webnovel

Salamin - Chapter 18

Parang kinukuryente ng palad ni Randy ang aking batok sa mga oras na tila tumigil. Kahit kailan ay hindi ko pa ito nararanasan kahit noong kami pa ni Rodel. Hindi ko maunawaan ang lahat ng aking kakaibang pakiramdam sa mga oras na iyon habang magkadikit ang aming mga labi. Napapikit na lang akong dinadama ang lahat ng iyon.

Narinig kong nagsitilian ang mga baklita sa aming paligid at ang ilang manang na naglalaro ng sakla ay napasigaw.

Dahan-dahan kaming naghiwalay at gusto kong makita ang mukha ni Randy ngunit anino lang ng kanyang mukha na dinadampian ng liwanag ang aking natatanaw. Natauhan akong maraming tao sa aming paligid nang marinig kong ang iba ay nagbubulungan kung sino sa amin ang bading.

"Pwe! Pwe! Pwe! B-bakit mo ko hinalikan?! Kadiri ka!!" ang bulyaw kong naiinis sa kanya habang ang mahinang boses ko'y nauutal dala ng kaba habang nagkukunwaring nadidiri.

Naramdaman kong ang hintuturo niya ay dinikit niyang isinara ang aking mga labi sabay kuskos ginulo ang aking buhok.

"Secret lang yun ha? Ako dapat ang humingi ng paumanhin sa iyo. Gusto ko lang bumawi sa nagawa kong bad sa iyo nung morning na iyon. Nakukunsensiya kasi ako kaya gusto ko makaganti ka sa akin. Kahit type mo ko." ang pabulong na pang-asar niya sabay halakhak ng malakas. Nanumbalik sa aking ala-ala ang mga nangyari.

"Baka naman lalo kang magalit sa akin kung bibigyan kita ng pera dahil sa bagay na iyon. Baka sabihin mo na tingin ko sa iyo mukha kang pera pero hindi naman at nauunawaan ko lalo na nung sabihin sa akin ni Alice na may tuberculosis mommy mo. Alam mo ba? Sobrang nakukunsensiya ako nung malaman ko iyon. Sorry ha?" ang dagdag niyang punong-puno ng pagpapaumanhin.

"Tarantado! Hindi kita tipo no!" ang buwisit kong pabulong na sinagot sa kanya habang unti-untiang umiinit ang aking mga pisngi.

"Eh di hindi! Mabuti iyon dahil kikilabutan ako kung type mo nga ako. Nakakadiri 'tol!" ang wika niya sabay kuskos ng kanyang mga braso tila tinatayuan siya ng balahibo sa kilabot dala ng kanyang naiisip.

"Hinalikan mo ko tapos kinikilabutan ka ngayon?! Gagong ito!" ang nasabi ko sa aking sarili.

"Sige, iwan muna kita dito. Huwag kang gagala at baka ka madapa. Tignan ko lang mommy mo." ang paalam niya sabay tungo sa loob ng amin bahay nang hindi hinintay ang aking susunod na sasabihin.

"Ano ang nararamdaman ko para kay Randy? Bakit ganito? Parang ang gaang ng loob ko ngayon kahit kapapanaw lang ng aking ina. Bakit si Rodel? Kahit halikan niya ako noong kami pa hindi naging ganoon ang aking nararamdaman. Masaya pero... Ah basta!" ang paglilinaw ko sa aking sarili.

"Rodel... Kawawa naman siya. Iniwan niya ako para sa isang salawahan. Paano na siya ngayon?" naalala ko si Rodel at di ko lubos matiis.

"Bakit ginahasa ako ni Nestor? Ano gusto niyang makuha? Anong ibig niyang sabihin? Ano ang gusto niyang patunayan kung meron man? Para kanino?" ang pagtatalo ko sa aking sarili.

"Jasper, I'm sorry for your loss. I'm always here, my dear sweet friend. Your nanay is in a good place na." ang pakikramay ni Alice sabay haplos sa aking balikat na humila sa aking ulirat.

