webnovel

Obsession 26

DALA-DALA ang dalawang traveling bag na lumabas sina Mackenzie at Giovanni sa cabin nito habang tinutungo ang daan papunta sa cottage kung saan nandoon si Robbie kasama ang mga staff nito sa kompanya. Kapwa nagsasayawan ang mga ito ng lumapit silang dalawa ni Giovanni para kausapin si Robbie

"Psst, Robbie—" tawag ni Mackenzie sa kaibigan na ikinalingon naman nito

Lumapit naman si Robbie sa kanilang dalawa habang may hawak na mojito, nakasuot ito ng pink floral polo shirt na tinirnuhan pa ng light brown shorts—as always ang gwapo ng datingan ni Robbie. Pero mas gwapo pa din sa paningin niya si Charles

"Oh, Mackenzie. Bakit naparito ka; you're supposed to be resting by now" himotok nito ng makalabas na ito sa cottage

"Actually Robbie, we're here to bid a formal goodbye to you. Kailangan na naming umuwi ni Giovanni sa Manila; as soon as possible—" diretsahan niyang bulalas sa matalik na kaibigan

Hindi kaagad nakasagot si Robbie, bagkos ay tiningnan lang siya nito mata sa mata at kumurap pa ng ilang beses

"Uuwi ka na? Kayo ni Giovanni, teyka lang. Bakit sobrang bilis yata—hindi mo ba nageenjoy ang kasiyahan natin dito Mackenzie?" Sunod sunod na tanong ni Robbie sa kanya

Hindi, kasi nandito si Charles. Gusto ko ng umuwi—

Gusto niya sanang sabihin iyon kay Robbie pero hindi niya masabi-sabi. Natatakot siyang baka malaman ito ni Charles na ang lalaking 'yun ang dahilan kung bakit gusto na niyang makaalis dito

"I want to go home Robbie, tinawagan ako ni direct kanina. May taping na daw kami bukas" pagsisinungaling niya

May sense din naman ang kanyang pagsisinungaling, tinawagan siya ng kanilang director no'ng isang araw at ang sabi nito sa kanya ay balik trabaho na daw sila—sa susunod na linggo

"Ganoon ba, why it's too rush? Hindi ka man lang binigyan ng three days vacation dito sa El Nedo. Stress is waving at you again—"napapailing na sagot nito at inabutan siya ng mojito

"Thanks Robbie, pero pass muna ako diyan." Tanggi niya at inilayo ang kamay nito

Inayos niya ang nakasukbit na traveling bag at hinawakan ang kamay ni Giovanni

"Ahm, sige Robbie. Mauuna na kami ni Giovanni—pagabi na din kasi eh. Baka maiwan kami ng maghahatid sa'min sa kabilang isla" pormal na anas niya at tumalikod na dito

"Wait!" Pigil sa kanya ni Robbie at hinawakan ang kanyang siko

"Bakit?" Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang matalik niyang kaibigan

"I just want to errand you hanggang sa makasakay kayo sa maghahatid sa inyo, puwede ba?" Alanganing nginitian siya nito

Ngumiti naman siya at pabirong tinampal ang braso nito

"Ano ka ba? Okay lang 'no! Mas mabuti nga 'yun kasi makikita kita hanggang sa makaalis kami nitong boyfriend ko—" sagot niya

Lumapit naman si Giovanni sa kanya at bumulong

"Ang landi mo ghorl, nakuha mo na nga si Charles bati ba naman si Robbie" mahina ang boses na pagkakasabi nito na ikinakunot ng noo ni Robbie

Ngumiti naman siya ng pagkalaki laki kay Robbie at inilagay ang kamay sa likod ni Giovanni at pasikretong kinurot ang gilid ng bewang nito

"Ano ka ba naman Giovanni, syempre kailangan natin ng maghahatid sa'tin do'n." Nakangiti pa ding asik niya na halos mapuknat na ang labi dahil sa sobrang laki ng kanyang ngiti

"Oo na, oo na! Ito naman oh!" Napapakamot sa batok na sagot ng kanyang manager at nauna ng maglakad sa kanya

