webnovel

Devil 68: Darling Angel

Someone's POV

HINDI makapaniwala si Heart habang nakatingin sa lalaking kaharap niya. Ngunit mas lalong hindi niya mapaniwalaan na hindi na siya nito kilala.

Matapos siyang sunduin ni Zero kagabi sa kanyang bahay ay dinala siya nito sa isang malaking mansyon na mukhang wala namang nakatira.

Maraming beses na niyang tinanong si Zero ngunit sinabi lang nito na pag-aari iyon ng pamilya nya at dinala siya nito doon upang ipakilala sa kasama nito at halos hindi siya makapaniwala na si Jillian pala ang tinutukoy nito.

Nasa trunk ito ng kotse ni Zero at hindi niya alam kung ano bang ginawa ni Zero dito. Pero ang tanda niya ay patay na ito dahil pinatay ito nina Jack.

Kaya naman hindi siya makapaniwala na buhay na buhay parin ito.

Nakagapos ito ngayon dahil ang sabi ni Zero ay gusto siya nitong iganti sa mga kahayupang ginawa nito sa kanya.

Hindi siya makapaniwala na nalaman ni Zero ang mga nangyari sa kanila ni Jillian at isang tao lang ang alam niyang nagsabi niyon dito. Si Jack.

Hindi niya alam kung matutuwa siya sa ginawang pagsabi ni Jack ng katotohanan kay Zero dahil mukhang hindi naman nagalit sa kanya si Zero at sa katunayan ay kinidnap pa nito si Jillian upang gantihan.

Nagulat pa siya nang tumingin sa kanya si Jillian na waring kanina pa naiilang sa mga titig niya.

"You know what? Kung wala lang tayo sa lugar na ito at hindi ako nakagapos ng ganito. Iisipin ko na may gusto ka sakin." Anito na bahagyang natawa.

Umigting ang mga panga niya sa narinig.

At dahil sa inis at galit dito ay lumapit siya rito at sinampal ito ng malakas. Napabiling ang mukha nito sa nangyari.

"F*ck! What's wrong with you!" Reklamo nito.

"Kulang pa yan sa mga kahayupang ginawa mo dahil isa kang demonyo!" Sigaw niya rito.

Wala roon si Zero dahil may pupuntahan raw muna ito at pagbalik nito ay saka nito tuturuan ng leksyon si Jillian kaya naman naiwan siya na kasama ang taong kinasusuklaman niya.

"What? What did I do to you? Ngayon nga lang kita nakita tapos sasabihin mong demonyo ako? Aba Miss, hinay hinay naman sa pagbibintang. Hindi mo ba ako kilala?" Reklamo nito.

Natawa siya ng pagak sa tinuran nito.

"Hah! Of course I know you! You're the asshole who ruined my life!" Nanlilisik ang mga matang sigaw niya rito.

Natigilan ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa saka umayos ng tayo habang nakagapos patalikod ang mga kamay sa hagdan.

"Alam mo miss, hindi kaya nagkakamali ka lang? Bakit ko naman sisirain ang buhay mo? Sa ganda mong yan, kung nagkita tayo sa ibang pagkakataon baka niligawan pa kita kaya paano ko naman magagawa ang binibintang mo?" Medyo mahinahon na turan nito.

Napapikit sa inis at bwisit si Heart. Hindi siya makapaniwala na ang hayup na lalaking palaging pinagsasawaan ang kanyang katawan at marahas kung gamitin siya ay marunong din palang magsalita ng mahinahon kahit sinampal na niya.

Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ito.

"Hanggang kelan ka magpapanggap na hindi mo ako kilala? Hah! So, ito na ba ang pinakamatalinong paraan na naisip mo upang takasan ang mga kasalanang ginawa mo? How dare you!" Napatalikod siya rito nang maramdaman ang panunubig ng mga mata.

Hindi naman ito nakaimik. Napabuntong hininga siya at tumingin sa itaas upang pigilin ang mga luhang nais kumawala sa kanyang mga mata.

"I'm sorry.."

Natigilan siya at waring tumigil ang mundo niya sa narinig.

Dahan dahan siyang napatingin rito. Bakas ang lungkot sa mukha nito na hindi niya kayang paniwalaan.

Malamlam ang mga matang tumingin sa kanya si Jillian.

