webnovel

Act 21

BEN

"What made you do it?"

Tahimik lamang si Ace. Nakatingin sa mga kamay niya. PInagkikiskis ang mga daliri. Seryosong nakatingin sa kanya si doc Tyler.

Pero hindi tulad ng dati, wala kami sa clinic ni doc. Nandito kami sa ospital. Nakasuot ng hospital gown si Ace at may nakakabit sa kanyang swero. Sa paanan niya nakaupo ang binatang doktor.

"I thought I was ready," sagot ni Ace. "You told me kailangan ko siyang makita, makausap. Para matapos na itong lahat. I finally had the courage para puntahan ang puntod ng aking ina at ng mga kapatid ko kaya akala ko..."

"I understand, Ace," malamyang sabi ng doktor.

Sa tabi ko naman ay tila hindi mapakali si Clark. First time niya rin kasi makita si Ace na nag-a-undergo ng consultation. Alam kong gustong-gusto na niyang malapitan ang pinsan ko na kagigising lamang matapos ang dalawang araw na pagkakatulog.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang nararamdaman mo ngayon, Ace."

Tumingin ng diretso si Ace sa doktor. Seryoso ang mukha niya. "I... don't know."

Bumuntong-hininga ang doktor. "Okay. Let's do something," tumingin ito sa gawi namin. "I need a volunteer."

"Ako na lang po," mabilis na sabi ni Clark. Lumapit siya kay dok at iniabot sa kanya ang isang papel. Printout iyon ng mukha ni tito Robert.

"Magpapanggap si Clark bilang iyong ama. Hindi siya magsasalita. Haharapin mo siya. Sasabihin mo sa kanya lahat ng gusto mong sabihin," sabi ni dok at idinikit sa mukha ni Clark ang papel. Pinaupo niya si Clark sa gilid ng kama.

Tinitigan ni Ace ang mukha ng ama. Ilang minuto rin siyang tulala bago napalitan ng takot ang expression ng kanyang mukha.

"L-Lumayo ka sa akin," nanginginig na sabi ni Ace.

Mabilis na tinanggal ni Clark ang papel sa mukha niya at niyakap ang kasintahan. "Baby, ako ito. Hindi kita sasaktan."

"You're not ready, Ace," tumayo ang doktor. "Alam mong wala rito ang iyong ama. Alam mong larawan lang iyan pero malaki pa rin ang epekto sayo. Hindi ka pa handa. And I don't think you're also ready for school. I think I might have made a mistake sa judgements ko. I'm sorry."

Napalitan ng lungkot ang mukha ni Ace. Alam ko na gusto na niyang bumalik sa pag-aaral. Pero ngayon, malabo na ulit. Alam ko naman na hindi madali ang pinagdadaanan niya pero kailan ba siya gagaling?

"Wala na ba tayong ibang magagawa, dok?" tanong ni Clark.

"Pwede naman siya mag-home schooling. Or online," sagot ng doktor. "We need to minimize his interaction with strangers. Hindi natin alam kung kailan magti-trigger ang traumatic attacks niya. And mahihirapan tayo... kayo na bantayan siya kapag nasa school siya."

He has a point.

"For now, I need to be alone with my patient," sabi ni dok. Lumabas kami ni Clark sa room. Pinanood namin silang mag-usap mula sa maliit na salamin ng pintuan pero hindi namin marinig ang pinag-uusapan nila.

Maya-maya rin ay lumabas na si dok.

"Let's continue with the weekly consultation. I need to make sure that his progress is strictly monitored," sabi ni dok.

"Okay, doc," sabi ko.

"Salamat po," sabi naman ni Clark.

Mabilis na pumasok si Clark sa silid at nilapitan si Ace. Hindi na ako sumunod. Hinayaan ko na silang dalawa. Tutal, hindi na rin naman ako ang kailangan ni Ace. May ibang tao nang magpoprotekta at mag-aalaga sa kanya.

===

"WELCOME HOME!"

Umalingawngaw sa loob ng bahay ang sigawan at ang pagputok ng confetti. Halata naman kay Ace ang pagkasurpresa nang bumungad sa kanya ang buong tropahan na may pa-tarpaulin pa at mga lobo.

