While shaking, Kallyra move her ear away from the door but she could still hear the moans and groans inside the closed lit room. Parang mumunting karayom iyon na pumapasok sa kaniyang tenga at nag-uunahang tumutusok sa kaniyang puso.
"P-pakiusap... ah.. hindi ko na kaya ginoong Lucas. Ooh.."
Then she heard a familiar man's groaned and she involuntary step back, she stumbled and almost fell to the ground.
She should have left.
She should be running fast, away from this place. Instead of torturing her ears and let those sounds batter her heart until it bleeds and leave bruises and scars.
Pero hindi siya si Kallyra Romanov kung basta na lamang siyang aalis. She might be a coward in some ways pero hindi niya hahayaan ang sariling maagrabyado. She won't just cry in the corner while she was being humiliated with the fact that they forcefully shove into her face.
Marahas na tinulak niya ang pintuan, hindi iyon kaagad na bumukas at nasisiguro niyang may harang iyon sa loob. Umatras siya ng bahagya at malakas na binungo ang pintong yari sa manipis na kahoy. Umuga iyon at bumigay din.
Malakas na humampas ang marupok na nasirang pintuan sa makintab na sahig na kahoy at natigil ang mga mahihinang ungol ng babae.
Her gray eyes turned dark and livid it almost spits fire while staring at those two naked people in the small bed covered with dirty white sheet.
But even with the commotion she could still hear Lucas delirious groans like he wasn't aware of what's going on around him.
Narinig niya ang malakas na pagsinghap ni Luisa at naagaw noon ang kaniyang tinging nakatutok kay Lucas. The woman's eyes were wide open as well as her mouth. She watch her grab the white blanket from the ground and wrapped herself in panicked. And she can see her hands and her small body shaking in fear.
"B-binibining Kallyra!" gulat, takot at galit ang nababasa niya sa mata nito. "A-anong ginagawa mo sa aking silid. H-hindi ka dapat basta na lamang pumapasok!" the woman's usually adorable looking and smiling face is now full of anger but with a hint of gloating. Na para bang nais nitong ipamuka sa kaniya na hindi lamang sa kaniya si Lucas o kaya naman ay nagmamalaking naagaw nito sa kaniya si Lucas.
She heard another groan from Lucas na nanatiling nakahiga sa higaan at walang saplot. The man's body is like an art piece that was mold to perfection. Hard. Hot. Gorgeous. Sexy. His features are chiseled perfectly, he has dark hair, dark eyes, strong jaw, and seductive lips. She swore he was one of the God's most beautiful creation.
Napalingon din si Luisa sa binata at mabilis itong sumampa sa higaan at hinatian ng kumot si Lucas na para bang ipinagdadamot at itinatago ito sa kaniyang paningin. "Shh... sandali lamang ito Lucas, paalisin ko lang siya para hindi na tayo maistorbo." anito na hinaplos ang noo ng nakapikit pa ring binata.
Akmang hahagkan nito sa noo si Lucas subalit nahinto ito at napairit ng malakas, pagkatapos ay natumba sa tabi ng binata. Sapo nito ang noong tinamaan ng manipis na kahoy na ibinato ni Kallyra.
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. "You mess with the wrong woman." she said in a cold and threatening voice. Marahan siyang lumapit dito. "Anong ginawa mo sa kaniya?" she drawled.
Napansin niya ang insensong may sindi sa gilid ng higaan. The sweet scent of the smoke coming from it stimulates sexual desire. Paubos na iyon kaya nasisiguro niyang kalahating oras mula ngayon ay babalik na sa katinuan ang nagdedeliryong binata. Napailing siya sa isip.
"A-anong sinasabi mo? Lumayas ka sa silid ko!" matapang at galit na sigaw nito. Halatang-halata ang namumulang noo na unti-unti ng nagkakaroon ng bukol. Marahan nitong hinahaplos iyon upang mabawasan ang hapdi at kirot habang nangigigil na nakatingin sa kaniya.
Malayong-malayo ang hitsura nito sa mabait at mahiyaing anyo na pinapakita nito sa harap ng maraming tao. Her instincts never failed her. Alam niyang mayroong dahilan kung bakit ayaw niya sa babaeng ito.
A two-face b*tch with personality disorder!
A psychopath!
Home wrecker!
Sl*t!
'Shut up Lyra! Masyado ka ng nagiging oa sa mga description mo' sigaw ng konsensiya niya. Napaingos siya. No matter what, this woman will have to pay for messing up with her and her Lucas.
