Hapon na ng makarating sila, nag-aagaw-buhay na naman ang liwanag sa paligid. The view is breathtaking. Sa alaala niya ito ang pinaka-maganda sa lahat ng lugar na napuntahan niya, she wished not to leave this place.
At natakot siya sa nararamdamang iyon, she can't stay here, hindi pwede. Kailangan niyang lisanin ang lugar, yun ang nararapat niyang gawin, at yun ang sinasabi ng matinong bahagi ng kaniyang utak.
But her heart says otherwise, sumasakit iyon parang titigil ito sa pagtibok, uminit ang kaniyang mata naguguluhan sa nararamdaman.
Pinagmasdan ni Lucas ang babaeng kasama, nililipad ng mabining hangin ang mahaba at maalon nitong buhok, tulad ng sa isang banyaga ang kulay niyon, parang kayumanggi, at nagkukulay pula dahil sa sinag ng panghapong araw, napakaputi rin nito, halatang meron itong banyagang lahi, nais niyang haplusin ang malambot nitong pisngi.
"¿Qué estás pensando?" Anong iniisip mo? tanong niya, naramdaman siguro ang matiim niyang pagtitig ay lumingon ito sa kaniya, hindi siya magsasawang pagmasdan ang mukha nito.
Ngumiti ito sa kaniya, sa tingin niya ay mas lalo pa itong gumanda, parang pinipiga ang kaniyang dibdib dahil sa mga ngiting iyon, ito ang unang beses na binigyan siya nito ng ganitong ngiti at gusto niyang kipkipin iyon.
"Iniisip ko.... Napakamahiwaga talaga ng kalawakan at marami pang kailangang matuklasan ang siyensya. Alam mo ba, na bukod dito sa mundong ito ay marami pang mundong katulad na katulad nito." Naguluhan siya sa mga sinabi nito. Napansin naman nito ang tanong sa kanyang mga mata. "Totoo, tingnan mo ang mga bituin Lucas." Tumingala ito at tumingin din siya sa kalawakan. "Alam mo ba na marami sa mga bituing iyan ay mas malaki pa sa mundong tinitirhan natin?" ang masaya nitong sabi.
Isang ala-ala ang pumasok sa kaniyang isipan dahil sa sinabi nito.
"Naniniwala akong bukod sa atin ay mayroon pang mga taong nakatira sa kalawakan mahal ko, nais kong makarating doon at makilala sila." Si Katrina, tinawanan lamang niya ito noon na minsan ay naging dahilan ng pagtatampo nito sa kaniya.
"Nakikita kong gusto-gusto mo talaga ang pagtuklas ng mga bagay-bagay tungkol sa kalawakan, nagtataka ako kung papaano ka naging mangangalakal, parang malayo sa talagang nais mong gawin." Aniya.
"Yeah.. siguro kapag marami na akong pera." Nakangiting biro nito.
"Marami akong salapi, matutulungan kita, kung gusto mong maging dalubhasa sa larangan ng pag-aaral ng mga bituin at kalawakan kaya kong tulungan ka." Nakangiting wika din niya, subalit seryoso siya sa kaniyang sinabi.
Lalong lumawak ang ngiti nito, napahugot ng malalim na hininga si Lucas, sumisikip na naman ang dibdib niya. "At bakit mo naman gagawin yun, hindi naman tayo magkaibigan at hindi ko gustong manghingi ng tulong sa iba, gusto ko sa sarili kong bulsa manggagaling ang gagamitin kong pera."
"Pakakasalan kita." Sabay silang nagulat ng dalaga sa salitang binitiwan niya. Subalit hindi niya gustong bawiin iyon kaya nanatili ang matiim niyang titig dito at hinihintay kung ano ang magiging reaksyon nito sa sinabi niya. "Kung magpapakasal ka sa akin, pag-aaralin kita magagawa mo ang gusto mo, ang mangalakal at magpakadalubhasa sa pag-aaral ng mga bituin." Deretso at pantay ang tinig.
Tumawa ito. "Hindi nakakatawa ang biro mo, pero nakakatawa ang hitsura mo. You have a talent Lucas pwede kang maging artista. God! You almost got me there." Humagikhik pa ito. Napasimangot si Lucas. Pinanood niya itong tumawa hanggang sa huminto ito at napansin ang pananahimik niya. Tumayo ito ng tuwid at seryosong tumitig sa mata niya.
