webnovel

Devil 6: Natsu vs Salamander

Zero Pov

Kinabukasan ay maaga parin akong pumasok kahit bahagya pang sumasakit ang ulo ko. At tama nga si Jude dahil nakatikim din ako ng sermon kay Erhis bagamat mas lamang ang pag aalala sa kanya. At sya pa mismo ang naghain sakin ng pagkain ko kanina at pinainom din ako ng gamot sa hang over.

Pagdating sa parking lot ay agad ko na namang namataan ang dalawa na hinihintay ako. Bahagya pa akong napangisi dahil halatang naiinip na sila.

"Hayy, salamat at nandito kana rin." Inip na sabi ni Dy.

"Sino bang nagsabing hintayin nyo ako?" Nakangising sagot ko.

"Hanep dude, at kasalanan pa namin ah!"

"Eh di kasalanan ko?"

"Oo kasalan mo!" Asar na sigaw nya sakin.

"Tama na yan. Pumasok na tayo." Ani naman ni Drew at akmang aalis na ng matigilan kami pare pareho sa pagdating ng dalawang motor.

The devil is here!

Mabilis pang bumaba sa motor nya si Shane at lumapit kay Jack na noon ay nakasakay parin sa motor at nagtatanggal ng helmet.

"Jack, kaya mo bang bumaba? Makakalakad ka ba ng maayos? Ano? Okay lang ba ang pakiramdam mo-!"

"Andy! Will you shut up? I'm not a kid okay? And I'm not disable person so stop worrying." Asik naman ni Jack.

"Akala ko ang sweet nyo ng dalawa pero parang mas sweet sila. Haha!" Bulong pa ni Dy samin. Hindi naman kami kumibo ni Drew.

"At ang OA talaga nilang tingnan." Dagdag pang bulong ni Dy habang nakatingin sa dalawa.

"Eh kasi naman nag aalala talaga ako sayo eh. Basta promise me na sasabihin mo kaagad sakin kapag nahihirapan kang maglakad ha? At saka wag kang hihiwalay sakin kumapit ka sakin para-!"

"Damn it Andy! Will you stop it? Nakapagdrive nga ako ng motorcycle diba? So please stop over acting and just act normal. Lalo lang akong mapapahamak sayo eh."

"Okay fine! But tell me when you need me okay?"

"Fine! Fine! Just go and don't worry about me."

"Ehh...ayoko ngang mauna. Baka mamaya matisod ka dyan o di kaya-!"

"You really want to tell with everybody here that I'm under your protection? Ipagsigawan mo pa dahil naguguluhan pa sila sa inaasal mo ngayon!" Asik pa ni Jack saka bumaling sa gawi namin ngunit saglit lang dahil agad syang yumuko upang isabit ang kanyang helmet kaya naman bahagya pa kaming nagulat dahil alam pala niyang nanood kami sa kanila. Nanlaki naman ang mga mata ni Shane nang makita kami.

"W-what are you doing there? Are you stalking us?" Agad niyang tanong.

"It's a parking lot. And we just arrived. Why do you think we stalked you?" Asik naman sa kanya ni Drew.

"Oo nga, saka sa inyo ba 'tong parking lot ha?" Ani naman ni Dy.

"Tsh!" Nakangising react ko saka naglakad palapit sa kanila.

"What are you doing? Hanggang dyan kana lang!" Agad na sigaw ni Shane at waring hinarang pa ang sarili upang itago sa likod si Jack.

OA talaga!

"Stop it Andy. Let's go." Ani Jack saka akmang aalis.

"Good morning Jack." Nakangising bati ko pa sa kanya. Natigilan naman sya saka may kinuhang salamin sa bulsa ng leader jacket nya at sinuot iyon saka humarap sakin. Gaya ng dati ay di ko na naman makita ang kabuuan ng mukha nya dahil sa nakatabing na buhok at idagdag pa ang kakaibang salamin na suot nya. Mukha itong reading glass pero mukha ring hindi.

"Hello Natsu! Good morning!" Nakangisi ring bati nya kaya nawala ang ngisi ko.

