webnovel

Chapter 11

Ramdam ni Valerie ang pagbagsak niya pero ang inaasahan niyang matigas na sahig ay napalitan ng malambot na katawan. Dahil sa takot kanina ay pinikit na lang niya ang kanyang mga mata sabay bulong ng, "Bahala ka na, Lord." Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at ang bumungad sa kanya ay ang nakangiting mukha ni Luke. "Hi!" Sabi ng binata. "Yung bomba!?" Nanlaki ang mga mata ni Valerie ng maalala ang hawak na bomba. Luminga-linga siya at nakita ito na nakalapag na sa sahig. "Bigla niyang niyakap si Luke. "Sasabog tayo!" Sigaw niya. Naramdaman niya ang nginig sa katawan ng binata at ng tingnan niya ito ay naiinis siya dahil pinipigil nito ang pagtawa. "Ano'ng tinatawa mo? Mamamatay na tayo tapos tumatawa ka pa dyan!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Valerie.

"Val, relax. Mukhang palpak yung pagkakagawa ng bomba kaya ayun, hindi naman pumutok. Pero kung pumutok man eh si Captain muna ang masasaktan." Nagulat pa si Valerie ng madinig ang boses ni Andre. Nang lumingon siya ay nahandoon din ang iba pang miyembro ng ORION.

"Nakaka-inis ka! Nakaka-inis ka!" Umiiyak na sabi ni Valerie habang pinagpapapalo si Luke. "Ssshhh, sorry, sorry." Pag-aalo naman ni Luke sa dalaga.

Nang kumalma si Valerie ay tumayo na siya mula sa pagkakadagan kay Luke pero natigilan siya ng makita ang duguan kamay ng binata. "Ang kamay mo!" Agad na hinawakan ni Valerie ang kamay ng binata at saka luminga-linga para humanap ng puting tela. Wala siyang makita kaya tinanggal niya ang puting cardigan at ito ang ibinalot niya sa kamay ni Luke. Para namang gustong ipasuot muli ni Luke kay Valerie ang cardigan na hinubad. Kitang-kitang kasi ang magandang hubog ng katawan ng dalaga at ang kinis at puti ng balat nito. Hindi lang siya ang humanga dito kungdi pati ang mga kasamahan sa ORION maliban kay Andre.

"Ano'ng nangyari?" Pagkamot sa ulo lang ang ginawa ni Luke. "Sinalo lang naman niya 'yung balisong na dapat sa likod mo tatama." Si Andre ang sumagot sa tanong ng dalaga. "Tara na sa ospital." Yaya ni Valerie. "Malayo naman sa bituka 'to." Pagyayabang ni Luke. "A...a...aray!" Napasigaw ang binata ng diinan ni Valerie ang sugat sa kanyang kamay. Natawa naman ang ORION pero ng tingnan sila ng kanilang Captain ay sumeryoso sila.

.......

"Valerie!!!" Napatili si Abi ng makitang palabas na ang kaibigan mula sa loob ng bangko. Yayakapin niya sana ito pero ng makitang hawak-hawak nito ang kamay ni Luke ay napahinto siya. "Ano'ng nangyari?" Takang tanong ni Abi. "Nagpaka-night in shining armor si Cap." Sagot ni Bowie. "Wew nemen, Luke. Ikaw na ang prince charming." Napaigtad si Abi ng sipain siya ni Valerie.

"Val, kailangan naming bumalik sa base para magreport. Hindi naman malalim yung sugat. Sa base ko na lang papagamot." Pero parang walang nadinig si Valerie. "Andre, pwede namang kayo muna ang gumawa ng report 'di ba?" Baling ni Valerie sa kaibigan. "Ha...eh..." Tumingin si Andre kay Luke na gustong matawa dahil sinisenyasan siya ng binata na hindi pwede. "Pwede naman kaso eh hahanapin siya ni Major." Sagot ni Andre. "Pero kung sabihin ko naman na nasugatan siya at kailangan lapatan ng first-aid ay maiintindihan naman ni Major yun." Gustong batukan ni Luke si Andre sa sinabi nito. "Good! Then, let's go. Abi..." Tawag ni Valerie sa kaibigan na sinasabing siya muna ang humawak sa kamay ni Luke dahil siya ang magmamaneho. "Abi, okay na ko. Alam mo naman na kayang-kaya ko 'to." Bulong ni Luke. "Oo pero ayokong mapahamak." Ganting bulong ni Abi sabay nguso na itinuturo ang nakapameywang ng si Valerie.

"Sakay!" Utos ni Valerie. "Val..." Hindi natapos ni Luke ang sasabihin dahil nagsalita muli ng, "Sakay!" ang dalaga.

"Ba-bye, Cap." Sabay-sabay na sabi ng ORION na may kasama pang hand signal. Gustong bumaba ni Luke para mabatukan isa-isa ang team niya pero ng makita na nakatingin sa kanya si Valerie ay nanahimik siya.

.......

"Valerie!!! Dra. Villaflores!!!" Halos mabingi si Valerie sa pagtawag sa kanya ng mga kasamahan sa ospital. "I'm okay, I'm okay." Sunod-sunod na sabi niya habang papunta sa ER. "Abi, paki-handa ang gamit." Sabi niya at dali-dali namang hinanda ng kaibigan ang suturing kit na gagamitin sa pagtahi ng sugat ni Luke.

