webnovel

Chapter Nine

NASA loob na sila ng sinehan ng biglang mag akyatan ang mga cast ng pelikula premier night pala ang pina nood nilang pelikula, biglang nagliwanag sa paligid pero sa stage ay madilim, ng biglang dumilim sa paligid at sa stage naman nagliwanag hiyawan ang mga mga tao, lahat ng cast sa pelikula ay napanood nila ng  live, ng biglang bumaba ang lead actor at pumunta sa harapan ng magkakaibigan at si Rey ang binalingan , biglang umilaw ang spot light si Rey at ang lead actor ang pina sinagan kitang kita sa monitor ang mukha in Rey na parang galit,  pati ang lead actress ay bumaba at hinatak nito ang lead actor na nagpakilala kay Rey, 

Nag resume na uli ang pelikula kaya tahimik na naman ang lahat na nanonood, ng palabas na sila biglang may humatak ng kamay ni Rey yung lead actor kanina inabangan pala siya nito sa labas,  malayo pa naman ang agwat sa kanya nina Junas kaya hindi siya nito matulungan, 

"Bakit ba nanghahatak ka?,"

"Sorry Miss gusto lang kitang makilala, ako nga pala si Art short for Arthur Jackson ako ang lead actor ng pelikulang pinanood ninyo kanina maganda ba ang pelikula?,"

"Oo maganda sige maiiwan na ako ng mga kasama ko,"

"Teka muna pahingi ng number mo,"

"Pasensiya  na wala akong cellphone,"

"Sige address at pangalan mo na lang,"

"Teka, kumuha siya  ng papel at ballpen  sa bag at isinulat niya ang kanyang address at pangalan dito, "

"Aubrey ang gandang pangalan,"

Nakayuko ito at binabasa ang nakasulat sa papel na ibinigay niya.

"Sige alis na ako bye,"

"Bye, Rey ,"

"Taranta na sa kahahanap sina Junas kay Rey  buti na lang ay hindi umalis sa may exit si Marisse kaya ito ang nakakita sa kanya ,"

Rey  saan ka ba nagsuot natataranta na si Junas at si Ferdie sa kahahanap sayo pati nga si Roxy ay naki hanap na rin,"

"Nagpunta lang ako ng CR hindi na ako naka pagpa alam dahil siksikan na ang mga tao pagdaan ko ng CR ay pumasok kaagad ako kaya lang lahat ng cubicle ay may tao kaya ayon naghintay pa ako, sorry natagalan  ako and thank you sa pag alala ninyo,"

Maya maya lang ay nagdatingan na ang mga naghanap sa kanya,  at sabay sabay na silang umalis , si Rey ay inuna ng inihatid ni Junas.

Nasa airport na siya papuntang Australia doon din kasi gaganapin ang Olympics may natanaw siyang tumatakbo,  si Junas palapit sa kanya.

"Rey hintay sasama ako sayo  baka kung anong mangyari sayo kaya sasamahan na kita, "

" Nas kaya ko ang sarili ko kaya huwag ka  ng mag alala," 

"Sige pag nasiguro ko na maayos na ang kalagayan mo doon uuwi na lang ako,"

"Okey sige tara na ,"

Akbay akbay siya ni Junas paakyat ng plane  hindi niya alam na may nakatingin sa kanya si Andrea kinunan pa siya ng picture , sumama din ito sa kaibigang dadalo rin sa Olympics alam kasi nito na kasama si Rey doon. tuwang tuwa ito dahil akala nito ay may relasyon si Rey at Junas kaya mapapasa kanya na si Eli.

Ang team nina Rey ay deretso na sa Sydney Olympic Park Tennis Centre  sa hotel din ng Olympic Park ang designated place to stay nila , dalawang araw pa bago ang kanilang laro kaya  sumama muna siya kay  Junas para maghanap ng hotel na puwede nitong matuluyan  , nakarating sila sa The Stylish Bacar  Restaurant and Bar,  hindi ito kalayuan sa Olympic Park doon na din kumuha ng kuwarto si Junas  habang kumakain sila ay pumasok naman si Andrea at ang kaibigan nito, pumuwesto pa ito sa katabi nila, kaya dinig na dinig nito ang usapan nila.

