"Hindi ka pwedeng magpadalos-dalos Tres!" pigil ni Jose sa kasama. Tinapunan lamang siya nito ng matalim na tingin. "Mapapahamak ka lamang, hindi lamang ang pagsugod at paghahamon ng patayan ang maaring solusyon."
"Hayaan mo siya Cuatro." ang wika ni Andres. Patuloy ito sa pagpunas ng baril gamit ang telang may langis. "Kung nais niyang mamatay at kung wala siyang paki-alam sa buhay ng kaniyang mga kasama ay bahala siya. Hayaan mo siyang sugurin ng mag-isa ang kuta ng mga libo-libong sundalo ng Gobernador Heneral, siguradong ikatutuwa iyon ni Simon sa langit."
Nahinto sa paghakbang si Apolinario at tinapunan din ng masamang tingin ang nakayukong si Andres na parang wala lang ang sinabi.
Malakas na hinampas ni Apolinario ang dahon ng nakasarang pinto gamit ang kaniyang palad. Napaigtad naman si Jose sa pagkabigla.
Matapos ang nangyaring pagpanaw ni Simon ay binalot ng kalungkutan ang kanilang pangkat at ngayon ay tila sila naglalakad sa tulay na lubid sa
ibaba ng rumaragasang tubig-ilog.
Nagkalat sa labas ang mga gwardiya sibil at iniisa-isa ang bawat tahanan, kabilang na ang tirahan ng mga Indio at tsino sa labas ng Intramuros hanggang sa mga karatig bayan. Hinuli ang maraming kalalakihan at ngayon ay hindi malaman kung maliligtas ang kanilang mga buhay ng ilan. Lahat ng sa kanilang palagay ay kahina-hinala ay kaagad na pinapatay.
Dumarami na ang mga pamilyang nawalan ng ama at anak dahil sa panunupil ng mga kastila na tila gumaganti.
Kumakalat na ang balitang naubos lahat ng mga sundalong kastila ng gabing iyon kasama si Heneral Donatillo, ang Alkayde ng piitan at ilan pang mga opisyal sa Fort Santiago ay napatay lahat at ang tangi lang nakaligtas ay ang Gobernador Heneral kasama ang dalawa nitong tauhan.
Hindi nila alam kung ano ang nangyari matapos nilang iwan sa piitan ang mga prayle at ang kanilang pinuno.
Walang balita ukol sa magaganap na paggarote sa mga prayle at wala rin silang balita kung nasaan na ang kanilang pinuno.
Subalit matibay ang paniniwala ni Jose na ang kanilang pinuno ang siyang pumatay sa mga sundalo at mga opisyal, hindi niya alam kung papaano subalit malinaw na ito lamang ang may kakayahang gawin iyon.
Tok tok tok.
Sabay-sabay silang napatitig sa pintuan ng marinig ang pamilyar na katok. Isa iyon sa mga itinuro sa kanila ng pinuo upang malaman nila kung kakampi ba o kaaway ang nasa likod ng pinto.
Mabilis na lumapit si Marcelo sa pinto at kumatok din katulad ng ginawang pagkatok ng hindi inaasahamg bisita. Gumanti iyon at umulit ng dalawang beses. Saka pa lamang nailabas ang hindi sinasadyang
pinigil na hininga ng mga maroon sa loob ng silid na nasa ilalim ng lupa.
Nang mabuksan na ang pinto ay ang kanilang panauhin na mismo ang nagsarado noon.
"Dos!" nagulat na sambit ni Jose. Tipid ang ngiting tumango ito. Matagal din nila itong hindi nakita mula ng umalis ang kanilang pinuno patungong Estados Unidos.
"Kamusta, narito ako upang tingnan ang inyong kalagayan. Anong nangyari sa mga sugatan?" ang kaagad nitong tanong.
Matagal bago may naglakas ng loob na sumagot. "Nakaligtas si Garciano, subalit hindi p-pinalad si Simon." si Marcelo.
"Kinalulungkot ko ang nangyari." ang mahinang sambit ni Diego at sumulyap ng saglit sa tahimik na kapatid ni Simon.
