webnovel

Capítulo Diez

Pagbaba niya ng kalesa ay siya ring pagbaba ng dalagang bisita ng pamilya kaninang umaga sa kasunod niyang kalesa. Mayroon itong mapanuyang ngiti sa mga labi at nasusuyang kislap ng mata ng lumapit sa kaniya.

"Tila yata'y ikaw ang malas sa buhay nina Ginoong Lucas binibining pranses." Nagpapaypay ito ng abanikong dala rin nito kaninang umaga. "Dahil ang negosyo nila ay humaharap ngayon sa mabigat na suliranin. Nag-aalala akong baka mapalayas ka, ĺes mejor si te mudas!" kaya ang mabuti pa ay ikaw na lang ang kusang umalis! gustong kalikutin ni Kallyra ang kaniyang tenga, napakatinis talaga ng boses nito.

"Salamat sa pag-aalala, mauna na kong pumasok sa loob" nagugutom na siya at hindi pa siya nananghalian, ano kaya ang niluto ni nanang Pasing, lalong kumalam ang sikmura niya.

Hahakbang na sana siya ng maramdaman ang mahigpit na hawak sa kaniyang braso. Napaigik siya ng maramdaman ang pagbaon ng kuko ng babae.

"ĺNo hemos terminado de hablar!" Hindi pa tayo tapos magusap! binitiwan siya nito at tinaasan siya ng kilay. "Lumayas ka sa buhay ni Ginoong Lucas, ginugulo mo ang kanilang pamilya!" napakamot siya ng noo sa inis, wala siyang panahon sa pagtatantrum ng babae, pero humahapdi ang sugat sa braso niya dahil sa matutulis nitong kuko, napatim-bagang siya.

"You are barking at the wrong tree princess, hindi ko ginugulo ang pamilya nila, the truth is, kilala ko kung sino ang nagnanakaw at nagsusunog ng kanilang mga kalakal, kilala mo ba si Don Thomas Zamora." Inilapit niya ang mukha dito at bumulong. "Siya ang utak ng lahat ng yun."

Ngumiti siya na animo'y nagbahagi ng isang lihim sa matalik na kabigan subalit agad ding nawala ang ngiti at napalitan ng malamig na tingin.

Nawalan ng kulay ang mukha nito at nanlaki ang mga mata. Tumaas muli ang sulok ng kaniyang labi sa nakitang reaksyon nito. Looks like the princess knows her parents dark secret too.

Ayon kay Donya Juliana ay matalik na magkaibigan si Don Serio De la Torre at si Don Thomas Zamora mula pa noong mga bata, para ng magkapatid ang turingan ng dalawa, at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin ang dalawang pamilya.

Ang sabi pa nito ay matalino ang ama ni Mariya samantalang masipag at masikap naman si Don Serio, sa dalawa mas mataas ang katungkulan ng huli sa Gobyerno sapagkat ito ay Alkalde Mayor samantalang Gobernadorcillo naman ang ama ni Mariya.

Ang napangasawa naman ng ama ni Mariya ay isa ring negosyante katulad ni Donya Juliana na si Donya Trinidad, subalit wala daw itong suwerte dahil hindi kumikita ang mga negosyo at nanatiling maliit lamang, mayroon daw itong pagawaan ng polyeto at bibliya, mayroon ding gawaan ng armas at mga pasabog tulad ng kay Ginang Juliana.

Nagulat siya ng bigla na lamang itong tumumba at animo'y nahihirapang huminga, nanlaki ang kaniyang mata.

"Mariya!" nilamon ng malakas at malagong na tinig ng lalaki ang kaniyang pagsambit din sa pangalan ng dalaga, napalingon siya kay Lucas na patakbong lumapit sa kanila na kabababa lang ng kalesa. Napaluhod ito sa babae at hindi mapakali kung anong gagawin. "Anong nangyari?"

"L-lucas hindi-hindi ko alam kung bakt bigla na lamang akong tinulak ng binibini!" sa pagitan ng paghinga ay nagawa nitong sabihin, naglaho ang pag-aalala sa mukha ni Kallyra at napalitan ng sarkastikong tawa, masama ang ipinukol na tingin sa kanya ni Lucas at nagmamadaling binuhat ang dalaga sa karwaheng sinakyan nito.

Naiwan siyang nakatayo roon at tinanaw ang papalayong kalesa. Binalewala ang inis na nararamdaman.