Lintek na..ang ganda na nga ng bati ko sa kanya eh. Magsisimula na naman ba sya? Sino ba kasi ang Natsung tinatawag nya sakin?

"Tsh, Sino ba kasing Natsu yan?" Di ko na napigilang tanong. Lalo naman syang napangisi sa tanong ko.

Damn that smirk!

"He's a total opposite of Salamander." Sagot niya.

"Ah, so ibig sabihin...ikaw si Salamander?" I smirk.

"Tss, if you say so." Aniyang lalo pa atang natawa sa tanong ko.

What the..

"Let's go Andy." Baling pa niya kay Shane saka walang sabing tinalikuran ako.

"Aba't-!"

"You know what? Natsu and Salamander is the same person. Pero sa mundo ng edolas ay iba ang Natsung naroon dahil total opposite sya ng Natsung nasa Earth LAnd. At ang Natsung tawag sayo ni Jack ay si Natsu na nasa Edolas at kung bakit yun...well, hanapin mo nalang sa google. Okay?" Nakangiti pang sabi ni Shane saka ako tinalikuran.

What the hell...pareho talaga silang magkaibigan! Nakakabwisit!

"Haayy..grabe dude. Akala ko nung una ay si Natsu Dragneel ang tawag nya sayo. Hahaha, si Natsu Dragion pala. Haha!" Napatingin ako kay Dy na tawa ng tawa.

"What do you know about them?" Inis na tanong ko.

"Eh kasi dude, ganito yan. Si Natsu Dragneel ay tinatawag nilang Salamander dahil hindi sya nasusunog ng apoy at bumubuga sya ng apoy. Yun ang kapangyarihan nya at magpasalamat ka na yun ang tawag nya sayo dahil si Natsu lang naman ang bida sa kwento. At si Natsu Dragion naman ay kabaligtaran ni Salamander. Sya ay mahina at duwag sa mundo ng Edolas. Pero arrogante din sya at rude kaya pareho kayong dalawa. HAhaha!"

"Ano?! Bwisit na yun ah. Akala mo kung sino!"

"H'wag ka ng magalit dude, isipin mo nalang ikaw si Salamander. Ang pinakamalakas at bida sa lahat!"

Tsh, pampalubag loob!

"Tsh, ah basta kung ako ang Natsung yun sya ang Salamander dahil mukha syang Salamander." Asik ko naman. I'm referring to an animal salamander.

"Okay, tama na nga yan. Baka malate pa tayo sa klase." Sabat naman ni Drew.

"Oh? Nandito ka pala dude? Di kita napansin eh. Hehe." Biro pa sa kanya ni Dy.

"Eh kung sapakin kita dyan?" Banta naman ni Drew.

"'To naman di na mabiro." Nakanguso pang wika ni Dy.

"Tara na nga." Ani Drew at nagpatiuna ng lumakad. Kakamot kamot naman sa ulong sumunod si Dy. Napailing nalang ako sa kanila saka sumunod narin.

"Kyaaaaaaahhhhhhhh!!! NAndto na sila!"

"Kyaahhh!!! Ang gwapo ni Zero!"

"Oh gosh, ang hot ni Drew!"

"Cody so cute!!!Kyaahhh!"

"Sana i-date na ako ni Zero my love!"

"He never date a girl like you! Bitch!"

"LOok who's talking! At least I'm not a slut like you!"

"Hey! Shut up both of you! They're coming!"

"Eeeeeehhhhh...kkyaaaaaaahhhh!!"

Halos magtulakan pa ang mga babaeng nag aaway kanina ng dumaan kami sa harap nila at naghihintay na mapansin ng kait na sinuman sa amin ngunit sa pagkakataong iyon ay nilampasan lamang namin sila. Wala ako sa mood makipagflirt ngayon dahil nasira agad ang umaga ko ng Salamander na yun.

"Dude, nagawa mo ba ang assignment mo sa bio?" Tanong ni Dy habang hinintay akong makasabay sa kanya.

"Medyo."

"Anong medyo?"

"Eh. Hindi ako sigurado sa sagot ko eh." Angil ko.