Nagtaka si Valerie ng biglang nawala ang ingay sa ER. "Valeriana!!!" Napapikit si Valerie at Abi ng madinig ang malakas na boses ng kanilang Director. "Ni...Director Ricafort." Biglang harap ni Valerie saka ngumiti ng pagtamis-tamis. "In my office, now!" Seryosong sabi ni Hendrix. "Pero may pasyente po ako." Dahilan ni Valerie. Sinilip naman ni Hendrix ang sinasabing pasyente ng dalaga.

"Lucas? Ikaw ba 'yan?" Paninigurado ni Hendrix. Napangiwi naman si Luke sa tawag sa kanya ng kaibigang matalik ng ama. Nagkatinginan naman sila Valerie at Abi.

"Yes, Tito. Kamusta po?" Bati ni Luke. "Ikaw ang kamusta? Ano'ng nangyari sa'yo?" Tanong ni Hendrix. "Siya po ang Captain ng ORION na nagligtas kay Valerie, Director." Si Abi ang sumagot. "You mean, si Luke at Lucas ay iisa?" Parang naguguluhang tanong ni Hendrix. "Yes, Tito. Bata pa po kasi ako noon kaya Lucas eh ngayon po matanda na kaya Luke na po." Nakangiting paliwanag ni Luke. "Matagal na kasi kaming hindi nagkikita ni Pareng Damian kaya hindi ko na alam ang mga nangyari sa'yo. Magkita man kami ay puro trabaho ang pinag-uusapan namin." Sabi ni Hendrix. "Ah, Director, itutuloy ko na po ang pagtatahi." Singit ni Valerie. "Ah, sige, sige." Akala ni Valerie ay nakaligtas na siya sa kanyang ninong.

"Pagkatapos mo d'yan ay pumunta kayo sa opisina ko." Muling bumalik ang seryosong tono ni Hendrix. "Pero may mga naka-sched po akong OR." Palusot ni Valerie. Ngumiti si Hendrix na kinakaba ni Valerie. "Re-schedule lahat ng OR mo ngayon, actually ng buong week, magbakasyon ka muna." Nagulat si Valerie sa sinabi ni Hendrix. "Pero, Ninong!" Medyo tumaas ang boses ni Valerie. "Dra. Villaflores, we'll talk in my office when you finish treating the patient, understood?" Napayuko bigla si Valerie at tumango na lang bilang sagot sa kanyang Director.

Tahimik na pinagpatuloy ni Valerie ang pagtatahi sa kamay ni Luke.

"Val..." Tawag sa kanya ni Abi. "Not now, Abi." Sagot naman ng dalaga. "Val, everything's gonna be okay. Konting paliwanag lang kay Director at maiintindihan ka naman niya." Sabi ni Abi. "I don't think so, Abi. Last warning niya na sa akin last week and I don't think makikinig pa siya sa akin." Malungkot ang boses ni Valerie. "Sorry." Singit ni Luke. Sabay namang tumingin ang dalawang dalaga sa nagsalitang binata.

"Bakit ka nag-sosorry?" Takang tanong ni Valerie. "Dahil yata sa 'kin kaya ka napagalitan." Ngumiti si Valerie. "No, no, it's not you. Kasalanan ko kasi masyado akong lapitin ng disgrasya." Sabi ni Valerie. "Enlighten me." Nakangiting sabi ni Luke. Tumingin si Valerie kay Abi at ng tumango ito ay nagsimula ng magkwento ang dalaga.

.......

"Come in." Sabi ni Hendrix ng madinig niyang may kumatok. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang nakangiting si Luke at ang malungkot na si Valerie. "Please, sit down." Sabi ni Hendrix sabay tayo sa kanyang swivel chair at umupo na din sa sofa kung saan kaharap ang dalawa.

"Kamusta ang sugat mo?" Tanong ni Hendrix. "Okay na po. Magaling po ang doktor ko." Nakangiting sabi ni Luke. "Well, kaya kita pinatawag na din ay para pasalamatan sa pagliligatas mo sa kanya." Sabi ni Hendrix. "Wala po 'yun. Trabaho po namin ang magligtas ng mga nalalagay sa alanganin." Sagot ni Luke. Bumaling si Hendrix kay Valerie.

"I've already called your dad and mom. They will fetch you this afternoon." Gustong maiyak ni Valerie sa nadinig. "Ninong, hindi ko naman ginusto yung mga nangyari. Nagkataon lang naman po nandoon din ako sa lugar. Ninong, alam n'yo ang dahilan ko kung bakit ako dito nagpumilit magtrabaho. I've been honest with you from the start. Ayokong sa Baguio magtrabaho, Ninong. Please, Ninong." Hindi na napigil ni Valerie ang pag-iyak. Hindi naman malaman ni Luke kung ano ang gagawin kaya hinagod na lang niya ang likod ng dalaga.

"Sino bang may sabi na doon ka na magtatrabaho?" Natatawang sabi ni Hendrix. Natigil naman sa pag-iyak si Valerie. "You will only take a one week vacation leave. Noon pa ako kinukulit ng parents mo because you've been gone for a year. Miss na miss ka na daw nila." Hindi pa din maalis ang ngiti sa mukha ni Hendrix. "Ninong naman eh!" Imbis na matuwa na ay muling umiyak ang dalaga. Muli naman hinagod ni Luke ang likod nito. "Ssshhh, tahan na." Pag-alo ni Luke hanggang sa tuluyan ng niyakap ng binata ang umiiyak pa ding dalaga. Natutuwa naman si Hendrix sa kanyang nakikita.

Nächstes Kapitel