Someone's POV
"Matagal nang wala si shenny sa kastilyong ito, Sunduin mo nga siya. Marahil ay nasa kagubatan o baryo lamang siya namamalagi."
"Opo ate" alis ng isang nilalang na kalahi ni shenny. Kaya niya rin magbalat-kayo sa umaga pero nanumumbalik din sa gabi.
"Saan ko naman kaya hahanapin si ate Shenny nito? Dati nang gala 'yon eh" sabi ng nilalang na iyon.
"Makaalis na nga. Sa baryo muna ako maghahanap." sabay alis sa kastilyo.
Sa isang banda...
"Shenny mamili tayo ng mga pangmatagalang pagkain natin sa baryo para hindi na tayo pabalik-balik. Hehe. Nakakapagod din kasi ang lakad simula baryo hanggang dito sa pinagtitirahan natin." mahabang litanya ni Renestica.
"Oh, siya, sige. Ako na ang mamimili sa baryo. Hintayin niyo ako ni Ellen ahh."
"Mama, sama." cute na sabi ni ellen.
"Ahh, ehh..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang sabihin ni Renestica na isama ko raw si Ellen sa baryo..
"Isama mo na si Ellen tutal mas gusto ka yata niyang kasama at isa pa mag-aayos at maliligo muna ako sa batis."
"Maliligo?" mamumulang tanong ni Shenny. Marahil iba ang iniisip.
"Oh bakit ka namumula riyan? Umalis na nga kayo at bumalik kayo bago ang tanghalian ahh."
At doon na nga umalis ang dalawa. Natatawa na lang din si Renestica dahil nakikita niya kahit malayo ang closeness ni Ellen kay Shenny.
At samantala...
"Bakit ba ang laki ng baryong ito?" bulong nya sa kanyang sarili.
Habang naglilibot ang nilalang na naghahanap kay Shenny, hindi nito maiwasang mapatingin sa bawat pagkain na kaniyang nakikita.
"Mukhang masasarap ang pagkain dito sa baryo. Nagsasawa na ako sa puro laman na hinahain doon. Dito iba't ibang klaseng pagkain at lahat mukhang masasarap." sa sobrang pagkahumaling ng nilalang sa pagkain ay panandalian niyang nalimot na kailangan niyang mahanap si Shenny.
~buti may mga pilak akong dala~ "Ito nga po, ito, ito ,at ito pa. Pati ito na rin." sabay abot ng limang pilak sa aleng nagtitinda. 'Di maiwasang mapatingin ang mga tao sa kanya dahil bukod sa mayaman ito, ay napakarami ng pagkain ang kaniyang kinuha.
~tingin ko kailangan ko rin ito habang hinahanap si ate hehe~ isip-isip niya sa sarili habang may kinakain nang pagkain.
Samantala...
"Ellen ano-ano bang pagkain ang gusto mo?" tanong ni Shenny sa cute na si Ellen. Pinantayan nya pa ito para lang makausap.
"Hmmm gusto ko po mama 'yong matatamis na pagkain hehe." nahihiyang sabi nito.
"Sige Ellen ibibili kita ng mga gusto mo. Marami yatang pilak ang mama mo." nakangiting saad nito. Kaya si Ellen din ay natutuwa at nagpapadyak pa.
Malapit na sila sa baryo at nakikita ni Shenny na maraming tao ang nasa palengkeng bibilhan nila.
Shenny's POV
"Mama karga." nakataas na ang kamay ni Ellen at gusto na ngang magpakarga kaya bumaba ako ng kaunti at pinasampa ko siya sa likuran ko bandang balikat na para isipin niya na mataas siya.
"Yey Mama! Ang taas koo hihi!" masayang sambit ni Ellen.
"Tara na mamili na tayo hmm Baby ellen."
"Opo mama hihi." masayang sabi ni Ellen.
Nasa bandang palengke na kami namimili ni Ellen. Siya taga-turo ng pamimilhin namin at ako naman ang taga-kuha. Medyo marami na rin itong napamili namin. Mabuti na lang at tumulong pa rin si Ellen. Sa kaniya ang isang plastik ng mga pagkain ng matatamis.
"Narinig mo ba iyon? May isang batang babae raw na nakaubos ng lahat ng pagkain ni aleng Lele." narinig kong sambit ng mga tao. Dala ng kuryusidad ay inalam ko kung saan ito banda. At nang makapunta ako ay...
"Alexis?!" medyo napalakas ang sabi ko. Pero kahit sa normal na tao, hindi nila maririnig iyon.
