Huminto ang sinasakyang kalesa sa tapat ng bahay ng alkalde mayor naroon si Lucas sa may pintuan na nakaharap sa kalsada, nakasimangot na nagaabang ng paghinto ng sinasakyan niyang kalesa.
Nakapamewang pa ito at nagsasalubong ang mga kilay, masigla siyang bumaba ng kalesa matapos abutan ng upa ang kutsero, iniangat niya ng bahagya ang kulay itim na saya at walang pagmamadaling lumapit sa nagaalburutong binata.
She smiled widely. "Buenas tardes caro." Magandang tanghali.
"Hapon na, saan ka nagtungo?"
"Sa bahay-pamilihan may inayos lamang akong ilang mahahalagaang bagay." Nakangiti pa rin niyang sagot. Para itong asawang babae na pinagagalitan ang asawang lalaking ginabi ng uwi. Natatawa siya sa isip.
"Bakit hindi mo ako sinama?" kunot-noong tanong pa nito.
"Hindi naman talaga kita sinasama sa mga pinupuntahan ko." She said. Lalong nagdikit ang makakapal at maitim nitong kilay. Nagpatuloy siya sa paglakad upang makapasok na sa loob ng malaking bahay, but she stop when she heard him growled. She chuckled.
"Anong nakakatawa." He snapped.
" What are you? a dog?" Natatawang sambit niya. Naiiling na iniwan na niya ito doon at agad naman itong sumunod sa kaniya.
"Kumain ka na ba?" tanong nito.
"Hindi pa." Saka pa lang siya nakaramdam ng gutom ng maalala ang pagkain.
"Halika sa kusina, nagpaluto ako ng sinigang at adobo kay nanang Pasing." Anyaya nito, nagpatiuna ito sa kusina at siya naman ang sumunod dito.
Wala roon ang mag-asawang De la Torre, malamang ay naroon ang ginang sa bahay kalakalan upang ayusin ang lumalalang problema sa kanilang negosyo.
"Nasaan si Don Serio." Tanong niya ng makaupo na sila sa hapagkainan.
"Nagtungo sa intramuros, ipinatawag siya ng Gobernador Heneral. Sa palagay ko ay pag-uusapan nila ang nalalapit na pagpapalit ng Gobernador Heneral, nagtungo ang sugo ng espanya noong kaarawan ng Heneral." Tumango-tango siya.
Naalala niyang hindi nga pala niya nakausap ang Gobernador Heneral. Ayos lang she always have plan b.
"Tungkol sa mga kalakal na nasunog kahapon sa Masbate, nahuli na ba ang mga gumawa?"
"May mga nahuli at marami din ang nakatakas at nakapagtago. Tinutugis na sila ng mga gwardiya sibil." Bumuntong hininga ang binata.
"Sa tingin mo bakit ginagawa ng mga indiyo ang magsunog ng mga kalakal sa halip na nakawin na lang nila upang mapakinabangan?"
"Sa tingin ko ay isang pagrerebelde ang ginagawa nila, galit sila sa lahat ng mga kastila. Subalit naiintindihan ko sila, dahil kanilang bansa ang tinitirhan namin at nakikitira lamang kami, nakikinabang sa yaman ng bayan. Hindi ako sang-ayon sa pamamalakad ng pamahalaan, nais kong magkaroon ng higit o kung hindi naman ay pantay na karapatan ang mga indiyo sa kanilang bansa. Subalit hindi din ako sang-ayon sa paraan ng kanilang pagrerebelde sapagkat sila din ang napapahamak."
"You have to understand Lucas, walang gustong makinig sa kanila at hindi sila galit sa lahat ng kastila dahil kahit hindi sila nabibigyan ng karapatang mag-aral ay marunong naman silang makaintindi ng tama at mali. Ano sa tingin mo ang magiging paraan nila upang iparating sa hari ng espanya ang pang-aabuso ng ilang mga kastilang itinalaga niya dito upang mamuno."
Ngumiti ito sa kaniya. "Hindi mo ba alam na nagpapadala ng espiya ang hari ng Espanya upang malaman ang kalagayan ng Pilipinas. Mabuti at makatwirang tao ang hari."
Umiling-iling siya at muling sumubo ng pagkain, humigop naman ng mainit na sabaw ng sinigang ang binata.
