webnovel

Chapter 44

Mag aalas onse na ng gabi ng makarating si Scarlet sa kanyang bahay. Pagbukas niya ng pinto, natanaw niyang nakatulog si James hawak hawak ang bouquet ng mga bulaklak. Napatingin siya sa lamesa at nakita niya ang naupos na kandila.

Nabatid niya na pagod na pagod si James base sa mukha nito, naawa siya kay James kung kaya kumuha na siya ng kumot at unan upang doon na lamang hayaang matulog si James.

"Im sorry... naghintay ka ng matagal.." ani ni Scarlet sa kanyang isipan.

Kinumutan ni Scarlet si James, saka inalisan ng sapatos. Hindi nagtagal naalimpungatan si James kaya napabalikwas ito sa kanyang paghiga.

"Scarlet..." ani ni James

"Sorry nagising kita." Tugon ni Scarlet

Tumayo si James sa kanyang pagkakahiga. Inayos ang suot na damit at kinuha ang bulaklak at saka ibinigay kay Scarlet. Pagkaabot ni Scarlet, kaagad niyang niyaya ito patungo sa kusina

"No walang problema.. teka kumain ka ba? Nagluto ako! Halika, may paella at sinangag ako..." ani ni James

Hindi sumagot si Scarlet, tahimik lamang siya na sumama kay James patungo sa mesa. At kagaya ng sinabi ni James may niluto nga ito na pella at sinangag na may tapa. Natuwa si Scarlet, subalit pansin ni James na wala siyang gana.

"Hindi mo ba nagustuhan? Sorry ha... hindi ko agad nasabi.." ani ni James

"Hindi naman sa ganun.." tugon ni Scarlet

"Teka, gusto mo ba kumain sa labas? Meron pa akong alam na bukas.." ani pa ni James

"James ok na ako.." tugon ni Scarlet

Hindi alam ni Scarlet kung paano niya sisimulan sabihin kay James na kumain na siya kasama si Tom. Ayaw naman niyang direktahin ito dahil ayaw niyang sumama ang loob nito.

"Siguro kumain ka na sa office?" Ani ni James

Napatingin si Scarlet kay James, napatungo ito at napatango na lamang sa tanong ni James.

"Ok lang.. naiintindihan ko.. sige na magpahinga ka na.. ililigpit ko lang ito." Ani ni James

"James..." tugon ni Scarlet

"Ok nga lang.. pagkatapos ko dito aalis na din ako.." ani ni James

"Saan ka pupunta?" Tugon ni Scarlet

"Bahala na! Baka hotel sige na pumunta ka na sa kwarto at magpahinga ka Kaya ko na ito." Ani muli ni James

Nalungkot si Scarlet ng mga oras na ito, batid naman sa kilos at salita ni James na nadismaya ito kahit hindi niya aminin. Pagdating niya sa kwarto, may nakita siyang paper bag.

Tiningnan niya ito kung para kanino at nang makita niya, para sa kanya pala ito. Binuksan niya ito at pagkakita niya, nagandahan siya sa damit, dali-dali niyang isinukat ito. Matapos ang ilang minuto, lumabas siya sa kwarto at nagtungo kay James.

"Jamesss" ani ni Scarlet

Paglingon ni James, nakita niya ang damit na binili niya, suot ito ni Scarlet at natuwa naman siya. Napalitan ng saya ang kaninang malungkot na pagmumukha.

"Wow! Bagay na bagay sayo.." ani ni James

"Thank you.. napakaganda.. pano mo nalaman na gusto ko ito?" Tugon ni Scarlet

Lumapit si James kay Scarlet at hinawi ang buhok nito.

"Kahit anong damit naman babagay sayo.. sa sobrang mong ganda kahit simple yan kayang mong gawing kaakit-akit" ani ni James

"Mambobola! Bakit nga..." tugon ni Scarlet

"Hindi ko din alam, basta unang hawak ko pa lang parang pakiramdam ko na magugustuhan mo ito." Ani ni James

Nagblush si Scarlet, inakap niya si James bilang pasasalamat sa regalong ito. Inakap din naman siya ni James. Hindi nagtagal, bumuhos ang malakas na ulan, lumapit si Scarlet sa may balcony at pinanood ang mga patak ng ulan.

