webnovel

There's always a first person (e)

Carlos

"May paligsahan po sa lugar namin."

And she finally said her creative reason. Sa dahilan niyang ito, inaaasahan niya na maniniwala ako sa kanya? I am the CEO of this company, and she has the guts to play with me. Fine, then.

"Saan? Gustong kong panoorin ang performance mo? I find it interesting."

Naigilid ko ang mukha ko ng makita kong pinagdikit niya ang kanyang labi. Damn, I have a problem with her lips. Tumikhim ako at bumaling ulit ako sa babae.

"Where is your place?"

"Malayo po, sir."

Seriously, she really wants to pull this dumb act. Ang laki ng problema ng babaeng ito, we both know that her reason doesn't make sense at all.

Tumitig ako sa kanya. See, mga mata pa lang niya at ang paggalaw ng labi niya, alam kong may iniisip siya na taliwas sa sinasabi niya parang sa elevator kanina.

"Sir? Nandito po pala kayo-"bumaling ako sa chief editor. Kaagad naman na tumahimik ito. Binalik ko ang tingin ko sa babae.

"So, am I allowed to accept the order."

"Opo Sir, siyempre po."mabilis na sagot ng babae.

"Sign niyo na lang po itong delivery receipt, Sir."nakatingin siya sa akin habang linabas niya ang receipt pad sa maliit na bag na suot niya pero lumilipat ang mga mata niya sa mga empleyado kong sunod-sunod na sa paglabas sa office nila.

Naglakad na ako palapit sa kanya. Aabutin ko na sana ang resibo at ballpen na hawak na niya pero napatigil ako ng maramdaman ko ang nanginginig niyang kamay.

I tried to look at her eyes, but she's eyeing down the receipt. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil nagtataka ako kung bakit siya nanginginig. Ipinatong ko na pailalim ang kamay ko sa kamay niyang nakahawak sa resibo, dito na umangat ang ulo niya at tinignan ako.

Nagpantay narin ang mga mata namin. I don't know how to read facial expressions, but her eyes are showing too much emotion. She's too concerned.

"Sign niyo na po, Sir."

Kinapa ko ang ballpen na hawak niya dahil gusto kong malaman kung ano bang sinasabi ng mga mata niya ngayon, kung anong iniisip niya, kung bakit siya nagkakaganito, at kung bakit gusto kong malaman.

"Sir, i-sign niyo na po."narinig ko ang panggigigil sa boses niya sa akin.

Is she back to herself again? Bumaba na ang tingin ko sa resibo at tinignang mabuti ito.

"Bakit nanginginig ang kamay mo kanina?"tanong ko.

"Sign, Sir."

"Kinakabahan ka?"mabilis kong pinirmahan ang resibo pero nanatili ako sa ganoong posisyon at hinintay ang kanyang sagot.

"Ikaw Sir?Paralyzed na 'yang kamay mo."

I let out a small chuckle because of her remarks. I think she's fine now.

"Sa akin ka ba kinakabahan? O sa mga empleyado ko?"

"Sayo talaga ako kakabahan Sir, kung magtatagal ka pa dito sa harapan ko."umangat ang mga mata ko sa sinabi niya.

Now that her face is close to me, I can clearly see her tiny eyelashes, which matched her light brown eyes and perfectly blended with her bare lips. Pansin ko naman na hindi siya naka-lipstick pero bakit ang pula ng labi niya, kaka-kagat niya siguro nito.

Napansin kong sinusuri na niya ang titig ko sa kanya kaya tumikhim ako.

"Sa akin?Bakit?"

Nanggigil niyang kinagat ang ibabang labi niya. "Kanina pa tayo nagbubulungan dito, Sir. Iba na ang tingin ng mga empleyado mo, Sir."

I couldn't help but look at her lips even more. Something sensational arose in me when I saw her taking a gulp, but it quickly dissipated when I realized it was a nonsensical feeling.

Ipinantay ko na ulit ang mga mata ko sa kanya. "Tapos ko ng pirmahan."kaswal kong saad.

Pagkalagay niya ng receipt pad at ng ballpen sa maliit niyang bag, she immediately takes a short step back and then finds her way out.

Inayos ko naman na ang tindig ko at hinarap ko ang mga empleyado ko.

"Who is in charge of this floor's reception area?"

Wala akong narinig na kahit na anong sagot mula sa kanila kaya tumalim na ang mga mata ko sa kanilang lahat. "Kailangan ko bang ulitin ang tanong ko?"

"Sir, ako po."sagot ng isa, linipat ko naman ang tingin ko sa kanya.

"Bakit mo iniwan ang trabaho mo?"

"Sir, tumulong po kasi ako sa paghahanap sa isang reference na kailangan-"

"At iyon ba ang pinasukan mong trabaho dito? Kung gusto mo pa lang maging helper, you should not have applied for the position of receptionist here."galit kong saad sa empleyado ko.

"I'm sorry, Sir-"

"Sir, wala po siyang kasalanan. Humingi po ako ng tulong sa kanya dahil nag-absent po yung isa naming kasama."

Hindi ko na tinignan ang isa ko pang empleyado dahil binaling ko na ang atensyon ko sa supervisor. "Ms. Hilda, alam niyo bang may magde-deliver ng order niyo ngayon?"

"Yes Sir, nasabi ko na sa receptionist kanina na- I'm sorry Sir, hindi ko na-handle ng maayos ang sitwasyon dito ngayong araw."

