webnovel

Chapter 46

Two weeks later

Nanumbalik na ang lakas ni thea. Pumapasok na din siya sa school. Nandito kami ngayon sa clinic. Duty ko kasi ngayon at siya naman, well wala pa naman daw kasi siyang klase kaya dito na daw muna siya sa clinic tatambay.

Kasalukuyan siyang nakahiga sa clinic bed habang inaayos ko naman yung mga files ng mga estudyanteng nagpa-urine test kanina.

Napatingin ako sa direksiyon niya "baby, anong oras na. Wala ka pa bang pasok?"

Iniling lang niya ang kanyang ulo. Binalik ko na ulit yung atensyon ko sa ginagawa ko. Ilang segundo lang ay naramdaman kong bumangon siya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

Nakatingin lang siya sakin saka biglang ngumiti ng napakalapad.

Kumunot naman yung noo ko sa kanya "bat ganyan ka makangiti? Ang creepy ha"

"Naisip ko lang kasi..." she jumped out of bed saka lumapit sa table ko "why don't we ditch class for today?"

"Baby, that's not gonna happen. No one's ditching class today, okay?"

"Why not?"

"kakabalik mo lang sa school aabsent ka kaagad" Sabi ko sa kanya

"Akala ko ba ayaw mo akong mapagod?" She asked me with her sad tone of voice

"True" simpleng sagot ko

"Eh pano yan napapagod akong mag-aral. Dami kong kailangan gawin. My brain is about to explode. Ang sakit sa ulo" pagdadrama niya habang hawak hawak ang ulo niya

Napailing na lang ako sa kanya "diba sabi ko naman sayo tutulungan kita dun sa mga lessons na namiss mo andyan din si ally"

"Sige na kasi love. I need to rest my brain" she pouted

Tinitigan ko siya ng ilang segundo. Nakipagtitigan din siya sakin habang nagmamakaawa "please...promise ngayon lang to...pleaseeeee samahan mo ko"

Mandadamay pa talaga to sa pag-absent eh. Hayy

Napabuntong ako ng hininga

"Sabihan ko muna si ally na di ako makakapagduty mamaya"

"Yes" she happily said "I love you talaga" she pinched my cheeks across the table

I playfully slap her hands. Tumawa lang siya. After kong sabihan si ally ay umalis na kami ni thea sa school.

Sakay kami ngayon ng scooter niya. Nakapatong ang baba ko sa balikat niya habang mahigpit na nakapulupot yung mga braso ko sa katawan niya. Namiss ko to.

"Where are we going?" Kanina ko pa siya tinatanong kung saan kami pupunta at ang palagi niyang sagot ay "basta"

Hinayaan ko na lang siya dalhin ako sa kung saan man niya gustong pumunta. May tiwala naman ako dito eh.

Ilang minuto pa kaming bumyahe hanggang sa matanaw ko ang dagat.

She stopped her scooter "we're here" she turn her head on her left side wherein my head's still resting on her shoulder.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko "I told you I need to rest my brain and I think this is the right place on that" I smiled at her then gave her a peck on her cheeks

Bumaba na ako sa scooter niya then tinanggal na yung helmet sa ulo ko. After nun, hinawakan niya ako sa kamay at nagsimula na kaming maglakad papuntang dagat.

——

I'm sitting here on the sand while watching thea writing something using her shoes.

I slightly chuckled. She's really a carefree person. Yung parang walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya. She doesn't even care about her shoes getting dirty. Puti pa naman yung shoes niya. Anak mayaman talaga haha

"Love!" tawag niya habang patakbong lumapit sakin

"Wag ka ngang tumakbo! Mapapagod ka eh!" pasigaw kong sabi sa kanya since medyo malayo pa siya sa kinaroroonan ko. Agad naman akong tumayo at sinalubong siya "come! May papakita ako" she excitedly said that as she grab my hand to hold saka ako hinatak papunta sa kung saan siya galing kanina.

Nang papalapit na kami ay bigla niyang binitawan ang kamay ko at nilipat yung mga kamay niya sa mga mata ko para takpan ito.

