Napoot ng galit at paghihiganti ang dating malambot at mapagmahal na puso ni Scarlet. Nagplano siya ng isang malaking paghihiganti sa lahat ng mga taong nanakit sa kanya.
Bumalik siya sa Kompanya upang magbigay ng resignation letter. Nagulat naman ang lahat sa naging desisyong ito ni Scarlet. Kahit si Monica ay hindi rin makapaniwala. Si Monica ang inassign niya bilang kapalit niya,m.
"Scarlet wag mo naman gawin ito." Ani ni Monica
"Hindi ako si Scarlet! Siguro sa paningin mo oo pero hindi ako!" Tugon ni Scarlet
"Naiintindihan kita, pero kailangan ka nila.." ani ni Monica
"Naiintindhan? Eh hindi mo nga nasabi sa akin ang katotohanan habang magkasama tayo ng halos walong buwan! Sige nga Monica yan ba ang naiintindihan?" Tugon ni Scarlet
Walang magawa ang kahit anong paliwanag ni Monica. Umalis pa din siya sa kompanya, tanging ang J Dela Fuente na lamang ang tanging maituturing niya na sa kanya.
Isang tao lamang sa ngayon ang alam niyang makakatulong sa kanya. Ito ay walang iba kung hindi si Ace. Kaya, tinawagan niya ito kaagad.
Rrrrrrriiinnnngggg.....
"Scarlet??"
-Ace
"Ace i need your help.."
-Scarlet
"Bakit? Anong nangyari?
"Can you comeback here? Please"
"Ok I'll fix every to be there up soon as possible"
🖤 END CALL🖤
Makalipas ang isang linggo, dumating na ulit sa Spain si Ace. Kaagad siyang dumeretso sa bagong bahay ni Scarlet. Pagdating niya roon nakahanda na ang kanyang magiging kwarto.
"Hi Ace..." ani ni Scarlet
Umakap siya habang naka bath robe, amoy na amoy alak siya at batid sa kanyang kilos na siya ay lasing.
"Scarlet,, sandali.." tugon ni Ace
Isinara ni Scarlet ang pinto, at inalis ang pagkakatali ng kanyang Bath Robe. Nakita ni Ace ang buong hubog ng katawan ni Scarlet. Napalunok siya habang umaatras hanggang sa napaupo siya sa sofa.
Kaagad namang umupo si Scarlet sa kanya at hinalikan siya. Subalit pinigil ito ni Ace..
"Scarlet stop!" Ani ni Ace
"Why! Don't you like me? Don't you missed the body of your love?" Tugon ni Scarlet
Basang-basa sa mga mata ni Scarlet ang lahat ng mga pinagdadaanan niya, naawa sa kanya si Ace kung kaya't kinuha niya ang Robe ni Scarlet at isinuot sa kanya. Umupo siya sa tabi nito at hinawakan ang kamay.
"Anong problema? Tell me..." ani ni Tom
"Niloko nila akong lahat... lahat sila!!! Pare-parehas sila!!!!!" Ani ni Scarlet habang umiiyak
"Tama na...." ani ni Ace
"Ipinapngako ko! Sisingilin ko silang lahat! Sa sakit at pait na binigay nila sa akin! Pagod na akong masaktan!" Tugon ni Scarlet
Inakap ni Ace si Scarlet at hinaplos ang likuran. Humiga si Scarlet sa mga binti ni Ace, patuloy pa din ito sa pag iyak hanggang sa makatulugan na niya ito. Binuhat siya ni Ace patungo sa kwarto at inihiga. Awang awa naman si Ace sa itsura ni Scarlet, kitang kita na bagsak na bagsak siya sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan.
Nasa private room na si Nathalie, samantala nasa incubator naman si Baby Jasper. 1 week na siya doon at wala pa din pinagbabago. Samantala nagdoble kayod naman si James para matustusan ang lahat ng pangangailangan nila.
