After that night Kallyra went home and was greeted by the happy couple and asked her about her stay in Laguna. Marami siyang kinuwento but of course all of them are lies, hindi niya maaring ikwento ang operasyong ginawa nila nitong mga nakaraang araw.
She looked around the house after two hours of talking with them. She even went upstairs but failed no one was there so she went downstairs and go to the garden. Wala din doon ang hinahanap.
Hindi kaya nasa burol?. tanong niya sa isip. Nahihiya siyang magtanong sa mag-asawa at baka kung anong isipin. Well, bakit nga naman niya hinahanap ang lalaking yun.
After realizing what she has been doing she suddenly felt lost and undecided. Nagyon ay napako siya sa kinatatayuan.
She almost jump in shock when she felt an arms grab her waist from the back and locked her in an embrace. A familliar woody and spicy sent assaulted her nose. Bago siya makapagprotesta ay naramdaman niya ang ulo nitong sumandal aa kaniyang balikat, she can feel his warm breath touch the side of her neck and it almost made her shiver.
"Bakit ngayon ka lang." mahina lang yun pero dahil malapit sa kaniyang tenga ay malinaw niyang narinig. Ang inaasahan niya ay magsusungit na naman ito tulad ng dati kaya hindi siya niya alam ang magiging reaksyon.
His sweet gesture made her immobile. She sighed, she admit that something really change inside her and there was no way to change it back. Nagdesisyon na lamang siyang wag na lang iyong pagtuunan ng pansin at hayaan na lamang kumilos ng natural.
"Kamusta ang sugat mo?"
"Hmmm..?
"Masakit pa ba?" naramdaman niya ang pagtango nito na parang bata.
Hindi niya mapigilan ang pagngiti. "Hindi ka ba natatakot makita ng iyong ama at ina sa ganitong ayos?" hindi ito umimik. "Lucas?"
"Hmmm....?"
"You have to get off me now before somebody can see us." she warned.
"Hmmm." he moved his head again but did not answer.
She rolled her eyes and tried to removed his arms but it was futile. Mas lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo at tinapik ito sa braso.
"Hoy, Lucas. Masyado ka atang agresibo, hindi ka dapat nangyayakap ng babaeng hindi mo naman kasintahan o asawa." sita niya dito.
"Hmmm..." sumuksok pang lalo ang ulo nito sa kaniyang leeg at hindi pinansin ang kaniyang sinabi. She growled in annoyance, kung hindi lang dahil sa sugat nito ay kanina niya pa ito pinalipad. "Sumasakit ang puso ko sa tuwing hindi kita nakikita Lyra, bakit palagi kang nawawala at ang tagal mo pang makabalik?" he grumbled.
Muli na naman siyang natigilan at matagal na hindi nakasagot. "I was not planning to stay anyway so don't bother waiting for me again next time when I'm gone." gusto niyang sabihin subalit nanatiling tikom ang kaniyang bibig.
Umangat ang ulo nito ng maramdaman ang hindi niya pag-imik. "Lyra?" sinubukan niyang tanggalin ang mga brasong nakayakap sa kaniya at hinayaan naman na siya nito.
"Pupunta ako ng burol, sasama ka?" nakangiting anyaya niya dito ng humarap siya. May pagdududa siya nitong pinagmasdan at tila may binabasa sa kaniyang mga mata.
She watched him raised his hand to touch the side of her lips that made her stiffened. "Kahit saan basta kasama ka." then he smiled back at her, the kind of smile that almost took her breath away.
*************
"Anong iniiyak-iyak mo Mariya?" ang inis na singhal ni Donya Trinidad sa anak na dalaga.
"Si Lucas, mama. Sa tingin ko ay ginagayuma siya ng babaeng utusan ni Donya Julliana. Magmula ng dumating siya ay nagulo na ang pagkakaibigan namin ni Lucas, malaki ang pagkakahawig nila ni Katrina at dahil doon ay nagagawa niyang paikutin si Lucas."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Mama! sa aking palagay ay isang mangkukulam ang babaeng iyon, imposibleng malaki ang kaniyang pagkakahawig sa aking kapatid kung hindi ako nagkakamali ay mayroon siyang ginamit na kung anong salamangka na nagpapabago sa kaniyang hitsura!" malakas ang tiwala niya sa kaniyang hinala dahil imposibleng bigla na lamang may babaeng susulpot sa buhay ni Lucas pagkamatay ng kapatid niyang si Katrina.
Hindi man niya tanggap subalit alam niyang minahal ng kababata ang kasintahan. Kaya't malaki ang posibilidad na mayroong magtatangkang manamantala sa kahinaang iyon ng kaibigan.
