webnovel

Practice

Alex's POV

Ilang araw ang isang linggo. Pareho kami naging busy ni Stan sa pagpapractice.

At sa loob ng isang lingo nay un, laging nanunuod si Felix. Nagsusumikap na maihatid ako pauwi, kaso sabay kami lagi umuwi ni Stan. Naawa na nga ako kay Felix eh, talagang nagttyaga sya. Isang beses nga papayag na sana ako na mahatid nya, kaso bigla ba namang bumusina ng malakas si Stan, kaya ayun. Nga-nga.

"Alex. Hanggang 8pm ulit kami."

"Ganun ba. Kami rin."

"Sa Jollibee na lang tayo mag dinner."

"Sige."

Pumasok na ako sa room.

Last day na ng practice naming ngayon. And the day after tomorrow will be our sports fest.

"Anong meron?"

Lumapit ako kila Georgia at Amanda. Mukha kasing busy eh.

"Nagpaplano kami para sa birthday ni josh."  Sagot ni Georgia.

"Ah. Malapit na nga pala."

"Sa bahay na lang ang venue."

"Alex tayo mag luluto."  Parang batang sabi ni Amanda.

"Ano bang lulutuin?"

"Hmmn. Mga favorite ni Baby. Pasta, pizza, tapos yung black forest na cake daw. Special request nya eh."

"Talaga? Ang cute naman. Pareho sila ni Kuya."

"A-Ahh. Talaga?"  Sagot ni Georgia.

"Nga pala. Uuwi na si kuya john next next week. Vacation daw. Ok lang ba kung isama ko sya sa birthday ni josh?"

"Wow. Sounds exciting. Para malaman namin kung anong klaseng kuya meron ka kaya takot ka dun."

"Shut up Amanda. Ano Georgia? Ok lang?"

"O-Oo naman."

Lesson. Lesson.

"Class yung mga player daw dito, pati yung kasali sa cheer dance. Labas na para sa early practice nyo."

"Tara na Amanda."

"Sige."

"Georgia. Babye!"

Pang-aasar ko sa kanya. Wala kasing sinalihang sports yan eh, busy na daw sya masyado sa anak nya.

Kasali naman si Amanda sa cheer dance. Hindi lang yun, sya pa ang captain.

7pm. Maagang natapos ang practice namin.

Nag shower muna ako school at nagbihis na rin. Simpleng maong short at white na sando, syempre simpleng slippers lang din.

Pag dating ko sa basketball court. Woaw~ Ang daming nanunuod.

'Go! Stan!'

'Go! Go! Baby Stan!'

At kung ano-ano pang sinisigaw.

Dun ako umupo sa bench ng mga players.

"Hi Coach."

"Ow Hi Mrs. Martin."

Tsk! Isa pa to! Bagay talaga sila ni Coach Sarah.

Inabot na sila ng 9pm. So two hours akong tumunganga. Hanggang sa natapos na sila.

"Babe."

"Ang tagal nyo."

"Last practice na kasi."

"Nakakainip kaya."

"Si coach sisihin mo."

'Stan! Papicture!'

Napatingin ako dun sa sumigaw. Kumpulan ng mga babae.

"Wait lang Alex ah."

At ayun ang lalaki. Nagtatatakbo.

Hala! Sigeng picture. May humahalik pa sa pisngi. Ew lang! Pawisan kaya si Stan.

Hindi nahiya sa akin? Haler! Wife here!

Pakingtape! Nagugutom na ako!

Tumakbo na sya palapit sa akin at binitbit na yung bag nya.

'Stan kami rin!'

"Subukan mong lumapit dun Stanley! Pagbubuhulin ko kayo!"

"Nagpapapicture lang."

"Lintek na picture yan! Gutom na ako! Gusto mo basagin ko pa yung camera na yun sa harap mo?"

Naglakad na ako palapit dun sa babae ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.

"Hindi na. Ito naman. Selos ka no?"

"Gutom na ako. Mabubusog ba ako ng selos na yan?"

"Relax! Hintayin mo na lang ako sa kotse. Here's my key. Maliligo lang ako."

"Bilisan mo kung ayaw mong masira ang kotse mo."

"Oo na!"

Nauna na ako sa parking lot at sumakay na kay Veronica.

"Hmmn. Normal na kotse. Mas maganda pa yung dati kong kotse kesa sayo. Ano bang meron sayo?"

Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Bat ba kita kinakausap?"

Maya-maya sumakay na si Stan. Naka jersey short, and his varsity jacket.

Parang may hinahanap sya.

"Ano yun?"  Curious kong tanong.

"Tinitignan ko lang kung may damage."

( Boink )

Nabatukan ko bigla.

"Gagawin ko talaga yun kapag hindi pa tayo umalis."

Jollibee.

"Ano sayo Alex?"

"Kahit ano. Basta may chicken."

'What's your order sir?'

Wow. Laki ng ngiti ni ateng!

"BABE hanap lang ako ng pwesto."  Sabi ko kay Stan sabay tingin kay ateng. Supalpal! Haha.

Ang bad ko talaga!

Habang kumakain kami. Napatingin ako kay Stan. Nakatitig sya sa akin.

"Bakit?"

"Tumataba ka."

"What?"

"Lumalaki na yung pisngi mo."  Napahawak ako sa pisngi ko.

"Haahh! Hindi pwede."

"Okay lang yun. Mas gusto ko pa nga ang medyo chubby eh."

"Wala akong pakialam sa gusto mo. Hindi ako pwedeng tumaba."

Pansin ko nga. Lately nagiging matakaw ako.

Napasimangot sya. Tumayo.

"Eh mataba ka na nga eh. Dito oh!"

Tinuro nya yung pisngi ko sabay kiss.

"Ano to? Para-paraan?"

Ngumiti lang sya.

Nächstes Kapitel