Tinulungan naman siya ni Robbie sa pagdala ng kanyang dalawang traveling bag at sabay na naglakad hanggang sa makaabot sila sa hatiran ng mga turista papunta sa kabilang isla

"Salamat talaga Robbie ah, sana maging masaya ang gabi niyo—"

"Sayang nga eh, hindi ka makakasama sa'min ngayon. You're so workaholic; wala ka ng ibang inisip kundi ang magtrabaho ng magtrabaho. Maglaan ka naman ng oras para sa sarili mo Mackenzie: binigyan ka na nga ng pagkakataon para makapagpahinga trabaho pa din ang inaatupag mo" napapailing na giit ni Robbie at ibinigay sa kanya ang traveling bag

Totoo naman kasi 'yun, she's so workaholic and she can't deny the fact that she have no time for herself. Puro na lang kasi siya trabaho no'ng naghiwalay silang dalawa ni Robbie

Iba naman kasi siya dati kumpara sa ngayon. Dati kasi ay pa easy easy lang siya kahit na tambak na ang projects niya, nagagawan niya naman iyon ng paraan kahit na naiipit na siya

"Don't worry about me Robbie, I can handle myself now. At saka nandito naman si Giovanni! Hindi naman ako pababayaan ng isang 'to" at inakbayan ang manager slash boyfriend niya of the year

"Hoy ikaw Giovanni, alagaan mo iyang kaibigan ko. You should keep your both eyes of her—" anas ni Robbie na parang tinatakot pa ang kanyang manager

"Don't worry Sir, I'll going to take care of Mackenzie" makahulugang wika nito na ikinatawa naman ni Robbie

"Drop the Sir, masyado ka ng pormal pagdating sa'kin. At saka hindi ka na naman iba sa'kin; you're Mackenzie's boyfriend naman hindi ba?" Tanong ni Robbie kay Giovanni na ikinatango lang nito

"Hey babe, kailangan na nating umalis. Puno na 'yung sasakyan natin tayo na lang ang hinihintay—halika na" kalabit sa kanya ni Giovanni na ikinasunod niya sa pag-apak sa bangkang sasakyan

"Hanggang dito na lang, magkamustahan na lang tayo sa Manila—" putol ni Robbie sa kanilang usapan at niyakap siya sa huling sandali

Pagkatapos ng mahigpit na yakapan nilang dalawa ay sumakay na siya sa bangkang maghahatid sa kanila sa kabilang isla. Mabuti na lang talaga at may biyahe pa kahit na ala siyete na ng gabi—

"Bye Robbie!" Pamamaalam niya sa matalik na kaibigan na kumakaway din sa kanya

Papalayo na ang bangkang sinasakyan nila habang tanaw niya pa din si Robbie. Lumiliit na ito sa paningin niya hanggang sa nilamon na nga ito ng kadiliman

Ibinaling niya ang atensiyon sa unahan at pinagmamasdan ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nililipad na din ng hanging maginaw ang iilang buhok niya nakasabit lang sa likod ng kanyang tenga

Hindi na niya makikita pang muli si Charles, tapos na din naman ang kanyang trabaho kaya wala na siyang dapat na ipag-alala pa. Makakatulog na din siya ng mahimbing at makakalimutan na din niya ang mga pangyayaring naganap sa kanilang dalawa ni Charles

"Alam mo Mackenzie, napakasinungaling mo talaga. Ba't hindi mo na lang sinabi kay Robbie na umiiwas ka lang kay Charles. At saka wala ka namang taping bukas—" napapairap na anas nito

Siniko naman niya si Giovanni

"Syempre gawa gawa ko lang 'yun. Alangan namang sabihin ko sa kanya ang totoo, baka madulas si Robbie at mabanggit niyang nagsisinungaling lang ako—" pagrereason out niya naman

"Ah, basta sinungaling ka. Bahala ka na diyan—that's note my problem anymore" sagot nito at tinalikuran siya ng upo

Napabuntong hininga na lang siya

Sinungaling na siyang sinungaling. Pero ginagawa lang naman niya ang tama para sa kanyang sarili—she wants to end this. Gusto na niyang tapusin ito hangga't maaga pa

She's sure about herself na makakalimutan niya din si Charles: itaga niya pa sa bato.

Nächstes Kapitel