webnovel

Chapter 37

Ilang araw pa ang lumipas ay wala pa ring Kale na nagpapakita kay McKenzie. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit niya hinahanap ito gayong dapat ay iniiwasan niya ito. Pero anong magagawa niya, nakakaramdam siya ng lungkot lalo na't wala siyang nabubwisit at wala ring nang-aasar sa kanya.

Mula pa sa klase niya kaninang umaga ay problemado na siya at maraming iniisip lalo na't di niya alam kung saan hahagilapin si Kale.

"Hoy, mukha kang bumagsak this sem. Tigilan mo nga 'yang kadramahan mo Mc, di kami sanay na tahimik ka," pukaw ni Silver kay McKenzie. Lunch nila ngayon sa cafeteria at napansin nito na mukha siyang problemado at malalim ang iniisip.

"Kumain ka na lang nga diyan Pilak. Isa ka pang madaldal imbes tahimik na eh. For sure, may chika 'yan kaya tahimik. Hintayin na lang natin, di ba Kenz?" sabat naman ni Natalie na patuloy lang sa paglamon sa tabi ni Tyler.

Di niya pinansin ang mga ito at sa halip ay lumapit kay Johansen. Sabay-sabay silang kumakain ngayon kasama ang mga kaibigan ni Kale.

"Si Nixon?" bulong niyang tanong.

"Nag-migrate na, no work eh kaya sumama sa sugar mommy niyang mayams and magands-aray, ano ba?! 'Yong hair ko!" tili ni Johansen nang bigla siyang hilahin ni McKenzie sa buhok. Huli naman na nitong napagtanto na si McKenzie ang nagtatanong. Busy kasi sa pagce-cellphone.

"Ay ikaw pala 'yan, kala ko si Ali. Di ko knows kung where na siya pero try to call her, eto number niya."

Tiningnan agad niya ang screen ng phone nito at kinopya ang number na nakalagay. Agad niya itong tinawagan. Hoping siya na sana ay sumagot ito dahil marami siyang tanong na kailangan nitong sagutin when in fact she really misses the girl.

"The number is out of coverage area. Is this really her number?" nagtitimpi niyang sabi kay Johansen na ngayon ay amused na amused siyang pinapanood.

"Baka wala kang load? Try mo ulit."

"Of course may load ako. What do you think of me? Stupid? Tatawag ng walang load. Of all people talaga ako pa. I dialled her number multiple times, wala pa rin."

Bigla na lang napatampal si Johansen sa kanyang noo na para bang may nakalimutan siya kahit wala naman.

"Ops, wala nga palang phone si baks. Eme ko lang 'yang number. Sorna," at nginitian siya nito nang malapad.

Inirapan lang niya ito kaysa patulan pa. Takot lang niya na mahalata siya ng mga kaibigan at ayaw na rin niyang gumawa pa ng scene. Bumalik na ulit siya sa tabi ni Aubrey at kumain na ulit kahit nawalan na siya ng gana. Ibinigay niya ang tirang pagkain kay Natalie at umalis na.

Naglibot-libot muna siya sa university, nagbabaka-sakaling mahanap si Kale. Una siyang pumunta sa office ng kanyang Tito Brandon.

"Tito?"

Bigla naman itong napahinto sa pagbabasa ng libro saka nag-angat ng tingin kay McKenzie.

"McKenzie? Ikaw pala, napagawi ka rito. Is there a problem or something?"

"Tito, ano k-kasi...uhm...I just want to ask if nagawi dito si N-Nixon?" nahihiya at utal-utal na tanong niya rito na siyang ikinatuwid ng upo nito sa swivel chair.

"Nixon? You mean si Ms. Oliveros? I'm sorry but I haven't seen her. She's also exempted from her exams so maybe that's it. At wala pa namang report na isina-submit sa'kin para ipatawag siya sa office ko."

"Okay Tito. Thank you."

Sumunod ay sa building ng College of Engineering siya pumunta. Tiningnan niya ang mga room sa first floor ngunit wala pa rin. Pinagtitinginan na siya ng ibang mga estudyante lalo na ang mga lalaki na biglang nagsilabasan at tumambay na sa hallway. Merong nagtangkang lapitan siya ngunit mabilis siyang lumayo.

Ano bang mga estudyante 'to, parang ngayon lang nakakita ng maganda. Makaalis na nga. Ang mamanyak ng mga engineering na 'to, ang papangit pa. I thought pang-mayayaman at good-looking people ang univ na-whatever.

Dahil nauubusan na siya ng pasensya ay huli niyang pinuntahan ang student council office. Alam niyang linta ang kanyang pinsan kay Kale at ito lang naman ang nilalapitan nito kaya sigurado siyang nandoon ito. Isipin pa lang na nandoon si Kale ay bumibigat na ang kanyang pakiramdam.

Nang makarating siya ay dire-diretso lang siyang pumasok sa loob ng office. Nadatnan niyang nakaupo ito sa sariling swivel chair habang abala sa mga tambak na folders sa mesa nito. Nahinto lang ito nang mapansin siya.

"Why are you here?" mataray na tanong nito sa kanya.

Hindi niya ito pinansin at pinagbubuksan na ang mga pinto ng bawat room sa opisina nito.

Pinasok niya lahat ngunit puro mamahaling gamit lang ang nakikita niya at kung ano-anong mga libro at certificates.

Is this really a student council office? Ang gara naman masyado. Daig pa ang isang hotel suite sa mga gamit. And seriously, may sariling kwarto dito? Corrupt ata itong president na 'to.

"What are you doing? Kanina pa kita kinakausap. Where are your manner-stop! Don't shut the door like that! For your fucking sake, it's a glass door!" asik sa kanya ni Ashley.

