webnovel

Capitulo Treinta

Sa paglipas pa ng mas maraming araw ay tila may nagbago sa kaniya. Hindi na siya ang dating Kallyra. Pilitin man niya ang sarili na bumalik sa dating malamig at palaging nakadistansiya sa iba ay hindi na niya magawa, nagbago na siya.

Lucas changed her.

Palagi na siyang nakangiti at palaging nakatawa. Subalit sa gabi, tuwing siya ay nag-iisa nawawala ang saya sa kaniyang mga labi at nawawalan ng kulay ang kaniyang mga mata. Palihim siyang umiiyak at pilit na inaalala ang mukha ng lalaking kahit man lang sa panaginip ay nais niyang makasama.

Hanggang sa dumating ang araw na wala na siyang mailuha. Patuloy sa paglipas ang panahon. Tila dumadalang na ang kaniyang pag-iisip tungkol sa nakaraan.

Mag-iisang taon na rin mula ng tumigil na sa pagtatanong ang mga tao kung bakit at anong dahilan kung bakit hindi siya sumama sa ekspidisyon.

No one knows the truth besides her and her friend Ashton. At tila sa bawat panahong lumilipas ay unti-unti na rin niyang nakakalimutan ang mukha ng lalaking una niyang minahal. And it broke her heart even more, natatakot siyang pati ang pagmamahal niya dito ay mawala.

Natatakot siyang sa oras na mawala ang pagmamahal na iyon ay mawawala na rin ang pagmamahal ni Lucas sa kaniya. She wants their love to last forever kahit hindi na sila magkikita pa. She will keep on holding dahil sa isip niya ganoon din ang ginagawa ni Lucas.

"I can't take this anymore, kailan mo ba balak huminto sa pagmamasid ng mga bituin Kallyra." Marahang pinihit ni Lyra ang kaniyang teleskopyo sa tulong ng stand ay hindi siya nabibigatan kahit na sobrang laki at bigat nito. Regalo niya ang malaking teleskopyong iyon sa kaniyang sarili after she graduated college.

Hindi niya pinansin ang pagtataray ng kaniyang pinsan na nasa kaniyang likuran. Araw-araw itong nanggugulo sa kaniyang bahay isang buwan mula ng makabalik siya dito. Palagi siya nitong niyaya kung saan-saan. Road trip, window shopping, manood ng sine, subalit palagi niya itong tinatanggihan.

She never go to work as well, mayroon namang namamahala sa kanyang mga negosyo at hindi naman siya maghihirap hanggang mamatay siya kahit hindi siya magtrabaho. Tanghali na rin siyang nagigising. She always spends her time cleaning her garden and watering her plants kasama ang kaniyang asong si Lucas. Tuwing gabi naman ay nagmamasid siya ng mga bituwin hanggang sa madaling-araw hanggang sa sumikat na ang araw.

"What's wrong with you, gusto mo bang mag-ermitanyo na lamang habang buhay. You look a like broken hearted man kahit wala ka namang boyfriend. Alam mo bang nilulugi na ni Milalinda ang mga negosyo mo. That girl is sooo freaking annoying and she looks like she don't know anything. I mean she's my friend but I am more concern about you, kumilos ka na bago pa gawing charity ni Min-min ang mga negosyo mo."

"Let her..." walang ganang tugon niya, she pat Lucas head, Bumatok naman ito at sumampa sa kaniya. Isa itong golden retriever na niregalo sa kaniya ni Ashton noong birthday niya. Dinila-dilaan nito ang kaniyang pisngi, She giggled and keep rubbing his head habang nilalayo ang pisngi dito.

"Are you serious?" hindi makapaniwalang bulalas nito na napahawak pa sa dibdib at nakabuka ng malaki ang bibig. Napangiti siya sa oa na reaksyon nito. "Are you dying? Oh my god! Kaya ba nagbago ka, kaya ba hindi ka na lumalabas ng iyong bahay? kaya ba ayaw mo ng magtrabaho?" nagimula ng tumulo ang mga luha nito. "I'm so sorry... b-bakit hindi mo sinabi." Tinakip nito ang palad nito sa bibig upang pigilan ang hikbi.

Namumula ang mahahaba nitong kuko dahil sa nail polished, sa tuwing makikita niya ito ay iba-iba ang kulay ng mga kuko nito sa kamay at paa. Although palagi din namang magkaterno. Maganda at matangkad ito, malaki ang pagkakahawig kay Taylor Swift kahit na half blood lang ito. Her father's gene was stronger katulad ng daddy niya.

Kallyra rolled her eyes and waved her hand. "I am not sick and I don't have any terminal illness you idiot. Fine I'll go to work tomorrow, pero titigil ka na sa pangbubulahaw sa bahay ko." She bargained.

Kaagad na tumigil ito sa pag-iyak at inilahad ang palad sa kaniya, may malawak na ngiti sa mapula nitong labi. "Deal." She rolled her eyes again pagkatapos ay patamad na nakipagkamay dito.

"We will be waiting for you okay, I'll go now!" then she disappeared like a bubble in the air. Naiiling na nagtungo na siya sa kaniyang silid upang matulog. Kailangan niyang gumising ng maaga kinabukasan.

Tila mga sundalong nakahanay ang kaniyang mga empleyado sa hallway ng kaniyang building. Nakayuko ang mga ito na tila nag-aabang sa pagdaan ng kanilang reyna. Naiiling na pumasok siya sa loob ng building at automatic na bumukas ang glass door.

Suot niya ang high waist black pencil skirt na abot sa kaniyang tuhod at may malalim na slit sa kanang hita it shows her long and gorgeous legs, kulay puting silk na blouse naman na may malalim na ukab sa bandang dibdib at humahakab sa kaniyang katawan ang suot niyang pang-itaas, it shows an enormous amount of her high and firm breast. Nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok.