"A-anong gagawin mo?" nanlalaki ang mga mata nito ng tuluyan na siyang makalapit.
Nagkibit siya ng balikat. "Pag-iisipan ko pa." she said in a cool manner. She gave her attention back to the man sprawled in the white sheet.
Pabiling-biling ang ulo nito at namumula ang pawisan at pangahang muka. Mayroon itong sugat sa gilid ng noo at sa gilid ng labi. But instead of ruining his face, it only adds to his already bad-ass and delicious charisma. It's lethal to the hearts of women.
She was cursing him inside her head.
'How could you let a woman did this to you? What's your muscles for? Kahit kailan talaga lampa ka!'
Those are the words na gusto niyang isumbat dito. Haist. She could only blame herself dahil umibig siya sa lalaking tulad nito.
Mga nagmamadaling apak ng paa papalapit sa silid na kinaroroonan nila ang pumukaw sa kaniyang atensyon. Mula sa bukas na pintuan ay pumasok doon ang gulat na si ginoong Fausto at isa pang lalaking kasama nito na hindi niya kilala. Matangkad at arogante ang bukas ng muka, mayroong mahabang pilat sa gilid ng muka. Muka itong hooligan na kasapi sa grupo ng Mafia.
But unlike Fausto mabilis na nawala ang gulat sa muka ng lalaking hindi niya kilala. Naningkit ang mata ni Kallyra at may hinalang nabuo sa kaniyang utak kaya hindi niya napigilan ang sarkastikong tawa.
Ang malakas na sigaw ni Luisa ang pumukaw sa natulalang si ginoong Fausto.
"Binibining Kallyra!" hindi makapaniwalang nagpabalik-balik ang tingin ng nito sa kanilang tatlo at huminto iyon kay Lucas pagkatapos ay ibinalik ang ngayon ay naaawa at nag-aalalang tingin nito sa kaniya.
She knows what he were thinking. Katulad din ng inisip niya kanina but she only smiled at the kind man.
"Tinatanong mo kung ano ang gagawin ko sayo?" mahina subalit sapat na ang tinig na iyon upang marinig ng babaeng ngayon ay balot na balot na ng kumot at nanginginig.
Ang muka nito ay bumalik sa pagiging nakakaawang ayos at kung umakto ito ay parang isang biktima. She snorted, this woman could be a better hollywood actress than Anne Hathaway ng Princess Diaries. She was a tigress in front of her earlier but now she looks like a delicate kitten. She would love to let her have a taste of her own medicine.
Marahas ang ginawa nitong paglingon sa kaniya. "Gigisahin kita sa sarili mong mantika."she muttered arrogantly bago siya lumakad palapit kay ginoong Fausto. But she stopped bago pa man tuluyang makalapit sa dalawang lalaki.
Hinawakan niya ang kaniyang pulang saya at iniangat iyon hanggang sa kaniyang tuhod and she ready herself in a fighting position. She smiled sweetly at the man with an ugly scar on his face.
She rotate her body and bring her rear leg forward until her knee is up near her waist and her foot is facing the ugly man in order to launch her powerful kick. Then she thrust her foot forward and strike the front face of the man with the sole of her foot.
Malakas itong napa-igik at napaatras ng ilang hakbang. But she didn't give him a chance to regain his balance, she step forward and spin her body backwards before throwing another kick. Her spin generates extra momentum and thus allow her to throw a more powerful kick. The man groaned in pain and fall backwards.
Wala na itong malay ng lapitan niya. Binitiwan na niya ang kaniyang saya at muling natakpan ang makinis at maputi niyang binti bago muling hinarap si ginoong Fausto na nakabukas ang bibig at halos sumayad and panga sa sahig.
"Pakibuhat sa higaan ginoong Fausto." utos niya dito na ang tinutukoy ay ang lalaking pinatumba.
"S-saan b-binibini?" nauutal nitong tanong ng matauhan. Ni hindi nito magawang magtanong kung bakit niya sinipa at pinatulog ang walang malay na lalaki.
"Sa higaan ni binibining Luisa. Mamaya na ho kayo magtanong. Sundin niyo ang inuutos ko kung hindi ninyo gustong mapahamak si ginoong Lucas." normal at pantay ang tono ng kaniyang boses na parang wala lang ang ginawa at iniutos.