"Good, you know very well. I'm disappointed with your work today-"

"Mr. CEO, tama na ang panggigisa niyo kay Ms. Hilda. Sadyang tambak talaga ang trabaho dahil tatlo kaming magpa-publish ng libro ngayong buwan na ito."dumeretso ang mata ko sa pintuan, nakatayo dito ang pinakamain-writer ng kumpanya ko.

"At sigurado akong ayaw mong makita niya kung ano ka bilang boss sa kumpanya mo. Masisira ang image mo niyan."

Humarap ako sa tinurong direksyon ng writer.

She's still here, I thought she already left. "Why are you still here?" tanong ko pero hindi siya sumagot at ilang segundo muna niya ako tinignan bago siya tumalikod at tuluyang umalis.

Na-ituro ko siya at napa-hakbang ang mga paa ko pero tumigil rin ako. Anong problema ng babaeng 'yon? Hindi siya umalis kanina tapos ngayon bigla na lang siyang umalis. How could she live like that?

"Get back to work."utos ko at humakbang na ulit ako paalis.

"Gusto niyo po bang iparahang ko siya sa guard."habol sa akin ng secretary ko.

"Why would you do that."patuloy ang paglalakad ko baka sakaling maabutan ko ang babae sa elevator pero nang makarating ako sa harapan nito, pasara na ito.

"Kung ganoon Sir, ipapatawag ko na lang po ang boss niya."matalim ang mga mata ko ng bumaling ako sa secretary ko.

"Then, what do you want me to do, Sir?"

"None."

"Pero parang hindi niyo na kayang pigilan ang galit niyo, Sir."

Hindi ko na pinansin ang secretary ko at pinikit ko na ang mata ko dahil tumitindi ang init ng ulo ko. Did she just ignore me? Tinatanong ko siya pero basta na lang niya akong tinalikuran.

There's something wrong with her stare, did she not like what she saw earlier?

"Sir, saan ka po pupunta? Sa pinagtatrabahuan niya po ba?"

"In my office!"

Kaagad akong pumasok sa elevator, pagbukas na ang pinto nito. Hindi man niya sinagot ang tanong ko kanina, alam kong marami siyang nasasabi sa isip niya ngayon.

Ano bang ginawa kong mali?Tinanong ko lang naman ang mga empleyado ko, pinagsabihan ko rin lang sila dahil hindi nila ginagawa ng tama ang kanilang trabaho. What's wrong with that?

"Sir, nandito na po tayo-"

Lumabas ako sa elevator at dere-deretso akong naglakad patungo sa office ko. Kaagad akong umupo sa swivel chair ko ng makarating na ako sa loob.

I loosened my tie and leaned back on the chair. I shut my eyes as I tried to calm myself. I should not be bothered, she's just a weird woman-

*****a while ago *****

Lumabas na ako sa elevator pero mabilis rin akong bumalik sa loob.

"Sir, saan po kayo pupunta?"kaagad rin na pumasok ulit ang secretary ko. Hindi ako sumagot dahil ako na mismo ang pumindot sa button ng fifth floor.

"Fifth floor po, sir? Anong gagawin niyo po dun?"

"Titignan ko ang progress ng mga writer para sa ipa-publish na mga libro ngayong month na ito."I simply answered while looking at the number going down.

"Sir?Kung ganoon bakit hindi na lang po kayo dumeretso kanina, tumigil naman po ang elevator sa fifth floor kanina."

"It popped on my mind just now that I need to check my writers."

Magsasalita na ulit sana ang secretary ko pero kaagad akong humakbang palabas nang tumigil na ang elevator at bumukas.

Pagliko ko, bumungad sa akin ang babaeng sumakay rin sa elevator kanina. Parito't paroon ang lakad niya at parang may iniisip siyang mabuti. Tumigil ako at pinanood siya.

Hanggang sa tumigil siya at tumango sa sarili tapos tinignan niya ang office ng mga writer. But she walked mindlessly again, then, she leaned on the wall after a while.

Damn, why did she close her eyes? She looks so sexy-

Na-isuklay ko ang kamay ko sa buhok ko at nagpakawala ng malalim na hininga.

"Ha....wala na, male-late na ulit ako."

Naituon ko ulit ang atensyon ko sa kanya nang magsalita siya.

"Kayo lang ba ang busy sa buhay?Ako rin, marami rin akong gagawin. May apat pa akong ipa-pack dun. Ubos na ang oras ng shift ko dito."

"At nagkaroon pa kayo ng reception area kung wala namang magbabantay. Tanggalin niyo na, wala rin namang silbi. O baka naman, gusto niyong ako pa ang tumanggal ng reception area niyo? Madali lang naman, babasagin ko lang lahat ng salamin, tapos."dere-deretso kong saad dahil naubos na talaga ang pasensya ko. Ilang ulit akong nagpakawala ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili ko, baka may makakita pa sa akin at masabihan akong baliw.

Mukhang ubos na ang pasensya niya dahil kitang-kitang ko iritasyon sa mukha niya.

"Ano bang klaseng kumpanya ito at walang tao?"

"Kumpanya ba talaga ito-"

Napatigil siya ng dumako na ang mga mata niya sa akin.

"Kanina pa po ba kayo diyan?"

***************************************

"Sir, ayos lang po kayo."

I came back to my senses when my secretary called me. Umayos ako ng upo at tinignan ang secretary ko.

"Yes, why?"

"Parang hindi naman po yata, Sir. Para kang tangang nakangiti, Sir."kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ang ibig ko pong sabihin, Sir, may pipirmahan po kayo. Ito po."

I cleared my throat then I looked at the folder he placed on my table.

"Richard, call her boss."

Nächstes Kapitel