"Alam ko ang tungkol diyan, at alam ko din na ang mga espiyang ipinapadala ng Hari ng Espanya ay kasabwat ng mga prayle at ng mga tiwaling opisyal sa gobyerno kaya hindi nakakarating ang mga pang-aabuso nila sa Hari ng Espanya."
Kumunot ang noo ng binata, "Anong ibig mong sabihin?"
"Masyadong maliit ang pagtingin mo sa nangyayari sa iyong paligid Lucas." Nakangiting wika niya. "Hindi naman yon masama subalit kung nais mong maging pantay ang karapatan ng bawat isa kailangan mong lawakan ang iyong isip at buksan mo ang iyong mga mata. Alam kong may magagawa ka, I'll tell you a secret Lucas.." inilapit niya ang muka dito kahit na may nakapagitan sa kanilang lamesa. "Mangyayari ang pangarap mo mga isang dekada pa mula ngayon." Pabulong niyang sabi pagkatapos ay muling umayos ng upo at ipinagpatuloy ang pagkain.
Tumawa lamang ito sa kaniya at ipinagpatuloy na din ang pagkain. "Punta tayo sa burol mamayang hapon." Nakangising sabi nito. Inikot niya ang mga mata.
"Gusto mo bang doon na tumira?" natatawang tanong niya. Uminom siya ng tubig ng matapos sa pagkain.
Pagkatapos nilang kumain ay sinamahan siya nito sa bahay-kalakalan upang ayusin ang mga talaan ng kita at ng mg kalakal na naubos at mga bagong dating. Habang inaayos niya ang mga iyon ay patuloy naman siyang kinukwentuhan ng binata tungkol sa buhay nito noong bata pa ito, kung ano ang mga ayaw at gusto nitong pagkain, inumin at kung ano-ano pa.
Paminsan-minsan ay tinatanong din siya nito kung ano-ano ang mga gusto niya. Sa tingin niya sa loob ng apat oras na kwentuhan ay kilalang-kilala na nila ang isat-isa.
Matapos nilang ayusin ang mga talaan ay inaya siya ni Lucas na umuwi na. At katulad ng napag-usapan ay nag-tungo sila sa burol na patuloy lang sa pagkukwentuhan.
Naupo sila sa gilid ng malinaw at maliit na lawa nakalawit ang kanilang mga paa sa tubig. "Nag-aalala ako sa kalagayan ng aming negosyo." Napabuntong hininga si Lucas. Iniisip niya kung ano ang mangyayari sa mga indiyong tinutulungan nila.
Paano na ang mga batang indiyo na pinag-aaral nila sa tulong ng kinikita nila sa kanilang negosyo. Kapag bumagsak sila matitigil ang mga ito at maaring hindi na makapagtapos pa. Naniniwala siyang ang mga kabataang indiyo ang kinabukasan ng bansang ito.
Alam niyang hindi malaki ang naitutulong nila ng kaniyang ama at ina subalit ito lamang ang alam nilang paraan upang makatulong ng hindi lumalabag sa batas.
"Hindi mga tulisan o mga rebeldeng indiyo ang may kasalanan sa mga pagsusunog at pagnanakaw ng inyong mga kalakal." Ang sabi ng kaniyang katabi.
"Lo sé.. Es culpa del gobierno." Alam ko.. ang gobyerno ang siyang may kasalanan. Malungkot na wika niya.
"Kung sila ang may kasalanan dahil sa nagrerebelde sila, bakit tanging ang inyong kabuhayan lamang ang pinupuntirya nila samantalang alam nila ang ginagawa ninyong tulong sa mga batang indiyo, huwag sila ang sisihin mo Lucas. Hindi mo ba naiisip na baka may isang taong gusto kayong bumagsak at hinahayaan nilang ang sisihin mo ay ang mga Indiyo at mga tulisan?"
Natigilan siya at napalingon sa dalaga. Napakunot ang kaniyang noo, sino naman ang maaring gumawa ng ganitong bagay sa kanilang pamilya? Maari kayang ang mga kastilang hindi sang-ayon sa kanilang mga ginagawang pagpapa-aral sa mga batang indiyo? Kumuyom ang kaniyang palad at nagtagis ang kaniyang bagang.