"Rey pagkatapos ng laro ninyo mamasyal na rin tayo habang narito tayo ,di ba? last year pangako ko sayo na ipapasyal kita sa California dito na lang kita ipapasyal , mas maraming magagandang lugar dito ang puwede nating puntahan, maya maya ka na bumalik sa room ninyo Rey dito lang muna tayo,"

"Mag lakad lakad na lang muna tayo Nas,"

Nasa labas na sila ng Restaurant ng mag ring ang cellphone ni Junas,

"Hello, oo narito katabi ko , o sige , Rey si Eli kausapin ka daw, ibinigay na sa kanya ni Junas ang cellphone nito,"

"Hello, sa Australia din pala kayo?, oo, Eli bakit ba?, pagkatapos ng laro ninyo susunduin kita diyan Rey, huwag ka nang mag abala Eli magkasama kami ni Nas at marami din kaming pupuntahan,"

"Rey huwag mo nang abalahin si Nas nakakahiya sa kanya ,"

"Ano bang alam mo Eli sa samahan namin ni Junas?, hindi pa kita kilala ay kakilala ko na si Nas kaya mas malalim na ang pinagsamahan namin kesa sayo, sige na ba bye na gabi na pabalik na ako sa hotel na  tutuluyan ng mga athletes,"

"Ibalik mo muna ang phone kay Junas kakausapin ko pa siya,"

"Nas, o kausapin ka pa daw ni Eli,"

"Hello," Nas salamat sa pagsama kay Rey masyado kasi akong nag aalala sa kanya maraming salamat talaga pare", ayos lang kahit hindi mo sabihin, alam mo namang mahal ko si Rey, sige , bye,"

Araw ng laro panalo si Rey sa qualifying round kaya siya ang lumaban sa championship round ang kalaban niya ay isang British magandang babae din ito at magkasing taas din sila ni Rey pareho silang 5'10 ang height , panalo si Rey sa Championship round,  Pilipinas ang Champion sa larong Lawn tennis, tuwang tuwa kay Rey ang coach nila.

"Rey alam kong kakayanin mo talaga ang kalaban salamat dahil binigyan mo ng karangalan ang bansa natin , tiyak na matutuwa nito si Senator Agustin , puwede ka na munang maka pamasyal Rey hindi ka pa kasi puwedeng umuwi,  hihintayin pa natin ang awarding saka lang tayo puwedeng umuwi pag tapos na ang awarding,  pahingi na lang ako ng number mo tatawagan na lang kita kung sakaling wala ka dito pero kung gusto mo puwede ka pa ring mag stay sa hotel na tinutuluyan ninyo sagot ng providers natin ang accomodation ng mga Athletes ,"

"Magpapaalam po ako coach kung aalis na ako sa hotel , heto po ang number na puwede ninyong tawagan sa araw ng awarding , number ni Junas ang ibinigay niya,

"Nakapamasyal sila ni Junas, pumunta sila sa Sydney Opera House  sa Horalby Lighthouse, pagkatapos  ay  umuwi na sila,  kumakain muna sila sa Bacar Restaurant saka nito ihahatid si Rey, Kinabukasan uli ay sinundo ni Junas si Rey,  maaga sila dahil gusto nila ay marami silang mapuntahan,  pumunta sila sa Sydney  Harbour Bridge deretso sila sa The Royal Leichhard at sa Royal Botanic Garden, Sydney , nasa Bacar Restaurant na sila ng tawagan si Junas  ng mommy niya,  may sakit daw ang daddy niya wala daw kapalit na magbabantay.

