During the El Comienzo's escape.....
"¡Correr! perseguirlos!" 'Takbo! habulin sila!' Patuloy sa paghabol ang mga kastilang sundalo. Paminsan-minsan ay nagpapaputok ng baril.
"¡Cómo se atreven esos rebeldes a dejar escapar a los prisioneros! ¡No te dejaré vivir!" 'Ang lakas ng loob ng mga rebeldeng itakas ang mga bilanggo, hindi ko kayo hahayang mabuhay!' ang galit na singhal ng magiting na Heneral.
Maalon ang itim na itim nitong buhok na maayos na nakahati sa gitna. Halatang inaalagan iyon ng suklay at tila palaging basa dahil sa makapal na pomada. Matangos ang ilong nito at may bigoteng nilagyan din ng pomada upang hindi magulo ang tila bangkang estilo. Matangkad din ito tulad ng mga kalahi nito at masasabing maganda ang pangangatawan at may hitsura.
Napatigil ang Heneral sa paghabol. "¡Detener! cese el fuego!" 'Hinto, itigil ang pagpapaputok!' itinaas ng isang kamay at nagsihinto ang mga sundalo.
Isang babae ang nakatayo sa gitna ng parang sa kadiliman ng gabi. Kakaiba ang itim na kasootan, hindi katulad ng mga kasootan ng mga babae sa panahong iyon. Nakalugay ang mahaba at maalong buhok na kulay kayumanggi. Mayroong gasgas sa gilid ng pisngi subalit hindi iyon nakabawas sa ganda nito, sa halip ay nakadagdag lamang iyon sa kakaibang karakter nito.
Hindi katulad ng mga nakilala at nakasalamuha ng Heneral na mga dalagang may magagarang kasootan, may makukulay na abaniko at mamamahaling alahas, ang babaeng nasa kanilang harapan ay tila isang tahimik subalit mabangis na tigre na hindi mo maaring salingin.
Ang kulay abo nitong mata ay tila nagliliwanag sa madilim na gabi. Mapupula ang makipot na labi na tila nang-aakit. Nakatayo ito na walang hawak na ano mang armas subalit mayroong telang nakasukbit sa katawan nito at nakasuksok roon ang dalawang mahabang patalim sa may bandang likuran. Tanging ang dalawang puluhan lamang ang nakalabas at kanilang natatanaw kaya't hindi niya alam kung itak ba iyon o isang uri ng espada.
Gustong matawa ng Heneral, nais ba nitong harapin ang daan-daang mga sundalong may armas na baril gamit lamang ang itak o espada? Bukod pa sa isa itong babae? Sayang, maganda sana ang binibini subalit tila isa itong baliw at nais magpakamatay!
"¿Quién eres jovencita? que haces aqui en el campo ¡Está oscuro y estamos persiguiendo a los rebeldes! ¿Quieres involucrarte?" 'Sino ka? anong ginagawa ng isang binibini sa parang sa gitna ng gabi? May mga hinahabol kaming nga rebelde! Gusto mo bang madamay?'
Hindi nagbago ang blangko nitong muka at mataman pa ring nakatitig sa Heneral.
"¿Quieres conocer a su líder, verdad? 'Gusto mong makilala ang kanilang lider hindi ba?' "¿Que quieres decirme?" 'Anong gusto mong sabihin sakin?' pantay at walang bahid ng takot ang magandang tinig ng babae na parang nakikipag-usap lang sa kapatid nito.
"¿¿¡¡Tú!!?? ikaw!!?? ¿Una mujer? ¿Estás bromeando con nosotros? ¡Puedo matarte con un dedo! ¡No pierdas nuestro tiempo y no persigas mi paciencia! ¡Si no estamos persiguiendo a esos rebeldes, terminarás en mis manos!" 'Isang babae? Niloloko mo ba ako? Umalis ka na bago maubos ang pasensiya ko, kung wala kaming hinahabol na mga rebelde ay dadaan ka sa mga kamay ko.'
"Lamento no dejarte hacer eso." 'Patawad subalit hindi ko hahayaang mangyari yun.'
Itinaas nito ang dalawang kamay at inabot ang dalawang puluhan ng sandatang nasa likuran nito. Nang hugutin nito iyon sa kinasusuksukang lalagyan ay sakto namang nahawi ang makapal at madilim na ulap sa langit.
