webnovel

Chapter 22

"Krishaa!" Sigaw ni France ang nadinig ko nang makapunta kami sa bahay nila at inambahan ako ng yakap.

"Oh? Maka yakap akala mo naman isang taon hindi nagkita." Pilit kong inaalis ang yakap nya sakin dahil hindi ako komportable na may yumayakap sakin.

Tatawa tawa syang nilingon ako kasabay nang pag tingin nya sa likod ko. Nilingon ko iyon at nakita si Chloe na papalapit sa amin.

"Kamusta na nga pala kayo?" Tanong ko kay France na syang nakatingin kay Chloe.

"Ayos lang, mag kasama pa din." Nakangiting sagot nya.

Kumunot ang noo ko nang pagkalapit ni Chloe ay hinalikan nya ito sa noo at niyakap ng mahigpit. Nararamdaman kong gustong gusto din ng kaibigan ko iyon dahil niyakap nya rin pabalik.

Napa ismid ako. "Bakit hindi mo ligawan? Para kayong mag jowa dyan?" Sambit ko pa.

He laughed and shook his head. "We're just friend's. Friends don't like each other."

Napamaang ako sa sagot nya at tinignan ang kaibigan ko. Nakangiti syang nilingon ako. "Oh bakit, may problema kaba?" Bungad nya sakin kaya pinag taasan ko sya ng kilay.

"Halika dito, mag uusap tayo." Bulong ko sa kanya at sumenyas na lumapit sakin.

"Ah, France, usap lang kami ni Krisha." Malambing na sambit ni Chloe kaya nagulat ako at ngumiti naman ng matamis si Paris.

"Sure, I'll just wait for others."

Nang makalapit si Chloe sakin ay agad ko syang hinila sa braso kaya nagugulat syang sumunod sa akin papalayo kay Paris.

"Hoy, ano yung pag halik halik sa noo?!" Nagugulat kong tanong sa kanya at ngumiti naman sya sakin.

"What are you talking about? Wala iyon." Natatawang sabi nya sa akin at nilingon nya pa bago bumaling sakin. "Kung ano man iyong ginagawa nya sakin, walang meaning yon."

"Sinong niloloko mo?!" Inirapan ko sya. "Kahit na sinong makakita ay mag aakalang kayo! Chloe ano ba yan, hindi ba uso sayo ang magpaka totoo?"

Bumuntong hininga sya, mukhang sumusuko na. "Ayokong umasa-"

"Kaya hinahayaan mo lang na ganunin ka?! Eh kung alam naman na nya na matagal mo na syang gusto- edi ibig sabihin binibigyan ka ng motibo! Baka gusto ka din!" Natutuwang sambit ko pa pero nang tignan ko sya ay nakangiti lang sya sakin.

"Hindi rin, ayaw nya lang ako masaktan." My smile suddenly faded at napalitan iyon nang pagtataka.

"Ang gulo ha, sigurado kaba na wala talaga syang gusto sayo?! O baka in denial kayong dalawa sa nararamdaman nyong yan, walang mararating ang ka gaganyan nyo! Sinasabi ko na sayo."

Magsasalita na sana sya nang matanaw namin si Irish na lumapit sa amin at nakipag beso pa. Amoy mamahalin na perfume ang gaga at blooming ang itsura.

"Anong pinag uusapan nyo? Share naman dyan." Tinaas baba ni Irish ang kilay nya, handa nang makasagap ng chismis sa amin.

Tinuro ko si blue eyes girl. "Etong kaibigan mo, in denial parehas kaya nahuhuli ang love life!" Diin na sambit ko pa.

"Sabi ko naman sayo mag move on kana kay Paris! Papa asahin ka lang nyan!" Pananakot ni Irish sa kanya.

"No, he wouldn't do that." Iiling iling pa na sabi nya.

"Kung maski ikaw ay hindi ka sigurado sa sinasabi mo, paano ka makakapag isip ng tama nyan? Hindi nyo na lang pag usapan yang nararamdaman nyo para matapos na. Ilang buwan na lang at magpa pasko na ulit, tapos kayo ay ganyan pa din?" Pagdadaldal ko naman at natahimik lang sya.

Mukhang nawala ang mood nya at napa isip. "Pag isipan mong mabuti, nandito naman kami para sayo. At kung sakaling hindi ka man saluhin ni France, nandyan naman ang pinsan ni Krisha HAHAHAHA." Biglang bumulalas sya ng tawa kaya kumunot naman ang noo ko sa kanya.