"Ang aga mo kasing umalis kahapon eh. Teka, san ka nga ba pumunta kahapon ha? Hindi mo naman pala makakasabay si Angel."

"Inalam ko lang kung anong nangyari kina Rex."

"Oh? Ano daw ang nangyari? Nawala na rin yun sa isip ko. Teka, ibig sabihin hindi sila nagtagumpay sa punishment nung dalawa kasi pumasok din sila nung hapon eh." Curios na tanong ni Dy.

"Oo, at nakakabwisit lang na nabugbog pa sila. Mga inutil talaga!" Nakaramdam na naman ako ng inis sa isiping iyon.

"Ay sus, di na ako magtataka kung nabugbog sila. Eh ikaw nga tiklop kay Jack sila pa kaya. Haha!" Pang aasar nya na naman.

"Gusto mong mabugbog!" Singhal ko sa kanya.

"Joke lang." Agap naman agad niya.

"Tsh, hindi si Jack ang bumugbog sa kanila kundi si Shane." Pagtatama ko.

"What?" Napalingon pa kami ni Dy kay Drew na kung maka react ay akala mo may namatay sa harap nya.

"Oh dude? Nandyan ka parin pala?" Natatawa na namang biro ni Dy.

"Don't start it!" Asik naman ni Drew sa kanya saka bumaling sakin.

"What did you just say Zee? Si Shane ang gumulpi kina Renz?" Waring di parin makapaniwalang tanong niya.

"Yeah. And if you just saw them yesterday they look like beaten by ten men to think that their opponent was just one girl dahil wala naman daw ginawa ang Salamander na yun kundi kumain habang nakikipaglaban ang kasama nya." Inis pang kwento ko. Na hanggang ngayon ay di parin makapaniwala. Ang liit lang naman kasi ni Shane para sabihing kaya nyang patumbahin ang grupo nina Renz ng ganun ganun lang.

"Impossible!" Bulalas ni Dy.

"I can't believe it!" Bulalas din ni Drew. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat sa nalaman. Kahit naman kasi ang weird din ni Shane ay mukha naman syang mabait kumpara sa devil na yun.

"Grabe, hindi lang pala sila weird. Weirder! No they're weirdest!" Si Dy.

"Tsh, but I'm still not giving up with my rules."

"Zee! Can't you see it? They capable of hurting people at kung nagawa nila yun kina Renz hindi malayong gawin din nila yun satin. Hindi ka ba talaga nag iisip?" Sermon na naman ni Drew.

Minsan naiisip ko baka kambal sila Edward. Ng Ugali!

"Tsh, I know what I'm doing Drew. Hindi naman ako basta basta nalang susugod ng walang laban eh. Don't worry kung marunong silang lumaban ng physical idadaan natin sila sa emotional." Nakangisi pang sagot ko. Napag isip isip ko lang ang sinabi ni Jude kagabi. 'Keep your enemies closer'. At yun ang gagawin ko.

"Uy, teka anong binabalak mo dyan ha?" Ani Dy habang nakatingin ng may pagdududa.

Napangisi naman ako sa kanya.

"You'll see."

"What are you planning to do?" Kunot noo namang tanong din ni Drew.

"I'm just gonna try the best method which I'm good at it. Just watch and learn bro." Nakangiti pang sagot ko.

Narinig ko lang syang napabuntong hininga.

"Wow, mukhang exciting yan dude ah, hindi ko na mahihintay kung papano nilang mabuko ang plano mo at matalo ka na naman sa huli. Hahaha!" Natatawang turan ni Dy.

"Eh kung ikaw ang gamitan ko ng best method ha? Panira ka talaga kahit kelan eh no!" Inis na sinamaan ko sya ng tingin.

"Haha. Joke lang, pero kung ano man yang best method mo na yan. Suportado kita dyan." Balingbing talaga.

"Dapat lang dahil ikaw ang pagbubuntunan ko ng galit kapag di ito nagwork out!"

Nawala bigla ang tawa nya.

"Ang sama mo sakin ha!" Angil niya

"Shut up!"