Sa kabila ng pag-aalangan ay sumunod naman ang tauhan ni Lucas. She threw him a quick glance then walk back near the bed. Walang salitang sinuntok niya sa muka ang dalagang tulala at takot na nakamasid sa kaniya. "Sleep tight princess, I'm sorry for ruining your birthday. I hope you'll enjoy my gift." She whispered in the woman's ear bago ito tuluyang mawalan ng malay.
**********
Humahangos st mabilis ang paghinga ni ginoong Fausto, maya't-maya nitong tinatapunan ng mga sulyap ang dalagang kasamang tumakas mula sa bintana ng silid ni binibining Luisa.
Sandali silang huminto hindi kalayuan sa tahanan ng kabesa. Pasan niya sa kaniyang likuran ang kaniyang among si ginoong Lucas na ngayon ay nahihimbing sa pagkakatulog.
"H-hindi ko maintindihan ang mga nangyari." hindi nakatiis na wika ng mabuting tauhan ng pamilyang De la Torre.
Naalala niya kung paano nagsimula ang lahat bago sila napunta sa ganitong sitwasyon. Inakala niyang nakauwi na sina ginoong Lucas at binibinining Kallyra kanina kaya naman ay naisipan na din niyang umuwi. Subalit siya ay tinawag ng tauhan ni Ginang Cecilia na siyang asawa ni kabesang Manuel.
Sinabing nakita nitong pumasok sa silid ni binibining Luisa si ginoong Lucas. Dahil sa kaniyang pagtataka ay sumunod kaagad siya sa direksyong tinatahak nito. Nakarinig sila ng malakas na kalabog kaya't nagmadali silang makalapit doon subalit hindi niya inaasahan ang kaniyang nakita.
Ang agad na pumasok sa kaniyang isip ay may nangyari sa pagitan ni ginoong Lucas at binibining Luisa na siyang nasaksihan ni binibining Kallyra. Alam niyang may namamagitan sa kanila ni ginoong Lucas at natitiyak niyang nagmamahalan ang dalawa. Kaya naman ay hindi niya lubos maisip kung gaano kasakit ang nararamdaman ni binibining Kallyra matapos makita ang tagpong iyon.
Sa kaniyang pagkamangha ay sa halip na mag-iiyak at tumakbo paalis o kaya naman ay magwala sa galit ay hindi iyon ang naging reaksyon ni binibining Kallyra.
May ngiti sa labing inutusan siyang alisin ang mga kasootan ng lalaking kasama niyang pumasok sa silid ni binibining Luisa matapos itong sipain ng malakas hanggang mawalan ng malay.
Hanggang ngayon ay tila panaginip pa rin ang kaniyang nasaksihang kamangha-mangha at hindi kapani-paniwalang husay ng binibini sa pag-sipa at sa kakaibang lakas nito. Naalala niya ang mahusay nitong palabas noong isang linggo na umabot ng ilang oras sa paglalaro ng bola gamit lamang ang paa. Wala ni-isang tao siyang kakilalang magagawa iyon kahit pa nga ang pinakasikat na payasong si Busog.
Hindi kaya ay yari sa bakal ang kaniyang binti?
O baka naman ay hindi tao si binibining Kallyra, isa kaya itong maligno? maliit na kapre? o kaya naman ay isa itong halimaw na nagpapanggap na tao!
Hindi na magawang lingunin ang kasamang dalaga. Sa kaniyang isip ay natatakot at naaawa siya para kay ginoong Lucas dahil umibig ito sa hindi tao.
Sa loob ng tahanan ng kabesa. Masayang inililibot ni ginang Cecilia sa loob ng ipinagmamalaki nitong malaking bahay ang kaniyang mga amiga, mga kaibigang Ginang na asawa ng mayayamang mga mangangalakal sa kanilang lugar
"Maganda nga ang mga disenyo ng mga silid sa inyong tahanan Donya Cecilia." ani ng isang ginang na nakasuot na itim na saya. Maayos na nakapusod ang namumuting buhok.
Si Donya Cecilia ay isang tipikal na ginang na purong pilipina. Anak ito ng isang kilalang ilustrado na taga-maynila. Mayaman ang kaniyang pamilya subalit sakim at nais na tumaas ang posisyon ng pamilya sa lipunan sa kahit anong paraan.
Kaya naman ay kaya nitong gawin ang lahat upang makamtan ang mithiin. At si ginoong Lucas ang sa kaniyang tingin ang siyang susi sa kaniyang tagumpay. Kanina ay inalok niya ang binatang uminom ng pinakamatandang alak na pinagmamalaki ng kaniyang ama na nanggaling pang Europa.