Walang pakeng tiningnan lang niya ang kanyang pinsan at pabalang na isinara ang pinto nito paalis ng office.

Nagtungo na siya sa kanyang klase na bagot na bagot at kulang na lang ay hilahin niya ang oras para matapos na ang araw. Sumagi rin naman sa isip niyang 'wag nang pumasok ngunit wala rin naman siyang gagawin. Frustrated na siya kay Kale dahil hindi ito nagpapakita sa kanya.

Nang matapos ang kanilang klase ay tumungo na siya sa garden upang maglinis. Nandoon na ang kanyang mga kaibigan. Ang mga lalaki ay nagwawalis habang silang mga babae ang nakatoka sa pagdidilig.

"Bitches, tulungan niyo kaya akong mag-igib! Ako nang ako ang nag-iigib, ang bigat-bigat kaya nitong timba!" reklamo ni Natalie sa kanilang dalawa ni Aubrey sabay bato nito ng tabo sa kanila.

Tama, hindi sila pinagamit ng hose sa pagdidilig kung di tabo at timba lang. Timba ng pintura.

"Kami na kaya ni Kenzie ang nagwawater ng plants then ikaw, paigib-igib lang. Just do as what you are told," banat naman sa kanya ni Aubrey.

Umalis na rin ang mga kaibigan nilang lalaki dahil may kailangan pang i-repaint ang mga ito na tennis, basketball at volleyball courts.

"Kain tayo sa labas guys, g ba kayo? Kakapagod ngayong araw eh," yaya sa kanila ni Black nang matapos sila.

"Kayo na lang, marami akong assignments. Mauna na ako, bye guys!" at nauna nang umuwi si McKenzie.

Pagkauwi ay pumunta siyang muli sa The Midnight Haven upang tingnan kung nandoon na si Kale.

Tinungo niya ang bar counter kung saan iilan lang ang mga nakaupong customer sa bar stool at ang bartender ay iba. Lalaki.

"Excuse me but where is the old bartender here?" walang ano-ano'y tanong niya sa bartender na busy sa pagmimix ng cocktails.

Bahagya naman itong nag-angat ng tingin sa kanya. "Ha? Ako po ang bagong bartender. Can I get you a drink ma'am?" at nagpatuloy na ito sa ginagawa.

"Bring me your manager here! Gusto ko ring makausap ang owner ng bar na 'to!" pasigaw niyang sabi rito dahil lumalakas na ang tugtugan sa loob ng bar. Nasusulasok na din siya sa usok na nagmumula sa mga vape ng mga naroroon.

"Hey lady, chill. You look sexy on your dress. Wanna be my pet for tonight-"

Bigla niyang isinaboy sa mukha ng lalaki na malaki ang tiyan at balbas-sarado ang isang baso ng alak na di niya alam kung kanino na basta na lang niya inabot sa bar counter.

Dahil di pa rin kumikilos ang bartender tulad ng inuutos niya ay tinabig niya ang mga cocktails na ginawa nito na sanang kukunin ni Kuya Mario para sa customers nito.

"I said bring me the manager and the owner here."

"Guard-"

Mabilis siyang nagbaba ng limang libo kaya natahimik ang bartender. Tigil naman ang mga taong nakakasaksi sa kanila ngayon.

"Kulang pa po-"

"I'll make it 20. Just the manager and the owner."

Tumalima na agad ang bartender. Wala pang ilang minuto ay nandoon na si Manager Veira.

"Where's the owner? I want to talk to him or what asap."

"Ma'am, may problema po ba? Wala po ang may-ari-"

"You bring me to your boss or you wanna lose your job huh? What do you think manager? Di mo ba ako kilala?"

"Ma'am, kung wala na po kayong sasabihin na-"

"You want to talk to me? In my office." She was taken aback with her cousin's presence lalo na sa sinabi nito. Nauna na itong naglakad at sumunod na din siya kahit naiinis pa sa manager.

"So where is she? The bartender?" paulit-ulit na tanong ni McKenzie na halos ikarindi ni Ashley.

"Nakita mo ba siya sa baba? Di ba wala? At bakit ba hinahanap mo siya? Just stay away from her and leave if you have nothing else to say."

Natawa naman nang pagak si McKenzie dahil sa sagot ng pinsan.

"Oh c'mon, I know that you know where she is. Stop acting like you know nothing. Sino bang malapit sa kanya? Di ba ikaw? Don't play dumb with me, Ashley. Just tell me where she is and we're done. Simple as that."

Ashley scoffed at the stupidity of her cousin. Sa isip-isip niya ay wala ng pag-asa itong makaintindi pa.

"Alright, if you say so but kahit alam ko I won't tell you. And remember, I'll stop playing dumb with you if you stop thinking like a retard," makahulugang sabi ni Ashley habang diretsong nakatingin sa mga mata nito.

Nagpupuyos sa galit si McKenzie dahil sa pang-iinsultong 'yon ni Ashley. Sa halip na patulan ay nilayasan niya ito. Bago tuluyang umalis ay malakas niyang sinipa ang nananahimik na trash can sa tabi ng pinto ng office nito. Nagkalat ang mga laman nitong balat ng chichirya at may mga baso pa ng pinagsawsawan.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni McKenzie. Masaya niyang nilisan ang bar na parang walang nangyari.

Nang makasakay na sa kanyang sasakyan ay iniisip niya kung ano na ang kanyang gagawin. Ayaw naman niyang magchat sa gc nila. Sa huli, naisip niyang umuwi na lang dahil sa pagod din niya buong araw.

Habang nagmamaneho pauwi ay biglang may nahagip ang kanyang paningin.

Futanari Motel

Where everyone comes and goes all in.

May motel dito? aniya ng kanyang isip.