Nang makarating kami ng classroom ay agad kong hinanap ang dalawang babae sa likod ng aking upuan ngunit napakunot noo ako ng di ko sila makita roon.

Saan naman nagpunta ang mga yun? Nauna pa yun samin ah!

Nagpalinga linga ako sa buong room ngunit di ko sila nakita.

Nang pumasok si Miss Ada ay wala parin ang dalawa kaya naman lalo akong nakaramdam ng pagkabwisit dahil mukhang mapupurnada pa ang plano ko.

"Okay class, if you just noticed that the two transferee is not here. Well, I'd like you to know that they requested to be transfered to section B dahil sa hindi magandang nangyari dito kahapon." Ani Miss Ada na bahagya pang tumingin samin.

What? Nagpalipat sila kaagad? Anak naman ng..panu na ang plano ko? Badterp naman oh! Mautak din talaga!

Lalo pa akong nainis ng maalala ang sinabi ni Dy na mabubuko agad nila ako at matatalo lang ako sa huli.

Bwisit! Natunugan kaya agad nila yun?

Matapos sabihin iyon ay nagpatuoy na kaagad ng klase si Miss Ada. Hindi naman ako mapakali dahil sa kakaisip kung paano akong makakaganti sa dalawang iyon.

Natapos ang pang umagang klase na halos wala akong naintindihan. Mabuti nalang at kukunti ang naging quiz namin kaya di ako masyadong nahirapan.

Papunta na kami sa cafeteria ng may tumawag sakin.

"Zeck!" Agad akong napalingon sa pamilyar na boses na iyon na parang musika sa pandinig ko.

Ang Heart ko!

"Heart!" Nakangiti ring tawag ko sa kanya. Kasama si Ashley.

"Hooh! Grabe lumilindol ba? O tibok lang yun ng puso mo na sa sobrang lakas ay nayayanig ang mundo?" Nakangisi pang bulong sakin ni Dy habang nakaakbay.

"Shut up Dy! Baka gusto mong yanigin ko yang mundo mo?" Banta ko naman sa kanya.

"Haha! Grabe, nakakakita ata ako ng nagliliparang paruparo galing sa puso mo dude. Haha!" Tiningnan ko lang sya ng masama saka sinalubong si Heart at agad na nakipagbeso dito.

"Pupunta na kayo ng cafeteria?" Tanong niya.

"Yeah, sabay na tayo. Hi Ash!" Bati ko pa kay Ashley.

"Hey Zeck!" Ganting bati nya naman saka ngumiti.

"Whoohh!! Hi Ashley!" Pacute pang bati naman ni Dy dito.

"Hi Cody!" Ganti naman ni Ashley saka tumingin kay Drew.

"Hi Drew!" Nahihiya nya pang bati.

"Hi." Tipid namang bati lang ni Drew. Ni hindi man lang ngumiti. Kuripot talaga.

"Hi Andrew!" Nakangiti ring bati naman sa kanya ni Heart.

"Hey." Walang kwentang sagot ng gago.

"Uy Angel, ako? di mo babatiin?" Himig naghihinampong untag naman ni Dy kay Heart. Natawa naman si Heart saka lumapit pa kay Dy.

"Hello cutie Cody!" Bati niyang pinisil pa ang dalawang pisngi ng loko.

"Ahhehehe..ang sweet mo talaga Angel, bagay talaga sayo ang Angel kasing Angelic ng face mo. Pwede ba kitang iuwi nalang."

Ang bwisit dumali na naman!

Nagkatawanan naman sila sa biro ni Dy ngunit sinamaan ko lang sya ng tingin dahil siguradong nang aasar lang na naman sya sakin.

"Tayo na Heart. Baka madamay pa tayo ng kakornihan ng isa dyan." Sabi ko saka iginiya sa braso si Heart.

"Nagsimula na naman syang magdamot. Haha." Pahabol pa ni Dy saka sumunod nalang din samin.

Pagkarating sa cafeteria ay agad na napako ang mga mata namin sa kumpulan ng mga estudyante sa kabilang sideng cafeteria na animoy nanood ng sabong.