"Hindi ako papayag na magtagumpay sila, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang idamay ang mga indiyo, hindi pa ba sapat ang mga pang-aabuso nila. Nais nilang manatiling walang alam at walang edukasyon ang mga Pilipino upang patuloy silang makapang-abuso!"
Isang payak na ngiti ang sumilay sa labi ni Lyra. "Bilang isang dayuhan ay hinahangaan ko ang pagmamahal mo sa mga Pilipino Lucas. Tutulungan kitang mahuli sila." pangako niya. Lucas and his family play a big role in her plans and the everyday adventure she had in this mysterious place and it woudn't hurt her plan to help them while she was at it.
Malawak na ang mga ngiti ni Lucas ng muling tuminigin sa kaniya. "Lucas. Ano ang mararamdaman mo kung sakaling traydurin ka ng mga taong pinagkakatiwalaan mo?" she suddenly asked.
"Anong ibig mong sabihin?" may bahagyang pagtataka sa muka nito.
"Gusto ko lang malaman, walang ibang kahulugan ang tanong ko Lucas." she smiled at him.
Kumunot ang noo nito at matagal siyang tinitigan. "Are you going to betray me?" alanganing tanong nito. "May nagugustuhan kang ibang lalaki?" biglang tumalim at bahagyang tumaas ang boses na akusa nito.
Napabuntong-hininga siya. She rolled her eyes and decided to just ignore him.
Magdadaapit-hapon na ng maisipan nilang umuwi ni Lucas. Naroon na ang mag-asawang Don at Donya De la Torre ng makarating sila sa malaking bahay, nagkaroon sila ng maikling pag-uusap sa panibagong problemang kinakaharap ng pamilya.
Sa mga nakalipas na araw ay walang ginawa si Lucas kundi ang magsaliksik katulong ang kaniyang ama, hindi sya huminto hanggat hindi nalalaman kung sino ang may pakana ng lahat ng paninira sa kanilang mga kalakal.
Samantalang si Lyra ay patuloy na inaayos at pilit na inaahon ang kanilang mga pabagsak na negosyo katulong naman nito ang kaniyang ina.
Mahusay talaga ang dalaga sapagkat nagagawa pa rin nitong panatilihin ang takbo ng mga bahay-kalakalan sa kabila ng kabi-kabilang suliranin, minsan na lamang sila nagkikita at nangungulila na siya dito, sa tuwing may pagakakataon ay niyaya niya itong mamasyal sa may burol o sa plaza.
"Anong nangyari?" kalmado at pantay ang tinig na tanong ni Lyra sa kausap.
"May nakalusot na liham pinuno, nagkaroon ng habulan at napatay si Ginoong Fausto, nasa kalagitnaan kami ng paghahanap sa traydor, sa hinala ko ay tauhan ni Padre Simon, nagpadala na ng mga tao si Ginoong Jose upang manmanan ang ilang mga prayle sa Batanggas at Cavite, ayun sa kaniya ay tumagilid ang plano ng magpasok ng tagasubaybay sa tahanan ng Gobernadorcillo. Hanggang sa ngayon ay wala pa kaming nakakalap na balita ukol sa kalagayan niya, at ang hinala ni Ginoong Jose ay nahuli siya ng mga gwardiya sibil at nalamang espiya." kabadong paliwanag nito.
"Naiintindahan ko." malamig niyang sabi. Tila lalong kinabahan ang kaharap at alangang tumingin sa kaniya.
"N-nag-padala ng mga tao ang Ginoo upang pasukin ang tahanan ng mga Zamora. A-ang sabi ay kung hindi magagawang ilabas ang espiya ay... ay patatahimikin."
Lyra nods her head in approval. "Magaling, dalhin mo ang liham na ito kay Diego, siguruhin mong makakarating sa kaniya bago sumikat ang araw kinabukasan. At bago ka umalis ay ipatawag mo ang unang grupo sa dating tagpuan, maghihintay ako doon." utos niya at inabot ang nasabing liham.
"Masusunod pinuno." magalang itong yumukod at nagmamadaling sumakay sa nakahandang kabayo. She watch the man ride the horse until it disappear in horizon.
She took a deep breath and look back at the east where her capsule was laying silent in the middle of the rainforest and then return her gaze to her right where she can see the roof of De la Torre's mansion, her hurt ache for unknown reason.