"...believe me. I really don't know what you're talking about but if it's really I am who hurt you like this, then I'm sorry. I don't know what happened but if you're telling the truth then I really deserve your punishment." Anitong may bahid ng lungkot ang tinig.

Napasinghap si Heart at mabilis na tumalikod rito.

Hindi niya akalain na magiging ganoon kagaling ang pag-arte nito. Kung mas naging mahina lamang siya ay baka napaniwala na siya nito.

Napapikit siya sa galit. At sa kanyang pagharap ay muli niya itong sinampal. At hindi lang isa kundi maraming beses.

"Napakawalang hiya mo! Sa tingin mo maniniwala ako sa mga pinagsasabi mo! Hayup ka! Ikaw ang sumira sa buhay ko! Napakahayup mo! Hayup ka! Wala kang kasing sama! Ninakaw mo ang magandang buhay na dapat nararanasan ko! Ipinagkait mo sakin ang mabuhay ng maayos! Napakawala mong puso! Hayuk ka!" Sigaw niya habang paulit ulit na sinasampal at binabayo niya ang dibdib nito. Hindi na niya napigilan ang mapaluha sa sakit at pait na dinanas niya sa mga kamay nito noon. Maging ang pagtalikod sa kanya ni Ethan. Hindi na siya nito naaalala pa dahil kay Jack. Waring nabura na talaga siya sa puso't isip nito at ang mas masakit pa ay nalaman niyang girlfriend na nito ang bestfriend niyang si Ashley na hindi narin siya kilala. At lahat ng yun ay dahil sa kagagawan ni Jillian. Hindi niya malalaman ang kakayahan ni Jack kundi dahil dito kaya ganun nalang ang pagpupuyos ng galit niya.

"Napakahayup mo! Wala kang puso!" Patuloy niya habang nanghihinang napaupo sa sahig. Wala naman siyang natanggap na kahit isang reklamo rito at mukhang hinayaan lang talaga siyang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya rito which is not Jillian's type na kilala niya. Kaya mas lalo siyang naiinis rito dahil parang tanggap nito ang lahat ng masasakit na salitang bitiwan niya at okay lang dito na sinasaktan nya.

Hindi niya alam kung bakit sa bawat sampal at suntok niya rito ay may parte sa loob niya ang nasasaktan.

Napasapo siya sa mukha habang umiiyak sa harap nito.

Gusto pa niya itong saktan subalit wala siyang lakas ng katawan na gawin pa iyon kaya napaiyak nalang siya sa inis at galit dito. Malamang ay iniisip na nito na mahina talaga siya at kayang kaya nitong paglaruan ang damdamin niya.

Subalit sa ilang sandali na umiyak siya sa harap nito ay wala siyang natanggap na kahit na anong panunuya at panlilibak rito.

Nang kumalma siya ay tumayo siya at tumingin dito.

Hindi parin nawawala ang panlulumo ng mukha nito at waring pinangatawanan talaga nito ang pagpapanggap nito.

Ngunit galit parin siyang nagsalita rito.

"Are you happy now that you're seeing me like this?" Mapanuyang tanong niya rito. Hindi ito umimik bagkus ay nanatili lamang itong nakatingin sa kanya at bakas sa hitsura nito ang awa.

Ngunit hindi niya iyon kailangan dahil sa pagkakakilala niya rito ay wala sa loob nito ang salitang awa.

Natawa ng pagak si Heart habang nakatingin rito.

"You must be confuse that you're sex slave is being like this! That I'm not afraid to you and I can look at you with a sharp eyes!" Galit na asik niya rito. Bahagya itong nagulat sa sinabi niya.

"Hah! Fine, ituloy mo lang ang pagpapanggap mo dahil hindi kana rin naman magtatagal sa mundong ito. Dahil kung hindi ka magagawang patayin ni Zero, ako mismo ang kikitil sa buhay mo kapalit ng pagwasak mo sa buhay ko!" Sigaw niya rito.

Napakurap ito sa narinig.

"W-what do you mean..." Anito ngunit mabilis niyang sinundan ang sinabi nito.

"What? Hindi mo aakalain na masasabi ko ang bagay na yun? Hindi mo akalain na kaya rin kitang patayin? Matagal na akong nagtitiis sayo! At para sa kaalaman mo maraming beses ko nang inimagine sa utak ko kung papano ko kikitilin ang buhay mo!" Matigas na turan niya habang inilalapit rito ang mukha.

