webnovel

Chapter 51

Natapos ang party ni Scarlet ng maayos. Nauna namang umuwi si Tom sapagkat may flight siya kinabukasan patungo sa Paris. Lasing na si Scarlet, tanging si Ana lamang ang kanyang kasama sa kotse. Hindi naman siya payagang magdrive ni Ana sapagkat baka maaksidente lamang sila.

Maya maya ay natanaw ni Ana na bumalik si Ace upang kuhanin ang naiwan niyang coat. Napansin naman sila nito habang nasa parking.

"Ana!" Tawag ni Ace

"Ace... hay buti dumating ka.." ani ni Ana

"Bakit anong problema?" Tanong ni Ace

"Eto si Scarlet nagpipilit na siya ang magdrive.. sabi ko dito na lang kami mag stay." Ani ni Ace

"Teka nasan ba si James?" Tugon ni Ace

"Nako ayun nasa isang kwarto lasing na lasing din.." ani ni Ana

Napakamot ng ulo si Ace. Sinubukan niyang kausapin si Scarlet upang pigilan na itong umuwi. Subalit nagmatigas pa din si Scarlet.

"SS.. wag ka na umuwi dito na kayo ni Ana mag stay.." ani ni Ace

"No! Gusto ko umuwi.. please let me...." tugon ni Scarlet

"Pero lasing ka.. baka kung ano pa ang mangyari sa inyo.."ani ni Ace

"Walang mangyayari sa amin.. dahan dahan naman ako magpatakbo.. sige na im tired ibigay niyo na ang susi sa akin" ani ni Scarlet

Walang nagawa si Ace kung hindi ang magpresenta na siya na ang maghahatid sa dalawa. Kaya inakay niya si scarlet patungo sa likod at nilagyan ng seatbelt.

"Ok halika na ako na ang maghahatid sa inyo.." ani ni Ace

"Thank you Ace.." tugon ni Ana

Matapos maipwesto si Scarlet, sasakay na sana si Ana sa tabi nito subalit umimik si Ace.

"Ana,, pwede bang dun ka sa tabi ko?" Ani ni Ace

"Ah.. eehh.."tugon ni Ana

"Para naman may kausap ako habang nagdadrive sige na Ana.." ani ni Ace

Wala ng nagawa si Ana sa pakiusap ni Ace kung hindi ang pumayag. Sumakay na sila at nagtungo sa bahay ni Scarlet. Habang nasa daan kinausap siya ni Ace.

"Bukod sa pagiging new owner ng Branch company ano pa pinagkakaabalahan mo?" Ani ni Ace

"Uhm... wala na.. bahay na then work.." tugon ni Ana

"Hindi ka lumabas? Barkada night? Date with boyfriend?" Ani ni Ace

"Sorry wala talaga akong barkada maliban kay SS.. boyfriend naman.. wala din..." tugon ni Ana

Pakinig ni Scarlet ang pag-uusap ng dalawa, napapangiti naman siya sa kanyang mga naririnig, nagpatuloy na lamang siya sa pag pikit upang hindi siya mahalata.

"Wala kang boyfriend?" Ani ni Ace

"Talagang uulitin mo pa? Oo wala nga wala!" Tugon ni Ana

"Teka bakit wala? You look perfect naman." Ani ni Ace

Nagblush si Ana sa sinabing ito, medyo pinagpawisan siya sa pagtatanong ni Ace.

"Hindi ko alam kung bakit.. siguro im waiting for the right one." Ani ni Ana

"Aaah... Right one?? Malay mo nasa tabi tabi lang siya" tugon ni Ace

"Maybe.. alam mo sana nga nasa tabi-tabi lang siya.." ani ni Ana

Tumawa si Ace ng malakas, samantala napatahimik naman si Ana at napatingin sa may labas ng bintana.

"May nasabi ba akong mali??" Ani ni Ace

"Ah wala sige na malapit na tayo sa bahay ni SS" tugon ni Ana

Nagtuon ng pansin sa pagmamaneho si Ace, samantala panakaw na sandali naman niyang tinitingnan si Ana. Napapangiti siya sa tuwing nakikita niya si Ana, tila may kakaibang nabuo sa kanya sa isang buong gabing magkasama sila.