"Rey sasama ka na ba sa akin?, uuwi na ako  bukas may sakit daw kasi si daddy wala daw kapalit sa pagbabantay si Ate Ara at si mommy."

"Magpapaalam ako kay coach baka payagan ako , sasama na ako sayo,"

"Rey marami ka pang hindi napuntahan sayang naman, kung babalik ka pa dito pag awarding  sayang sa pamasahe yon, kung dito ka na lang kaya?, tutal hanggang uwian  na ang reservation sa inyo sa hotel puwede ka pang  magpahinga maghapon kang matulog di ba relaxing yun? ,dito ķa na lang muna okey?," sige magpapa boòk na ako  ngayon para maka alis na ako bukas,"

Kinabukasan ay maaga siyang pinuntahan ni Junas 9:30 daw ng umaga ang alis nito, kaya sa Bacar Restaurant muna sila   naghintay ng oras, 8:30 ay umalis na sila papuntang  airport.

Bandang 1:00 PM ay natutulog siya sa kuwarto niya sa hotel ng may kumatok , pagbukas niya ng pinto si Eli ang tumambad sa kanya,.

"O, Eli anong ginagawa mo dito?,

Deretso itong pumasok sa kuwarto niya at nahiga ito sa kama, pinalo niya ito ng unan, pero pumikit lang ito.

" Pack your things doon ka na muna sa bahay, para  makampanti ang isip ko sayo, si Junas ay nag alala din sayo kaya tinawagan niya ako na kunin daw kita para wala na daw siyang alalahanin,"

"Hindi ako sasama sayo marami pa akong pupuntahan,"

"Sasamahan na lang kita kung saan ka pupunta."

'Kaya ko ang sarili ko, kaya huwag ka nang mag abala,"

"Ikaw Rey napakatigas ng ulo mo puwède ba paminsan minsan ay makinig ka naman sa mga sinasabi ko  sayo, sige na mag impake ka na at aalis na tayo, may shooting pa kami mamayang 6:00 PM,  magagahol tayo sa oras kung hindi ka pa kumilos," 

"Wala akong pakìalam sa shooting mo  pumunta ako dito para maglaro hindi para mag shooting ,"

"Rey kapag hindi ka pa kumilos kakargahin kita hangang sa kotse ko na nasa parking lot. Ano gusto mo bang kargahin kita?"

"Huwag na  mag iimpake na ako, wala naman akong pakialam sa shooting bakit penepeste ako nito kainis,"

"Anong sabi mo Rey ulitin mo nga,"

"Wala sabi ko guwapo ka"

"Matagal na," sagot nitong naka tawa,

"Hoy assuming ka , may ebedensiya ka ba?"

"Marami, kasi napakaraming babae na ang naghahabol sa akin ,"

"Tara na tapos na ako sa pag empake,  dala na niya sa dalawang kamay ang kanyang bag at hila pa niya ang kanyang maleta ,"

Pinagtawanan siya ni Eli, sa porma niya .

"Ano kaya mo na ba talaga yan?,"

"Huwag mo akong pagtatawanan Elija Ponce ibabato ko itong lahat sayo,"

"Sino naman kasi ang hindi matatawa sa porma mong iyan parang dinala mo na lahat ng damit mo dito pinalayas ka na ba sa inyo?"

"Napikon siya sa sìnabi nito kaya ibinato niya dito ang bag na hawak niya ,"

"Aray ko Rey anuba bat ka ba ganyan,  sa guwapo kong ito babatato batuhin no na lang," pero nakatawa ito habang sinasabi iyon ,"

"Pag hindi ka pa gumalaw diyan Eli,  hindi na ako sasama sayo ,"

"Sinong may sabi na hindi ako gagalaw? Aba'y tara na mahal ko,

"Hindi ka ba talaga titigil sa pang aasar mo?"

"Hindi naman ako nang aasar totoo ang sinabi ko na mahal kita,"

Nächstes Kapitel