Malapit ng magdapit-hapon na at sa wakas ay mararating na nila ng estrangherang dalaga ang labas ng gubat. Bagaman ay matitibay ang kaniyang binti ay nararamdam niya ang pamamahid noon dahil sa walang humpay na paglakad. Gusto niyang huminto at magpahinga kahit sandali lang dahil pakiramdam niya at bibigay na ang kaniyang mga paa.
Kung hindi nga lamang nakakahiya dahil mukang walang balak huminto ang kasama at mukang hindi man lamg ito nakakaramdam ng pagod.
Masasabi niyang hindi ordinaryong binibini ang kasamang dalaga, misteryoso at kakaiba sa mga binibining nakilala niya, aroganteng parang lalaki at mas malakas pa sa kaniya, siya na ang kusang nag-iiwas na huwag mapasulyap sa hantad nitong mga binti dahil parang wala itong pakialam kung makitaan man ito ng balat ng isang binatang tulad niya.
Matatalas ang mga damo at nag-aalala siyang masugatan ang makikinis nitong binti. Hindi niya mapigilan ang muling pagsulyap doon, mahahaba at maganda ang hugis at tila nang-aakit na mahaplos. Marahang umangat ang kaniyang mata at huminto sa mabilog na pang-upo ng dalaga. Naramdaman niya pagbilis ng pagtibok ng kaniyang pulso at ang pag-iiba ng pakiramdam habang pinagmamasdan ang mabining paggalaw noon sanhi ng paglakad.
Bumigat ang kaniyang mga mata at kumuyom ang kaniyang kamao. Hindi na niya alam kung gaano na niya katagal pinagmamasdan ang magandang tanawing iyon na tila nakakawala ng pagod at muntik na siyang matalisod ng bigla itong huminto at lingunin siya.
Agad ang paggapang ng mainit na dugo mula sa kaniyang leeg hanggang sa kaniyang muka. Mabilis niyang iniiwas ang tingin at kabadong lumunok.
Kallyra raised one of her brow and stared hard at the man who looks so nervous and horrified.
She watched him licks his lower lip and his adams apple moved.
He tried to steal a glance at her using his heavy eyes but looks away every time he saw her still staring hard at him. He looks like he was a little afraid and trying so hard not to let her read what is in his eyes.
Kumunot ang kaniyang noo at humakbang palapit dito. She noticed his tense shoulder when she was near enough and she heard him took a deep breath.
Inilapit pa niyang lalo ang sarili at bumulong sa may tenga nito.
" Boo!" Naitulak siya nito sa pagkabigla. Her left foot moved backward and accidentally land on a dried tree branch and she suddenly felt her body getting out of balance.
Her reflexes are good so she know she can avoid the fall but before she could balance herself she felt a hand reached the back of her small waist and she was pulled back.
She yelped when her soft body slams into the man's wide and hard chest. Akmang ilalayo niya ang sarili ng makabawi subalit naramdaman niya ang paghawak nito sa magkabila niyang balikat at ang taranta nitong pagtulak.
This time hindi na siya nakaiwas, paupo siyang natumba sa madamong lupa.
"Ow ow!" Her butt landed on the tree branch. "What is wrong with you!" Mariin niyang singhal dito.
She noticed his long silence kanina kaya hindi niya napigilang huminto at alamin kung okay pa ba ito. Kanina pa sila walang tigil sa paglalakad upang hindi na maabutan ng dilim sa loob ng masukal na gubat at sa tingin niya ay malapit na silang makalabas dahil sa sinag ng araw mula sa maliliit na siwang ng mga dahon.
And the way he looks like he was a kid caught stealing candies, nervous and all. She can't help but be curious, lumapit siya upang tanungin ito but man, he looks really nervous. Mukang tutumba ito sa isang sigaw niya.
Subalit agad nagbackfire ang ginawa niyang pang-aasar dito. Mabilis siyang tumayo at maingat na hinilot ang nasaktang pang-upo.
Masama niya itong tiningnan ng hindi ito sumagot. She distractedly watched him licks his already moistured red lips again. "Whatever." She rolled her eyes when she still did not get a reply after glaring at him for a minute. Tinalikuran niya ito at muling bumalik sa paglalakad.
