webnovel

Kabanata 25

Scent POV

Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Past 9pm na pala. Napasarap yung tulog ko. Nag ayos ako ng sarili at lumabas ng kwarto para kumain ng dinner. Malamang tapos ng kumain sila mommy at daddy. Pababa palang ako ng hagdan ng marinig ko ang tawanan sa may sala. Boses ng dalawa kong kuya at si Zion.Hindi pa pala ito umuwi.

Akala ko hindi na nila ako mapapansin pero ang bilis pa rin ng mata ng panganay kong kapatid na si kuya Sam.

"Bunso, halika muna dito. "

Lumapit naman ako. Gusto ko rin silang makausap kahit in a short period of time lang.Kasi bukas na bukas din aalis na naman ang mga ito at babalik na naman sa mga trabaho nito.

Napansin kong lihim na nakatitig sa akin si Zion pero deadma lang ako kunwari.

"Hi kuya Sam. Akala ko umuwi na kayo ."

"Hindi kami nakauwi bunso dahil sa suitor mong ito, "sabay akbay n'ya kay Zion.

"Suitor? Of course not, kuya. He's my friend. Kung ano na naman sinabi n'yan sainyo. "Humaba nguso ko. Sinimangutan ko si Zion.

"Scent, alam mo bagay naman kayo ni Zion at pansin ko na yan noong nasa college pa kayo. May chemistry kayo, "wika pa ni Kuya Seth.

Pinamulahan ako ng mukha sa pang aalaska sa akin ng mga brother ko.

"Hay naku tigilan nyo nga ako mga kuya. Mga lasing lang kayo. "

"Scent, I'm serious. Manliligaw ako sa'yo. "

"Naku isa ka pa Zion. Pinagkakaisahan nyo ako. "Pero deep inside kinilig ako.

Wow support ang mga brother ko!

"Scent, kapag kayo ang nagkatuluyan mas okay diba? "

"Ewan ko sainyo. Magsiuwi na nga kayo. Ako na naman nakita n'yo. Isumbong ko kaya kayo kay mommy, "tila batang sabi ko.

"Ano yung isusumbong mo, hija? "Hindi ko namalayan na kadarating lang pala nila mommy at dad galing sa charity event.

Lumapit ako kay mommy at daddy, kiniss ko sila at niyakap. Sumunod naman ang mga kuya ko at si Zion.

"Mom, nakumpleto ulit tayo tapos kasama pa natin ang future brother in law na si Zion" si Kuya Sam ulit.

"Parang ang gandang pakinggan ah. Future brother in law. Kailangan na yata natin hon mag usap nila balae, este kumareng Faye at Rob, "isa pang alaskador si Daddy.

"Oo nga noh. Single din naman kayo pareho at tingin ko naman papayag nito sila balaeng Faye at Rob. "Aba si mommy sumang ayon din.

"Tita & Tito, kung okay lang po talaga sainyo. Liligawan ko po si Scent. "

"Zion, kahit na nga mag proposed ka sa anak namin ay papayag na kami, "si Dad mukhang ibenenta pa ako.

"Dad naman oh. Walang ganyanan. Isipin nyo babae anak n'yo. "

"Scent, my dear daughter bagay naman kayo ni Zion. Kilala na namin s'ya at ang pamilya n'ya. "

"Ipagkakasundo nyo ako? "

Aba kung ganun matutupad yata yung wish ko noong unang beses na nakita ko si Zion. Wish ko na sana s'ya ang mapangasawa ko.

"Hindi naman anak. Pero kung nagmamahalan kayo mas okay yun. "

"Tito, Tita at mga bro, gusto ko lang pong pormal na sabihin sainyo na liligawan ko si Scent. Hinihingi ko po ang blessings n'yo. "

Oh my ang pula na ng pisngi ko. Kinikilig talaga ako pero syempre pakipot muna.

"Hijo, simulan muna at baka makahanap pa ng iba yung unica hija ko. "

"Hay naku talagang pinagkaisahan nyo po ako noh. Lasing lang po si Zion kaya nasabi n'ya yan. "

"No, Scent.Nakainom lang ako pero hindi ako lasing. Liligawan talaga kita."

"Ehem. Sabihin mo lang bayaw kung kailangan mo ng tulong namin. Pero sa tingin ko, sasagutin ka agad ng kapatid namin. "

"Ewan ko sainyo. Kakain na nga lang ako. Ginawa nyo na akong pulutan ah. "

Nagmamadali kong tinungo ang kusina at pagdating don ay bumuntong hininga ako tapos sabay bigkas ng "Yes! Yes. Kinikilig ako sobra! "

Excited na tuloy ako sa mga susunod na mangyayari.

Nächstes Kapitel