"Salamat." ang malungkot kong tugon sa kanya nang ipaalala niya sa aking wala na akong kasama sa buhay. Umupo si Alice sa monoblock na kanina'y gamit ni Randy at tinitigan ng kanyang awang-awa ang aking buong mukha. Hindi ko ito pansin dahil sa hindi ko rin maaaninag.

"Can't you even see me?..." ang tanong niya at naaninag kong kumakaway siya sa akin upang subukan kong masusundan ito ng aking malayong tingin.

"You're almost blind! How are you going to live now? Can you take it all by yourself? Mukhang hindi na tatagal ang bahay ninyo. Just can't imagine how can you sleep there." ang pag-aalala lang sa akin ni Alice.

"Oo nga eh. Mukhang ililibing ang inay ko nang hindi ko makikit ng malinaw ang lahat tapos sa buong prusisyon ng libing aalalayan pa ako." ang paglalabas ko sa kanya ng aking inaalala gawa ng aking mga mata.

"Kinalakihan ko na ang bahay na iyan, Alice. Ganyan ang buhay na kinagisnan ko. Buti na lang natipuhan kong maging libangan ang pagbabasa kung hindi baka tambay na rin ako dito sa amin at hindi ako tatagal sa school. Wala kang tuitor." ang dagdag ko pang sagot sa kanyang mga tanong na pilit kong hinaluan ng patawang bumenta naman. Humahagikgik si Alice na napahawak sa aking mga kamay.

"Jasper, tulad ng sabi ko, mayaman ang magulang ko at hindi ako. Gusto mo ipagawa kita ng salamin mo? Gusto kitang tulungan dahil sa mga mata mong iyan natulungan mo ako sa studies natin. Please?" angpangungulit at nakukunsensiya niyang sinabi sa akin.

"Huwag na Alice, tinulungan kita dahil kailangan mo. Masipag ka naman mag-aral kaya lang.. Mabagal ka talaga makapickup! Hindi ko na rin makikita si nanay na ililibing kahit magkasalamin pa ako." ang pang-asar ko pa sa kanya matapos tanggihan ang bigay niyang tulong. Nalungkot ako sa aking huling mga nasabi at hindi napigilang lumuha.

"Tahan na friend! Madrama! There's a reason kung bakit nangyayari ang lahat ng mga ito sa buhay mo, friend. Believe me." ang pagpapalakas loob naman niya sabay haplos sa aking likuran.

"Oo na nga..."

"Maiba pala ako, Jasper. Nagkausap kami ng mommy ni Randy. Weird, but she said she wants us to spend more time with Randy. Sa akin okay lang pero sa iyo? Mukhang magiging butler ka namin someday ah. " wika ni Alice sabay ngiti.

"Butler? Ako? Alice naman. May plano ako sa buhay." ang natatawa kong sagot sa kanya.

"Basta, weird, she was serious and she really mean what she said to me na we need to spend more time with him daw. She asked me about you pero I told her na nagkalabuan kayo. She felt sorry and told me na pagbatiin kayo but I guess everything is fine now. Nagkakilala na ba kayo ni tita Maya?" ang dagdag niya.

"Oo nagkakilala na kami habang kachat ni Randy parents niya sa webcam. Anong meron?" ang nagtataka kong gustong linawin sa kanya.

"I just don't know except for one na napansin ko sa boyfriend ko. He's really not the same person I know most of the time. He calls me by my first name na madalas, then there were nights na gagawa kami ng baby bigla siyang titigil sa kalagitnaan ng... " ang sagot niyang napigil dahil hindi niya napigilang humagikgik sa hiyang banggitin ang kanilang pagtatalik.

"Habang nakapasok? Habang jinujugjug ka?"

"Jasper! You're so bastos!" ang mala-Kris Aquino niyang reaksyon sa aking mga nasambit na may halong kilig.

"Eh ano nga ba? Teka, teka, teka... Bakit nga ba? Ano ba talaga meron diyan kay Randy? Naguguluhan na ako sa kanya ha?" ang pangingibang usapan ko sa kanyag umaasang makakatanggap ng kahit kaunting pahapyaw na bagay na maglilinaw sa aking lahat. Sumimangot si Alice sa pagkadismaya.