"K** i** mo, dinamay mo pa pinsan ko!" Sigaw ko sa kanya at nag make face lang sya.

Nalito bigla si Chloe at tinignan ng blanko si Irish na ikinatahimik naman nito. Tatawa tawa ko naman silang pinagmasdan na dalawa.

Kung pwede lang na ganito palagi.

"Tahimik mo bigla ah?" Bumalik ako sa wisyo ng tignan ko si Irish. "Eh ikaw, kamusta ka naman? Pasulpot sulpot kana lang, ang hirap mo nang hagilapin ah?"

"Hindi naman ako umaalis, alam nyo naman ang buhay natin diba?" I calmy said. Alam naman na nila ang tinutukoy ko kaya hindi ko na kailangang ipaliwanag ang meron ako. Dahil maski sila ay ganoon. Ang pinagka iba lang, sa kanila kaya nialng i maintain dahil walang kumo kontrol. Ang sakin, meron na nga, kontrabida pa sa buhay ko.

"Then why you're not with Lexord?" Singit ni Chloe kaya natigilan ako saglit.

Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa dalawang kaibigan ko. Masyado silang nasanay na palagi kaming mag kasama at nagka taon lang na hindi dahil ayoko na din namang makausap o makita pa sya matapos ng ginawa nya sakin.

"Krisha ano? Wala ka bang balak magsalita?" Sunod na tanong pa ni Irish.

Nag iwas ako ng tingin kasabay noon ang paglingon ko sa pinto nang magtama ang paningin namin. Hindi ako nagkamaling wala syang kasama ngayon dahil mukhang wala din alam ang kaibigan nya.

"Nandyan na pala e, lumapit na tayo sa kanila." Dagdag ni Irish at nagsilapitan naman sila sa mga lalaki.

Hindi ako sumunod sa halip ay umakyat ako sa taas upang makapag pahangin sa balcony. Masyadong mabigat para sa akin na nandito sya at nasa iisang lugar lang kami.

Kung ano man ang itanong sa akin ng mga kaibigan ko ay wala na akong pakielam pa. Pilit ko pang pinapakalma ang sarili ko at pumikit upang maramdaman ang ihip ng hangin na tumatama sa mukha ko.

Kung kailan ayoko na syang makita, doon sya magpapakita ts.

Nakaramdam ako ng mga yabag papalapit sakin kaya pinakalma ko ang sarili ko at hindi ako nagpahalata. Parang gusto ko nang isisi si France dahil nagpadala pa sya ng imbitasyon sa akin dahilan para magkita ulit kami!

"You can open your eyes, you know?" Kalmadong sambit nya at walang halong sarkastiko.

Hindi ko sya sinunod at nanatiling pinikit ko ang mata ko. "Bakit nandito ka? doon ka sa baba at mukhang kailangan ka don." Sambit ko pa sa kanya at dinadama ang hangin na dumadaan sa mukha ko.

"They can manage, what are you doing here?"

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang tanungin nya ako pabalik. Para sa akin ay para bang insulto iyong tanong nya kahit wala naman talaga dapat akong isipin na masama sa tanong nya.

"Bakit nga ba ako nandito?" Tanong ko sa kanya pabalik at nararamdaman kong natawa sya.

"Of course he invite you. It was nice to meet you anyway."

Doon na ako napamulat ng mata at tinignan sya. Nagtama ang paningin namin at wala akong makitang emosyon sa mata nya kundi ang pagiging masaya nya sa buhay.

"Ano ba yang ginagawa mo?" Natatawang sabi ko at natigilan sya. "Para kang tanga, magkakilala naman tayo e. Bakit mo ginagawa tong mga bagay na para bang hindi tayo magkakilala?" Hindi ko na naiwasang maging sarkastiko at hinarap pa sya.

"What do you mean?" Takang tanong nya at hindi mapakali ang mata nya kakatingin sa kung saan.

"Ha!" I scoffed. "What do you think I am? A numb person na pwede mong lokohin at paglaruan?!"

Nakita ko ang pagka bigla sa mukha nya. Nagsisimula nang lumabas ang emosyon sa mga mata nya nang tignan ako. Ito iyong matagal ko nang hindi nakita sa kanya matapos noong huling pag uusap namin. Hindi ko alam kung isisisi ko ba sa sarili ko iyon, dahilan para mawala sya nang tuluyan sa akin noon.