Sa labas nito ay may nakatayong isang pamilyar na pigura. Tumungo na agad siya sa tapat ng motel. Nang maglalakad na ito paalis ay mabilis siyang bumaba ng sasakyan upang sundan ito. Laking pasalamat niya dahil walang tao sa paligid at tanging mga naka-park lang na sasakyan ang naroroon.

"Saan ka pupunta ha?" mabilis niyang pigil dito nang maharangan niya ang daraanan nito.

Bahagyang nanlaki ang mata nito sa gulat ngunit mabilis ding napawi at bumalik sa dati ang ekpresyon nito. Blangko lang itong nakatingin sa kanya habang nakahawak ito sa sukbit nitong black laptop bag. Bakas sa itsura nito ang pagod.

Hahakbang na sana ito ngunit hinarangan ulit ni McKenzie. Para silang tangang nagpapatintero sa dilim.

"Ano bang kailangan mo? Wala akong balak makipaglaro. Umalis ka na," malamig na sabi nito sa kanya ngunit pinaningkitan niya lang ito ng mata.

Hinawakan niya ito sa braso at hinila patungo sa kanyang nakaparadang sasakyan. Pabagsak niya itong pinaupo sa passenger seat at malakas na sinarhan ng pinto para wala na itong kawala sa kanya.

Pumasok na rin siya at agad na pinaharurot ang sasakyan.

"San ba tayo pupunta? Gusto ko ng umu-"

"May pupuntahan tayo."

Huminto sila sa harap ng 7/11 at mabilis niyang kinaladkad si Kale papasok dito.

"Choose whatever you want," sabi niya rito habang mahigpit niya itong hawak sa kanang braso. Baka kasi bigla itong umalis at takasan siya. Sayang pa man din ang paghahanap niya kung sakali.

"Pwede bang bitiwan mo ako? Ang diin kasi, masakit."

"No."

Kung ano-ano ang pinagkukuha ni McKenzie tulad ng siopao, noodles, footlong, juice, tubig at gatas. Mabilis niya itong iniabot kay Kale.

"Ang dami naman nito. Tama na."

"Bakit? Ikaw ba ang kakain ha? Manahimik ka na nga lang at dalhin mo 'yang mga 'yan. Oh, aangal ka?"

"Ang baboy mo pala. Kaya dabyana ka na oh," nang-aasar nitong sabi sa kanya.

"Eh kung ihampas ko sa'yo 'tong lalagyan ng footlong? Baka lumipad ka. Buto't balat ka pa man din."

Nagmake-face lang si Kale habang 'yong kasama niya ay nanguha pa ng samu't saring chichirya.

"Tara na sa counter!" yaya agad sa kanya ni McKenzie matapos itong makapamili ng mga pagkain.

"Teka lang ah! Wala pa akong nakukuha!"

"Dalian mo na! Ano bang gusto mo? Ako ng kukuha. Ito lollipop, mura-mura lang."

"Gusto ko ng kiss."

Biglang nahinto si McKenzie.

"Ha? A-anong k-kiss?" nauutal niyang tanong at napakagat sa kanyang lower lip.

"Ha? Ano bang kiss 'yong iniisip mo? Di ba ayun?" painosente nitong sabi sabay turo sa Hersheys Kisses chocolate with almonds.

Pinukulan niya ito ng matalim na tingin para itago ang kanyang kahihiyan. Ba't kasi 'yon ang unang pumasok sa isip niya.

Kinuha niya ang tinutukoy nitong chocolate at ibinato sa dibdib nito. Nginisian naman siya ng huli. Alam na alam talaga nito kung paano siya bwisitin.

Hila-hila niya itong pumunta sa counter.

"Oh, bayaran mo na," utos ni McKenzie rito.

"B-ba't ako ang magba-"

"Isa," at hinigpitan ang hawak sa kanang braso nito.

"'Pag 'yan namula, humanda ka."

May ibinulong pa si Kale na ikinapula ng mukha ni McKenzie kaya nang makapagbayad ito ay agad niyang kinuha ang mga supot ng pinamili at nauna ng lumabas.

Nang makalabas na rin si Kale ay hinila niya ito para makaupo na sila sa mga bakanteng upuan doon.

"Kumain ka na. Mukhang di ka pa kumakain." Iniabot niya rito 'yong mga siopao, noodles, kisses at gatas habang sa kanya ang mga natira.

"Ang bait mo ata? Gutom ka siguro," at umalis ito saglit.

"Ba't hindi ka nagpapakita sa'kin?" tanong ni McKenzie habang sila ay kumakain.

Napangisi naman si Kale.

"Bakit? Namimiss mo ako?"

Mabilis na tumuwid ng upo si McKenzie saka humalukipkip.

"Duh. Kapal mo naman. May gusto lang akong itanong kung ikaw ba talaga 'yong nagpadala no'ng Prada, Gucci, Armani, Burberry at LV?"

Di sumagot si Kale at nanatili lang sa pagkain ng noodles at siopao. Tahimik lang itong kumakain habang si McKenzie ay nanonood lang at wala sa sariling napapangiti.

"May problema ka ba? Ba't ka nakangiti?"

Bahagya naman siyang tumawa.

"Para kang ipis kumain, ang liit liit."

"May tama nga 'yang utak mo, unicorn."

Nang matapos itong kumain ay nagsalita itong muli.

"Shopping bag lang 'yong binili ko. Wala akong pera pambili ng gano'n kamahal."

"Ha-ha, lesbi. Di ako ipinanganak kahapon para tangahin mo. At paano nangyari 'yon ha? Babago ata ako nakarinig ng gano'n. Bumili lang ng shopping bag? Pero may lamang limited edition dresses. Amazing."

"At least branded kesa wala. Ikaw ata 'tong outdated. Mayaman ka di mo alam na pwedeng bumili ng shopping bag."