"Na-miss namin ang bunso," sabi ni Avi at niyakap si Ace.

"Hep!" sabi ni Clark at inilayo si Avi.

"Grabe naman. Bakod na bakod naman yan, sir," natatawang sabi ni Avi.

"Thanks guys," sabi ni Ace. Halata ang labis na kasiyahan sa kanyang mukha. Pinahid niya ang namumuong luha sa kanyang mga mata.

"GROUP HUG!" sigaw ni Alex. Nagsuguran naman sila palapit sa amin at nagyakapan kami.

"Miss na miss ka nitong si Avi," sabi ni Greg na halatang inaasar si Clark. Pinagsasaluhan namin ngayon ang inihanda nilang tanghalian para sa paggaling ni Ace at pagbabalik niya sa bahay.

Tiningnan ni Clark ng masama si Avi.

"Baby! Alam mo namang ikaw lang," pang-aalo ni Ace sa kasintahan.

"Napakatamis! Hanep kayong dalawa. Parang gusto ko na rin magka-jowa," sabi ni Greg.

"Ang swerte mo naman kay Ace," segunda ni Alex. "Baka naman. Akin na lang siya. Okay lang sa aking maging bakla basta para kay Ace lang."

"Nandiyan naman si Ric, oh," sabi ni Clark. "Siya na lang ang jowain mo."

"Ay hindi. Straight pala talaga ako," mabilis na sabi ni Alex.

"Ewan ko sa inyo. Ako na naman ang nakita niyo," inis na sabi ni Ric.

-

ACE

"Ayoko sanang lumabas ngayon," sabi ko sa pinsan ko. Gabing-gabi na pero niyayaya niya akong lumabas.

Wala kasi ako sa mood. Nasira lahat ng plano ko. I'm stuck again.

"Don't you trust me?"

Napatulala ako sa gwapong mukha ng pinsan ko. Siguro ay gusto niya lang na mapasaya ako ngayong gabi. Nagsusumamo ang mga mata niya.

"Please, Ace."

Napabuntong-hininga ako. "Fine." Napilitan akong bumangon mula sa pagkakahiga ko. "Saan ba tayo pupunta? Maghahating-gabi na."

"Samahan mo lang ako. Lakad-lakad sa labas."

Kinuha ko ang hoodie ko at isinuot iyon. Kapagkuwan ay lumabas na kami ni Ben. Wala talaga ako sa mood pero hindi ko naman matanggihan ang pinsan ko. Minsan lang siya humingi ng pabor, kaya I can't get myself to say no to him.

Nasa unahan ko siya. Nakapasok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng jacket niya. Tahimik siya. Siguro ay gusto lang talaga niya maglakad-lakad.

May problema kaya siya? May gusto kaya siyang sabihin?

Nakarating kami sa clubhouse. Madilim. Hindi naman pinapatay ang ilaw rito pero ngayon, nakapatay lahat. Nagtitipid siguro ang homeowners' association. Summer na naman kasi. Panahon ng pagtaas ng presyo ng kuryente.

"Mag-CR lang ako," paalam ni Ben. Mabilis siyang umalis at naiwan akong mag-isa. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Ang dilim talaga.

Bakit ba ako dinala rito ni Ben?

Maya-maya, nakarinig ako ng pag-strum ng gitara. Pero hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon. At hindi ko alam kung sino ang nagpapatugtog niyon dahil wala akong makita. I want to grow old with you ang kantang iyon.

"Bunso..." muntik na akong mapahiyaw ng marinig ko ang boses ng isang lalaki sa tabi ko. Kapagkuwan ay bumukas ang isang ilaw. Tila ay naging spotlight ito na tanging kami lang ang iniilawan.

Tumambad sa akin si Alex. Gwapong-gwapo ito sa suot nitong gray suit. Nginitian niya ako at iniabot sa akin ang hawak na rosas.

"Anong ibig sabihin nito, Alex?"

Ngunit imbes na sumagot, ngumiti lang siya. Namatay ulit ang ilaw. Nang bumukas iyon, hindi na si Alex ang nasa harapan ko.

