Tahimik na nanonood ng TV si Maxwell subalit wala sa pinapanood ang kaniyang atensyon, naroon iyon sa babaeng ilang dipa ang layo sa kinauupuan niya.
It's Sunday, nakuha niya ang inaasam na pahinga, subalit ang balak niyang wag munang umuwi sa bahay nila ni Kallyra ay hindi natuloy, he won't let her out of his sight. Not until makaalis ang Andromeda 3000.
Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ito, nakatutok lamang sa tv ang mga mata at para bang gustong-gusto nito ng pinapanood kaya kahit na commercial ay tinititigan nito. Nakasimangot na dumampot siya ng pizza at sunod-sunod na sumubo.
Inalok niya ito kanina subalit hindi siya pinansin, ilang araw na siyang hindi nito kinakausap at nagsisimula na siyang mapikon. Nakita niyang natawa ito dahil sa nakakatawang ginawa ng lalaking bida sa pinapanood nila.
Tinapunan niya ng matalim na tingin ang lalaki sa palabas at muling ibinalik ang masamang tingin sa asawa. "He looks like a gay." Komento niya ng hindi tinablan ng matalim niyang tingin ang babae. Kaagad niyang inikom ang kaniyang bibig ng siya naman ang tapunan nito ng matalim na tingin. Wala itong sinabi at muling ibinalik ang tingin sa tv.
"His face looks like a girl. May crush ka ba sa lalaking yun na mukang babae, no wonder you like your best friend so much----"
"---Shut up." Asik nito ng muli siyang lingunin.
Muli nitong ibinalik ang tingin sa palabas, sandali siyang tumahimik at muling dumampot ng pizza, kumunot ang noo niya ng mapansing tila kinikilig ito sa koreanong parang nagpa- gluta sa puti at halatang may make up, real man do not wear makeups that was so gay.
Hinagilap niya ang remote at inilipat ang channel. Kaagad niyang iniharang ang dalawang braso sa mukha at umatras ng bahagya ng tumayo ito bigla. Nakayukong inabangan niya ang paglapit nito at inabangan ang malakas nitong suntok. Subalit walang nangyari at narinig niya ang papalayo nitong hakbang.
Nakahinga siya ng maluwag at binaba ang kaniyang braso. Nakangising dinampot niyang muli ang remote control at pinatay ang tv. Kumunot ang kaniyang noo ng marinig ang pagtunog ng kanilang doorbell. Ibinulsa niya ang kaniyang dalawang kamay sa suot niyang shorts at nagtungo sa labas ng bahay, wala silang kasambahay ngayon kaya walang ibang magbubukas ng gate.
"Hi babe!" muntik na siyang matumba ng bigla siyang yakapin ng hindi inaasahang bisita at mariing halikan sa kaniyang labi.
"What are you doing here Shekaina?" he asked, matapos kalasin ang mahigpit nitong yakap.
"I have a good news for you. Hindi mo ba ako papapasukin?"
"My wife is here." Matigas niyang wika. Kumunot ang noo ng dalaga.
"Come on, like I didn't know you are not really married and I'm your real girlfriend. Sa aming dalawa ako dapat ang masasaktan, if not because of your stupid revenge I won't let you live with that stupid woman."
"Shut the f**k up." gigil na asik niya na ikinatigil nito.
"What?" bakas ang inis sa mukha nito at halata sa mata na bahagya itong nasaktan sa sinabi niya.
"She might hear you." Mababa at malamig subalit matigas pa ring wika niya. Kaagad na bumalik ang ngiti nito at muli siyang niyakap sa bewang.
"Sorry I got carried away, that b*tch hit me, I can't let her get away with it. But anyways I still have the upper hand because I have you, so... let's go inside? Ipagluluto kita."
"Umuwi ka na Shekaina." he was feeling uncomfortable and tense for some reason. Ayaw niyang makita ni Kallyra ang babae.