Pumasok na siya sa loob ng malaking bahay, agad naman siyang binati ng mga tagasilbi. Naroon ang ginang sa may mesita sa kumedor at nagbabasa ng bibiliya sa tabi nito ay may umuusok na kape.

"Narito ka na pala Binibini, hinihintay ko kayo ng aking anak." Masiglang bati nito. Nabanggit niya ang nangyari sa kababata ng huli at nakita niya ang matinding pag-aalala ng Ginang.

"Mayroon siyang kumplikasyon sa puso, bagaman ay hindi kasing lala ng sa kaniyang kapatid na ikinamatay nito. Ang kay binibining Mariya ay nagamot pa ng mahusay na doctor sa Espanya, subalit ang sabi ng mga doctor ay kailangang maging maingat pa rin ito, bawal ang sobrang masaya, sobrang lungkot o kaya naman ay sobrang galit o takot." Nagpatuloy sa pagkukwento ang ginang at lumalabas na lamang yon sa kaniyang kabilang tenga.

Kung ganoon ay hindi pala kaartehan lamang ang nangyari kanina, hindi mawaglit sa isip niya ang masamang tinging ipinukol sa kaniya ni Lucas, sumakit ang dibdib niya at parang naninikip na naman iyon, subalit mas makirot ito ngayon, muli niya itong binalewala at marahang hinaplos ang kaniyang dibdib.

Lumipas ang dalawang araw ay hindi pa rin niya nakakausap ang binata, balita niya kay Ginang Juliana ay inaayos nito ang problema sa mga kalakal na nanakaw.

Maayos na rin daw ang lagay ni Mariya. Inutusan siya ng Ginang na ayusin ang iilang problema sa pamilihan sa bayan.

Suminghap siya ng hangin ng makalabas siya ng malaking bahay. Pinagmasdan niya ang paligid, mga kalesang dumaraan sa malubak na kalsada, ang mga babae ay nakasuot ng baro at saya, ang tela ay katulad ng suot niyang cotton, ang mga babaeng nakasakay sa magagarang kalesa ay silk ang tela ng damit, ang mga lalaki naman ay nakasuot ng trousers, barong tagalog at may mga suot na sombrero.

May mga asong kalye na naghahabulan, mayroong batang may bitbit na bilao at nakapatong sa ulo, punong-puno iyon ng mga panindang kakanin.

Ang mga bahay sa paligid ay yari sa mga kahoy, kawayan, pawid ang bubong, ang iba naman tulad ng tinutuluyan niya'y yari sa tisa.

Tiningnan niya ang sarili, who would have thought that she will wear this kind of dress, kulay pulang saya at puting baro. Tsk, she bet maganda pa rin siya. Dahil sa naisip ay may ngiting namutawi sa kaniyang labi.

Sumakay siya ng kalesa upang makarating sa bayan, sa daan ay pinagmamasdan niya ang mga malalagong puno sa paligid. Hindi iniinda ang maya't mayang pag-alog dahil sa mga lubak na nadadaanan.

Narinig niya ang hiyaw ng kabayo ng ihinto ng kutsero ang kalesa. Medyo malayo pa ang bayan kaya't kunot noo siyang bumaba at tinanong ang matandang kutsero.

May mga nag-uumpukang tao sa gitna ng kalsada. Nagmamadaling tumakbo siya palapit at hinawi ang mga tao. Mayroong nakatagilid na kalesa, at mayroon ding mga sundalong nakauniporme, lumapit siya sa isa sa mga ito at nagtanong.

"Lo siento señor." Paumanhin senyor "Maari ko bang malaman kung ano ang nangyari?" tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, kumislap ang paghanga sa mata nito at natitigilang tumitig sa kaniyang mukha, ang suot niyang damit ay naglalarawang hindi siya kabilang sa mga mayayamang ilustrado subalit hindi ata napansin ng lalaki iyon at walang pag-aalinlangang sinagot ang tanong niya.

"Nagkaroon ng gulo, may mga nakatakas na preso at hinabol namin sila, napatay ang ilan, ang isa'y nagpanggap na kutsero, nabaril din ito subalit buhay parin, nagwala ang kabayo kaya tumagilid ang kalesa, nagkagulo lalo dahil ang anak ng Gobernadorcillo ang sakay ng kalesa, mukhang may bali ang kamay dahil sa aksidente at kailangang dalhin sa klinika." Buong giliw na salaysay ng sundalo.