"Greg?" takang-tanong ko. Nakaayos din ito. Katulad ng suot ni Alex.

Nginitian niya ako at iniabot ang hawak na rosas. Namatay ulit ang ilaw.

Ano bang meron? Pakana ba ni Ben ito? Kaya niya ba ako dinala rito?

"Smile naman diyan, bunso," boses ni Avi iyon. Nang bumukas ang ilaw, tulad ulit ng kanina. Ang suot din nito ay katulad ng sa naunang dalawa. May hawak din itong rosas na iniabot din sa akin.

Hinalikan niya pa ang likod ng kamay ko bago namatay ang ilaw at nawala siya.

"I wish you all the best, bunso," boses iyon ni Ric. And as expected, may hawak din siyang rosas at iniabot sa akin.

Namatay na naman ang ilaw. Nang bumukas ang ilaw, si Ben na ang nasa harapan nito. Iba na ang suot nito. Nakabihis na rin ito ng tulad sa mga kaibigan. Ngunit imbes na isa, tatlo ang hawak nitong rosas. Pansin ko rin ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.

"Anong pakulo ito, Ben?"

Hindi siya sinagot ang tanong ko. Iniabot ang hawak na rosas sa akin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Ipinatong ang isa sa balikat niya. Ang isa naman ay sa bewang niya. Isinayaw ako ng pinsan ko sa malamyos na tugtog ng gitara.

Pakiramdam ko ay nasa alapaap ako. They went through such efforts para lang sa akin. I am so honored. I don't deserve these guys.

"I will always be here for you. Alam mo naman iyon, hindi ba?" pabulong na tanong ni Ben.

Tumango ako. "I know. Sobrang thank you, Ben."

Pero kumalas siya. At namatay ang ilaw. Nawala ang pagtugtog ng gitara. Tanging katahimikan at kadiliman ang muling bumalot sa paligid. Sa akin.

"I want to grow old with you," malambing ang pagkakasabi niya. Kilalang-kilala ko kung kanino ang boses na iyon.

Bumukas ang lahat ng ilaw sa clubhouse. Nakita ko si Clark. Nakaluhod sa harapan ko. Sobrang gwapo niya sa suot na itim na tuxedo. May hawak siyang pulang kahon na may singsing.

Singsing? Anong ginagawa niya? Nagpo-propose ba siya sa akin?

"Say yes!" narinig kong sigaw ni Greg.

"Go bunso!" segunda ni Alex.

Saka ko lang napansin na nakapalibot na sila sa amin. Si Alex, Greg, Avi, Ben, at si Ric. Pati ang mga magulang ni Clark ay nandoon din. Kahit si tita Wendy.

"I want you to marry me, Ace."

Natigilan ako. Nawala ang labis na kasiyahan na nararamdaman ko. Ang kaninang pakiramdam ko na tila nasa alapaap ay nawala. Loko-loko to, ah?

"Wow! Authoritative, ah?" asik ko.

Seryoso lang ang mukha niya. "Sinabi ko iyon kasi alam ko sa sarili ko na sigurado na ako, Ace. Gusto na kitang makasama habangbuhay. Sana payagan mo akong pakasalan ka at maging asawa mo. I promise, I will give you everything. Paliligayahin kita. Hindi kita sasaktan." Lumambot ang seryosong mukha niya. Napuno iyon ng pagmamahal at pagsusumamo.

"I know this is not the right time to ask you this pero hindi na ako makapaghintay, baby. Sana maintindihan mo," dagdag niya.

Bumalik ako sa alapaap. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.

Naramdaman ko ang pagngilid ng luha sa mga mata ko.

"Nakakainis ka naman, baby," naiiyak kong sabi. "Masyado mo naman akong pinapasaya. Kaya oo, pumapayag ako. I want you to marry me."

Masayang bumangon si Clark mula sa pagluhod. At katulad noong araw na sinagot ko siya, binuhat niya ako at nagpaikot-ikot siya.

Sobrang saya ko ngayon. Pakiramdam ko ay wala na akong mahihiling pa.

Nächstes Kapitel