Sumilay ang mapanglaw na liwanag na buwan at lumabas ang replika noon sa dalawang malapad na espadang may tig-apat na pulgada ang lapad at may isang sentimetro ang kapal na hawak nito sa magkabilang kamay.
"No te dejaré pasar." 'Hindi ko kayo hahayang makalampas.' Ang malamig nitong deklara pagkatapos ay walang pagdadalawang-isip na tumakbo ng mabilis palapit sa kanila.
Tumiim ang bagang ng Heneral. Itinutok niya ang kaniyang baril upang tamaan ang baliw na babae. Subalit tumatalsik lamang kung saan ang mga bala ng baril sa tuwing hinaharang nito ang malapad na mga espada.
Nanlaki ang mata ng heneral at halos bumagsak ang panga sa lupa sa labis na pagkabigla. Natarantang sunod-sunod na muli siyang nagpaputok matapos matigilan ng sandali ng malapit na sa kaniya ang babae.
Hindi niya namalayan subalit tumatagaktak ang pawis sa kaniyang likuran at nangangatal ang kaniyang pawisang kamay, halos hindi na niya iyon maitutok sa pinupuntirya.
Nang dalawang dipa na lamang ang layo nito ay bigla itong tumalon at iwinasiwas nito ang kanang kamay. Tila siya nabingi sa paghampas ng talim ng espada nito sa ulo ng kaniyang baril, agad iyong naputol at lumipad kung saan. Hindi pa man siya nakakaahon sa pagkabila ng may humila sa kaniya paatras.
Saka lamang siya tila natauhan at malakas na sumigaw. "¡Fuego! ¡Mátala! matarla!" Barilin niyo! patayin niyo! patayin niyo!"
Subalit tila ito isang palos na mabilis na nakalapit sa kanila at ginagawang pananggalang ang kaniyang mga sundalo. Sa bawat galaw nito ay may matutumba. Nangatal sa takot ang Heneral sa nariring na mga sigaw at daing sa kaniyang paligid. Hindi ito makagalaw at nanatiling nakahiga at nakatukod ang dalawang siko sa lupa.
"Ahhh!!!!!" ang nakakahilakbot nitong sigaw ng bumagsak sa kanyang harapan ang isang gwardiya sibil. Nakaluhod ito at hawak ang balikat na tanging duguang tela na lamang ang nakakabit at wala na ang kanang braso.
"H-heneral... t-tienes que irte." 'tumakas na kayo.' pagkasabi noon ay bumagsak na itong tuluyan padapa sa paanan ng takot na heneral. Napaatras ito at nilinga-linga ang paligid. Patuloy ang malakas na putok ng mga baril at ang mga sigaw na daing subalit umuunti iyon sa pagdaan ng mga sandali.
Dumapa ang heneral sa maputik na lupa at mabilis na gumapang patungo sa mga damuhan ng walang lingon. Ang tanging nasa isip ay makatakas sa lugar na iyon.
Nang medyo mahina na sa pandinig nito ang mga putok ng baril ay nanginginig ang tuhod na pilit itong tumayo at mabilis na tumakbo patungo sa direksyon ng piitan kung saan naroon ang ibang opisyal, ang alkayde at ang mga personal na sundalo ng Gobernador Heneral, kung saan makakaramdam ito ng kaligtasan.
Halos tumalon palabas ang puso ng Heneral ng matanaw ang Alkayde kasama ang may isang-daang gwardiya sibil.
"¡Oh Dios! ¿que pasó? donde estan los soldados Jesús, ¿qué te pasó general?" 'Diyos ko! Anong nangyari? Nasaan ang mga sundalo? Anong nangyari Heneral?' tumakbo papalapit ang Alkayde sa kabila ng hirap nito sa paghakbang.
Wala itong bigote tulad ng sa heneral subalit makinis ang bilugan nitong muka dahil may dugong kastila ay maputi at mamulamula ang mestisong balat. Halos matanggal ang butones ng suot nitong uniporme dahil sa katabaan.
"Ve y ayuda a las soldados!" 'Tulungan mo ang mga sundalo!' "¡Más rápido!" 'bilisan mo!'
Tila naguluhan ang Alkayde kung lalapitan ba ang duguang heneral o kung susundin ang utos nito at magtutungo kung saan narinig ang putukan.