After another 30 minutes of non stop walking nakalabas na rin sila ng gubat.
Pansumandaling iniwan ni Lucas ang dalaga sa may puno ng akasya upang ikuha ito ng kasuotan, inutusan siya nitong ikuha ito ng damit, sombrero at sapatos na panlalaki.
Napailing siya sa sarili, pakiramdam niya'y magugulo ang tahimik at payapa niyang mundo dahil sa pagsunod sa estrangherang tila lalaki.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at marahang kinamot ang batok ng maalala ang nangyari kanina. Muling uminit ang kaniyang muka at bumilis ng bahagya ang kaniyang paghinga, tila nararamdan pa rin niya ang malambot na bagay na iyon sa kaniyang dibdib. Nararamdaman pa rin ng palad niya ang makinis nitong balat sa braso ng pigilan niya ang pagtumba nito kanina.
Iniisip niya kung ganoon din kaya sa pakiramdam ng balat nito sa mga bahaging hindi pa niya nakikita.
Muli niyang pinilig ang ulo at mabilis na binura ang maruming imahinasyong nagpipilit tumakbo sa utak niya.
Nakaramdam siya ng inis sa sarili. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nangyayari sa kaniya. Siguro ay namimiss lamang niya ang kasintahan. Hindi niya napigilan ang muling pagsikip ang dibdib ng maalala ang kasintahan. Malalim siyang bumuntong hininga at pinilit ituon ang isipan sa daang tinatahak papunta sa kabayanan.
Kumpara sa Maynila ay mas marami ang bahay ditong yari sa pawid ang bubong, halos kakaunti din lamang ang bilang ng mga naninirahang insulares tulad niya, lahat ng tahanang nadadaanan niya ay mga walang tarangkahan, nginitian at binati niya lahat ng mga nakakasalubong, mas maraming indiyo sa lugar.
May ilang mga tsino din siyang nakasalubong, nakakatuwang isipin na malaya ng nakakapangalakal ang mga ito na noon ay itinuturing na mabababang uri ng tao at hindi hinahayang makisalamuha sa mga ilustrdo at maging sa mga Indyo.
Pinagmasdan niya ang ilang mga kabataang ilustrado na may mga tangang libro, mula ng mabuksan ang Suez Canal, nagkaroon ng kalayaang magbasa ang ilan. Ang pangarap niya'y magkaroon ang lahat ng kalayaang makapagaral lalo na ang mga Indyo.
Bahagya siyang tumabi ng matanaw ang papadaang kalesa, hila ito ng kabayong kulay tsokolate, meron itong magarang tabing na yari sa satin na kulay pula at may pahigang linyang kulay ginto sa badang laylayan, huminto ito bago sumapit sa tapat niya, pinagmasdan niya ang pagbaba ng sakay niyon, humahalinghing ang kabayo at pinatatahan ito ng kutsero.
Nagtagis ang bagang ni Lucas sapagkat alam na niya ang pakay ng prayle, siguradong nagbabahay-bahay ito upang mangolekta ng abuloy.
Lumabas ng kubo ang isang matandang lalaki, uugod-ugod na ito at sa tungkod na mahigpit nitong hawak nakaalalay upang makalakad, itinaboy ng nangungulubot nitong mga kamay ang mga manok na nakaharang sa kaniyang daraanan, marahan din itong umiwas sa kayurang bahagyang nakaharang, may mga bao at bunot ng niyog na maayos na nakapatas sa tabi nito at mayroon ding malaking tapayan sa tingin niya'y walang laman.
Sa ayos ng tahanan nitong yari sa pawid ang bubong tulad ng ibang mga indyo ay masasabi niyang nag-iisa na lamang ito sa buhay. May lungkot na humaplos sa puso ni Lucas. Nang makalapit ito sa Paring Pransiskano ay magalang itong bumati, hindi niya masyadong marinig ang pinaguusapan ng dalawa mula sa kaniyang kinatatayuan.
Ikinuyom niya ang palad ng sipain ng Paring Pransiskano ang tungkod ng kawawang matanda, nawalan ito ng balanse at napaluhod sa lupang walang damo.