"Bakit ba? It's your house Maxwell, pwede kang tumanggap ng kahit sinong bisita. Don't worry I will not let her find out about our relationship." she bargained.
Lalo lamang siyang nakaramdam ng tension. "No. I don't want her to see you. And this is also her house."
"Pierce! why I had this feeling that I'm the intruder and you're thinking that woman is your real wife?" tumaas amg boses nito. He unconsciously look at the house behind him like he was afraid that Kallyra heard them.
"Lower your voice and go home Shekaina!" mahina subalit mariing utos niya sa dalaga.
Namula ang muka nito at tila pinipigilang maiyak dahil sa inis sa kaniya. "No." anito at galit na pumasok sa gate ng kanilang bahay matapos siyang itulak upang makaraan. Walang nagawa si Maxwell kung hindi ay sundan ito papasok ng kaniyang bahay. Sandali itong huminto sa bungad ng pintuan at iginala ang tingin sa paligid. Pagkatapos ay dumeretso sa direksyon patungo sa kusina at nagkalkal ng kung ano sa refrigerator.
"Why are you here Shekaina." Rinig pa din niya ang inis sa kaniyang tinig. He darted his eyes at the direction where his wife went to earlier.
"Kinausap ako ni tito Raoul." Tukoy nito sa papa niya. "And he said we are joining the expedition." Kumunot ang kaniyang noo. "I know. Nagulat din ako, I'll be there because I'm your doctor." Nagniningning ang mga mata nito. "I never thought I will be traveling the space someday and it's quite legendary, imagine our name will be put in history books. That is just so amazing. Proud na proud sakin sina mama at papa. And by the way we are to leave on Monday. Nakahanda na ang private airplane ng dad mo."
Bahagya niyang ipinilig ang ulo. Hindi niya alam ang dahilan ng papa niya kung bakit nais siyang isama nito sa expedition. Last time na nag-usap sila ay wala naman itong nabanggit maliban sa nagdadalawang-isip ito sa pagsama.
"What's that?" ani ng kausap. Maririnig sa labas ng kusina ang kahol ng aso. "You have a dog?" nagtatakang tanong pa nito. Bahagya siyang umiling.
"It's my wife's dog." umayos siya ng upo at hinanda ang sarili sa pagdating ng aso, agad itong dumamba sa kaniya at pilit na dinidilaan ang kaniyang mukha. "Hey boy, where have you been." he patted his head he chuckled when the dog was able to licked his face. "Hey..." patuloy pa rin sa pagkahol ito.
"Put that dog away Pierce!" tila nandidiring asik ng dalagang kaharap, alam niyang ayaw na ayaw nito ng aso, subalit mahilig ito pusa.
"Lucas...!" narinig nilang tawag ni Kallyra sa aso nito. Natigilan si Maxwell at hinintay ang pagdating ng asawa. He suddenly felt nervous and his palm was sweating. Umayos siya ng upo at tila hinahanda ang sarili.
The big dog jumps away from his lap at kakawag-kawag ang buntot na lumapit sa dumating na asawa, tumatalon-talon pa ito at halatang nais makipaglaro ng hindi ito pinansin ay muli itong sumampa pabalik sa kaniya.
"Ump!" he groaned. Hindi siguro narerealized ng aso na malaki at mabigat ito para sa isang lap dog.
"Oh, hi there sweetie good morning." masiglang bati ni Shekaina sa asawa. "Magluluto ka ba? Don't bother, I'll cooked, I know Maxwell's favorite."
Pasimpleng pinagmasdan ni Kallyra ang babaeng bwisita. Magandang-maganda ito sa suot nitong dilaw na bestida, like a blooming flower sa magandang hardin. Fresh and vibrant.
Samantalang siya ay pawisan dahil sa pag-gigym. Nakapusod ng mataas ang kaniyang buhok, nakasuot siya ng sports bra kitang-kita ang kaniyang toned muscles at ang kaniyang six pack abs, yes she has it. She was not your ordinary girl people, not like that walking china doll na masama ang tingin sa kaniya ngayon after checking her out as well.