"Ang tinutukoy mo bang anak ng Gobernadoricllo, ay si binibining Mariya Zamora?" usisa niya. Tumango naman ito, napatakip siya ng bibig. "Kaibigan ho ako ng kababata niya na anak ng Alkalde Mayor, kung mamarapatin niyo ay ako na ang maghahatid sa kaniya sa klinika." Presinta niya, saglit lamang itong nag-alangan, tinawag nito ang isa sa mga sundalo at inutusang isakay sa inupahan niyang kalesa ang nahimatay na babae.

"İMuchas gracias señorita!" Maraming salamat senyorita." Ngumiti siya rito at magalang na nagpaalam, inutusan niya ang kutsero na ihatid sila sa pinakamalapit na klinika at ng makarating roon ay binayaran nya ang matanda, nagdagdag pa siya ng bayad dahil inutusan niya itong puntahan si Lucas at ipaalam ang nagyari.

Agad na umalis ang matandang kutsero. Sa loob ng klinika ay agad na inasikaso ng doctor si Mariya. Nanatili siya roon at binantayan ito habang wala si Lucas.

Pinagmasdan niya ito habang naghihintay, napakaamo ng mukha, may mahahaba at makakapal na pilik mata, mapulang labi at matangos na ilong, very pretty and a perfect damsel, no wonder why Lucas adores her.

Nagulat siya sa biglang pagbukas ng pinto at humampas ang dahon niyon sa dingding.

Ang humahangos at nag-aalalang anyo ni Lucas ang bumungad doon, saglit lamang siya nitong sinulyapan na tingin at agad na lumapit sa babaeng nakahiga sa higaan. Parang nilamukos ang puso niya at nanigas siya sa kinauupuan. "Anong nangyari?" halata ang matinding pag-aalala sa tinig nito. Hindi siya kaagad nakasagot, parang may nakabara sa lalamunan niya at kailangan niyang lumunok para makapagsalita. Ikinwento niya dito ang nangyayi. "Bakit dito mo sa maliit na klinika dinala."

Halata ang pag-aakusa sa mata nito, parang napakalaking katangahan at kapabayaan sa parte niya ang kaniyang ginawa, The nerve of this man, nagmagandang loob na nga siya at binantayaan pa kababata nito!

She pretended that she was not affected by his outburst.

"Ito ang pinakamalapit na klinika, yes its small but still serve its purpose, at hindi nakamamatay ang bali sa braso." Hindi niya maiwasan ang sarkasmo sa boses, inis na nilingon siya nito. She glared at him as well. "Sobra-sobra naman ang pag-aalala mo, akala mo naman agaw-buhay ang kaibigan mo."

Agad niyang pinagsisihan ang sinabi, pero hindi siya humingi ng paumanhin sa kaniyang kagaspangan. Wala itong utang na loob, ni hindi man lang nakuhang magpasalamat.

"Wala kang alam!" mabagsik na turan nito, napaatras siya sa ipinakitang galit nito.

"I don't have to know anything, sa halip na magpasalamat ka ay parang nagagalit ka pa na dinala ko ang kaibigan mo dito sa klinika, sana pala pinabayanan ko na lang siya sa kalsada!" mataas na rin ang boses niya.

"Dapat hinayaan mo na lang, hindi sana'y nadala siya sa malaking klinika ng mga gwardiya sibil, sana hindi ka nakialam!" para siyang tinadyakan sa huling sinabi nito.

Ikinuyom niya ang palad. She forced her self to calm down, kailanman ay hindi pa siya nagalit ng ganito. She was a very rational person. She has to calm down.

"I understand why you are acting like this, I'm sorry about what I've said I didn't mean it. Kasalanan ko na.. na dinala ko siya dito, we can just bring here now at the hospital and besides ayos na naman ang lagay niya, no need to panic okay."

Malumanay na wika niya ng makarecover. Masama lamang siya nitong tiningnan at muling binalingan ang dalagang nakahiga.

Nawala ang mabalasik nitong mukha at napalitan ng pag-aalala, nakikita pa rin niya ang tension sa balikat nito.

She turned around and faced the door. "Saan ka pupunta?" narinig niyang tanong nito. "¿Vais a ir el Mercado?" pupunta ka ba ng pamilihan? She can hear the roughess in his voice

"Sí." Oo. Nagpatuloy siya sa paghakbang."Ipapahanda ko na din ang kalesang gagamitin niyo so you can bring her in the hospital." Mabigat ang dibdib na lumabas siya sa maliit na klinikang iyon.

She suddenly felt tired, it's still early but she lost the drive to work whole day today, but she cannot afford to take a break.

Nächstes Kapitel