Napansin niya ang pangangatal ng mga ito, at ng matapat siya sa isang dalagang tila halos mawalan na ng kulay ang mukha ay napaigik ito at napa-atras ng isang hakbang. Nakasuot ito ng napakaiksing skirt at pulang-pula ang makapal nitong labi.

Kung katulad pa din siya ng dati, she will fire her immediately without remorse. Nginitian niya ito ng tiningala siya, mas mataas siya ng mahigit isang talampakan sa tingin niya, subalit dahil nakasuot siya ng six inch red heels ay tila naging parang kapre ang taas niya dito.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at pumasok sa bumukas na elevator. No she did not use her private elevator this time. Parang naging tuod ang mga kasama niyang nakasakay sa elevator na iyon. Kahit na binati na niya ang mga ito ay nanatili ang paninigas at ni hindi man lamang lumingon sa kaniyang gawi, sa likod siya ng mga ito nakapuwesto.

Feeling niya ay tutumba o di kaya naman ay sisigaw ang mga ito sa isang kalabit niya. She suddenly feel disappointed about herself, she never realized how cruel she had been before. Now she's paying the price, lahat ay takot at ilag sa kaniya, no wonder wala siyang naging kaibigan, ang madaldal niyang pinsan lamang ang nakatagal sa kaniya. Subalit ngayon ay nariyan na din si Ashton.

Maghapon siyang nagbasa ng mga updates at pinag-aralan ang kanilang financial status maging ang sales ng kaniyang mga kumpanya sa loob ng dalawang taon. Malaki nga ang inilugi noon, nagpatawag siya ng meeting matapos aralin lahat ng mga dokumento at mga papeles na ipinasa ng kaniyang mga empleyado mula sa iba't-ibang departamento.

Napanatili niya ang pagiging mahinahon sa loob ng mahigit na dalawang oras nilang meeting. She felt tired and hungry ng matapos subalit hindi pa siya makakauwi. Nagpaset siya ng appointment sa kaniyang secretary sa bagong CEO ng Sarmiento Group of Companies.

Ito ang napili ng kaniyang kumpanya upang tapusin ang naunsiyaming proyekto ng kaniyang mga tauhan. Binalak ng mga itong magpatayo ng bagong Casino sa Manila, hindi lamang iyon nagbukas din ang mga ito ng resort sa Davao subalit hindi natapos, hindi na niya nais pang isa-isahin ang mga kapalpakan ng kaniyang mga tauhan dahil sumasakit ang ulo niya.

Sandali lamang siyang nawala ay hindi mabilang na kapalpakan ang pinasok ng mga ito, alam niyang competent lahat ng kaniyang mga tauhan dahil hindi naman siya tumatanggap ng hindi. Ipinagkatiwala din niya sa isang mahusay na kapalit ang kaniyang kumpanya, si Milalinda. Hindi niya alam kung anong nangyari at sa halip na lumago ay tila bumabagsak ang kaniyang kumpanya.

Sandali siyang nag-retouch bago siya bumaba sa kaniyang sasakyan. Magalang na bumati ang nakaunipormeng lalaki ng makapasok siya sa loob ng magarang restaurant na iyon. Tila halos mayayaman at kilalang tao lamang ang mga naroon.

"Do you have a reservation Ma'am?" ang magalang at nakangiti nitong tanong.

"Yes, I'm looking for Mr. Pierce Samaniego we have a reservation tonight." Nakangiting wika niya.

"You are Miss Romanov?" tumango siya, "Kanina ka pa po niya hinihintay, sumunod kayo sakin." Nakangiti pa rin ito at naunang naglakad sa kaniya patungo sa VIP room ng magarang restaurant na iyon. Tumigil sila sa isang magarang kulay pulang pinto na may mga kulay gintong linings sa gilid maging ang door knob nito.

Una niyang nasilayan ang balikat nito kasunod ang kaliwang bahagi ng pangahan nitong mukha na pinalilibutan ng maninipis na balbas. Kasunod and makapal at maitim na kilay maging ang maitim nitong mga mata na tila blackhole sa kalawakan at hinihigop siya.

Huminto sa mabagal na pagtibok ang kaniyang puso kasabay niyon ay ang paghinto din ng paggalaw ng lahat sa kaniyang paligid, unti-unting naglaho ang lahat maliban sa taong tila haring nakaupo sa magarang silid na iyon ng tuluyang bumukas ang pintuan.

Matamang nakatitig ang malamig nitong mga mata sa nag-iinit niyang mata. Parang nayanig ang buong pagkatao ni Lyra at tila ano mang sandali ay bibigay ang mga tuhod niya. Kumurap-kurap siya upang pigilan ang mga luha at upang siguruhing hindi siya dinadaya ng mga mata.

Subalit hindi nagbago ang anyo nito, he still look exactly like him. Tila nakilala ng kaniyang puso ang lalaking kaharap na hindi inaalis ang titig sa kaniya. Muli iyong tumibok ng malakas at tila nais ng kumawala sa kaniyang dibdib. Tila iyon ang unang beses na tumibok ito matapos ng mahabang panahon.

Parang gusto na niyang tuluyan ng huminto ang mundo sa oras na iyon. She just want to stand there and keep looking into his dark eyes.

Tila nakalimutan na talaga niya ang gwapo nitong muka at parang ito muli ang unang beses nilang pagkikita.

Is this her second chance that she keeps wishing for every seconds of her life?

Siguro ay ito na nga iyon. Her second chance of love.

"Lucas..." she softly whispered. Her eyes started to water and she bit her trembling lips hard to stop her tears from falling out.

Nächstes Kapitel