Tinaasan lang niya ito ng kilay, at dumeretso sa refrigerator upang kumuha ng bottled water. Inubos niya ang laman ng botelya at niyupi iyon ng isang kamay pagkatapos ay inihagis sa basurahang nasa kabilang mesa ilang dipa ang layo mula sa kaniya, napayuko ang dalaga dahil sa pag-aakalang patatamaan niya ito, dumeretso iyon at sakto sa basurahan tulad ng parati wala pa rin siyang mintis.
Pagkatapos ay nagsimula siyang maglakad palabas ng kusina, tinapunan muna niya ng nakakalokong ngisi ang natahimik na dalaga but she did not bother looking at him.
"Nakakairita talaga ang babaeng yan Maxwell!" narining pa niyang reklamo ng babae. Umismid siya at hindi pinansin ang bahagyang pagkirot ng dibdib.
********
Bago magtanghalian ay umalis na rin si Shekaina, kanina pa niya inaabangang bumaba ng kaniyang silid si Kallyra dahil kailangan niya itong makausap, hindi pa ito kumakain mula pa kanina. Tinawagan niya ang papa niya pag-kaalis ni Shekaina upang kumpirmahin ang sinabi ng dalaga.
"Hindi pa ba nagugutom ang amasonang yun." reklamo niya. Hindi napansin ang bahagyang pagaalala sa tinig. Pinatay niya ang tv at dinampot ang libro sa ibabaw ng coffe table. Binuksan niya iyon at binasa ang unang pahina, hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ng bahagya ang ulo niya tuwing pinupwersa niya ang sariling mag-isip.
Kahit sinasabi ng kaniyang mga Doctor na fully recovered na siya ay pakiramdam niya mahina pa rin siya magaling. Isang taon at kalahati din siyang imbalido matapos niyang magising sa pagka-coma. At inubos niya ang panahong iyon sa pag-aaral ng mga bagay-bagay dahil literal na nabura lahat ng kaalaman niya.
At hindi pa rin nawawala ang mga panaginip, halos gabi-gabi, paulit-ulit at parang nararamdaman niya ang sakit, parang kahapon lang nangyari at parang totoo. Patuloy siya sa pagbuklat ng libro kahit hindi naman niya talaga binabasa ang mga nakasulat doon.
After twenty minutes, hindi na siya nakatiis, tumayo siya at inihagis sa sofa ang hawak na libro. Tumuloy siya sa kusina upang kumuha ng pagkain para sa masungit na asawa. Natigilan siya ng makitang naroon na pala ang babaeng kanina pa niya hinhintay na bumaba at ngayon ay busy sa pagkain.
"Kanina ka pa diyan?" kunot-noong tanong niya. Tiningnan lang siya nito at nagpatuloy sa pagkain. "San ka dumaan?" muli niyang tanong ng hindi ito sumagot. Hindi ito huminto sa pagsubo ng pagkain at hindi siya pinansin.
Mabilis itong natapos at tumuloy sa lababo upang hugasan ang pinagkainan pagkatapos ay kumuha ng tubig sa refrigerator. Sinundan niya ito ng tingin. Pagkakuha ng tubig ay iniwan na siya nito sa kusina.
Inis na umalis na din siya sa kusina at muling bumalik sa sofa. Kinuha niya ulit ang librong binabasa kanina at nagbuklat-buklat, he was just looking at the pictures. Lumipas ang ilang minuto at sinara na niya ang libro at isinandalal ang ulo sa sofa habang nakapikit ang mata.
Iniisip niya kung aalis siya mawawalan ng halaga ang mga pinlano niya, nasa kamay na niya ang tagumpay, kulang na lang ay gawing official ang pagiging may-ari niya ng lahat ng kumpanyang pag-aari ni Kallyra. Ang kasinungalingang legal ang naging kasal nila noon ay nakatulong upang mabilis niyang maisakatuparan ang kaniyang mga balak.