May hinala siyang hindi iyon ang tunay na anyo ng babae at kailangan niya ng tulong ng kaniyang ina upang maisawalat ang lihim nito sa pamilya ng kaibigan lalo na kay Lucas.
"Ang lakas naman ng loob ng babaeng iyon. Huwag kang mag-alala anak, mayroon akong kilalang espiritista na makakatulong upang mahantad natin sa lahat ang tunay na hitsura ng babaeng iyon."
"Ngunit paano natin maisasakatuparan ang pagsisiwalat mama?" aniya. Malaki na ang tiwala ng pamilya ng kaniyang kaibigan sa dalagang iyon kaya hindi maaaring basta na lamang silang mag-susumbong dahil sila lamang ang lalabas na my masamang hangarin.
"Huwag mo na iyong alalahanin iha. Ako na ang bahala at alam ko ang dapat kong gawin."
Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ng ina. Kahit papaano'y nabawasan ang kaniyang pag-aalala. Tumayo na siya at lumabas sa kaniyang silid pasunod sa ina. Magtutungo sila ngayon sa kapilya upang bisitahin ang kaniyang tiya Martina. Ito ay kapatid ng kaniyang ina na nakatira sa kumbento at isa sa mga matatandang madre.
"Lucas!" sabay na napalingon si Lyra at ang binatang kasama sa babaeng tumawag. "Hindi ko inaasahang makita ka rito, saan ang iyong tungo?" malawak ang ngiti ng dalaga at tila hindi napansing may kasama ang binatang binati.
"Sa kapilya ang aming tungo, nais magbigay ng pagbati ni papa sa Kardinal na dumating galing Espanya subalit hindi niya magawang pumunta ng personal sapagkat meron silang tinutugis sa utos ng Gobernador Heneral."
"Ganoon ba, doon din aming tungo. Nais ni papa na batiin din ang kardinal subalit tulad ng sabi mo ay hindi rin siya makakarating dahil sa ilang bagay na kailangan niyang asikasuhin. Sana ay hindi mo masamain kung sasabay na ako sa iyo Lucas?" matamis ang ngiti ng dalaga.
"Subalit ang iyong mama---"
"Hindi ako tutuloy ng kapilya iho, ang balak ko ay magtungo sa kumbento at bisitahin ang aking kapatid na si Martina. Kaya't mas panatag ako kung sasabay sa iyo ang aking unica iha sa halip na magtungo siya roon ng mag-isa." putol ng ginang sa balak na pagtanggi ng binata.
Lucas scratch the back of his head and look at her sideways. Tila nabasa ng dalagang kaharap ang gagawing muling pagtanggi ni Lucas.
"Binibining Kallyra, hindi ko napansing nariyan ka pala. Nais kong humingi ng paumanhin subalit maari bang maiwan mo na muna iyong amo, hindi maaring magsakay ng tatlo sa kalesa at dahil ang isasabay na ni ginoong Lucas ay ang aking anak ay wala ka ng masasakyan."
The woman do not know how to hide her hostility unlike her precious daughter, Kallyra thought. "Hindi ko ho amo si Lucas at lalo namang hindi ikaw, tanging si Donya Julliana lamang ang pwedeng mag-utos sa akin, at ang sabi niya ay samahan ko ang kaniyang anak sa kapilya." she said nonchalantly.
Napanganga sa gulat ang dalawang babaeng kaharap. Hindi inaasahan ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig. Samantalang si Lucas bagaman ay nagulat din subalit mabilis na nakabawi at maingat siyang sinulyapan.
"Anong sabi mo?" nang makabawi ay bulalas ng ginang.
"Binibining Kallyra, nakikiusap akong wag mong pagsalitaan ng masama ang aking ina. Alam kong hindi mo ako gusto at hindi ko na hinihiling na makipagkaibigan sayo subalit huwag mong idamay ang aking ina." malungkot at tila naiiyak na wika ng dalaga.
"Lucas! ano bang klaseng babae ang kinuhang utusan ng iyong ina? Walang galang at napakasama ng ugali." gigil na uyam ng ginang. "Kakausapin ko si Donya Julliana tungkol dito at sisiguruhin kong napapatalsik ang babaeng yan kaagad-agad!"
"Mama, huwag kayong masyadong magalit, kailangan niyong alagaan ang iyong kalusugan." saway ni Mariya sa ina at tinapunan siya ng nang-aakusang tingin.
"Hah! mabuti at pinaalala mo ang tungkol sa bagay na iyan. Hindi ba at ikaw ang babaeng tumulak sa aking anak na naging dahilan ng huli niyang atake sa puso?" halos lumabas ang litid bg ginang sa galit sa kaniya. "Isa kang kasuklam-suklam na babae!"