"Krisha, I'm sorry if I cause you a pain. I really try to love you but I can't. It's still her, I still love her. I'm sorry, I'm sorry." He tried to reach me but I avoid him. Only because I didn't want him to hear those words coming from him.

Masasaktan lang ako. Ngunit bago ko pa ma control ang sarili ko ay kusang may lumabas na salita sa bibig ko na matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.

"Fuck you!" I slapped him. "For fooling me, to keep pretending all over the time! Hindi ako kasing manhid na tulad mo! Alam kong nagpaka totoo ka sa nararamdaman mo sa akin, kaya hindi mo ako maloloko sa pinagsasabi mo ngayon." I hissed at started to cry in front of him. "Stop this! Tama na lexord! Tama na ang pag papapangap mong hindi mo ako mahal, dahil ako mismo, nararamdaman ko iyon-"

"Krisha stop it!" Sigaw nya at natigilan ako. "Stop imagining things just to make yourself happy! Hanggang kailan mo ba ako papaniwalaang wala akong naramdaman maski isa sayo?! Stop fooling yourself! I've done to you. You're a useless person I knew! Use your brain sometimes-"

Natigilan sya nang sampalin ko sya ng paulit ulit. He tried to stop me by embracing me but I kept hurting him. "I hate you! Stop pretending! Mahal mo ako at alam mong alam ko iyon! Tama na tong ginagawa mo! Ang sakit sakit na kasi eh." Onti onti nya akong binitawan at humarap naman ako sa kanya kasabay ng pagsunod sunod na tulo ng luha ko. "Tatanggapin naman kita ulit eh, magpaliwanag ka lang ngayon please?" Pakiki usap ko at umiling iling naman sya sakin.

Nag amba syang tatayo ng pigilan ko sya sa dalawang balikat nya at tinignan ako ng galit nyang tingin. "Bumalik kana please, miss ko na ang mahal ko. Miss na miss na kita. Handa akong makinig sa paliwanag mo, wag mo lang akong iwan ulit." Nagma makaawang paki usap ko pa ulit at niyakap sya ng mahipit.

"Krisha s-stop this." Nanghihinang bulong nya.

Umiling iling ako at hinigpitan pa ang yakap ko sa kanya. "Saktan mo na ako ng mga salita mo, hinding hindi ako titigil na mahalin ka. Mahal na mahal kita." Garalgal ang boses ko nang magsimula na akong umiyak sa dibdib nya.

"Wag mo naman akong pahirapan. Bumalik na tayo sa dati please?" Umiiyak pang sambit ko at tinignan sya. Nagulat pa ako ng makita ang mga mata nyang namumula at nag iwas ng tingin sa akin.

"Stop this, I'll leave whenever I want." Seryosong sambit nya pa at onti onti nyang tinatanggal ang pagkakapit ko sa polo nya.

"Mahal mo ako diba? Bakit pinapahirapan mo ako ng ganito? G-ganon naba ako kadaling i-iwan? G-ganoon naba kadali para sayo na iwan ako nang hindi ko alam kung bakit ka nagbago bigla? Nandito na ulit ako, papakinggan na ulit kita. Kaya kong mag bago para sayo-"

"Hindi mo maiintindihan."

"Then explain it to me! Hindi ako ang manghuhula sayo lex." Inis na sigaw ko pa sa kanya lalo na nang tignan nya ako.

"You're the girl, I want to erase from my life. If you want to understand me, then obey my word." Madiin ang sabi nya pa sa akin matapos akong layasan.

Hindi ko napigilan ilabas lahat ng emosyon ko at pumasok ng banyo upang doon magkulong. I even try to follow him, please him and kneel to him but I stopped myself. I just love him that much that I forget how to love myself more.

Nagsimulang manginig ang katawan ko at nahihirapan na din akong huminga doon. I tried to calm myself. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko lalo na ang marinig ang boses nya sa isip ko ang mga sinabi nya sa akin kanina.

Hindi ko na alam ang nangyayari at nagsisimulang lumabo ang paningin ko dahil sa luha nang may tumulong sa akin patayo at inilalayan ako.

"Let's go, we should hurry!" Dinig kong pamilyar ang boses nang may hawak sa akin.

Nararamdaman kong bumibigat lang ang paligid ko kasabay nang pag banggit ko nang pangalan nya.

"A-azure."

To be continued...

Nächstes Kapitel