Napairap na lang si McKenzie sa tugon nito.

"We, rich people, don't do that kung kaya naman naming bumili no'ng product like hello? Anyway, just shut up na lang. Wala ka talagang kwentang kausap."

"Meron naman, di ka lang naniniwala."

Nang masagot ni Kale ang tanong ni McKenzie ay tumayo na ang huli habang iniligpit na niya ang kanilang pinagkainan.

"Ba't andiyan ka pa? Di ka pa ba uuwi?" sabi niya rito dahil nanatili lang itong nakatayo doon.

"Ah eh...a-ano kasi..."

"Ano?"

"Baka gusto mong sumabay sa'kin? Gabi na rin kasi," at napayuko na lamang ito sa kanya.

"Okay lang ako, unicorn. Mauna ka na. Baka hinahanap ka na ni Mr. Henderson. Pagalitan ka pa. Pero maraming salamat."

"Quit calling me unicorn! Uuwi na ako!" Naglakad na siya patungo sa nakaparada niyang sasakyan at pumasok na sa loob.

Medyo nalungkot at nadismaya siya nang hindi ito pumayag na sumabay sa kanya. Hindi rin niya alam kung ba't niya nasabi 'yon pero gusto pa sana niya itong makasama. Bago paandarin ang kanyang sasakyan ay lumingon muna siya sa 7/11 kung nandoon pa si Kale ngunit wala na ito doon.

Kinabukasan ay maagang pumasok na masaya si McKenzie. Babagong may ngiti sa kanyang labi. Kadalasan ay parang galit ito sa mundo kung pumasok. Dumiretso siya sa kanilang famous place.

Si Tyler at Silver pa lang ang nadatnan niya doon. Mayamaya pa'y dumating na si Natalie na apurado, may dalang laptop at mga plates na pinagpuyatan niyang tapusin.

"Mc? You look different today. Parang nasa mood ka ata? Curious lang, anong meron ba't ganyan aura mo? Nakakapanibago," usisa ni Silver habang kumakain ito ng egg pie.

Mahina namang natawa si McKenzie at bahagya pa niyang inayos ang buhok.

"Ano ka ba Eiji, kung ano-anong napapansin mo. Puyat lang ako today kaya ako masaya."

Partly true naman dahil kasama niya si Kale kagabi kahit na di niya ito nakasabay umuwi.

"Bitch, hello? Ang tanga-tanga mo naman Kenz. Masaya ka kasi puyat ka? Anong logic 'yan? Eh pa'no pala ako? Puyat ako dahil sa lecheng architectural plates na 'to tapos-ang sarap mong hampasin nitong canister na dala ko 'lam mo 'yon?"

Inirapan lang niya ito.

"I don't care about that plate of yours like duh why even pursue an Architecture kung ayaw mo palang nahihirapan? God, goodluck na lang sa magiging client mo in the future if ever nga na maging architect ka," nang-aasar na birada niya kay Natalie.

"And so? I don't care about you too! Edi magpapatulong ako sa engineer ko. We'll work together para sa client." Bigla namang nagliwanag ang mukha nito dahil sa naisip. "Di ba civil engineering si Nic? Omg! Bagay talaga kami tapos meant to be! Imagine, architect ako tapos siya engineer. See Kenz?! We're destined for each other! Thank you for inspiring me Ms. Henderson! Kaibigan talaga kita!" kinikilig nitong sabi at pigil na pigil pang mapatili.

"No! You can't! Natalie! Don't you-"

"Blah blah blah! Papasok na ako para makita ko na ang aking engineer! Bye guys! Bye Kenz, mwa!"

Masaya itong umalis kahit maraming dala. Wala itong ibang nasa isip kung di si Kale.

"Mc, saan ka pupunta? Di ka ba muna kakain?"

"I'm leaving! Busog na ako sa sama ng loob!"

Kinuha na ni McKenzie ang kanyang bag at wala sa mood na tinungo ang kanilang classroom. Iniisip niya kung paano ibabaon sa lupa si Natalie.

"Problema no'ng dalawa? Mga abnormal. 'Yang si Nat talaga tatanga-tanga. Naiwan pa niya 'yang pinagmamalaki niyang canister," naiiling na lang na sabi ni Silver kay Tyler.

"Ewan. Pinag-aawayan ata ang engineer. Ayaw ba ni Nat sa lawyer? Ako na magdadala niyan kay Nat. May oras pa naman bago ang klase natin. Text mo ko 'pag andon na si prof. Bye Silv." Kinuha na ni Tyler ang naiwang canister at umalis na.

"So ako na lang pala ang natitira. Tangna niyong lahat," ang tanging nasabi ni Silver sa sarili.

Habang papunta si McKenzie sa kanilang classroom ay biglang may tumawag sa kanya.

"Unicorn!" malakas nitong tawag. Saktong wala na gaanong estudyante sa hallway kaya maririnig ito.

Biglang napahinto si McKenzie sa paglalakad at hinanap ang pesteng tumawag sa kanya. Kahit badtrip ay tila nabawasan ito dahil sa pagtawag na 'yon. Nag-iisa lang kasi ang tumatawag sa kanya ng ganoon.

Saktong pagtingin niya sa likod ng kanilang classroom ay nakita niya si Kale. Nakasilip ito habang nakangisi saka mabilis na tumakbo paalis.

Hahabulin na sana niya ito nang makarinig ng isang boses.

"Ms. Henderson, get inside. Magsisimula na ang klase ko. Kung gusto mong bumagsak, then you can stay here."

Badtrip siyang sumunod sa kanilang professor. Padabog siyang umupo sa kanyang pwesto. Di rin naman ito napansin ng kanilang prof dahil busy ito sa pag-aayos ng test papers. Exam nila ngayon.