Lucas was about to say something but Kallyra stopped him. "Iyon ba ang sinabi ng iyong unica iha Donya Trinidad? Sabihin mo Mariya sa iyong ina, tinulak nga ba kita?" nginitian niya ang dalagang ngayon ay tila tinakasan ng kulay ang muka.
She did not bother to explain herself that time when she was accused . And nobody even cared to confirmed the truth, not that she cared.
Hindi niya inalis ang mapanuyang titig sa dalaga. "M-mama, a-aksidente talaga ang nangyari noon. A-ano..." takot na sumulyap ito kay Lucas at mabilis ding binawi iyon. "Mama, ang mabuti pa sumabay na lang ako sa iyo, nag-aalala ako sa iyong kalusugan."
"Hindi ako papayag Iha, si Lucas---"
"Si Lucas ay aking kasintahan kaya hindi ako papayag na sumama siya sa iyong anak Donya Juliana."
There were silence once again.
She can feel Lucas shocked stares
and Mariya's dark glare.
"A-anong kalokohan ang lumalabas sa bibig mo?" ang hindi mapigilang singhal ng ginang. "Lucas iho, bakit mo hinahayaang magkalat ng kasinungalian ang babaeng yan."
Hindi ito narinig ng tinawag, nanatiling nakatitig ito sa kaniya at tila wala ng nakikita kung hindi siya.
"Lyra...." He was trying to read her again, after a few moments he smiled widely that it almost reach his ears and his eyes turned slightly red. She could see the most genuine happiness in his handsome face.
She smiled back at him. "Kailangan na nating umalis Lucas, mayroon pa tayong ibang pupuntahan." paalala niya dito.
"Siyangapala." kaagad na sang-ayon ng binata, hindi nawala ang malapad na ngiti sa muka. "Tayo na." inabot nito ang kaniyang kamay.
"Mauuna na kami sa inyo, Donya Trinidad, Mariya." paalam niya sa dalawang kaharap.
"P-paumanhin D-donya Trinidad." Lucas seems to realize they are still in front of these two woman and shyly scratch the back of his head again. Hindi na nila hinintay na magsalita pa ang dalawa at nagpatuloy sa nakaabang na kalesa.
"Sa kapilya ho." aniya sa matandang kutsero. Masigla namang tumango ang matanda at pinaandar na ang kalesa. "Stop staring at me Lucas." natatawang nilingon niya ang katabi. He was grinning from ear to ear.
"Totoo ba ang sinabi mo kanina?" he asked after a few minutes of non stop smiling like a lunatic. She coudn't help but tease him a little.
"Hindi. Naiinis lang ako sa kaibigan mo at sa mama niya kaya sinabi ko yon para mainis din sila." she said nonchalantly.
Kaagad nawala ang malaki nitong ngiti at masama siyang tinitigan. "Hindi mo na mababawi ang sinabi mo Lyra." he growled angrily.
Nagkibit siya ng balikat at hindi pinansin ang inis ng katabi. "Sa tingin ko ay gusto ka ni Donya Trinidad para sa kaniyang anak. Kung hindi ako nagkakamali ay nais niyang kayo amg magkatuluyan."
Kumunot ang noo nito at masama pa rin siyang tinititigan. "Magkaibigan lamang kami ni Mariya."
"Subalit sa tingin ko ay hindi kaibigan ang turing niya sa iyo. Sa pagkakaalala ko ay naitakda kayong ipakasal at naudlot lang ng dumating ang kaniyang kapatid."
Natigilan ito sa kaniyang sinabi.
"Kung sakaling pilitin ka ng iyong mga magulang na ipakasal na muli kay Mariya, anong gagawin mo Lucas?" patuloy niya sa pantay na tinig.
"Hindi mangyayari iyon." he said surely. "Sa tingin ko ay nagseselos ka kay Mariya." akusa nito.
"You wish." inirapan niya ito.
"Hindi ka dapat nakakaramdam ng paninibugho, kahit masungit ka ay ikaw pa rin ang gusto ko." meron ng panunukso sa tinig nito at may kislap ng tuwa sa mga mata.
Kung magkakaroon ng contest sa pabilisan ng pagpapalit ng emosyon he would probably win the world record. Hindi na niya ito binigyan ng pansin, kahit na pinagsalikop nito ang kanilang palad.
He was smiling the whole ride and she decided it was contagious. She closed her eyes and lean on his shoulder. The cold and gentle wind was touching her face, it make her heart felt warm and peaceful.
Nang matapos sa pagbisita sa kadarating na Kardinal ay nagtungo sina Lucas at Lyra sa Binondo upang tingnan ang kalagayan ng ilang mga pabrika ng papel doon. Dahil sa sunog ay kinailangang magpatayo ng pansamantalang gawaan sa katabing lupa. Inabot sila ng maghapon doon at malapit ng dumilim ng sila ay makabalik sa malaking bahay.