Hindi niya maiwasang maalala ang pag-uusap nila sa may bakuran ng Gobernadorcillo. Sa kabila ng batang edad nito ay matapang ito at malakas ang loob subalit makulit at palaging kuryoso.
"Kuya Pedro sa tingin mo ay maniniwala ang Gobernadorcillo sa pekeng liham?"
"Hindi mo na dapat problemahin iyon, ang mahalaga ay nagawa mo ang iyong misyon. Mahusay Otcho, bumalik ka sa may puno ng santol, naroon si Tres at naghihintay ng hudyat para sa susunod na misyon."
"Subalit hindi ko mapigilan ang maging kuryoso, kanina'y ilang beses akong inuudyok ng aking isip na basahin kahit isang talata lamang ng liham, kung hindi lamang ako natatakot na mahuli sa itinakdang oras ni Uno ay hindi ko mapipigilan ang aking sarili." himutok ng binatilyo.
"Isa iyong kapangahasan at huwag mo ng uulitin, alam mong hindi gugustuhin ng binibini kung malalaman niya." suway na babala niya dito.
"Alam ko iyon kuya Pedro." kahit may nakatakip na itim na tela ay alam ni Pedro na nakasimangot ito. "Hindi ka man lamang ba naakit na basahin kahit sa isa sa mga sulat na pinapadala ng binibini?"
"Hindi. At tawagin mo siyang pinuno!"
"Napakasungit mo naman kuya Pedro! mabuti pa si kuya Apolinario mabait, kaya ka pangit kasi masungit ka!"
"Aba't napakapilyo mong bata, at hindi ba ay dapat mo akong tawaging Dos at Tres naman ang kuya mo, isusumbong kita sa kapatid mo!" pananakot niya dito.
Dinilaan lamang siya nito at tumakbo.
Hinaplos ni Diego ang naninikip na dibdib at pinilit alisin sa isipan ang nararamdamang kalungkutan sapagkat mayroon siyang misyong kailangang sundin.
"Nasa kampo sa Batanggas ang pinuno kasama ng mga Prayle." pagbabalita niya. Nakuha niya ang lahat ng atensiyon ng mga naroon
"Totoo ba ang sinasabi mo Dos?" tanong ni Teodoro na tinagurian nilang 'Onse'.
"Sinasabi ko na nga ba!" ang tuwang bulalas ni Jose na lumapit na kay Pedro. "Alam kong hindi papalpak ang ating pinuno."
"Subalit namatay pa rin ang isa nating kasamahan" ismid ni Juan na noon pa man ay hindi sang-ayon na maging pinuno nila ang isang babae. Kung hindi nga lamang wala itong magawa sapagkat sa lahat ng bagay ay wala itong masabi sa kanilang pinuno.
Naalala pa ni Diego noong nagsisimula pa lamang sila, madalas hamunin ni Juan ang kanilang pinuno sa isang dwelo, sa pabilisan ng pagtakbo, sa pabigatan ng pagbuhat, sa pahusayan ng pagbaril, sa pahusayan ng pangangabayo at maging sa paramihan ng pagkain ng kakaning malagkit, subalit palagi itong talo at halatang nagdadamdam pa din ito hanggang sa ngayon.
"Hindi iyon kasalanan ni pinuno!" ang mabilis na supla ni Jose na medyo napataas pa ang tinig. Masama ang pinukol nitong tingin kay Juan.
"Wala namang ibang pwedeng sisihin!" ang ganting amok naman ng mapanghamong si Juan. Dahil sa isa ito sa pinakabata sa kanilang grupo ay madalas na isip-bata pa din ito.
"Hindi ba ay ikaw ang dapat sisihin dahil kasama ka sa dapat ay magpapatakas sa mga prayle!" hindi nagpapatalong sigaw naman ni Jose.
"Magsitigil kayo!" ang inis na saway ni Andres na natapos na sa paglilinis ng pinakamamahal nitong baril. "Walang dapat sisihin sa nangyari, hindi natin lahat inaasahan ang biglang pagdating ng Gobernador Heneral sa piitan."