"I just don't know. She asked me kung pwede daw ba minsan mag-usap tayo sa web kasama ang parents ng hubby ko. Anyway, basta hindi nambababae si Randy. Okay lang sa akin ang ganon mabait naman siya sobra at masarap pa sa..." ang sagot niya habang umiikot ang mata niya pataas simbulo na hindi niya ito pansin sa kabila ng lahat. Naputol siya sa kanyang sasabihin at humagikgik na lang muli.

"... Kama? Hay, Alice! Pag-iisipan ko muna yang sinasabi mo. Wala akong sariling cmputer di ba? Wala rin akong pang-arkila.

"I'm sure we can think of a way. Besides, kailangan ko muna sabihan sila tita Maya kung kelan natin sila pwede kausapin and we have to keep this as a secret from Randy. Baka may surprise sila for him. I don't know... Speaking of communication, muntik ko na makalimutan." at tumawa na lang si Alice habang dumudukot siya sa bulsa ng maikli niyang shorts. Inabot aman ng isa niyang kamay ang akin at itinaas ang aking palad.

"You'll need to have this phone again. Nasa car ni Randy yung charger." at sabay abot niya sa aking kamay ng cellphone na bigay ni Randy noong una.

"Alice, papano ko gagamitin 'to? Saka na pag napalitan ko na yung salamin ko. Hihiram na lang muna ako kay Mariah pag dating niya. Para saan nga pala at binigyan niyo pa ako ng cellphone?" ang sagot ko naman.

"Kaya niya rin ipinabibigay nga pala sa iyo yan is because we really need to have you in the band. Jasper, we lost you and now Nelson. Wala na tayong drummer pero madali makahanap diyan. Your voice is exceptional and masaya ka kasama. Balik ka na sa group, okay? Ang boyfriend ko na lang ang magbibigay sa iyo ng detalye since part-time sexytary lang niya ako." ang dagdag pa niya habang hinahagod ang magandang kurbada ng kanyang katawan at itinataas ang dibdib na ipinagmamalaki. Hindi ko man nakikita ang lahat ngunit aninag ko naman ang indayog ng kanyang katawan.

"Alice, hindi ako bulag naaaninag ko galaw ng katawan mo. Maraming manyak na tambay dito at baka mapansin ka ng iba diyan kahit dumadaan lang. Baka hindi ka abutan ng umagang di nahahalay dito." ang babala ko sa kanyang natatawa.

"Subukan lang nila't papadampot sila ng parents ko. Matatagpuan na lang silang nasa kalsada kinaumagahan at may karatulang nakasabit sa leeg nila tulad ng mga lumalabas sa TV." ang sagot naman niya't sabay tawa na parang kontrabidang babae sa telenovela.

"Anyways, I'll go back inside to get Randy. Sorry, Jasper, pero hindi ko kaya magpuyat tonight but nakikiramay talaga ako for your loss." ang paalam niya sa akin.

"Okay lang 'yun, Alice. Masaya nga ako't dumalaw kayo. Yun ang mahalaga." ang sagot ko naman sabay subok kinapa ang kanyang kamay upang pisilin ngunit hita niya ang nahawakan ko.

"Ang kinis." ang nasabi ko sa aking sarili at pilit itong winaglit.

"Sige lang, Alice. Kung gusto niyo magkape at magbiskwit muna kayo bago kayo umalis. Pagpasensiyahan niyo na ha? Yan lang ang nakayanan." ang paalam ko sa kanya.

Tumayo na si Alice at pumunta sa loob ng bahay tulad ng kanyang sinabi. Di nagtagal ay lumabas na rin silang tatlo. Sabay silang tumungo pabalik sa kotse ngunit bumalik si Rodel upang ibigay sa akin ang charger ng cellphone na sa mga oras na iyon ay nailagay ko na sa aking bulsa.