Nang matapos ay agad siyang nagpasa. Pinayagan na rin siya ng kanilang prof na umalis kung tapos na.

Pumunta na siya sa building nina Kale at inabangan itong lumabas. Naghintay siya sa ikalawang pinto na labasan sa likod. Bahagya siyang lumayo para magtago at di mapansin.

Manaka-naka siyang sumilip at nang nagsilabasan na ang mga estudyante at mamataan niya si Kale na nakatalikod ay agad siyang tumakbo at binatukan ito saka nag-middle finger.

Hinaplos-haplos naman ni Kale ang napagdiskitahang batok saka ngumisi kay McKenzie. Tumakbo na si McKenzie at hinabol ito ni Kale.

"Unicorn, maghanda ka na. Malapit na ako!"

"So slow!"

Patuloy lang silang naghabulan at walang pakialam kung may mabanggang mga estudyante. Bumabagal na ang takbo ni McKenzie hanggang sa umabot siya sa secret garden.

Hinihingal siyang napahawak sa kanyang mga tuhod habang tagaktak ang kanyang pawis. Nilingon niya ang humahabol sa kanya ngunit wala na ito.

Pagharap niya ay muntikan na siyang mapatili sa gulat. Biglang bumilis ang pagkabog ng dibdib niya dahil sa sobrang lapit ng kanilang mukha.

"Huli ka! Mabagal pala ha? Di mo ko matatakasan. Magpalakas ka pa dahil baka di mo kayanin 'pag binilisan ko-"

"Bitiwan mo ako! Bastos!" sigaw niya rito habang nagpupumiglas sa mahigpit nitong pagkakahawak sa kanya.

Sa halip na bitiwan ay hinila siya nito paupo sa silong ng puno. Maswerte sila't silang dalawa lang ang naroroon.

Nang umalpas ang kanilang pagod ay napatingin si McKenzie kay Kale na kasalukuyang nakapikit. Napadako ang kanyang tingin sa mapula nitong labi na minsan na niyang inangkin. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dahil nagsisimula na namang magwala ang kanyang puso.

"Wait! Anong gagawin mo sa akin-"

Tila natutop sa kinauupuan si McKenzie nang biglang pinunasan ni Kale ang butil-butil na pawis niya sa mukha.

"Di kita rereypin kung 'yan ang iniisip mo saka di ako fan sa damuhan. 'Wag ka ng mareklamo. Napakadugyot mo oh. Konting takbo, naligo ka na. Ew."

"Stop! Stop! Ano ba 'yang ipinupunas mo sa akin?! Ang baho!"

"Napakaarte mo eh sinisinghot mo na nga 'yong panyo ko. Oh ayan sige pa," at mas diniinan ni Kale ang pagpupunas lalo na sa ilong nito na inipit pa niya kaya namula ito.

Mabilis niya itong itinulak kaya't napaatras ito.

"Ge unicorn. Aalis na ako." Iniwan na siya ito para maglunch.

Di pa nakakalayo si Kale ay hinampas muling ito ni McKenzie at sumama rito maglunch.

Naglalakad sila palabas ng university nang biglang napangiwi si McKenzie. Sumakay kasi si Kale sa isang tricycle na mukhang luma na at sa itsura nito ay parang bibigay na. Alanganin pa siyang tumingin kay Kale. Nangungusap ang mga mata na tila sinasabing "what's this? No way!"

Dahil naghihintay ang tricycle ay hinila na siya nito pasakay.

"Buti na lang diyan ka nakaupo malapit sa labas kaya ikaw ang makakalanghap ng usok at sa'yo mapupunta lahat," sabay ngisi ni Kale.

"Umusog ka nga! Ang sikip-sikip kaya!"

Di na pinansin ni Kale ang pagrereklamo nito. Sanay na siya. Napansin niyang naka-dress ito at naka-display ang mapuputi nitong legs kaya ibinigay ni Kale ang hoodie niya at ipinantakip dito ngunit gumanti rin ito.

"Alam mo thankful din ako na dito ang pwesto ko dahil..." at biglang itinapon ni McKenzie ang hoodie sa daan. "Voila! Wala na 'yong hoodie mo. Wow magic," sarkastikong dagdag pa niya kay Kale at ngumiti pa nang nakakaloko.

Hindi naman na maipinta ang mukha ni Kale at mas niluwagan ang pwesto niya para maipit ang katabi.

Nang makarating sila sa isang karinderya ay nagbayad na si Kale. Nauna na itong pumasok habang alanganin na namang sumunod si McKenzie.

Namimili at nag-oorder na si Kale ng pagkain. Paupo na ito kaya sinundan na ito ni McKenzie at mayamaya ay nagsimula na itong kumain habang siya ay tahimik lang sa tabi nito.

"Unicorn, 'wag mo akong panoorin. Nagmumukha kang palaboy na nakatabi sa akin. Baka pagtinginan pa tayo oh."

Nang-asar-asar pa ito na ikinabusangot niyang lalo. Di niya lubos maisip na sa isang cheap na karinderya siya nito dadalhin.

"Napakasarap talaga nitong sabaw ni Aling Bebs," sabay higop nito sa mainit na sabaw ng nilaga. Kaya ang ginawa ni McKenzie ay madiin niya itong hinawakan sa braso kaya ang mga kuko niya ay halos bumaon na rito.

"Unicorn, di kusang lalapit sa'yo ang mga pagkain kaya mag-order ka na-"

Mabilis na nagseryoso ang mukha ni Kale nang mapansing may nakatayong lalaki sa tabi ni McKenzie at halos hubaran ng lalaki si McKenzie sa paraan ng pagtitig nito sa kabuuan ng huli. Palihim pa itong dumila na siyang ikinatayo ni Kale.