"Hmm? Bakit may patakip ng mata?" curious kong tanong sa kanya

"Basta"

"Puro ka basta. Dapat pangalan mo si basta eh" Bahagya naman siyang natawa

"Eto na tayo! Tatanggalin ko na kamay ko ha" malambing niyang sabi saka tinanggal na ang kamay niya na nakatakip sa mga mata ko "tadadada!" She happily hugged me from behind

Matic naman na napangiti ako sa sinulat niya sa buhangin

K & T

'til we're 70

Yan yung nakasulat sa isang malaking heart. Kumunot naman yung noo ko kung bakit 70

"Why til we're 70? Bakit di na lang to infinity?"

"Wala lang para maiba tsaka kinuha ko yan sa kanta ni ed sheeran" she shrugged her shoulders habang natatawa "alin dun?" Tanong ko "yung thinking out loud"

"Sige nga kanta mo nga yun" she cleared her throat bago kumanta "and darling I will be loving you 'til we're 70..."

"Yun lang? Kanta ka pa"

"Kung makarequest ka naman parang ang ganda ng boses ko"

"Eh gusto kitang marinig kumanta bakit ba" sabi ko sa kanya habang yakap pa rin niya ako mula sa likod "oh me I fall inlove with you every single day and I just wanna tell you I am..." hinawakan ko yung mga kamay niya na nakapulupot sa katawan ko "so honey now, take me into your loving arms..." saka niya hinigpitan ang pagkakayakap sakin sa part na yun

She never fails to make me feel kilig. Kahit mga simpleng bagay lang gaya nito. Napapasaya niya na ako.

"Kiss me under the light of a thousand stars..." Humarap ako sa kanya. I cupped the side of her cheeks with my both hands while she's resting her own on my waist. I fixed her hair na medyo nagulo dahil sa hangin habang patuloy pa rin siya sa pagkanta "Place your head on my beating heart. I'm thinking out loud...Maybe we found love right where we are" Napangiti kami sa isa't isa

We pressed our foreheads against each other for a moment.

"Wait, I have something for you" she took something from the inside of her shoes. Nakapaa lang siya ngayon since ginamit niya kanina yung isa niyang shoes sa pagsusulat sa buhangin. Dun naman niya kinuha sa loob ng isang pares ng sapatos niya yung bagay na yun. She handed me the cutest paper ring that I highly believe she made. You know thea she likes origami.

"Don't worry walang amoy yung paa ko" she jokingly said which made me laugh "I made this as a promise ring" hinawakan niya yung dalawa kong kamay "krystal ever since I met you di ka na nawala sa isip ko. You made me confuse about myself. Di ko inakala na magmamahal ako ng kapwa ko babae" she started off "And nung nahulog na ako sayo, I also didn't expect that you would love me back. That you would feel the same way about me" she heaved a sigh "You never leave my side despite of you knowing my condition. You're still here...with me"

"I would never leave you thea. No matter what your condition is. Di kita iiwan. Di kita isusuko ng ganun ganun lang. Sabay tayong lalaban. You know that"

"Thank you for taking care of me. For loving me..." naiiyak niyang sabi "unconditionally" pumatak ang luha sa kanang mata niya kaya niyakap ko siya

Isinubsob niya ang kanyang mukha sa bandang itaas ng aking dibdib "Hangga't walang binibigay na reason si God sakin para iwanan ka o isuko ka. Dito lang ako sa tabi mo. Di ako mapapagod alagaan ka. I will love you 'til we're 70, remember?" napatawa siya ng bahagya dun

Kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kanya then pinunasan niya ang luha niya "Pano kung ako na yung sumuko? Lalaban ka pa rin ba?"

Di naman ako prepared sa tanong na yun. Makahulugan yung tanong niya eh. Alam ko kung ano yung ibig sabihin ng tanong niya. Pero pano nga kung siya na mismo yung umayaw. Makakaya ko ba?

"Ano ba namang klaseng tanong yan babylove. Siyempre lalaban pa rin ako. Kasi yun ang dapat" she slightly smile at me

"Eh love, matatanggap mo kaya tong paper ring bilang tanda ng pagmamahal ko para sayo?"

"Did we just say our vows to each other?" she just shrugged her shoulders

"Maybe..." she said while smiling "so?"

"Of course! I do accept it" isinuot na niya yung ring sa ring finger ko

"Promise me you won't destroy this paper ring unless you do have a reason to"

"I promise I won't and I will never" I sweetly smile at her "iingatan ko to kagaya nang kung paano kita iniingatan"

She kissed the paper ring in my hand.

We spend the whole afternoon there sitting by the beach as we wait for the sun to set.

Nächstes Kapitel