Matapos ang ilang sandali ay sumakay na siya ng kalesa pauwi. Her heart beat faster when she saw the panicking servants walking back and forth when she reach home. Hinagilap niya si Aling Pasing na humahangos patungong kusina na may dalang maliit na plangganang may lamang tubig na nagkukulay pula. She was sure it was blood on the water.
Who was hurt?
Was it Lucas?
Sa hindi malamang dahilan ay binalot siya ng kaba at natulos siya sa kinatatayuan. "A-anong nangyari Aling Pasing. Nasaan si Lucas?"
"Iha!" Bago makasagot ang natatarantang matanda ay naagaw ang kanilang pansin ni Donya Juliana na nasa itaas ng hagdanan.
"Donya Juliana." bati niya at sinalubong ito na nagmamadaling bumaba ng hagdanan. "Ano pong nangyari? Sino ang nasugatan?" she asked eagerly. Lalo siyang nakaramdam ng pag-aalala ng makita ang pagod at naiiyak na hitsura ng butihing ginang.
"N-nagkaroon ng sagupaan ang grupo ng aking asawa at ng mga tulisan. Natamaan ng bala sa balikat ang aking anak. Iniligatas niya ang kaniyang ama sa tiyak na kamatayan." humagulhol ang ginang at mahigpit siyang niyakap. "H-hindi pa nagigising si Lucas, naroon siya sa kniyang silid at katatapos lamang operahan ng doktor, ang sabi ay ligtas na ang aking anak subalit hindi ko maiwasang hindi mag-alala sapagkat hindi pa rin siya nagigising."
She sighed in relief dahil sa narinig. She tried comforting the crying woman in her embrace while at the same time comforting herself. Gusto niyang tanungin ang sarili kung bakit siya nakaramdam ng takot kanina, because she have never felt afraid nor scared for someone else safety before. Specially for someone who will only be part of her fleeting memory once she leave this place.
And the thought of leaving make her heart ache once again. What will he feel once she suddenly disappear someday, would he be mad? hurt? lost? And what about her? She will probably be the same, cold and unfeeling.
No.
You change.
You will be sad.
Hurt.
....and lost as well.
She gasped in shock.
The sudden realization makes her unable to move for a moment.
Kung hindi pa niya narinig ang kaniyang pangalan na tinatawag ni Donya Julliana ay hindi siya kaagad makakabawi.
"P-po? she distractedly asked.
"Halika sa taas, sa silid ng aking anak. Alam kung nais mong matingnan ang kaniyang kalagayan." ang nakangiti na nitong anyaya.
"Sige po."
When she went inside Lucas room she was immediately assaulted by the smell of herbal medicines. He was peacefully sleeping in his wooden bed that was covered with white sheet.
Mayroong maliit na lamesita sa gilid at munting lampara sa ibabaw. Mayroong lagayan ng tinta at panulat katulad ng sa kaniya. May mga librong maayos na nakapatas sa isang sulok na malapit din sa lamesita.
Nakaupo sa bangkito si Don Serio at may maliit na ngiting nilingon sila. Bakas din sa muka nito ang pagod at pag-aalala. Lumapit dito si Donya Juliana at siya naman ay nagtungo sa gilid ng higaan ni Lucas.
She felt another waive of pain and she coudn't help but blink twice. She bit her lips and just stand there while watching his chest move up and down indicating that he was breathing. Another moment have past and then she was left alone with him. Hindi na niya namalayan ang pag-alis ng mag-asawa.
"Lampa." she muttered glaring.
Nakaupo na siya ngayon sa bangkitong inupuan kanina ng ama ni Lucas. Hanggang sa dumilim ay hindi siya umalis sa tabi ng tulog pa ding binata. Doon na siya naghapunan at paminsan-minsan ay binabasa niya ng basang tela ang natutuyo nitong labi.
She can't wait for him to wake up and tease him for being so weak. She remember the first time she was shot on her left thigh during a United Nation peacekeeping mission, it was so painful she almost fainted but she did not. She have to save all evidences against China that they were creating bombs that contains deadly virus for the sick reason of stopping the growing population they have collected before the chinese soldiers reach their base, without thinking, she removed her black shirt and used it to wrapped her wounded thigh, put all the files on her backpack and run through the raining bullets wearing only her black jeans, military boots and her red lace bra with a gun in both hands.