Napalunok ito habang nakatitig sa mukha niya na ilang pulgada nalang ang layo rito.

"..what do you mean by sex slave?" Tanong nito na kinakunot ng noo niya.

"What?" Wala sa sariling tanong niya at bahagyang lumayo rito.

"You said, you're my sex slave... What do you mean by that?" Tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Tiningnan niya ito ng may pagtataka. Hindi siya makapaniwala na iyon pala ang nais nitong itanong kanina.

"Seryoso ka ba? Hindi mo talaga alam na ginawa mo akong sex slave?" Hindi makapaniwalang tanong niya rito.

"You mean...we had sex? We-! Oh God!" Hindi nito makapaniwalang turan. Napayuko ito at waring napapikit ng mariin.

Nang tumingin ito sa kanya ay nanunubig na ang mga mata nito.

"I...I'm sorry..." Tanging nasabi nito na may malamlam na mga mata.

Takang pinanood lang niya ito. Mukha itong inosenting bata na hindi kayang gumawa ng kademonyuhan.

That looks can really be deceiving!

"Anong klaseng drama ba ang gusto mo Jillian? Para lang sa kaalaman mo, hindi uubra sakin ang pag-iinarte mo. Sa dami ng kasalanan mo sakin. Kulang pa ang buhay mo bilang kabayaran ng lahat ng yun. Kaya wag mo akong artehan dahil kahit lumuhod ka pa sa harap ko, walang puwang ang salitang patawad sa puso ko!" Asik niya rito at iniwan na ito.

Nang makarating siya sa kwartong binigay sa kanya ni Zero ay di niya napigilan na muling umiyak habang inaalala ang lahat ng hirap at pasakit na naranasan niya kay Jillian.

Hindi niya ito mapapatawad kahit kelan. Ipaparamdam niya rito kung paano ang naramdaman niyang takot nung mga panahon pinapahirapan siya nito.

Pahihirapan niya ang kamatayan nito. At kahit lumuha pa ito ng dugo sa harap niya ay hinding hindi siya maawa rito.

Naikuyom niya ang kanyang kamao habang iniisip ang pinakamahirap na paraan kung papano papatayin si Jillian.

Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang malakas nitong sigaw.

Jillian!!

Mabilis siyang lumabas ng kwarto at bumaba para lang makita na walang awang binubugbog ng kung sino si Jillian habang nakagapos parin ito.

"S-sino ka!?" Gulat na bulalas niya sa taong gumugulpi kay Jillian.

Napatingin sa kanya ang kakaibang nilalang. Hindi niya masyadong makita ang hitsura nito dahil nakahood ito at purong itim ang kasuutan nito. Meron din itong mga maliliit na patalim na nakakabit sa suot nito.

Bahagya siyang kinabahan lalo pa ng makita niya ang duguang mukha at katawan ni Jillian.

Bakit...? Sandali pa lang akong nakakaalis bakit ganito na agad ang sinapit niya?

Napangisi lamang sa kanya ang nilalang na iyon at marahang naglakad palayo.

Takang nasundan na lamang niya ito ng tingin. Nang makaalis na ito ay mabilis niyang nilapitan si Jillian at ewan ba niya kung bakit sa nakitang duguan at kaawaawang kalagayan nito ay waring naglaho ang lahat ng galit at plano niyang pagpatay rito.

"J-jillian?" Tawag niya rito habang di malaman kung hahawakan ba ito o ano.

"J-jillian..?" Tawag niyang muli rito.

Wala pa si Zero kaya hindi niya alam kung anong gagawin rito. Ngunit sa kalagayan nito ay mukhang hindi na naman ito makakatakas kung pakakawalan niya.

Napalunok siya at marahan itong kinalagan at nagulat pa siya nang bigla itong mabuwal at mapayakap sa kanya.

"Jillian..!" Sigaw niya at inipon ang buong lakas upang alalayan itong makaupo.

"J-jillian.." Tawag niya rito ngunit mukhang wala itong lakas upang tumingin sa kanya.

At nataranta pa siya ng bigla itong sumuka ng dugo.