"Alam mo namiss ko ang maglakad sa ulan kapag may problema ako.." ani ni Scarlet

"Bakit?" Tugon ni James

Humarap ito kay James at tumitig sa mga mata nito.

"Kasi walang sino man ang makakakita sa akin habang umiiyak ako sa gitna ng buhos ng ulan" ani ni Scarlet

Tila huminto ang tagpong iyon, nakatitig lamang sila sa isa't-isa at pakiramdam ni James may narinig na siyang nakapagsabi nito sa kanya noon, subalit hindi lamang niya ito maalala kung sino. Maya maya pa ay sumagot na si James

"Kung ang luha mo ang magmimistulang ulan.. handa akong mabasa, basta alam ko nadamayan kita sa kabila ng lungkot na pinagdadaanan mo." Ani ni James

"Pero hindi sapat kasi kahit masabi mo man iyan ngayon, alam ko kapag nalunod ka gagawa ka ng paraan para mailigtas ang sarili mo. So may point na iwan mo lang ako." Tugon ni Scarlet

"Paano mo naman nasabi na iiwan kita.. hindi mo pa nga ako nasusubukan." Ani ni James

Muling tumingin si Scarlet sa labas. Napabuntong hininga ito bago sumagot sa tanong ni James.

"Basta alam ko..." tugon ni Scarlet

"Paano nga?" Ani ni James

"Nakikita ko lang sa mga mata mo.." tugon ni Scarlet

"Na ano?" Ani ni James

"Na marupok ka.. sorry but this is true.. ganito ka kasi, mahal na mahal mo pero kapag nasaktan ka sumusuko ka na lang at saka ka humahanap ng iba na kayang icomfort ang sarili mo." Tugon ni Scarlet

Natigilan si James sa mga sinabing ito ni Scarlet. Napaisip siya bigla, at napagtagni-tagni niya na tama nga si Scarlet. Tama nga na madali siyang sumuko at maghanap ng ibang atensyon.

"Ganun na nga ako.. hindi ko namamalayan.. halos sarili ko na lang pala ang naiisip ko. Ani ni James

"Yeph sorry but just like with Nathalie, noong nasaktan ka niya, sumuko ka na kaagad, nasan ka ngayon? Nandito ka sa akin kung saan alam mong may masasandalan ka." Tugon ni Scarlet

"Bakit kasi ang bilis magpalit ng damdamin ng puso mo." Dagdag pa ni Scarlet

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.. bigla kong naalala si Jake." Ani ni James

Napatingin bigla si Scarlet kay James. At inalam niya kung bakit.

"Oh bakit?" Ani ni Scarlet

"Alam mo ba noong namatay siya, nalungkot ako ng sobra.. durog na durog ako... pero siguro tama ka nga mabilis akong magpalit ng damdamin.. hindi ko man lang naalala ang sakit na binigay ko kay Jake, tapos ngayon si Nathalie pa ang kinakasama ko sa buhay." Tugon ni James

Hindi umiimik si Scarlet, bagkos ay nakikinig lamang siya sa mga sinasabi ni James.

"Kung pwede ko lang sana ibalik ang kahapon, sana naitama ko ang lahat ng mga mali ko bago man lang siya mawala sa buhay ko.. sana hindi siya nawala na may sakit at poot na daladala hanggang sa kanyang huling hininga." Dagdag pa ni James

Hindi na kaya ni Scarlet ang mga sinasabi ni James, napaluha ito bigla at napaakap ng mahigpit kay James. Nagulat naman si James kung bakit biglang umiyak si Scarlet.

"Oh bakit? May nasabi ba ako?" Ani ni James

"Wala.. nadala lang siguro ako ng emosyon. Sige na magpahinga na tayo." Tugon ni Scarlet

"Sige.. anong oras na din naman. Magpahinga ka na, pagod ka pa sa trabaho. Dito na ako sa sofa.." ani ni James

Humalik si Scarlet sa pisngi ni James, iniwan niya si James sa sofa ay tumungo siya sa kwarto. Habang naglilinis ng katawan, hindi maialis sa isip niya ang mga sinabi ni James. Napapaluha pa din siya sa tuwing naaalala niya ang mga salitang binitawan ni James.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Loveisjustashowcreators' thoughts
Nächstes Kapitel