"Salamat, Rodel. Ingat kayo pauwi ha?" ang wika ko sa kanya. Nakita kong inilipat niya sa aking harapan ang isang monoblock na nasa aking tabi at umupo rito.

"Jasper, hindi muna ako uuwi at sasamahan kita. Anong oras nga pala libing ni tita?" ang pangingibang usapan agad niyang sinagot sa akin sabay hawak sa aking mga kamay tulad ng dati niyang ginagawa. Nanumbalik sa aking ala-ala ang eksenang nangyari sa amin kanina ni Randy.

Kinabahan naman akong baka may makita nanaman ang mga nakikilamay at masabi nilang kamamatay lang ng ina ko ay kung anu-ano nang kalandiang kasumpa-sumpa sa madla ang aking ginagawa.

"Hu-hu-huwag na, Rodel. Okay lang ako. Umuwi ka na. Mga alas-kwatro ang libing ni nanay mamaya. Balik ka na lang ng mga alas-tres para may pahinga ka." ang nahihiya kong sinabi sa kanya. Parang may bumabara sa aking lalamunan sa mga oras na iyon. Hindi ko mawaglit sa aking isipang hindi na sila ni Nestor.

"Sa palagay mo iiwan kita ngayong wala kang mata? Eh kung may gagong pumunta dito? Kung naiihi ka papasama ka sa mga bakla dito? Eh kung may gawin sila sa iyo? Pag dating na lang ni Mariah kita iiwan." ang sagot niya sa akin sabay pisil sa aking mga palad.

"May point ka. Sige, pag dating na lang ni Mariah. Salamat, Rodel ha?" sabay yuko sa kanya sa sobrang hiya.

"Nakatulog ka na ba? Parang ang lalim na ng eyebags mo kasi. Kawawa ka naman." ang malambing niyang sinabi bigla sa akin.

"H-h-hindi pa. Mamaya na pag dating ni Mariah.Yun alas onse na yun dumating kagabi nakabawi sa tulog yun." ang sagot ko sa kanyang pilit hindi pinapansin ang panlalambing ni Rodel. Wala na kaming dalawa at hindi ko yata kayang tanggapin siyang muli sa aking puso sa takot na baka ulitin niya lang akong iwanan.

Lumipas ang oras at alas siete na ng umaga. Halos kami na lang ang natira sa lamay. Bukod sa amin ni Rodel ay nanatili lang doon ang iba kong kapitbahay. Mga kababata, at ilang kaibigan ng aking yumaong ina.

Hindi kami ni Rodel nag-usap kahit nanatili kami sa aming lagay na parang magkasintahan ngunit sa buong sandali ay nakipagtalo ako sa aking sarili. Gulong-gulo sa aking damdaming nagnanais ding makipagbalikan kay Rodel kung magbibigay lang siya ng senyas. Gusto kong lumigayang muli ngunit natatakot at nasasaktan ako dahil sa mapait na karanasang dinulot niya. Bukod sa mga bagay na ito na nagpapalabo ng aking pag-asa ay ang nalalapit niyang pag-alis ng bansa.

"Aba-aba-aba!! Holding hands?! Anong meron?!" ang maingay na talak ni Mariah na bumasag sa aming katahimikang napakatagal.

Mabigat na ang mga mata ni Rodel sa mga oras na iyon ngunit nanumalik ang buhay nito nang magulat kay Mariah. Ako man ay ganun din ngunit hindi mo makita kung ano ang itsura niya.

"Nagdadasal kami! Ang lakas ng boses mo baka bumangon si nanay niya eh. Talo mo pa tilaok ng manok!" sng naiinis kong sagot sa kanya.

"Jasper, matulog ka na para sa libing mamaya. Wala ka na ngang salamin tapos puyat ka pa. Gusto mo magdive mamaya sa hukay? Gusto mo sumama kay Basilia?" ang pabiro niyang malambing sa akin na tinawanan namin ni Rodel.

"Rodel, pwede magrequest? Pwede mo ba akong idaan sa parlor ni Mariah? Dun kasi ako natutulog muna." ang pakiusap ko sa kanya.