"Ayan... nakarating na din tayo." Ani ni Ana

Nang akmang bubuksan ni Ana ang pintuan kaagad siyang pinigilan ni Ace.

"Wag..." ani ni Ace

"Bakit??" Tugon ni Ana

"Ako na ang magbubukas." Ani ni Ace

Dali-daling bumaba si Ace papunta sa kabilang pintuan. Pinagbuksan niya si Ana at saka inalalayan pagbaba. Napahawak naman sila sa kamay ng bawat isa, at tila parang napatigil ang ikot ng mundo.

Nagmulat ang si Scarlet ng kanyang mga mata, nakita niya ang dalawa na titig na titig sa bawat isa. Lumaki ang kanyang Ngiti at abang na abang sa susunod na mangyayari sa dalawa. Subalit naudlot ito ng biglang pumaling si Ana.

"Sandali.... kailangan na nating maiakyat si SS" ani ni Ana

"Ah oo sorry..." tugon ni Ace

Kinuha ni Ace si Scarlet sa loob ng sasakyan, binuhat niya ito patungo sa loob. Nang makarating sa loob, kumuha kaagad si Ana ng bimpo at tubig upang mapunasan si Scarlet. Matapos niyang asikasuhin si Scarlet, lumabas naman siya upang makapagpasalamat kay Ace.

"Thank you Ace.." ani ni Ana

"Wala iyon.. basta para kay SS handa ako.." tugon ni Ace

"Ang swerte ni SS sayo kung sakaling magkakatuluyan kayo." Ani ni Ana

"Hehe mukhang tagilid na ang laban ko.. mas matimbang sa kanya si James.. siguro nga dapat maghanap na ako ng bago.." tugon ni Ace

"Hinahanap ba yun? Hindi ba kusang natatagpuan ang ganun?" Ani ni Ana

"Kung sa bagay may point ka.. ikaw bakit pala hindi ka pa nagboboyfriend?" Tugon ni Ace

Kagaya kanina, hindi muling sumagot si Ana sa tanong sa kanya ni Ace. Kaya iniba na lamang niya ang usapan, nauwi na ito sa isang paalaman.

"Ok..ok... malapit na pala mag-umaga.. kailangan ko ng umuwi" ani ni Ace

"Gusto mo dito ka na matulog?" Tugon ni Ana

"Nako hindi na... may aasikasuhin pa ako para sa magiging bahay ko dito sa Spain." Ani ni Ace

"Ok sige.. mag iingat ka.." tugon ni Ana

Napangiti si Ace sa sinabing ito ni Ana. Tila may kakaiba siyang nararamdaman para sa dalaga.  Hindi nagtagal ay tinawag ni Scarlet si Ana.

"Ana..." ani ni Scarlet

"Yes SS.. saglit lang pupunta na ako jan" tugon ni Ana

Matapos isara ang pintuan, tumungo na si Ana sa kwarto ni SS. Laking gulat naman niya ng makita si SS.

"SS! Akala ko ba lasing ka?" Ani ni Ana

"Akala mo lang iyon.. haha magaling na ba akong umarte?" Tugon ni Scarlet

"Oo magaling! Napaniwala mo kami. Ikaw talaga.." ani ni Ana

"Ikaw ha.. may pagtingin ka pala kay Ace.." ani ni Scarlet

"SS! Wala.. ano ka ba.." tugon ni Ana

"Ana.. kita ko sa mga mata mo.. isa pa narinig ko kayo habang nag-uusap. Masaya ako para sayo Ana.." tugon ni Scarlet

"Ewan ko sayo SS ikaw talaga.. binabasa mo na naman ako.." ani ni Ana

"Halika na tabi na tayo matulog.." tugon ni Scarlet

Humiga na si Scarlet sa kama, habang nagtungo naman si Ana sa banyo upang maglinis ng katawan. Habang naglilinis siya, sumagi sa isipan niya ang tanong ni Ace kung bakit wala pa siyang boyfriend. Napangiti naman ito at nasambit sa sarili...

"Ang tagal mo kasing dumating!" Sambit ni Ana habang kinikilig

Hindi nagtagal, humiga na siya sa tabi ni SS baon-baon ang saya ng kanyang damdamin.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts
Nächstes Kapitel