"I'm selfish, arrogant, mayabang, pero may pagka-unrealistic din ako minsan Lucas, naniniwala akong ang pag-papakasal ay para lamang sa taong nagmamahalan." Pagkatapos ay payak na tumawa at nailing. "Huwag kang mag-alok kung kani-kanino ng kasal." Pangaral nito pagkatapos ay tinapik siya sa balikat at nagsimulang humakbang paalis sa burol. Nanatili siyang nakatayo doon at natitigilang kinuyom niya ang kaniyang kamao.
"No estoy bromeando." Hindi ako nagbibiro. Marahas itong humarap sa kaniya, nakakunot ang noo.
"Very well, pero hindi ang sagot ko, umuwi na tayo ." Payak ang ngiting wika nito.
"Dito muna tayo, ayoko pang umuwi." Tumango ito, at hinawi ang hibla ng buhok na humarang sa mukha ng umihip ang hangin.
"Sige dito ka na muna, uuwi na ----."
"---sa tingin ko ay iniibig na kita Lyra." Pinanood niya ang pagkatigagal nito at ang tensyong nabubuo sa katawan nito unti-unting tumigas ang anyo at tumalim ang titig sa kaniya.
Subalit hindi siya umiwas ng tingin katulad ng palagi niyang ginagawa sa halip ay nilabanan niya ang titig nito.
"What the hell are you talking about?" Malamig at mapanganib na tanong nito. "Sinabi ko na sayo Lucas huwag kang magkakagus----"
"Hindi mo magagawang pigilan ito Lyra. Hindi ko rin ito gusto at hindi din ako sigurado. Subalit wala akong balak pigilan o itago ang nararamdamn ko, ilang beses ko ng sinubukang wag pansinin at itanggi, sarili ko lamang ang aking nililinlang. Susuyuin kita Lyra, hanggang sa mapaibig kita."
Panibagong araw na naman sa buhay ni Kallyra, May pananabik na pinagmasdan niya ang magarbong lugar ng pagdadausan ng kasiyahan, wala pang gaanong panauhin.
Kahit ika-pito na ng gabi ay napakaliwanag ng paligid, napakaraming magagarang klaseng gasera, naroon sila sa malawak na hardin ng tirahan ng Gobernador Heneral, typical spanish event.
Magaganda lahat ang bihis ng mga naroroong dumalo sa masaya at magarbong pagtitipon, ngayon ang kaarawan ng Gobernador Heneral, naroroon lahat ng mga taong may matataas na katungkulan sa gobyerno, naroon ang Alkalde Mayor ng Maynila na siyang ama ni Lucas.
Maging ang ama ni Mariya na isang Gobernadorcillo at mga kabesa de baranggay ang kanikanilang mga asawa at mga anak. Naroroon din ang ilang mga mayayamang prayle at sundalo ng Heneral. Isa ito sa mga natatanging pagtitipon simula ng pamunuan ng mga Kastila ang Pilipinas taong 1821.
Sa loob ng mahigit dalawang buwang pananatili sa panahong ito, marami siyang nalaman tungkol sa Pilipinas, ang uri ng pamumuhay ng mga naunang Pilipino, ang lugar, ang lebel ng edukasyon, lagay ng ekonomiya, at maging ang mga takbo ng politika.
Nalaman niya na sa mga ganitong pagtitipon ay hindi maaring dumalo ang mga hindi kilala sa lipunan, mga piling insulares, at mga ilustrado lamang.
"İDisculpe, disculpe, soy el siguinte, damas y caballeros, señoras!" Padaan, padaan ako na ang susunod, mga ginoo, mga senyora, binibini!
Nagmamadali niyang hinahawi ang mga taong nakaharang sa daraanan niya papuntang entablado, katatapos lang ng palabas tungkol sa binbining nabighani sa isang Ilustradong radical. Parehong nahatulan ng kamatayan ang dalawa, napakasaklap.
She hates stories with sad endings. Kung siya ay magkakaroon ng pagkakataong baguhin alinman sa mga love story niyang napanood ang 'The best of me." Ang babaguhin niya.
Sobrang nakakaawa ang bidang lalaki, rough childhood, napatay pa ng sariling ama, ang saklap lang. O di kaya naman ay ang kwento ni Rose and Jack.
How about her own love story? Tanong ng isang bahagi ng kaniyang isip. Naalala niya ang mga sinabi ni Lucas noong isang araw sa burol. Hindi pa niya ito nakakausap matapos niya itong iwanan doon.
Hindi pa siya handang makausap ito dahil hindi niya alam ang sasabihin. Ipinilig niya ang ulo, nakikita na niya ang wakas ng love story niya it will have the same sad ending, f**ng tragic.