Subalit palihim niya itong nilagyan ng ugat ng valerian. Isa itong uri ng bulaklak na matatagpuan sa Asya at Europa na binili niya sa mangangalakal na dayuhan.
Nakatulog ng panandalian ang binata kaya't maayos niyang naisagawa ang maitim na balak. Sa tuwing bumabalik ang ulirat nito ay hinahampas ito ng kaniyang tauhang si Tukmol na siyang pinakamaaasahan at pinakamalakas sa kaniyang mga tauhan. Ang kanilang balak ay gumawa ng eskandalo upang mapilitan itong magpakasal sa kaniyang unica iha.
Kasama sa kaniyang plano ay masaksihan ng kaniyang mga kaibigan ang eskandalong kaniyang inorganisa upang hindi makatanggi si ginoong Lucas.
"Tayo ay magtungo sa silid ng aking anak, tiyak na magugustuhan niyo ang mga disenyong binurda mismo ng aking anak na si Luisa sa mga kurtina at panabit." pagmamalaki niya.
"Sadyang napakahusay ng iyong anak na dalaga Donya Cecilia." nakangiti subalit halatang mayroong inggit sa matang wika ng isang ginang.
Eleganteng ngiti ang kaniyang isinukli sa kaibigan.
"Halika, sumunod kayo sa akin." anyaya niya. Ang kaniyang dibdib ay mabilis ang tibok sa labis na antisipasyon at pilit na itinatago ang madilim at tagumpay na ngiti. Subalit kumunot ang kaniyang noo ng mapansing sa halip na pintuan ay kurtina ang nakatakip sa silid.
Ngunit agad ding napalitan ng ngisi ang kaniyang simangot. 'Mahusay talagang kumilos ang kaniyang tauhang si Tukmol. Mas madali ngang makikita ang kung ano mang nangyayari sa loob kung walang nakaharang na pintuan.
"Diyos ko!"
"Anong kahihiyan ito!"
"Isang malaking eskandalo amiga!"
Mga reaksyon ng kaibigan ni Donya Cecilia ng mahawi ang kurtina sa pintuan. Isang lihim na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi pagkatapos ay mabilis na itinago iyon at pinalitan ng nahihindik na anyo.
"Paano mo ito nagawa ginoong Lucas! Isang birhen ang aking anak, at hindi ko hahayaang dungisan mo ang kaniyang karangalan! Kailangan mong panagutan ang nangyaring ito ginoong Lucas!" ang umiiyak niyang bulalas. Mahusay ang kaniyang pag-akto na pinaghandaan niya ng mabuti.
Nagsinghapan ang kaniyang mga kaibigan at hindi makapaniwalang ang lalaking katabi ng kaniyang anak na ngayon ay balot ng puting kumot ay ang nag-iisang apo ng dating Gobernador heneral at anak ng Alkalde Mayor ng Maynila.
Ang kaninang nandidiri, nang-aakusa, at lihim na tuwang reaksyon ng kaniyang mga kaibigan ay napalitan ng inggit, hindi pagkapaniwala at pagtataka.
Nagising si Luisa sa ingay sa kaniyang paligid, kinusot niya ang mata at hinaplos ang masakit at mahapding panga. Napabalikwas siya ng bangon ng maalala ang ginawang pagsapak sa kaniya ni binibining Kallyra.
Nanlaki ang kaniyang mata at mabilis na nilingon si Lucas sa kaniyang tabi. Kaagad siyang nakahinga ng maluwag ng masilayang naroon pa ito. Subalit ang ngiti ay napalitan ng panghihilakbot ng tumihaya ang nakadapang lalaki. Isang malakas na tili ang lumabas sa kaniyang bibig at muli siyang nawalan ng ulirat.
Samantalang ang mga naroong ginang na nakamasid sa nangyari ay nangilabot sa lakas ng sigaw ni Binibining Luisa.
Si Donya Cecilia ay tila natulos sa kinatatayuan sa labis na pagkabigla. At ng rumehestro sa kaniyang utak na ang nakasiping ng kaniyang unica hija ay ang kaniyang masunuring utusan ay tila siya mawawalan ng ulirat. Nanindig ang kaniyang balahibo at nanginig ang kaniyang katawan sa labis na galit at gulat.
"Tukmooooool! hay*p ka! papatayin kita!!!"