"Excuse me pre pero 'wag mong bastusin 'yong kasama ko. Ang putahe nandoon kay Aling Bebs, hindi ang babaeng kasama ko."

"Ha? Anong sinasabi mo-"

"Just back off!" at bahagya niya itong itinulak. May babae namang lumapit sa lalaki at tinawag ito ng babe. Umalis na ang mga ito bago pa may mangyari.

"Ako na ang mag-oorder. Umayos ka na lang ng upo at maghintay."

Nakatulala lang dito si McKenzie dahil di siya makapaniwala sa ginawa nito. Napayuko na lamang siya at palihim na napangiti.

Ilang saglit lang ay dumating na rin ang pagkain at sabay na silang kumain.

"Di ka ba nagugutom sa kaaarte mo? Mga mayayaman nga naman kala mo mga taga-langit."

"What's this? Is this a mud?"

"Unicorn, ilang taon ka na ba rito sa Pinas at pati 'yan di mo alam? Para sa kaalaman mo, dinuguan 'yan."

"Dinuguan? What's that? And FYI, I came from France at walang ganyang doon. God, napaka-stupid mo talaga."

"Ikaw ang stupid dahil simpleng pagkain di mo alam. God, it's pork blood stew," panggagaya ni Kale kay McKenzie. Inirapan siya nito habang siya ay kumain na.

Nang matapos kumain si McKenzie ay sinabihan niyang parang butiki kung kumain si Kale dahil hindi nito naubos ang pagkain at sayang. Pinabalot ni Kale ang tirang pagkain at ibibigay sa mga kaibigan niya, pagkain ng aso.

"May ice cream ba sila dito?" tanong ni McKenzie habang nagsasalamin sa phone niya.

"Meron."

"'Yong Magnum ice cream pint? Meron?"

"Lahat naman ng ice cream pare-parehas. Naghahanap ka pa ng Magnum."

"I don't care. Ayoko ng puchu-puchu. I have my own tastes like duh."

Nanahimik na si Kale habang tumayo na si McKenzie at nagtanong ng ice cream kay Aling Bebs.

"Ganda, wala ka bang kahit na barya lang diyan? Bente lang 'yan," sabi ni Aling Bebs sa hawak na credit card ni McKenzie. Poker face lang naman itong nakatingin sa tindera dahil nilalantakan na nito ang Cornetto Vanilla ice cream na kinuha nito. Pinagtitiyagaan na lamang ni McKenzie ang kinakain, basta manguya lamang.

"Aling Bebs, ito na ho 'yong bayad sa ice cream."

Matapos makapagbayad ay lumabas na sila ng carinderia.

"May pa-credit-credit card ka pang nalalaman eh 'yan lang naman pala bibilhin mo. Napaka-cheap," pang-aasar ni Kale sa kasama.

"So, ikinayaman mo na 'yang pagbabayad mo ng bente ha?"

"Uuwi na ako bahala ka na diyan." Nagsimula na itong maglakad paalis ngunit nagsalita rin si McKenzie.

"Exam week ngayon di mo ba alam?"

"Exempted ako sa lahat kaya di ko na kailangan mag-exam. Napaka-basic. Ikaw na lang pumasok tutal kailangan mong mag-exam para naman pumasa-pasa ka. Baka saan ka pulutin niyan," mayabang nitong tugon at tuluyan na siyang iniwan.

Naiwan siyang nakasimangot at iniisip kung paano siya makakabalik sa Henderson University.

Tinawagan niya si Tyler at sinabihang sunduin siya sa isang carinderia. Pinamadali na niya ito. Wala pang ilang minuto ay dumating na ito at agad siyang sumakay sa dala nitong atomic silver Lexus LS 500.

"Zie, anong ginagawa mo sa crowded place na 'yon? First time ata kitang makitang magpunta sa isang street canteen?" tanong ni Tyler sa kalagitnaan ng kanilang biyahe.

"It doesn't matter, Ty. Just pretend that you didn't pick me up there."

Pagdating nila ng Henderson University ay nagpasama muna siya sa cafeteria upang bumili ng makakain. Nagpasalamat na siya kay Tyler at pumunta na sa kani-kanilang klase.

And all she knows is that she's still happy with what happened at the carinderia.

Their day went the same as before. Umuwi na rin sila pagkatapos ng kanilang trabaho sa university.

Pagkauwi niya sa kanyang penthouse ay dumiretso siya sa cru pang mag-shower. Habang nagbababad sa kanyang bath tub ay naisipan niyang mag-scroll muna sa kanyang socmeds nang biglang nag-notif sa kanya si Natalie. Nag-post ito sa IG.

Isang larawan kung saan nasa bar ang anim na magkakaibigan, masayang nag-iinuman. Nakatabi ito kay Kale na abot tenga ang ngiti habang ang kamay nito ay nakapatong pa sa dibdib ng huli at nakahilig pa ang ulo nito rito. Ang waitress naman ay nakaakbay dito. Naka-unbutton pa ang dalawang butones nito na talagang ikinatuwa ni Natalie. May caption pang dalawang puso ang post.

Wala sa sariling nag-comment siya ng tatlong tuldok sabay malakas na ibinato sa dingding ang phone.

Nagmadali na siyang kumilos at dumiretso na sa The Midnight Haven. Halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan makarating lang agad doon. Sa kanyang isip ay ibinabaon na niya ng buhay si Natalie.

Pagdating niya sa loob ay nakita niya agad ang mga ito sa baba na masayang nagkukwentuhan habang si Reign ang nagsilbing entertainer ng mga ito.

Nang makalapit ay mas dinig niya ang malalakas na tawanan nina Natalie at Silver at nang mapansin siya ay napalitan ng ngisi ang kaninang tawanan ng dalawa. Nagbulungan pa muna ang dalawa saka naghagikgikan bago siya binati.