Nahihirapan siya sa suot niyang saya, a typical baro't saya na kulay dilaw at puti, bukod sa makati na ay napakahaba pa kailangan pa niyang iangat iyon upang makatakbo at makalapit ng mabilis sa gitna ng bulwagan, hindi na niya pinansin ang mga mapanuring tingin ng mga mayayamang bisita na kaniyang nadaraanan.
Ng makarating sa gitna ng bulwagan ay yumuko siya bilang pagbati. She looked clamed and proper but deep inside ay namumulaklak ang makukulay na mura, she needs to remind herself again and again kung bakit naroon siya nakatayo sa gitna ng mga mapanuring mga mata ng mga dumalo sa kaarawan ng tumatayong presidente ng Pilipinas.
Dahil iyon sa inggit, and for god sake! Never in her entire existence na nainsecure siya sa kapwa niya babae, just because Lucas likes a girl that can sing isinubo niya ang sarili sa kahihiyang ito.
If she only knew eh di sana nag-voice lesson siya nung bata pa siya. Linsyak! Bahala na! She can do it, hindi naman siya kilala ng mga narito, well besides of course Lucas and his family.
She start humming the intro, testing if her melody was right, she closed her eyes to feel the music in her head. Then start singing her song,
"Wag mong pansinin, ang naninira sayo!
Basta't alam mo lang na tama ang ginagawa mo!....
She was nodding her head to the beat of the music, she did not dare open her eyes while singing, she wants nothing but to get this done.
She remember the show that Mrs Adams, her personal assistant always watch. That probably tawag ng tanghalan that was way back 2018. Anyway nanalo ang babaeng contestant at ang kantang ito ang inawit.
"NOSIiiiiiihhh, NOSI BALASIiiiiih, Sinooooo SINO BA SILA!"
She was still bobbing her head up and down, tulad ng isang rakista, kunwaring mayroon din siyang hawak na gitara at todo bigay siya sa pagkaskas niyon.
Sa chorus ay tumatalon-talon pa siya habang nakataas ang isang kamay, closed fist. She imagined herself performing with a live band.
At parang naririning niya ang sigawan at palakpakan ng mga tao sa kaniyang isipan.
Ganito pala ang feeling ng isang musikero, she never tried doing this before, tanging ang Lupang Hinirang lamang ang kantang naawit nya na kompleto at tama ang lyrics.
The astronomer slash business woman like her, don't have time for stupid things like this.
"Sinoooohhhh, SINO BA SILAahhhh." Pagtatapos niya. Malapad ang ngiting yumuko ulit siya at inilibot ang paninigin sa kaniyang mga manonood.
Unti-unting nawala ang kaniyang mga ngiti sa nakitang reaksyon ng mga naroon.
Halos maglaglagan ang panga ng lahat, nanlalaki ang mga mata na akala mo ay nagkaroon ng bold show kagaya ng napapanood sa exclusive clubs sa Las Vegas ang mga ito.
Nalipad pa ang tingin niya sa binatang may matikas na tindig sa hula niya ay isa rin sa mga anak ng isa sa mga dumalong Alkade Mayor tulad ni Lucas na nakahulog ng baso, nabasag noon ang nakakabinging katahimikan ng paligid.
Unti-unting nawalan ng kulay ang kaniyang mukha sa kahihiyan, anyway inaasahan na niya ito, tanggap niyang wala talaga siyang talent sa pagkanta, parang naririnig niya ang boses ng pinsan niyang si Carlotta sa isip.
'Shut the f*** up Lyra, even chipmunks sounds better than you!" and she knew her cousin to be the most honest person she ever met.
Sa isa pang ikot niya ng tingin sa paligid ay nahagip ng paningin niya ang lalaking dahilan ng kahihiyan niya ngayon, he stood there like a king towering almost all the people in that big garden.
Nakasuot ito ng pang sundalong damit na may mataas na ranggo tulad ng marami pang Ilustradong kalalakihang roon. Subalit kakaiba talaga ang dating sa kaniya ng tindig nito, strong hard and powerful.
Napasimangot siya sa nakikitang amusement sa mga mata nito, parang kanina pa ito nagpipigil tumawa, inismiran niya ito matapos panlakihan ng mata.
"Maraming salamat sa pakikinig." Magalang niyang wika at nagmamadaling nilisan ang sentro ng bulwagan. Humanap siya ng magandang pwesto upang makakain at hindi pinansin ang mga tingin nakapukol sa kaniya.