**********
Napatigil na ang batang babae sa paghimas ng kanyang tiyan dala ng kabusugan at hinanap ang boses na galing kay Shenny.
"Ate Shenny?" medyo nagtataka na rin ang mga tao sa paligid sa batang babae dahil tanging siya lamang ang nakarinig ng sambit na iyon na kahit mahina ay dinig niya.
Sa isang banda,..
Si Shenny ay biglang nagtago at naghanap ng malulusutan.Dahil sa dami ng tao sa palengkeng iyon, medyo hirap siyang makaalis. Pero alam niyang kaya niyang takasan si Alexis dahil busog pa ito at mas mabilis siya rito.
"Mama Shenny bakit ka po nagmamadaling umalis?" biglang tinakpan ni shenny ang bibig ni Ellen at...
"Baby Ellen, tatakbo lang si mama ahh kapit ka maigi." pagkasabi ni Shenny niyon ay biglang bumilis ang lakad nila. Todo kapit si Ellen ngunit nakaalalay pa rin si Shenny dito. Kahit na dala niya ang maraming pagkain, ay sa wakas nakarating na sila sa bukana ng gubat kaya medyo binagalan na rin niya.
"Mama nahihilo ako." parang nasusuka na si Ellen sa ginawang paglakad ni Shenny.
"Pasensya na baby Ellen hehe. Hayaan mo mamaya magiging maayos ka rin kaya tara na kay mama Renestica mo hmm."
Nagpatuloy na nga si shenny sa paglalakad. Nakasalabay na lang si Ellen sa kaniya dahil sa hilo pero kahit ganoon nakaya pa rn ni Shenny na makauwi sila ng ligtas at malayo na sa kapatid niyang tinakasan.
Nang makarating na sa tirahan sina Shenny at Ellen, nagtaka sila na wala doon si renestica. 'Buti at naisip ni Shenny na baka nasa batis at naliligo. Ibinaba muna niya ang mga pinamili at sabay na pinuntahan nila Ellen si Renestica sa batis.
Sa isang banda...
Medyo hiningal din si Alexis sa pagtakbo dahil 'di niya naabutan ang kapatid niya. Pero alam niya na kung nasaan ito dahil amoy niya ang batang narinig niya kanina. Napagtanto niya na nasa gubat ang kapatid at nahinuha niyang papunta ito sa batis.
May kakayahan kasing makaamoy si Alexis at malaman ang susunod na gagawin ng isang tao. Pero hindi niya kayang gawin ito sa kaniyang mga kapatid.
Samamtala...
Masayang naliligo sa batis si Renestica. Pero kahit ganoon ay natatakpan pa rin nito ang kaniyang kaselanan. Malapit na siyang matapos sa pagligo nang makaramdam siya na parang may tumitingin sa kaniya.
"Sino 'yan?!" lakas loob nyang sabi kahit na medyo nangangatog siya. Na 'di mawari kung sa lamig o sa takot. Walang nagsalita kaya pinakaramdanan niya ulit ang paligid at dahan-dahan siyang kumuha ng bato mula sa batis. Sa pagkakataong iyon ay naramdaman niyang may kaluskos sa likuran niya kaya binato niya ito at...
"ARAAAYYY!" sigaw ng tinamaan. Unti-unting lumapit si Renestica dito na may isa pang bato sa kabila niyang kamay.
"Sino ka?!"
"At ikaw, sino ka rin? Bakit mo 'ko binato?! Alam mo bang ang sakit 'non? Sapul ang noo ko huhu!"
"Hindi ba ikaw ang sumisilip sa'kin kanina?!"
"Tae! Bakit naman kita sisilipan? May masisilip ba sa iyo-- araaayyy!" binatukan naman siya ngayon ni Renestica.
"Nakakailan ka na ahh!" dugtong pa nito.
"Ikaw rin bastos ka!" bulyaw ni Renestica.
"Hindi naman kita sinilipan talaga, Kararating ko lang kaya. At saka 'di ako bastos huhu!" sabay himas ng ulo nya.
"Iyang bibig mo, bastos! May maipagmamalaki kaya ako!"
"Hindi ako interesado riyan." ~meron din ako nyan~ bulong niya sa sarili ..
"Anong sabi mo?!" medyo naiinis na tanong ni Renestica. 'Di niya alam na ang kausap niya ay isa pa lang babae. Napagkamalan niya itong lalaki dahil halos balôt ang buong katawan nito ng mga tela sa dami.