"Hi babe... kumusta na pakiramdam mo?" Ani ni James
"Medyo ok na ako.. inaalala ko lang si Jasper, at ang mga gastos dito sa ospital" tugon ni Nathalie
"Wag mo alalahanin ang gastos, kaya ko pa naman.." ani ni James
"Gusto ko makita si Jasper" tugon ni Nathalie
Ibinangon niya si Nathalie at inakay patungo sa nursery section, pagkarating nila roon nakita ni Nathalie ang kanyang anak, kitang kita niya ito na napakaraming nakatusok, awang-awa siya sa kanyang anak.
"Kasalanan mo ito Scarlet! Magbabayad ka!" Ani niya sa sarili habang pumapatak ang mga luha
Dumating naman si Lorena kasama si Jasmine, kaagad niya itong kinuha at inakap ng napakahigpit, giliw na giliw siya sa kanyang anak.
"Bestie, salamat sa pag aalaga sa anak ko" ani ni Nathalie
"Walang problema.. basta ikaw bestie..." tugon ni Lorena
Nagpaalam na si James kina Lorena at Nathalie, upang magtungo naman siya sa restaurant. Pagkaalis niya bumalik na ang dalawa sa loob ng kanyang kwarto.
Pagkapasok sa loob, ay napag usapan nila si Scarlet. Nabalitaan ni Lorena na hindi na siya ang CEO ng kompanya ni Tom. Masayang masaya naman si Nathalie sa balitang ito ni Lorena.
"Magandang Balita yan... dapat lang sa kanya yun! Dapat lang mawala sa kanya ang lahat" ani ni Nathalie
"Tama! Dahil sa kanya delikado ang kondisyon ng baby mo" tugon ni Lorena
Habang sila ay nag uusap, bigla namang may kumatok. Pagbukas ni Lorena, si River pala ito may mga dalang pagkain at prutas. Tuloy pa din ang plano niya sa pag iimbestiga sa anak ni Nathalie.
"Oh Nathalie. Kumusta n pakiramdam mo, Si James nasaan?" Ani ni River
"Medyo ok na ako... si James kakaalis lang hindi mo ba nakita sa parking?" Tugon ni Nathalie
"Hindi eh! Siya nga pala eto para sayo.." ani ni River
"Salamat nag abala ka pa.."tugon ni Nathalie
Nakita ni River si Lorena at Jasmine. Kaagad naman siyang lumapit sa dalawa at kinausap si Jasmine. Tingin- tingin sa kanya si Nathalie, habang nilalaro nito si Jasmine. Iniwan naman ni Lorena ang dalawa at dumaais ng muli kay Nathalie.
"Bakit pa kasi nagpunta yan dito" ani ni Nathalie
"Hindi ko alam.. tingnan mo Bestie.. ang sweet nila para silang magtatay" tugon ni Lorena
Napalunok si Nathalie sa kanyang narinig, nakatulala ito sa dalawa kaya muling nagsalita si Lorena.
"Bestie.. may nasabi ba ako?" Ani ni Lorena
"Ah wala, may iniisip lang ako.." ani ni Nathalie
"Sigurado ka? Kilala kita kapag may tinatago ka.. tell me Bestie.. please..." ani ni Lorena
Hindi nakatiis si Nathalie sa pangungulit ni Lorena, kung kaya't ikwenento niya ang lahat sa kanyang kaibigan. Halos hindi naman makapaniwala si Lorena sa kanyang nalaman. Maya maya pa ay nagpaalam na si River sa dalawa sapagkat makikipag kita siya sa kanyang kaibigang si Ace.
"Lorena, Nathalie... mauna na ako may tatagpuin pa kasi ako.." ani ni River
"Sige River.. salamat sa dalaw" tugon ni Nathalie
Kaagad na inihatid ni Lorena si River hanggang sa may labasan. Habang naglalakad si River, kinuha niya ang kapirasong buhok ni Jasmine at iniligay sa isang malinis na plastic. Bago siya magtungo sa tagpuan nila ni Ace, dumaan muna siya sa kinaroroonan ng kanyang private investigator at ibinigay ang sample na kanyang nakuha.
Pagkatapos niya doon ay dumeretso na siya sa bar kung nasaan si Ace. Nagtaka ito kung bakit biglaang umalis si Ace at biglaan din naman kaaagad ang pagbabalik nito...
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.