"Dalawang beses ka ng hindi nag-aabuloy Berting!" parang kulog ang tinig ng Pari. "Alam mo ang mangyayari kapag hindi ka pa nag-abuloy, siguradong sa impyerno ang bagsak mo sa oras na ika'y mamatay!" Impit na umiyak ang matandang nagngangalang Berting. Walang pagdadalawang isip na lumapit siya sa mga ito.
Inalis niya ang suot na sombrero at magalang na yumukod sa kabila ng pagkasuklam dito. "Lo siento, buenas tardes señores." Pauminhin senyor, magandang hapon.. "Hindi ko nais na makaaabala sa inyo, subalit kinakailangan kong iabot ang bayad ko para sa serbisyo sa akin ni Ginoong Berting." Aniya.
"¿Cόmo te llamas?" sino ka naman? ang asik ng Prayle
"Me llamo Lucas De la Torre soy hombre de nogocios vivo en Maynila señores." Ang pangalan ko ay Lucas De la Torre, isa akong negosyante at nakatira ako sa Maynila. "Narito ako upang ibigay ng personal ang upa para sa serbisyo ni tatang Berting." Pantay at hindi mababahiran ng panguuyam ang kaniyang tinig, subalit sa kanyang loob ay isinusuka ang pilit na paggalang.
"De la Torre, ¿qué hace tu padre?" ano ang trabaho ng iyong ama? "Siya ba ang alkalde mayor ng Maynila?" tipid siyang tumango. Agad na nagliwang ang mukha ng matandang prayle. "İQué bien!" ah! Magaling! "Encantado de conocerlo ginoong Lucas." Ikinagagalak kitang makilala ginoong Lucas. "Balita ko ngang umalis ka ng Maynila dahil sa pagpanaw ng iyong kasintahan, narito ka pala sa Batanggas, lo siento ikinalulungkot ko ang nangyari."
Tumango lamang siya at hinarap ang nakatumbang matanda, lumapit siya rito at inalalayan ito sa pagtayo at iniabot dito ang tungkod na natumba rin.
Nanatili itong nakatungo takot na masilayan ang mukha ng kaniyang mga panauhin, muling nagtagis ang bagang ni Lucas, walang sinoman ang dapat nitong katakutan, ito ay sarili nitong bansa at ang mga katulad ng pari ay mga dayo lamang at walang karapatan.
Siya ay insulares din, kastilang ipinaganak dito sa Pilipinas subalit itinuturing niya ang sarili bilang isang mamamayang Pilipino kaya't ang mga ginagawang pang-aabuso ng mga iilang Paring Pransiskano at Paring Dominiko ay ikinapopoot niya.
Inabutan niya ng salapi ang matanda maging ang prayle, hindi niya pinansin ang kislap sa mga mata ng prayle ng matanggap ang salaping abuloy at agad ding nagpaalam.
"İMuy agradecido, Encantado de conocerlo ginoo, adiόs, hasta pronto!" maraming salamat, ikinagagalak kitang makilala ginoo, paalam, hanggang sa susunod nating pagkikita! Alam niyang tutungo ito sa ibang tahanan ng mga indyo upang mangolekta pa ng dagdag abuloy.
"Bienvenido señores, adiόs." Walang anoman senyor, paalam. Aniya, pinanood nila ng matanda ang pagsakay ng prayle sa kalesa at ang pagalis nito.
"Maraming salamat ginoo." Sa mababang tinig ay wika ng matanda, mahigpit ang hawak ng nanginginig nitong butuhing kamay sa tungkod, may bahagya ring panginginig sa tinig nito dala ng katandaan.
Lumambot ang kaniyang puso sa nakikitang pasasalamat sa mga mata ng matandang indyo. Inaya pa siyang dumalaw sa tahanan nito subalit magalang siyang tumanggi at idinahilang siya ay may mahalagang pupuntahan.
Tinulungan niya ang matanda upang makabalik sa loob ng kubo nitong tirahan at nagpaalam. Nagmamadali siyang naglakad upang makarating sa pamilihang bayan, malapit ng dumilim at kumakalam na ang kaniyang sikmura, nag-aalala sya para sa dalagang kaniyang iniwan sa ilalim ng punong akasya.