Tatlong divider kasi ang klase ng cafeteria namin, at mga naglalakihang shelves ang nakapagitan sa mga ito. Kaya makikita parin kung anong nangyayari sa kabila.

"Grabe, I can't believe her!"

"Oh gosh, nakakatakot pala talaga sila ano?"

"Sinabi mo pa. Kanina pa ako nagkaka goosse bumps here."

"At parang walang pakialam ang isa nyang kasama, grabe! Ang weird nila."

"She doesn't care with everyone around here basta mabusog lang sya. So matakaw pa!"

"Lagot sila sa punisher mamaya!"

"Oh god, girls nandito na ang punishers!"

"Kkkkyyyaaaahhhhh!!!"

"What's happening?" Takang tanong ni Heart habang nakatingin din sa kumpul ng estudyante. At sa naririnig naming lagabog at impit na pag igik ay siguradong may nag aaway nga dun.

Sino na naman kaya ang mga pasaway na 'to?

"Dito lang kayo okay? Titingnan muna namin ang nangyayari." Turan ko saka siya inalalayang makaupo sa upuan namin saka tiningnan sina Drew at Dy na noon ay bakas din sa mukha ang pagtataka.

Lumakad kami papunta sa kumpol ng tao at wari naman itong tela na bigla nalang nahawi upang bigyan kami ng daan.

Agad na nakita ng mga mata ko ginawang pagtumbling ni Shane patalikod kasabay ng sipa sa baba ni Trevor at parang posteng nabuwal pa ito sa sahig.

What the hell..!! Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Para kasing nag acrobatic lang si Shane sa ginawa niya habang halos di naman makabangon si Trevor sa pagkakatumba.

Nagpagpag pa ng mga kamay si Shane saka tiningnan si Trevor.

"Andy, your food is getting cold." Sabay sabay pa kaming napalingon sa mesang naroon at di ko napigilang mapanganga nang makita si Jack na kumakain na parang wala lang. At hindi lang yun dahil nagkalat sa paligid nya ang mga tropa ni Trevor na halos di na gumagalaw.

How the hell it happened? Ginawa yan lahat ni Shane? Hindi ako makapaniwala sa nakikita ngunit parang totoo nga ang mga sinabi ni Renz.

"How did she do that?" Bulalas pa ni Drew. Ngunit hindi ko sya nasagot.

"Naku, lumalamig na nga. Nagutom ata ako dun ah!" Nakangiti pang saad ni Shane na parang nakipaglaro lang ng tekken.

"Tss, ang hilig mo kasing sumabak sa gulo." Parang wala lang din sabi ni Salamander at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Bwisitt!! Ginagalit nyo talaga akong mga bwisit kayo!" Galit na galit na sigaw ni Trevor habang bumabangon saka mabilis na kinuha ang nagkalat na bubog sa harap nito bunga ng nabasag na table glass. At napasigaw ang lahat ng bigla niyang sugurin ang nakatalikod na si Jack. Nanlaki rin ang mga mata ni Shane nang makitang ambaan ni Trevor ng talim ang likod ni Jack at malayo siya rito upang sagipin ang kaibigan dahil nasa kabilang mesa pa siya kaharap ni Jack. Natulos ako sa kinatatayuan ko at di nakakilos. Ngunit parang hangin lang na umiwas si Jack sa talim na iyon ni Trevor na animoy umiwas lang sa talsik ng tubig dahil bahagya lang syang tumagilid kaya naman sa mesa pumatak ang talim ni Trevor. Gulat din namang natigilan si Trevor at hindi inaasahan ang mabilis na pag iwas ni Jack.

"You son of a bitch!" Sigaw ni Shane saka siya parang papel na tumukod sa mesa at pabaliktad na tumalon roon at sinipa si Trevor ng malakas. Tumalsik ito malapit sa kinatatayuan namin. Ngunit para akong napako sa kinatatayuan at di makagalaw.

Mabilis siyang nilapitan ni Shane at kinuwelyuhan.