Subalit hindi na ito nabigyan ng mahabang pagkakataon ng mula kung saan ay may sumulpot na taong nakaitim, tumama ang iwinasiwas nitong mahaba at malapad na patalim sa likuran ng Heneral at napaigik sa gulat at sakit ang huli, hindi pa man ito bumabagsak sa lupa ay agad na nakalapit sa kaniya ang babae.
Hindi alam ng Alkayde kung papaanong ngayon ay hawak na siya nito at ginawang tila harang sa mga balang ipuputok ng mga gwardiya sibil na ngayon ay nakatutok na sa kanila ang mga baril.
Mariing ipinikit ng Alkayde ang mga mata at tila maiihi sa takot bumubulong-bulong ito na tila nagdadasal. "¡Oh Dios mío! ¡ayuadame! ¡Dios mío, ten piedad de mí! perdona a tu hijo por todos sus pecados, Dios mío!" 'Diyos ko! Tulungan niyo ako! Maawa ka sa akin, patawarin niyo ako sa aking mga naging kasalanan, o diyos ko!'
Tila huminto ang oras ng wala ni- isang may gustong mag-umpisa ng labanan. Mas lalo lamang iyong nagpapatindi ng takot sa dibdib ng Alkaydeng siyang madalas na nagpapahirap sa mga inosenteng bilanggo sa piitang binabantayan nito.
"¡No me mates! ¡por favor te daré todo el oro y el dinero que tengo! ¡Yo soy rico! ¡No me mates!" 'Huwag mo akong patayin pakiusap! bibigyan kita ng maraming ginto! Mayaman ako! Huwag mo akong patayin!'
Subalit tila walang naririnig ang babae. Kinuha nito ang baril na nakasabit sa nakasukbit na lalagyan sa tagiliran ng walang magawang Alkayde. Pagkatapos ay walang babalang pinaulanan ng bala ang mga gwardiya sibil na hindi makaganti dahil sa takot na matamaan ang kanilang lider.
Walang nagawa kung hindi ay umatras na lamang ang mga gwardiya sibil upang hindi maabot ng balang pinuulan ng babae, subalit patuloy naman itong humahakbang papalapit sa grupo.
Ang nakapikit pa ring Alkayde ay umiiyak na at napipilitang humakbang din. "Perdona mi vida por favor! ¡perdona mi vida!" 'Huwag ako! pakiusap huwag ang buhay ko!' ang patuloy nitong pakiusap.
"Ugh.." narinig niyang mahinang daing ng babae kasunod ng isang putok ng baril na nagmula sa kanilang likuran.
"¡Monstruo! ¡Eres un monstruo!" 'Halimaw! Isa kang Halimaw!' ang marahas at galit na galit na sigaw ng Heneral na ngayon ay nagkaroon na ng pagkakataong makaganti sa nakatalikod na babae. Hirap itong tumayo at muling itinutok ang baril. "¡Te mataré!" 'Papapatayin kita!'
Kasabay ng sigaw nito ay ang pagbagsak nitong muli sa lupa. Nakabaon sa dibdib ang malapad na espadang kanina lang ay sumugat sa likod nito. Malalaki ang mga matang tila hindi makapaniwala.
Malapit na ang bukang liwayway ng matapos ang madugong labanan sa pagitan ng mahigit apat na raang sundalong kastila at ng isang babae.
Tahimik ang paligid na tila walang nangyari kanina lamang. Kahit isang kuliglig ay walang maririnig sa maalinsangang paligid at ang mga nagkalat na dugo sa parang ay nagdudulot ng malansang hangin.
Tahimik na nakatayo lamang si Kallyra. Ang itim na kasuotan ay basa subalit hindi dahil sa tubig ulan kung hindi ay dahil sa dugo ng kaniyang mga pinaslang kasama na ang sariling dugo.
Mayroon siyang tama ng baril sa kung saan-saang bahagi ng kaniyang katawan. Subalit ang kaniyang mga mata ay nanatiling walang emosyon. Ang kaniyang mukha ay tila isang manikin na inukit ng isang mahusay na iskulptor. Malamig at blangko.
Tila maging siya ay nawalan na din ng buhay. Natapos iyon ng malamang hindi na muli pang masisilayan ang taong siyang dahilan ng kaniyang pagbabalik. Siguro ay sa ganitong paraan na siya mamumuhay mula ngayon.
She wants to chase death in her every step. Bahala na kung kung kelan siya mamamatay.