Mas marami ang mga kalesa at ang mga tao sa pamilihang bayan, iba't ibang paninda ang naroon, gulay, isda at kung ano-ano pa, maingay din sa paligid at ang iba naman ay nagsasara na sapagkat maggagabi na.
Hindi niya alam kung saan naroon ang bilihan ng mga damit kaya't nagtanong siya sa nakasalubong na ginoo. "Buenas tardes Senyor." Magandang hapon Senyor. Magalang niyang inalis at inilagay sa dibdib ang soot ng sombrero at bahagyang yumukod.
"Buenas tardes." Magandang hapon. Ganting bati nito.
"¿Dόnde está el Mercado? Quiero comprar ropa y fruta señor." maari mo bang sabihin kung saan ako makakabili ng damit at prutas?
"Para comprar ropa, vaya usted al Mercado El Rastro, y para la fruta, vaya almercadillio de fruta." Upang makabili ng damit pumunta ka sa pamilihang ng damit at upang makabili ka ng prutas pumunta ka sa pamilihan ng prutas. Ang pilosopong sagot nito, nakasimangot na iniwan niya ito at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Subalit hindi na pala niya kailangang lumayo.
Tuwang lumapit siya sa gusaling pamilihan ng mga damit panlalaki. Agad siyang sinalubong ng may-ari niyon. "Buenas tardes señor. ¿Qué desea?" magandang hapon senyor, anong kailangan ninyo?
"Buenas tardes, Quiero comprar una camisa." Magandang hapon, nais kong bumili ng damit.
"¿De qué color señor?" anong kulay senyor?
Sandali siyang nagisip, ano kaya ang babagay sa binibini. "Ah.. Busco algo azul." Gusto ko ng asul.
"¿Azul claro u oscuro?" Malabo o matingkad na asul? Ang kumpirma nito. Kumunot ang noo niya, napakakumplikado palang mamili ng damit. Ang kaniyang mga kasuotan ay yari sa kanilang patahian at ang iba ay binili ng kaniyang ina sa Espanya.
"Enséñeme las dos." Ipakita mo sa akin pareho. Sandali itong naghanap pagkatapos ay nakangiting iniharap sa kaniya ang dalawang klase ng kasuotang panlalaki.
"Aqui están señor. ¿Cuál es la talla?" Heto na senyor, subalit ano nga palang sukat? Napakamot si Lucas sa batok at bahagyang namula, naalala ang magandang hugis ng katawan ng dalaga. Sinabi niya ang sukat base sa alaala at binili ang parehong damit sa halagang dos pesos bawat isa, ang isa ay para sa kaniya at ang isa naman ay para sa dalaga.
Bumili rin siya ng sombrero pagtapos ay nagtungo sa pamilihan ng mga prutas na itinuro sa kaniya ng may-ari ng bilihan ng damit. Hindi siya masyadong sanay sa pamilihang bayan dito sa Batanggas sapagkat sa Maynila siya namamalagi.
"¿Cuánto valen las manzana?" Magkano ang mansanas. Nakangiting tanong niya sa alemang nagtitinda nito. Bihira lamang ang ganitong prutas sa pamilihan sapagkat inaangkat pa ito sa ibang bansa, siguradong masisiyahan ang dalaga kung ibibili niya ito ng mansanas.
"Cuestan tres pesos el kilo señor." Tatlong piso ang bawat kilo senyor. Ang masiglang sagot ng ginang, nagsisimula na itong magkilo kahit hindi pa siya bumibili.
"İEs muy caro!" Ang mahal naman! Ang nabiglang sambit niya, sigurado siyang sa ganoong halaga ay walang mahirap na indyo ang makakabili ng ganitong uri ng prutas.
"Los precios son los que son señor, son frescas!." Hindi nagbabago ang presyo niyan. Bago ang mga iyan! Depensa nito na tila ba inaakusahan ito na nagpapataas lamang ng presyo.
"Pόngame medio kilo de manzanas." Bibili ako ng kalahating kilo. Ang nahihiyang wika niya. Nagmamadali siyang nagbayad. "Muchas gracias!" Maraming salamat. Namili pa siya ng ibang lokal na prutas at ng paborito niyang suman.