"Tinamaan ka ng lintek..muntik mo ng masugatan ang kaibigan ko ah. Lamok nga di ko hinahayaang dapuan yun yang bubog pa kaya!" Galit na sigaw rito ni Shane.

"Stop it Andy, he didn't mean to do that." Kalmado pang turan ni Jack habang tinatapos na ang pagkain.

Grabe, nakakakain parin sya ng lagay na yun?

"What are you saying Jack, he point a broken glass at your back and I saw that!" Gigil pang sagot ni Shane.

Bahagya namang lumingon sa gawi niya si Jack.

"I told you. He never meant to do that. Just leave them alone. Enough with your trouble scene. Ne prinosite svoyu voynu zdes'. Potomu chto, kogda my ukhodim v shkolu, ya bol'she ne budu khodit' v shkolu." (Wag mo ng dalhin dito ang pagiging warfreak mo. Dahil kapag tinanggal tayo sa school na to hindi na ako papasok sa kahit na anong school.)

"What? Ugh!" Inis na binitiwan naman ni Shane si Trevor saka lumapit kay Jack.

Ehh? Ano daw? Hindi ko naintindihan ang sinabi nya pero mukhang pinagbabantaan nya si Shane.

"Don't say that Jack. You know how much-!"

"Save it! The punishers are here." Pigil pa sa kanya nito saka bahayang lumingon sa gawi namin. Nakatingin lang sya sa sahig ngunit alam kong nakikita nya kami sa gilid ng mga mata nya.

Hindi ko alam kung papano nyang nalaman na nandun na kami pero siguro dahil narinig nya ang sigawan ng mga babae kanina.

Agad namang napatingin samin si Shane at waring noon lang kami napansin.

"Shit! Deans office na naman tayo nito." Inis pang sabi ni Shane.

"Tss, ikaw lang."

"Kakiye!" (What!) Hindi pa makapaniwalang bulalas ni Shane. Bagamat di ko naintindihan ay siguradong yun ang lenggwahe nila.

Anong salita yun?

"Ikaw lang naman ang nakipag away sa kanila eh. Kumain lang ako kaya ikaw lang ang dapat na parusahan."

"Kakiye! Psh, ty neveroyaten. Well, sabagay mas okay na rin yun.. At least di ka kasali sa gulo." (What! Psh, you're unbelievable.)

"Tss, busog na ako. Sdelayte eto bystreye." (make it faster.)

"Ha? Teka lang uubusin ko muna ang pagkain ko." Taranta pang sabi ni Shane at muling umupo saka nagsimulang kumain.

They're getting weirder every time I see them. Parang wala lang sa kanila na maraming nakakita sa ginawa nilang ito. Mukhang kailangan ko na talaga silang pag aralan munang mabuti.

"I really can't believe this!" Bulalas pa ni Drew saka umalis.

Ehh? San pupunta yun?

"Grabe talaga sila dude. Mas malala pa silang punisher keysa satin." Wika ni Dy na umakto pang kinikilabutan.

Maaring magaling silang makipaglaban at marunong sila sa martial arts pero sigurado akong may kahinaan din sila.

Hindi ko sila pwedeng konprontahin ngayon dahil maraming estudyante ang nakakita na sila mismo ang nangugulo kaya ipagpapa ubaya ko nalang sila kay Dean. Siguradong dun pumunta si Drew kanina.

Ilang sandali pa akong nakatitig lang sa kanila saka nagpasyang umalis na at balikan sina Heart.

"Oh Zeck, what happened there? Bakit ang daming estudyante dun?" Agad na tanong ni Heart.

"May nag aaway ba dun?" Takang tanong naman Ashley.

Napabuntong hininga ako saka napatingin kay Dy.

"Ahmm, wala lang yun. May mga pasaway lang na hindi kuntento sa kanilang pagkain." Kamot sa batok na sagot ko.

"Ganun ba? Eh bakit parang kakaiba ang mga reaksyon ng mga estudyante kanina?" Pilit pa ni Ashley.

"Ah, hehe..alam mo naman ang mga estudyante dito masyadong OA." Palusot ko.