"Hi Mc! What brought you here? May kailangan ka ba?" pilyang tanong sa kanya ni Silver.

"Oo nga Kenz. I thought you were busy kaya di ka na namin niyaya kasi you're full of excuses na mag-aaral and maybe my holy IG brought you here in nanosecond," dagdag pa ni Natalie habang masaya pa ring nakayakap kay Kale.

Dahil bakante sa tabi ni Kale sa kanan ay doon umupo si McKenzie habang si Silver ay lumipat sa tapat at tumabi kay Tyler.

"Don't you dare to do anything with her. Huwag ang kaibigan ko," nagbabantang bulong niya kay Kale na nakatingin lang sa paligid habang ang ulo nito ay nakikisabay sa beat ng music ng DJ.

"I'll do anything that she says. She's my customer, unicorn and she's paying me kaya walang problema," kontra nito saka siya nginisian. Bumaling na muli ito kay Natalie at ibinuka ang mga palad upang tanggapin ang kamay ng huli. Magka-holding hands na ang dalawa sa harap niya.

Tuluyan nang nag-init ang ulo ni McKenzie sa nakikita niya kay Kale at Natalie lalo na't may pahaplos-haplos at malanding patawa-tawa ang double dead niyang kaibigan sa kanyang isip kaya napalagok siya ng diretso sa vodkang nasa mesa.

Mukhang di naman siya tinablan kaya di pa nakuntento ay sunod-sunod ang kanyang paglagok.

"Woah, Mc, feeling thirsty tonight? Dahan-dahan, baka pati shotglass malulon mo."

"Just shut up, fucking whore."

Napahinto naman ito sa sinabi niya at napalagok din ito sa hawak na gin. Wala nang kumibo pa sa kanilang dalawa.

Sa kalapastanganang ginagawa ng dalawang katabi niya ay nandidilim ang kanyang paningin kaya palihim niyang inapakan nang madiin ang paa ni Kale at nanggigigil na hinawakan ang braso nito saka tuluyang umalis

Palihim niyang inapakan ang paa ni Kale at nanggigigil na hinawakan ito sa braso at tuluyan nang umalis papuntang cr.

Pagdating niya sa cr ay mabilis siyang pumasok sa pinakadulong cubicle at ini-lock ito. Napaupo na lamang siya sa toilet bowl.

"Fuck! Fuck! Ba't ba ako nakakaramdam ng ganito sa bwisit na Nixon na 'yon! This can't be happening, ugh! I'm straight. I'm fucking straight! There's no way that I can feel this-argh!" Minura-mura at hinampas-hampas niya ang pinto dahil frustrated siya sa kanyang sarili. Wala ano-ano'y pinagdiskitahan din niya ang toilet paper sa gilid at pinaghihila.

Makalipas ang ilang minuto nang maubos niya ang tissue paper ay nakarinig siya ng pagkatok.

Shit! Sino kaya 'yang istorbong 'yan?!

"Wait!"

Nagmadali na siyang kumilos at inayos ang sarili. Pagbukas niya ng pinto ay laking gulat niya at di makapaniwala. Nagtatambol ang kanyang puso sa sobrang bilis ng tibok. Mahigpit siyang napahawak sa kanyang dress.

Madilim at seryoso ang mukha ni Kale at mabilis itong pumasok at isinara agad ang pinto. Wala ng maaatrasan pa si McKenzie kaya napakalapit na nila sa isa't isa ngayon.

"Anong problema mo kanina sa loob? Bakit mo ginawa 'yon?"

Nakayuko lamang siya at di makatingin nang diretso. She's aware of what she did but she won't explain herself. What happened, happened.

"'Wag mo na lang uulitin-"

Bigla siyang kinabig ni McKenzie at siniil nang maalab na halik. Biglang namang nanlambot ang anyo ni Kale at tumugon sa halik ni McKenzie. Kale pulled her closer to deepen the kiss and wrapped her hand around McKenzie's waist.

McKenzie is enjoying the depths of Kale's mouth, unleashing soft moans and doesn't care if someone will hear them. What matters is that she finally tasted again the sweet and addictive lips of the bartender that drives her crazy. It's more sensual, new and different than with Royce, her cheating doctor ex-boyfriend.

Kale pulled away to suck in a breath while her, panting, her eyes is now clouded with lust and it was ignited more nang buhatin siya nito at isinandal sa malamig na pader.

Nakatingin lang sila sa isa't isa habang ang mga mata'y parehas na namumungay.

"Nagseselos ka ba kay Natalie?"

Sa halip na sumagot ay muli niya itong hinalikan. Napasabunot na siya sa buhok at mas pinalalim ang halik. She could feel her warmth and those muscles pressed against hers.

Hanggang sa unti-unti ng bumababa ang halik ni Kale sa kanyang leeg.

"Ahh, fuck."

Dahil sa ungol na 'yon ni McKenzie, Kale knew she was doing a great job. Ramdam niyang nadadala na ito sa ginagawa niya dahil sa pag-arko ng katawan nito at maging siya ay ganoon din.

Before she could lost everything out of her control, savoring the heavenly scent of the girl one more time then she pulled away. A playful smirk was carved on her lips.

"Kung gusto mong ituloy natin, our VIP lounge is available. The problem is...mahal ang talent fee ko at...may utang ka pa sa akin."

Nanatili pa ring nakakapit si McKenzie kay Kale, ignoring what she said.

"And look what you have done to my arm. Wala pa nga but you already left a mark. Why is that, Miss Homophobic?"

Bahagya pa niyang inayos ang itsura nito dahil baka mapagkamalang pinagsamantalahan ito. Tiningnan niya muna ulit si McKenzie sa huling pagkakataon at iniwan na ito.