Pilit kong tinignan si Mariah sa direksyon kung saan ko siya narinig ngunit anino lang niyang nakapamewang at pulang damit ang aking naaninag.

"Mariah, nga pala. Napakilala ko na ba si Rodel ng maayos sa iyo? Siya yung ex boyfriend ko." ang nahihiya kong sinabi sa kanya.

"Ah... Siya pala yun. Well, well, well." ang mala-kontrabida niyang sagot sa akin. Batid kong nakataas ang kanyang isang kilay ngayon kay Rodel at masama ang tingin habang nananatiling nakapamaywang.

"Tawagan mo na lang ulit ako sa number ko sa phone mo para magising ako. Binigay sa akin ni Alice yung phone ko kanina. Kabisado ko naman sa kapa kung saan yung answer button nito. Huwak ka umasang magrereply ako sa text mo ha?" ang habilin ko sa kanya.

"Sige." ang mataray at tila nanghihinala naman niyang sagot sa akin.

"Rodel, eto ang susi ng parlor. Kahit wala akong tiwala sa iyo kakapit na lang ako sa patalim kaysa abutin ng siyam-siyam yang si Jasper. Baka mahimatay na yan bago pa niya maalis ang isa sa mga padlocks. Salamat." ang pautos at mala sarcastic niyang sabi sabay abot kay Rodel ng isang keychain na puno ng susi ni Mariah na talo pa ang tambourine kung kumalansing. Pansin kong lumapit sa kanya si Rodel at parang may binulong ngunit hindi ko iyon narinig.

Agad kaming nagpaalam ni Rodel at inalalayan akong naglakad tungong parlor. Nahirapan akong maglakad at paminsanang natatalisod ako sa aking paglalakad. Halos matanggal ang sinyelas kong malapit nang masira mula sa aking mga paa. Mabagal naming tinahak ang kalsada.

"Mukhang kailangan mo na ng bagong peepers ah! Gusto mo buhatin kita?" ang maalagang alok niya sa akin.

"H-huwag na. Kaya ko ito. Kung mapigtas na eh di magpapaa na lang ako. Nagbaby-talk ka nanaman. Di na tayo, Rodel. Magtigil ka nga diyan. Di bagay sa iyo." ang tanggi ko naman sa kanya at pilit binilisan ang lakad upang patunayan sa kanyang okay lang ang lahat sa akin.

"So, all this time. Hindi mo pala gusto yung nagbebaby-talk ako sa iyo ?" ang dismayado niyang tanong sa akin. Napatigil ako sa kanyang sinabi.

"Rodel, dati lambing iyon at natutuwa ako doon. Pero hindi na tayo ngayon kaya ko sinasabing hindi na bagay sa iyo na nagsasalita ka ng ganyan. Magkaibigan na lang tayo." ang pikon kong sagot sa kanya.

Hindi na siya nakasagot at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Napansin kong medyo malayo na ang aming nalalakad kahit wala akong makita sa kalayuan maliban sa naliliwanagang mga kulay na parang natunaw sa papel. Naaninag ko na lang ang isang hugis kotse nang kami ay napalapit dito at nakilala ko agad ito sa kulay niyang pula.

"Rodel, sabihin mo. Umamin ka. Lumampas na tayo sa parlor at nasa harap tayo ng kotse mo no?" ang kunsimido kong sinabi sa kanya. Hindi siya agad sumagot at isang saglit ang lumipas.

"Nagpaalam ako kay Mariah na sa amin ka muna matutulog. May mga pang-alis ka pang damit na naiwan sa apartment na mga binili ko para sa iyo. Magandang dun ka na lang muna tumuloy para maayos ang lahat para sa iyo at makapagbihis ka para sa libing ng mommy mo. Inaalala lang kita, Jasper. Mahalaga ka sa akin at di pa rin nagbabago ang pagpapahalaga ko sa iyo tulad ng dati. Nagkamali ako ng lubos at lubha kitang sinaktan." ang mga sinabi niyang kumurot sa aking dibdib.

Nächstes Kapitel