"May nalaman kami tungkol diyan. Nagpadala ng liham ang mga espiya mula sa tahanan ng Gobernador Heneral." si Diego. "Binabalak ng Gobernador Heneral na kausapin ng personal ang mga paring sekular ng gabing iyon dahil sa dumating na ang inaprubahang hatol mula sa Hari ng Espanya. Nais ng Gobernador Heneral na pumayag ang mga prayle na umamin sa harap ng mga magiging saksi ng paggarote na sila nga ang siyang utak sa nangyaring pag-aalsa sa Cavite."
Natahimik ang dalawang binatilyong nagtatalo at napa-isip naman ang iba pang naroon sa lihim na silid pulungan.
"Bakit kinakailangan pang pilitin nilang paaminin ang mga paring sekular sa harap ng maraming tao kahit alam naman ng lahat na inosente sila sa kanilang mga paratang?" hindi nakatiis na tanong naman ni Teodoro.
"Gusto ng pamahalaan na tanggalan ng karapatan sa pagiging pari ang tatlo bago magarote subalit hindi pumapayag ang simbahan." paliwanag ni Diego.
********
Andromeda 3000
"What the f**ck is going on!!! Where is she?? Where's my wife?" he was breathing so hard and he was about to puke because of the intense nervousness.
"Huminahon ka Pierce, please..." si Shekainah na hindi makalapit sa kaniya.
"No!" malakas niyang tinapik ang kamay nitong nagtangkang hawakan siya. "Somebody have to f**king tell me where the hell my wife is? How the hell she woke up first before the Captain on board did?"
"We don't know what happened as well Mr. Sarmineto. All of our space analyst are trying to locate the RSF 712 data and signal." ang sagot ng isa sa mga personnel.
Sarkastikong tumawa si Maxwell. "What the f**k are you talking about? Didn't you say that Silent kill is the best and its perfect? Why the hell it can't locate my wife!!?"
Tila naman natigilan ito dahil sa kaniyang sinabi na lalo lamang nakadagdag ng galit kay Maxwell. "We have a clue---"
"I don't need your f**king clue!"
"Hey, Maxwell, don't curse please.. calm down." muling pakiusap ng dating kasintahan subalit hindi niya ito pinansin. Wala siyang ibang nasa isip kung hindi ang kaniyang asawa. Hindi niya alam kung nasaan ito o kung makikita pa niya ito.
Mariing sinabunutan niya ang sariling buhok. Magulong-magulo na iyon dahil sa paulit-ulit na paghagod ng kaniyang palad doon dahil sa kaba at matinding frustration.
"We found out that it was her own doing." mabilis niyang nilingon ang babaeng personnel, nakasuot ito ng black and blue body suit at nakapusod ang natural na kulay pulang buhok. Meron itong mga pekas sa ilong at magkabilang pisngi.
"What?" he spat. His eyes was glaring.
"There were no damage in the area, no force intrusion in the system, silent kill was quiet and we conclude that it was because the person who manipulates the program was someone that silent kill recognized. It was a deliberate act Mr. Sarmiento. It could be your wife who wanted to shorten the hibernation time and leave the ship. We can talk more about it once we collect all the evidence, and we can discuss all the technicalities with you."
Hindi na naririnig ni Maxwell ang huling mga sinabi ng kausap.
It could be your wife who wanted to shorten the hibernation time and leave the ship.
It could be your wife who wanted to leave the ship.
Tila iyon isang mantra na paulit-ulit na nagp-play sa utak na Maxwell. Hindi niya alam kung anong mararamdaman dahil sa nalaman. Mahigpit niyang ikinuyom ang kamao at mabibilis ang hakbang na tinungo ang elevator.
"Quarters." matigas at mariing wika niya at hindi na hinintay pang tanungin siya ng hologram elevator girl.
'Going up to quarters'
'Quarters' narinig niyang muling sabi nito matapos ang ilang minuto. Mabibilis ang kaniyang hakbang at tinungo ang silid na nais puntahan. Bumukas iyon kahit hindi pa niya kinakatok ang pintuan. Bumungad doon ang lalaking pinakaiinisan.
"I have been waiting for you,
Lucas..."