"Alexis..." pagkarinig ni Alexis sa pangalan nya ay humarap siya rito at...
"ARAAAYYY!" naiiyak na sa sakit si Alexis dahil nabato ulit siya. Nagulat rin si Renestica ng mga oras na iyon pero laking gulat niya na si Shenny pala ang bumato rito. Kasama nya si Ellen. Humakbang palapit si Shenny kay Alexis at tinanong kung anong ginagawa niya rito, Kasabay rin nito na inabutan ng mas malaking tela ni baby Ellen si Renestica para 'di na siya masilipan.
"Hinahanap ka na sa kastilyo ate," naluluhang sabi ni alexis matapos siyang taasan ng boses ni Shenny.
"Hindi iyon ang tinutukoy ko. Bakit andito ka sa batis? Sinisilipan mo ba si Renestica?"
"Siya ba 'yon?" turo niya kay Renestica.
"Kararating ko lang ng batuhin niya ako at binato mo rin ako huhu!" dugtong pa nito na naluluha na.
Bigla namang naawa si Renestica kay Alexis dahil kahit medyo malaki na ito ay bata pa rin tingin nya rito. Niyakap niya ito na ikinagulat nilang dalawa.
"Tahan na. Sorry nabato kita kanina. Ikaw ba ang kapatid ni Shenny?"
'Di makapaniwala si Shenny na magiging malapit sina Alexis at Renestica sa isa't isa. Dahil ngayon ay nasa tirahan na nila si Alexis at hayok kumain ng mga pagkain na nabili nila ni ellen.
*Flashback*
"Opo ako ang bunso nila ate hehe ang lambot mo pala," sabay himas ng pisngi nito sa dibdib ni renestica. Biglang nag-init ulo ni Shenny at si renestica naman ay natulak bigla si Alexis.
"Don't worry may ganiyan din ako ate hehe."
"Babae ka?" tkang tanong ni Renestica kaya naman hinubad na ni Alexis ang nasa ulo niya na kaninang pinangtabing niya para 'di siya mahalatang si Alexis. Ngunit noong nasa palengke ay wala pa ito. Nalantad nito ang mahaba buhok niya.
"Tadah! 'Di ba, babae ako tulad ni ate Shenny na minsan 'di halata sa kanya." babatukan sana siya ni Shenny pero nakaiwas ito.
"Pero ate hinahanap ka na talaga ni ate pa. Sabi niya sakin eh iuwi na raw kita." mahabang litanya ni Alexis.
"Sabihin mo sa kaniya na hindi muna ako uuwi. Rito na muna ako sa kagubatan." tugon ni Shenny.
"Bakit ate? Dahil ba sa kanila?" biglang napatingin si Renestica sa kanilang dalawa lalo na kay Shenny.
"Oo, kasi family na turing ko sa kanila Alexis."
"Paano naman kami ate?" medyo malungkot na sabi niya.
"Kung gusto mo ay dumito ka na lang din Alexis. Pero puwede ka pa ring bumalik sa kastilyo kung gusto mo." natigilan panandalian si Alexis sa sinabi ni Shenny sa kaniya. Medyo matagal bago niya sinagot ang sinabi nito at...
"Ate Shenny paano si ate sa kastilyo?" malungkot na saad niya.
"Ikaw, puwede ka bumalik-balik dito o doon man sa kastilyo hmm. Welcome ka pa rin kasi kapatid kita." nakangiting pahayag niya.
"Talaga ate?" Nakangiti na rin si Alexis ng mga oras na 'yon.
*Kasalukuyan habang nagsasaya at kumakain sina Alexis, Shenny, Renestica at baby Ellen*
Shenny's POV
"Ate ang saya pala sa labas ng kastilyo ahahahaha! Maraming pagkain at masasaya ang mga tao" masayang sabi ni Alexis.
Dahil dito napagpasyahan na ni Alexis na dumito muna ngayon gabi. 'Di ko pala nasabi, isang parang pusa ang itsura niya at ako naman ay lobo. 'Di ko marahil nasabi pero noong unang gabi ko kasama si Ellen, natakot siya sa akin. Pero 'di naglaon, okay na rin ang itsura ko sa kaniya. Hindi na siya natatakot sa'kin at marahil ngayon, sanay na rin siya sa anyo ni Alexis dahil 'di naman nakakatakot anyo ni Alexis kumpara sa'kin. Parang kuting lang si Alexis sa itsura niya.
[A/N: Hope you enjoyed the Chapter 3 guys. Mwaaaps!]