'ng nangyri sa'yo?" Seryosong tanong ni Iggy. "Ah...eh..." Hindi natapos ni Valerie ang isasagot sa binata dahil nagsalita na si Iggy. "Fix your things. You're coming with me." Seryosong sabi ni Iggy sabay hawak sa braso niya. "Wait, wait lang." Bitaw ni Valerie sa paghila ni Iggy at dahil hindi pa nga ayos ang paa niya ay muntik na siyang matumba pero agad siyang naalalayan ni Luke.

"Pare, dahan-dahan lang." Singit ni Luke. Nagsukatan ng tingin ang dalawang binata at ramdam ni Valerie ang tensyon sa dalawa.

"Iggy, please, let me tell you everything para maintindihan mo." Paki-usap ng dalaga sa pinsan. "Luke, please, pumunta ka muna sa unit mo." Paki-usap naman ni Valerie sa kaibigan. "Okay!" Sabay na sabi ni Luke at Iggy pero seryoso pa ding nakatingin sa isa't isa. "Iggy, Luke, please!" Naiinis ng sabi ni Valerie. Si Luke na ang unang sumuko. Lumabas na siya ng hindi man lang tinapunan ng tingin ang dalaga.

"Start!" Seryoso pa ding sabi ni Iggy. "You must convince me with your explanation or else hihilahin talaga kita palabas kahit pa nakabenda ka." Dugtong pa nito na hindi naman gagawin sa pinsan ang huling sinabi.

.......

Nagulat ang ORION ng pabalagbag na sinarado ng Captain nila ang pinto. "Woah, Cap, LQ na agad?" Nakatawa pang biro ni Andre pero umayos din siya ng tumingin sa kanya si Luke ng wala man lang kangiti-ngiti sa mukha.

"May problema ba, Cap?" Tanong ni Aziz. "Aabangan na ba natin sa labas, Cap?" Dugtong naman ni Bowie. "Cap?" Sabay na sabi ni Ceasar at Darwin. Bumuntong hininga si Luke at tumingin sa mga kasama.

"May dumating kasi sa unit ni Valerie. Pamilyar siya pero hindi ko matandaan kung saan ko nakita." Pagsisimula ni Luke. "Lalake ba?" Tanong ni Andre at tango ang sinagot ni Luke. "Alam ko na problema mo, Cap!" Sabi ni Darwin. "Selos!" Sabay-sabay na sabi ng ORION pagkatapos ay tumawa ng malakas. Gustong batukan isa-isa ni Luke ang mga kasama pero pinigil niya ang sarili dahil sa totoo lang tama sila, nagseselos siya.

"Gusto mo bang puntahan ko, Cap?" Tanong ni Andre. "Utos mo lang, Cap." Dugtong naman ni Ceasar. "Tapos bukas sabay-sabay tayong gagawa ng incident report." Medyo nakangiti na si Luke kaya alam ng ORION na kumalma na ang binata kahit papaano.

"Iggy...Iggy...Iggy." Ulit ni Luke sa pangalan ng nakaharap kanina. "Ano'ng pangalan, Cap?" Tanong ni Bowie. "Iggy." Muling sambit ni Luke sa pangalan ng binata. "Iggy!?" Malakas na sabi ni Andre. "As in Iggy Villaflores? As in Team Captain ng Phoenix?" Dugtong ni Andre na kinakunot naman ng iba. "Cap! Haha, wala kang dapat ipagselos. Pinsan ni Valerie si Iggy!" Nakangising sabi ni Andre. Umaliwalas bigla ang mukha ni Luke. Para siyang nabunutan ng tinik ng malaman na hindi niya pala karibal ang nakaharap kanina pero natampal niya ang sariling noo ng maalala ang nangyari kanina.

"Oh, bakit, Cap?" Nagtatakang tanong ni Aziz. Kinuwento naman ni Luke ang nangyari at iisa lang ang sinabi ng ORION, "Paktay tayo dyan, Cap!"

Nächstes Kapitel