"Sigurado ka ba talaga? Para kasing may malaking kaguluhan sa kabila kung pag usapan nung mga estudyante kanina." May bahid ng pag aalalang turan ni Heart.

"There's nothing to worry about Heart, right Dy?" Baling ko pa kay na noon ay mukhang kinakabahan parin. Masyado naman tong halata eh.

"Ah, hehe..Oo nga naman Angel, nagbibiruan lang sila dun." Pilit ang ngiting turan naman ni Dy.

"Alam nyo sa labas na lang kaya tayo kumain para mawala na yang pag aalala nyo." Masigla pang sabi ko na agad namang sinang ayunan ni Dy.

"Oo nga guys, mas mabuti pa nga sa labas nalang tayo. Tara na?" Aniya.

"Masyado ka namang namamadali Cody. Pero okay lang sakin." Natatawang saad ni Ashley.

"Well, okay lang din sakin. Beside, matagal narin tayong di nakakalabas ng sabay." Nakangiti ng wika ni Heart kaya naman napangiti nalang din ako. Nakakahawa kasi ang tamis ng ngiti nya eh.

"Teka, nasaan nga pala si Drew? Hindi ba't kasama nyo sya kanina?" Takang tanong pa ni Ashley.

"Oo nga ano. Nasaan na nga pala sya?" Si Heart.

"Ah, may kinuha lang sa room namin. Susunod din yun. Tatawagan ko nalang na lalabas tayo." Agap ni Dy at mabilis na kinuha ang cp at tinawagan si Drew.

Napatango nalang ang dalawa at di na nagtanong pa bago lumabas ng cafeteria ay muli ko pang nilingon ang kabilang side ngunit di ko inaasahan makikita ko ang dalawa na naglalakad papunta samin o palabas ng cafeteria. Wala na namang mababakas na emosyon sa mga mukha nya, actually, hindi ko masyadong makita ang mukha nya lalo na ang mga mata niya dahil sa suot nyang salamin at sa buhok nyang tumatabing dito.

Nakakakita pa ba sya ng lagay na yan? Ang weird talaga.

Ngunit aaminin ko na dahil sa hitsura nyang iyon ay mas lalo pang nadagdagan ang lakas ng dating nya at angas.

Nang malapit na sila samin ay nagmadali akong lumakad upang di kami magkasabay sa pintuan.

"Bilisan natin. Baka malate tayo mamaya eh." Kunwari pang sabi ko saka iginiya si Heart. Agad namang nakahalata si Dy kaya inalalayan nya rin sa braso si Ashley at binilisan ang paglalakad.

Hindi naman sa natatakot ako sa kanila pero kailangan ko nga talagang mag ingat sa kanila at kilalanin muna silang mabuti bago ako gagawa ng hakbang at hindi parin ako titigil hanggat di sila napaparusahan.

Sa pinakamalapit na resto nalang kami pumunta upang di kami gahulin sa oras mamaya. Di pa man kami nakakaorder ay dumating narin si Drew. Tanging mga mata nalang namin ang nag usap upang itago kina Heart ang nagyaring gulo kanina. Ayoko kasi siyang mag alala. Mabilis kasi siyang kabahan at matatakutin. At baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.

"Punta lang akong restroom." Paalam ko sa kanila habang naghihintay ng order namin.

"Okay." Nakangiti pang sagot ni Heart.

Pagdating sa restroom ay agad akong jumingle dahil kanina pa ako naiihi.

Habang ginagawa iyon ay di ko napigilang isipin ang dalawang transferee.

Haayy..mukha araw araw na yata akong may makikitang kakaiba sa dalawang iyon ah! San kaya sila galing? Anong bansa ang pinagmulan nila? Masyado silang weird at parang hobby na nilang sumabak sa gulo.

Nang matapos ako ay agad akong lumapit sa sink at naghugas ng kamay saka akmang aalis na ng sa aking pagharap ay makita ko ang tatlong lalaki na kakapasok lang ng restroom.

What the hell...bad timing eh!

--

-itsmejollytheminion

Nächstes Kapitel