Pagbalik niya ay nasalubong niya si Ashley. Busy ito sa pag-iikot at pagtitingin sa loob ng bar.

"Saan ka galing?" malamig na tanong nito sa kanya.

"May inayos lang ako sa cr."

"Oh? Kababalik mo lang ngayon dito at nagli-lipstick ka na pala? Next time, pakiayos." Basta-basta na lang itong umalis.

"Anong lipstick?" takang tanong niya sa sarili saka pinahid ang labi niya. Pagtingin niya sa kanyang daliri ay may kulay pula ngang mantsa.

"May lipstick nga."

Tumungo na siya sa locker ng mga staff at inayos ang sarili. Tiningnan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Muli na namang nabahiran ng di dapat ang kanyang labi. Hinawakan niya ang sariling labi at tila nanumbalik sa isip niya ang mainit nilang tagpo kanina ni McKenzie.

At the back of her mind, she can vividly recall McKenzie's face. From the outline of her well-trimmed eyebrows to those deep brown eyes that anyone would be drawn towards it. Her pointed nose that flares everytime she sees her and those soft, luscious lips that made her to want more.

"This can't be...I should not be thinking about her," bulong niya sarili habang ang isang kamay niya ay nakasapo sa dibdib niyang mabilis ang tibok.

Bago pa umabot kung saan ang isip niya ay nagpalit na rin siya ng damit nang bigla ring pumasok sina Arian at Troy.

"Dude! Tangina, na-miss kita! Payakap nga!"

Halos mapisa na siya sa mahigpit na yakap ng kaibigan. Matagal-tagal din niyang hindi nakita at nakausap ang mga ito. Sakto namang maaga ang uwian nilang tatlo ngayon dahil may isang araw na maaga ang kanilang uwi mula sa trabaho.

"Nix, mahal! How are you, I missed you too!" at nakiyakap din ito.

"Oo na, na-miss ko rin kayong dalawa pero pagbihisin niyo muna ako para makauwi na tayo."

"Sure mahal," at kumilos na si Arian.

Naiwan silang dalawa at nagdaldalan muna.

"Dude, nakahanap ka na ba ng playmate mo? Ako meron na, nahanap ko sa dating app. Mag-three weeks na kami ngayon. Ang pogi ko di ba? Kaya dapat gayahin mo ako, maraming playmates! Alam mo ba dude..." at bumulong ito sa kanya saka ngumisi at may pataas-taas pa ng kilay.

"Wait dude, anong playmate? Saka nakaiskor ka na sa playmate mo? Bilis ah, nakaka-proud," malokong tugon naman niya.

"Baka Troy Fuentes ito saka di naman sa nagmamadali pero syempre di ba kung inalukan ako, who am I to refuse? Dude, san ka ba galing? Tagal mong nawala eh."

"Diyan lang sa tabi-tabi-"

"Kayong dalawa nga diyan lalo ka ng kupal ka! Napakadaldal mo masyado kung kumilos na kaya kayo nang makauwi na tayo!" sigaw sa kanila ni Arian na ngayon ay nagsusuklay na.

Paglabas nila ng bar ay nandoon si McKenzie sa sasakyan nito. Nakatayo at nakasandal, tila naghihintay.

"Miss McKenzie! Hello po!" masayang bati ni Troy dito at lumapait pa rito.

Imbes na si Troy ang mapansin ay mas napansin niya pa ang nakapulupot na braso ni Arian kay Kale.

Napataas na naman ang kilay niya habang ang mata niya ay nanunukat sa dalawa. She felt something sa tuwing may nakapulupot kay Kale. Jealousy? She's not sure but one thing is certain, ayaw niyang may kasamang ibang babae ito maliban sa kanya.

Napansin naman niyang poker face lang itong nakatingin sa kanilang dalawa ni Troy. Dahil mukhang walang namang wala itong pake ay naisip niyang i-entertain ang lalaki.

"Troy, right?" malandi niyang tawag dito. I'm sorry but would you mind driving me home? It looks like pauwi na rin kayo? And if you want...you can stay at my condo-"

"Troy! Tara na. Ihahatid pa natin si Arian," sigaw ni Kale sa pangalan ng kaibigan. Di niya alam kung anong dating no'n pero nabubwisit siya dalawa.

"Puchang 'yan! Di ba makauwi mag-isa 'yan?! Sayang naman oh! Arian kasi, umuwi ka na nga sa susunod!

"Inaka, kupal! Nananahimik ako rito at ikaw na lang 'tong hinihintay di sana nakauwi na kami ni Nix! Tanga!"

Nagpaalam muna si Kale kay Arian at Troy at lumapit kay McKenzie saka bumulong. Ilang saglit lang ay umalis na silang tatlo habang si McKenzie ay umuwing nakangiti.

Pag-uwi niya sa kanyang penthouse ay nakangiti pa rin siya. It was her first time na umuwi nang gano'n galing sa bar. Kanina at patuloy pa rin niyang inaalala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Kale pati na rin ang ibinulong nito sa kanya.

She took a quick shower first at pagkatapos ay nagbihis ng kanyang pajamas.

Patulog na sana siya nang biglang nag-vibrate ang kanyang phone. She checked it just to see Silver sent her a photo where it was taken at the bar several hours ago. The photo showed her, gripping tightly on Kale's arm.

"Ano kaya 'to?" message pa sa kanya nito na may emoji pang nakadila.

She opened her camera then took a selfie na naka-middle finger at sinend dito.

Ini-off na niya ang kanyang phone nang bigla ulit itong tumunog. Bwisit na kinuha niya ulit ito.

"Who the fuck is this, right now?!"

Nagtaka naman siya nang di niya inaasahan ang isang message dahil unknown number ito.

"Goodnight, unicorn."

At natulog siyang may ngiti habang hawak ang phone.

Nächstes Kapitel