"Waahhh! Jillian!!" Sigaw niya at di na niya napigilang mag-alala.

Napalingon siya sa paligid at nakita ang telepono.

I need to call Zeck!

Akmang aalis siya nang maramdaman ang paghawak nito sa kamay niya.

Takang napatingin siya rito at parang gusto niyang maiyak sa hitsura nito.

Oo at gusto niya itong pahirapan at patayin ngunit sa nakikita niyang hitsura nito ngayon ay waring nabura sa isip niya ang lahat ng hinanakit niya rito.

"I...I'm s-sorry..." Hirap na wika nito na nagpatigagal sa kanya.

B-bakit?? Bakit ka nagsosorry ng ganyan? Totoo bang pinagsisisihan mo na ang lahat? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito, Jillian?!

Napalunok siya at hindi na sana ito papansinin ngunit nagulat siya nang umangat ang kamay nito at marahang humaplos sa pisngi niya.

"I...I'm sorry for e-everything.. W-what I did to you was unforgivable. B-but if there's a n-next life...for us... I h-hope to see you again. And I...I p-promise to you that when that t-time comes.. I will... love you u-unconditionally, d-darling...so p-please..wait for me my Angel." Anitong kahit hirap na hirap magsalita ay nagawa paring ngumiti ng matamis sa kanya.

Nag-unahang malaglag ang mga luha niya sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito.

Si Jillian na sinaktan siya.

Si Jillian na ginawa siyang sex slave!

Si Jillian na paulit ulit na pinagsawaan ang katawan niya!

Si Jillian na walang awang babuyin ang katawan nya!

Si Jillian na walang puso!

Si Jillian na hindi marunong magmahal!

Si Jillian na labis niyang sinusumpa.

Si Jillian na kinamumuhian niya..!

Ay nagawang burahin ang lahat ng galit sa puso niya ng ganun kabilis.

"J-jillian.." Nanginginig ang mga labing anas niya habang nakatingin sa namumungay nitong mga mata.

At kahit halos panawan na ito ng ulirat sa sobrang panghihina ay pinilit parin nitong magsalita.

"F-for now...g-get out of here. S-someone's going to k-kill us. U-umalis kana Angel. T-that Zero who took us here was n-not him! He's imposter. H-hindi siya si Zero. So please, l-leave this place, now..." Anito at pilit siyang itinutulak palayo.

Gulong gulo siya at di malaman ang gagawin. Hindi niya alam kung papaniwalaan niya ito o ano pero bakas sa mukha nito ang pagpipilit na makaligtas siya sa kung anumang panganib ang nakaabang sa kanila.

"P-pero, papano ka?" Tanong niya rito.

Napangiti ito ng mapait at muling hinaplos ang kanyang mukha.

"S-sigurado ako na m-magkikita pa tayo. J-just wait for me. And if...i-if you ever see me in my d-demonic self. P-please, stay away from me. U-umalis kana. And be s-safe.."

Litong napalunok siya at di malaman kung aalis ba o hindi.

"Pero Jillian..-!"

"I..I love you, my darling Angel.." At pagkasabi niyon ay tinulak siya nitong muli upang paalisin.

Sunod sunod na nagmalisbis ang kanyang mga luha sa tinuran nito.

Jillian!!

Pikit matang tumalikod siya rito at mabilis na bumalik sa kwarto upang kunin ang ilang gamit niya saka mabilis na tumalilis papunta sa likod ng malaking bahay na kinaroroonan nila. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo nang muli siyang lumingon dito ngunit nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang di kilalang lalaki na galit na sinuntok si Jillian at napatakip siya ng bibig nang makitang walang awa nitong binaril sa ulo sa si Jillian.

Jillian!!

Nagimbal siya sa nakita at nanginginig na tumakbo sa likod habang hindi lumilingon.

Jilliannn!!!

Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay mas nanaisin pa sana niyang manatili nalang bilang sex slave nito at makita ang pagngisi nito kasabay ng marahas nitong panggagalaw sa kanya keysa ang makita itong mamatay sa harap niya.

Jillian...hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito pero...panghahawakan ko ang sinabi mo.

Hihintayin kita. Kahit pa maging alipin mo akong muli.

Hihintayin kita. Kaya pakiusap...!

Bumalik ka!

--

Nächstes Kapitel