But he was feeling unsure suddenly. He don't know when it started, probably when he met her and when those memories he only saw in his dreams assaulted him everytime he was with her. Giving him those painful flashbacks that making him waver.
His heart was aching and only with her presence he will feel a little relieved and unknowingly happy. But he has to give justice for his mother's death. "Haist!" inis na ginulo niya ang kaniyang buhok at tumayo, kailangan niyang makausap si Kallyra.
Lumabas siya ng hindi matagpuan sa loob ng bahay ang asawa, sa hardin siya dinala ng kaniyang mga paa at naroon nga ang kaniyang hinahanap.
Huminto siya sandali. His heart beats fast again like everytime. This weird feeling is making him more frustrated.
Nanatili na muna siya sa kinatatayuan at pagmasdan pa ito ng ilang sandali pa. Nakaupo ito sa gilid ng man made pond sa gitna ng kanilang hardin. Nililipad ang mahaba at alon-along buhok. Tila ito isang diwata sa suot nitong puting bestida sa gitna ng mabulaklak na hardin.
Kinuyom niya ang kamao at nagsimulang humakbang palapit dito. Naramdaman nito ang kaniyang paglapit at lumingon at ayon na naman ang walang emosyon nitong mukha. Huminto siya isang hakbang ang layo dito.
"O." tiningnan nito ang inabot niya at pagkatapos ay tiningala siya. "Get it." inilapit pa niya ang kamay dito. "I'm sorry for taking it away. "Kunin mo na baka magbago pa isip ko."
Tumayo ito at hindi tinanggap ang inaabot niya. "Hindi ko na kailangan yan." she said before walking away.
Inis na sinundan niya ito subalit hindi niya ito naabutan sa sala. Umakyat siya sa hagdanan papunta sa pangalawang palapag ng bahay kung nasaan ang silid nito.
Kumatok siya sa nakasaradong pintuan ng kwarto nito subalit hindi siya pinagbuksan. "Open the door Kallyra." Muli siyang kumatok pero ayaw pa rin nitong buksan.
"I will burn this f**king passport if you don't open the door, don't act like a kid Kallyra." he warned.
Bumukas ang pinto matapos ang ilang sandali at ang malamig na anyo nito ang humarap sa kaniya.
"You can burn it, I don't care. I already have a new one and I'm leaving this monday by the way." she said coldly.
"What? how did you---?"
"I have people working for me Maxwell." sarkastikong turan nito.
"Hindi ka pwedeng umalis--"
"Na sayo na lahat ng kumpanyang pinaghirapan ko. Your father already took everything my dad had, the reason why I left you was because I found out about it. Hinayaan kita sa paghihiganti mo because I felt bad about your mother's death. Now, you've got what you wanted. Pwede ka ng tumigil sa paghihiganti mo at ng makasama mo na ang girlfriend mo. Please sign the annulment paper before I leave." She said coldly at marahas na muling sinarado ang pinto.
Maxwell suddenly felt lost.
She had known everything from the start.
What will he do next?
He felt scared.
Ang totoo ay wala siyang nararamdamang attachment sa buhay na ito. Even with the constant information that his father is feeding him about his forgotten memories and about his mother's death he really don't feel like it was his own.
When his father coaxed him to take all of Kallyra Romanov's wealth to get revenge, he really don't care and just follow whatever his father's direction provided for him because he don't have any.
Only when he met her in person he suddenly felt alive. Like he found his purpose. Kahit hindi kasama sa plano ay pinaniwala niyang kasal pa rin sila upang makasama ito.
Because it was only her that make sense in this unfamiliar world.
And now she was about to leave him.
"You can't escape from me." he stared darkly at the closed door.
He will follow wherever she goes.